Monday, December 24, 2007

Merry Christmas



Mula sa Madawang na Gubat ng Baclaran, Parañaque...
MERRY CHRISTMAS :D

Parang madawang gubat dito sa t'wing kinakailangan kong tumawid... geez and hirap, ilang calories din ang nawawala sa akin sa pagtawid ko dito... siemps hindi pa dyan kasama ang na-t-train kong senses dahil kailangan ko ding maging aware sa paligid. Watch out ka lang sa likod sa mga nanghahablot at mga paninda na nakaharang sa kalsada lalo na yung mga babasagin at baka mapakyaw ko pa ito ng wala sa oras. Hindi pa kasama dyan yung mga namimili na humaharang din sa daan habang nakikipagtawaran.

At kahit ganito pa ang itsura ng buhay -- madawang, may bargain, may mahal, may mangloloko, may nanghahablot, may nanghaharass, may bold DVDs, may malinaw, may malabo. Makulay pa rin at ang pangako na sa dulo ng lahat ay may nangaabang sa'yo... yes, ang jeep papuntang Sucat (hehe i-connect ba!??) siemps kasama na dun ang maganda at exciting na buhay.


Baclaran Tiangge -- Gubat

yeah! fiesta!
(siemps kinuhanan ko yan sa LRT Station para safe)


Friday, December 21, 2007

Sining ng Pangongopya

Isa sa mga nakakatawa at nakakatuwang experience ko as a student eh ang makipagkopyahan... Nyahaha! Contrary to popular belief, ang pakikipagkopyahan actually can foster and build TEAM WORK! Wooo.. No syet!?!

Most of us knows the hassle of four to five major exams to be taken in just one day -- nakakatuyo ng utak. And in these instances nagiging crucial ang lahat ng kahit maliliit na factors, yung almusal mo sa umaga, weather (kung maaraw, maulan o mahangin), nagtatae ba yung ballpen mo, tasa na ba yung lapis mo o may lead ka pa ba? At siempre ang topic natin! Ang pangongopya! Nyahaha!

Point of advice, hindi ka susugod sa exam sa pag-asang makakakopya ka lang. Interdependence ang kopyahan dapat may bala ka din. Ang importante kasi dapat may matri-trigger lang yung makukuha mong information. Ganon! (sabagay kung makapal talaga ang muka mo sa kopyahan ka lang aasa)

So talagang may review naman kami. Most likely ginawa lang namin ito for the kicks... What i am saying is nothing beats regular study habits. Kung staggered ang iyong study periods ni hindi ka sisinukin kahit magsabay sabay ang exams -- Oo siemps mahihirapan ka din ng konti maliban na lang kung prodigy ka. Pero dahil makulit ka at bihira lang ang ganitong klaseng guide. Read on..

Eto na ang mga positions!
Sining ng pangongopya -- dahil technical na ang maraming bagay Ü



Ang totoo talaga nyan… ang mga totoong nag-aaral at talagang nakikinig e, pumupwesto sa unahan. Isa pa mas marami ka talagang matutunan ng ganito. At impression hindi kayo magko-kopyahan dahil attentive naman kayo sa klase. Deposit nyo yun sa instructor. For this to work as well. dapat hindi kayo magkopyahan or minimised ang ganitong activity sa simula. Your group is trying to earn your teacher's trust -- in the long run it will be all worth it hehe.

On the other hand -- ang mga Usual Suspects ay nakapwesto agad sa likod. paghihinalaan kagad kahit ala pang ginagawa, especially kung grupo din sila.



sa Position na to -- ang bida eh ang Chairman proficiency-wise sya ang nakareview ng maayos o ang pinaka-knowleadgeable sa grupo -- nasa likod ang mga Dehado Members. Ang sagot nila ay expected na manggagaling kay Chairman. Pero ang sagot ni Dehado Member 2 ay dapat manggaling kay Sakto Member 2. Bakit Kay Sakto Member 2? Kasi Right Handed ang mga armchairs. Masyadong magiging obvious ang movements ni Chairman -- Kaya kung sino ang mas dehado sya ang nasa likod ni Chairman.



so gets mo na ang bida talaga eh ang Chairman isa pang factor na dapat i-consider dito eh yung misdirection, as you can see nasa harap ang grupo, ang "common thinking" kasi, walang magkokopyahan sa harap mismo ng instructor. with that its much easier to stay and look clean :D. Mas matibay ang position na to, pero dahil sa compact ang group, mas obvious ang mga paggalaw na dapat i-minimize, tig-isa ng resource ang mga Dehado Members, bukod pa don, may pang countercheck pa ang Sakto Member 1 with the Chairman kung ok pa ang sagot nya.

Ang isa pang technique na puedeng gamitin dito eh yung Calculator Swap. to perform this dapat pare-parehas kayo siemps ng calculator, pag nalingat ang teacher?!? Haha! Calculator Swap! Wala pang hule!



Sa position na to, ang Chairman pa rin siemps ang bida, pero teamwork na malupit ang kailangan dito, kailangan kasing padaluyin ang sagot ni Chairman papunta sa likod. Sa ganitong posisyon -- isa lang ang aasikasuhin ni Chairman na pasahan, unlike sa Stay Together position, na dalawa hanggang tatlo ang kailangan nyang batuhan. Bawal dito ang naturally napakaliit ng sulat, that person would be an insulator to the flow. Dapat legible pa rin ang penmanship even from a distance.



sa Position na to -- sinusubukang isalba ng lahat ang pinakadehadong miembro ng grupo.
Kung talagang alanganin yung isang miembro at crucial sa kanya yung exam, this position will make or break him. Obvious naman na nakacover yung mga Sakto Lang members. This gives the Chairman the most flexibility to pass his/her answers.

Pero siempre naman hindi naman aabot sa sukdulan to kung nag-aaral sana ng mabuti yung miembro natin dibs? :D


In Conclusion: The whole kopyahan thing is again -- alam na ng magaling mong guro, napagdaanan na nya yan eh. o kung minamalas - malas ka, nagawa na nya rin. Its just a game after all. Of who is outwitting who.

Oo… hindi lahat ng pinagaaralan mo sa college madadala mo sa buhay or even sa field, pero higit sa lahat ang importante para sa akin yung discipline, and siemps yung teamwork (hehe)... kahit pa master mo pa tong mga kalokohan na to by heart, mas fulfilling pa rin if you go through challenges with a clean conscience and the conviction that you made it by your own effort -- mas kumpleto ang tagumpay that way... o sya, mag review na! :D

Monday, December 17, 2007

Gov. Among Ed Panlilio


This December 11,
the Province of Pampanga
celebrated its 436th Anniversary.

The strange thing was,
not a single one among
the Provincial Board members,
the 21 City/Municipal Mayors,
the Basketball Coach/Vice Governor,
attended the official celebrations.

Among Ed was snubbed by all
of Pampanga's Low-Quality Local Officials,
who seem hellbent on driving out the
duly-elected Governor-Priest out of the
Provincial Capitol by the end of 2007,


Ang pagkakilala ko lang kay Gov. Ed Among Panlilio is that he was a priest, who chosed to run for the sake of the better good of his beloved Pampanga. Furthermore he is also the first politician who opened to the media PHP500,000 cold cash he allegedly received from Malacañang.

Whatever happened to that stash of money given to the representatives, we can never can tell. Namatay na lang yung issue, the same way na namatay ang issue about Hello Garci Scandal, NAIA Terminal 3, Overpricing of Macapagal Avenue, and even the recent ZTE Broadband Deal. Hindi pa rin kasama dyan yung North Rail Overpricing Project.

geez... politics...
gaano ba kabobo ang tingin ng ilang politicians natin sa mga Pilipino?

Gov. Among Ed is one of the reason i believe Filipinos do still have hope, nakakalungkot lang na sa Pampanga, ang mga tao lang mismo ang sumusuporta sa kanya, how about the rest of the politicians? Bakit mait na mait silang mapatanggal na lang sya instead? Is corruption so deeply etched on our culture that most of us would rather choose to stay away from the issue? Magwalang bahala and all?

For all its worth, Gov. Among Ed is a breathe of fresh air in our stenchful politics. Nakakatawa kasi na kung susumahin ang gustong palabasin ng mga politiko natin -- lahat sila malinis, lahat sila walang bahid, walang may kasalanan. Masakit sa ulo. Kay Gov. Ed ko rin nakikita ang isang underdog na magwawagi rin sa huli, yung tipo ng bidang nagpapabugbog muna sa huli pero babangon at magbibigay ng pag-asa sa huli.

I just hope Gov. Ed survives it all, the false accusations, the character assassinations, death threats and all other bad things being throw at him figuratively and literally...

Friday, December 14, 2007

Malalaking Kalokohan sa College -- Part 2

Continuation ng listahan! well eto na sila

6. Ladderized Tuition Fee Increase --
pero kung tutuusin, genious ang scheme na to eh. Ini-exploit kasi nito yung in a way pagiging apathetic ng senior students over their younger colleagues. And thus less ang resistance sa deregularized tuition fee increase. Minsan kahit wala nang paliwanagan.. Kahit hindi na-u-upgrade yung mga equipment, kahit hindi tumataas ang sahod ng mga teachers at personnels basta itaas ang tuition, konti lang ang nagreklamo eh.. Tuloy ang ligaya!

7. Controlling / Abolishing Student Council --
hindi maipatupad ang ladderized tuition increase dahil sa mga 'tibak' at resistant student council? E'di sibakin mo ang student council kung hindi naman hintayin na lang silang grumaduate. Karaniwan naman kasi mga senior na ang matatapang na council kaya hindi na mahirap hintayin ang pag-graduate nila lalo na kung ang gustong isulong ng admin eh yung mga kaisipang sila mismo eh alam nilang di sila mananalo -- tulad ng panatilihin ang instructor na nangurakot o nangmolestya ng mga estudyante ("breadwinner kasi sya e, kawawa naman ang pagtinanggal sa trabaho -- syet")

8. Deadly Fraternity Hazing --
May mas sayang pa ba sa isang promising student na namatay sa violence? Sukatan ba talaga ng loyalty ang hazing? Alam naman natin na time ang sukatan loyalty eh... Pero baka may lakad yung mga frat na kung makahazing dinadamay na rin ang pagcha-channel ng kanilang stress at hinanakit sa buhay. Sure, kung hindi serious ang isang neophyte hindi nya pag-aaksayan ng panahon ang hazing pero ang stand ko ang friendship ay nasusukat lang ng defined situation at higit sa lahat ng oras na ilalaan mo dito at hindi sa basag ulo.

9. Bivouac --
This is actually part of the last requirements for ROTC, its so big of a joke, it has a distinction of its own. The only thing you would learn from it is the fact that life is actually unfair. Well i appreciated it in the sense that there were friends to share the joke and pain of the whole experience, and whole new respect for military cadets since they experience it over and over. Imagine 3days and 2nights, walang banyo.. Ang pagkain nyo parang nababoy, you're wearing your jacket the whole time. Bilad sa araw, nahahamugan sa gabi.. Di ako nakadumi nun 3 straight days.. Ng makauwi ako nakatulog ako ng 6pm para magising ng 8am. Walang detalye akong maalala pagkatapos, parang isang malaking bangungot. Hanggang ngayon nagtataka ako bakit di ko makumpleto detalye ng 3days at 2nights namin dun... Hanep talaga!


10. ROTC --
ah yes, classic joke at its finest. Reserve Officers Training Corps. Sa totoong aspeto ng ROTC napaka-noble na cause nito, to train the nation's citizens so that in time of turmoil, invasion or if her liberty and constitution is compromised the government can call to the reserved officers to protect her. It can't be less noble than that... Pero sa kasawiang palad hindi ito ang nangyari, my first lesson on massive corruption i witnessed from the ROTC, Ah yes... Kung pano kumikita ang mga officers ng walang puhunan sa overpriced softdrinks, siopao, hopia. Ang kickbacks para sa mga cadets na ayaw mabilad sa araw di bale nang 2.5 lang ang grade na ibigay sa kanila. Ang kung pano ubusin ang oras namin habang nasa ilalim kami ng araw ng walang rason at ang mga officers ay busy sa pagpo-power trip sa iba pang cadets. I don't know if there is anything that can redeem ROTC on having the rotten stench on its name. Especially the event that led to it to be abolished. Well, di talaga sya totally na-abolished pero at least di na sya mandatory. Keywords? ROTC, Cadet, UST, Death.


And yun ang nag-top sa akin list... :D tuloy pa rin kaya ang kalokohan sa college hanggang ngaun? somehow i think oo ganun na nga. Anything else you might like to add?

Elf -- Auto Reply!

Yup! kahit na medyo busy and all... kahit minsan eh short sa budget and cash. There is something magical about Christmas for me, yung mga malinawag na decors, bibingka and puto bumbong or just simply the cool breeze na sa salubong sa'yo sa umaga (kahit pauwi ka pa lang sa umaga). The Christmas spirit is alive! If you'll just let it in first...

Like an honest promise that everything will be alright. Yey!


San kaya puedeng mag-apply na elf ni Santa!? Hmnnn...

Tuesday, December 11, 2007

Rich Dad Poor Dad

Rich Dad -- Poor Dad,



Ok...
sa totoo lang, natuwa ako sa rich dad poor dad, pero nung nakita ko na yung mga sumunod na mga libro, umn... wala lang, parang "kailangan ba 'to lahat?" so i just ended up looking for e-books, ah ye... hail oh free information, on my attempt i stumbled upon a challenging review of Kiyosaki's books and views.

ah there i am, starting to question about Kiyosaki's books as well. Is he really up to help people? is his book really revolutionizing? malupit ba talaga ang views nya? is he a new hero or another opportunist up to make more money for hisself and nothing else?

There are truth to his views and some gems to maybe whirlwind of his radical thinking. it can be a truth or a fallacy, i guess depending on who is actually and how one view it. some may find it skeptical but i find the statement below truthful

"the rich don't work for money... money work for them..."

But for that to even happen of course a person have to put some efforts first. wala namang nabubuo ng mag-isa, lahat yan dapat trinatrabaho.

Ultimately... wala naman talagang formula sa success ng buhay, ang meron ay principles. Although one may fail more times or the other ang totoo ang may tiyaga ang may nilaga, pero siempre hindi lang sapat ang may tiyaga ang isa pang factor ano ba ang pagtitiyagaan mo...

Nyah...

Friday, December 07, 2007

Malalaking Kalokohan sa College -- Part 1

Dyaran! sigurado naman akong hindi na sa inyo bago itong mga nilista ko dito. :D
Medyo nahabaan ako sa article eh kaya hinati ko sa dalawa... Do you happen to have any other School Boo-boos?!? Lets discuss some of them...

1. Field Demo --

eto yung mga pinapagawa sa mga freshmen ng kanilang mga p.e. instructors, effective daw ito for highschool students since it gives a venue for interaction, creativity and to some extent builds confidence. Hindi ko sure kung pareho ang epekto nito sa college, what i am sure is that it becomes a sideline para sa mga teachers na nangongontrata ng patahian at may porsyento sila sa bawat yaring costume (sabagay puede rin namang pagkakitaan ito ng mga highschool teachers). Wala akong against kung gusto ng mga grupo ng estudyante na magpasikat, basta nandun yung magic word na "gusto".. Meron talagang mga grupo ng estudyante na gusto ng mga ganitong bagay at ito ang channel ng kanilang creativity, may grupo at organizations pa nga sila eh. Ang pangit kasi minsan eh ung nahohostage ang mga estudyante na gawin yung mga bagay na tila walang kinalaman sa totoong pinasok nila at gustong aralin sa college, it sometimes fail to teach appreciation. Imagine law students, or chemist? Oh highly technical courses.. May connect ba? Wala! Why not stick to means of developing appreciation to the arts? Watch theatrical performances and exhibitions? I bet that would be better... And to some extent cheaper.

2. Overpriced School Supplies like school logo labeled bond papers, Buff papers, quiz notebook, PE number, at ID Lace --
ah yes, parang fans club na may official ganito at ganyan - prescribed na kung anu anong kagamitan. Siguro nga sobrang hirap mag maintain ng school at may mga ganito pang collectible items, wala naman sanang problema.. Pero sana malapit naman sana sa DTI prices. attendance sheet na kapilas ng regular folder -- ten pesos! Makatarungan ba yon?!?

3. Field Trips to Indiffirent and Irrelevant Venues (Ka-level ng Indiffirent and Irrelevant Seminars) --
May connect ba ang pagawaan ng Choki-choki sa Physics? O ang Ocean Museum sa Math? O swimming sa kahit anong project? Nope i don't think so aswell, pero ito ba ay revenue generating kung hindi man sa mga promotor e sa school na nagpauso nito? Kaching! Kaching!

4. Cocky Registrar People --
pero di mahamak na mas masusungit ang mga cocky people ng PRC! Pero graduate ka na nun eh. Hindi ko na kailangan sigurong i-explain pa, kung database ang hawak mo at ang trabaho mo ay maghanap ng maghanap nakakabadtrip yun. Pero bakit ba maaangas ulit ang mga registrar people? Dahil importante ang mga hawak nilang docus? wag mong gantihan ang cockiness nila dahil baka patagalin ng buwan ang dapat sana'y dalawang linggong processing ng transcript mo.

5. Mga Pumapasang Walang Alam Due to "Special Projects"--
nakita mo na yun sigurado, o di kaya yung barkada ng instructor na flat one. Pag instructor naman kasi ay naglagay na ng grade at ipinasa na ito di naman ito i-co-counter check eh, yun na yun. It destroys the integrity of the instructor. Di bale, kung hindi magbabago yung magaling mong classmate malamang sa hindi matindi ang magiging epekto nun sa later life nya. Di sya magkakatrabaho, malululon sa drugs, tatamaan ng malupit na sakit ang pamilya nya at magkakaron ng miserableng buhay! Bwahahaha! 'de joke lang. Ü sana nga lang wag mo syang maging bisor.

What i find most shitty about this academe boo-boos is how it judges our college students. Palagay ba ng mga school admins ganun ka-kahon ang isip ng mga estudyante? Ganun ka-tanga? Ganun ka-baba? Na-ah I don't think so, may mga kalokohang nakakalusot hindi dahil apathetic ang iba at pinababayaan lang silang mangyari. Pero unnoticed ba? Alam at naiintindihan nila yan. Ginawaan ba ng paraan? Thats the main question.

Thursday, December 06, 2007

Tagged by Redge = Inkee

ayan! wou!
para pala akong turista sa sariling bayan nito!

sabagay hindi naman ako gala eh -- mas gusto ko pang bumiyahe kesa makarating sa mismong destinasyon. :D


My Lakbayan grade is D!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

ang galeng! sino ba puede kong i-tag
si virgie, and mel :D

Monday, December 03, 2007

Blog Reviews -- Pheeb’ s Instant Pakulo

To Start the week positively… I’m now starting make a review of blogs I frequently visit and came to like. So una sa list si Pheebs! Yey!

Nung nagsimula akong mag blog, wala akong ka-ide-idea kung pano ako magkaka-audience. Siemps gusto ko rin namang may magbasa – or maka appreciate din naman ng mga sinusulat ko (hindi man maraming audience, at least may maka-appreciate din). Ang iniisip ko eh kung san nga ba nanggagaling yung ilang mga forwarded mails – tulad ng ibang pinost ko dito. Sino ba ang nagpapadala ng mga ganun? At sino ang nag-aabalang mag gawa on the fist place. So I tried peddling some of my works sa bobongpinoy yahoo group.

There I also get to prove na hindi nafo-forward yung mga works ko :D wehehe (Pa-deep kasi minsan eh – boring naman haha!)

Pinalad naman na may bumisita – dyaran! Si Pheebs! Ang una nyang blogsite eh ang Tangakoh.


Tangakoh -- Machong Senti

Besides the blogsites of my officemates now I get to appreciate a new site! May halong kalokohan, sentiments at fiery youth talents! Yan si Pheebs para sa akin, in a way misnomer and self destructive ang name na pinili ni pheebs para sa una nyang site. Dahil una ang wits na prine-sent ni Pheebs is far from being stupid. She describes her world in a quite funny manner but stupid? A big NO! Siguro what I find quite disengaging on her first site was the sad-serious ambience of her template tapos yung tugtog pa nyang makabagbag damdamin. Tapos ang kakulitan ang pinagkukwentuhan nyo?!? Nyahaha! Nakakabaliw. And to think she is only on her highschool days… overflowing with talent indeed.

Pheeb’ s Instant Pakulo – is her new site right now. Twice as wacky, pero mas less senti. And here, you can read her still more crazy positive outlook to life. Natatawa rin ako sa ginamit nyang blog name “Instant Pakulo!” haha parang gameshow scenario a…


Instant Pakulo -- Umaapaw~~!

“Anak ng pating… anong gagawin natin bored na bored na ako! Nagawa ko na yung mga reports at templates – ayoko naman nang magbasa ng review notes buong araw. Gaaah! (*batong-bato)”

“Wag ka nang mag-aalala eto na ang sagot sa bwakang boredom mo! Nang hindi ka maburyong!”

“Hah!?? Ano yan!”


“Pheebs Instant Pakulo!”

Lalabas si Pheebs mula sa cabinet ng kanilang laboratory tapos everybody happy na! haha! :D
Tandaan lang na si Pheebs ay nasa college na ngayon, who knows kung ano pang pakulo ang gagawin nya! In an instant! Dyareeeen!

Pheeb’s Instant Pakulo – Killing Boredom in a Jiffy!

Thursday, November 29, 2007

Trillanes X Manila Peninsula X Anarchy

Ibang klase talaga ang channel ng hinaing ni Trillanes. Hindi na sapat sa kanya na may pwesto sya sa Senado -- he haven't fully utilized the venue, eto nanaman sya. His group now took over Manila Peninsula.

Funny and weird -- habang naglalakad papuntang Manila Pen, sumisigaw pa sila ng "Sumama na kayo sa men!" na parang gago l.ang.
Ganon na ba ang pagkuha ng crowd ngayon? Pauso

Sigurado namang may grupo sa likod nila, pero naman! sino ba sa kanila ang nakaisip na maggaganon sila?! Futile lang ang kalokohan nila -- totoong kailangan ng pagbabago and all, pero hindi ganitong klase ng aksyon ang gagawa ng pagbabagong hinahangad natin.

Pinatulan tuloy sila ng gobyerno, pati mga media may posas ng tier-ups... Masakit pa naman matali ng ganon. Tapos may curfew - curfew pang nalalaman na ngayon! Isa pang pauso!

Palagay ko kasalanan to ni Ate Vi eh -- Humingi kasi sya ng pagbabago, dapat imbestigahan rin ang Ariel with Oxybleach.

Four years ago ginawa na ito nila Trillanes. Ibang klase ang pagmamahal nila sa bayan at malasakit dito, pero sa means na ginamit nya at ng kanyang mga kasamahan they looked like another bunch Schizophrenia cases.

Kailangan naman talaga ng pagbabago totoo yun... pero ang tulad ng maraming beses na nating narinig ang bungang hinog sa pilit eh mapait. Pero kailan nga ba ang tamang panahon at oras? Its actually a question of sincerity, do we want change? And those poses to lead the so called change are they sincere? At this point ang pagbabago eh hindi sa kalye nagsisimula -- sa sarili muna.


"Fast is slow... and slow is fast"

-Stephen Covey (7 Habits of Highly Effective People)

Grade 6 -- Ang Matagal na Kasunod!



1. Pangalan ng School na Pinanggalingan -- Kung san mo unang nameet ang iyong unang crush / bestfriend / mortal na kaaway / archrival / teacher na nangangain ng mga bata (joks!)
2. Pangalan mo siemps! -- at dapat may 1/2 yung age ha! palamuti yun eh
3. Ang iyong mahal na principal at advisor
4. Ang komertaryo sayo ng teacher mo -- madalas sa hindi "Mag-aral mabuti" ang nakalagay dyan
5. Nagpapatunay na nakalampas ka ng buhay at ikaw ay tutungtong sa susunod na baitang congrats!




6. Ang listahan ng iyong mga grades! wouuu! resulta ng iyong pag-i-stay sa classroom, habang nakikinig at nangangarap on the same time
7. NEAT (National Elementary Achievement Test) -- sinong nagsabing walang na-aachieve sa elementary!?? ayan oh! ang linaw linaw!
8. Attendance -- kala ko dati kung ano lang to eh... binibilang pala talaga ang ipinapasok mo sa school?? huwaw!
9. Character Building -- mga squares na pinupuno madalas ng mga "B" hindi na inilagay ang mga "B"s ko nagkatamaran eh -- understood naman na kasi yun. wehe! :D


If you'll browse back through my previous - previous posts. I actually have these Grade School series... Oh e no ngayon? Wala lang, nasa Grade 6 na pala ako.. At itutuloy ko na ulit ang kwento! Yey! Isn't it grand?! -- err no

Nung panahon namin, ang isa sa mga label na gugustuhin mong maidikit seyo eh yung mapabilang sa section 1, kala ko nga mapapasection 1 na ako pero hinde, nalagay ako sa section 2. Counterpart ng section 1 sa afternoon shift weirdo nga lang eh kasi nung gawin din kaming pang-umaga ginawa kaming section 7.

Ang isa sa mga paborito kong pangyayari nun, eh nung sumali ako sa isang science quiz bee. Ako ang naging representative ng section namin dahil ipinilit ko ang sarili ko at di mapilit ng teacher ko ipinipilit nya.

Afternoon, pagkatapos ng klase sa umaga -- tinipon ang mga section representatives sa library. Unang reaction ko agad? Wow! Ang dami pala talagang libro sa library! Yun kasi ang 1st time na makapasok ako sa library namin na ang silbi nun eh faculty room/meeting place ng PTA/meeting ng mga school officials.

Pansin din na formality lang din ang section representations. Labinglima ang representatives ng section 1, at tig-iisa lang ang representatives ng section 2 to 14. Kaya ganun na lang ang sarcasm ng teacher ko nun sa science ng lumabas ang results, 1st place -- section 1, 2nd place -- section 7, 3rd place -- section 1. Nung sabihin ang pangalan ko syet patanong! Questioning din ang tingin na binato sa akin ng iba pang estudyante, hindi ko alam kung ano ang reaction ko... Awkward!

So no choice... Tumagal ang battery of test ng isang linggo pa, para ma-eliminate ang doubts sa mga section 1 representatives natanggal din naman ako, at naging contestant ang 3rd placer na section 1. Yung 1st placer kasi mas ginusto na lang na maglaro ng sepak takraw eh. Alangan namang section 7 ang isali, dyahe naman sa kanila yun.

I guess ang naging mabigat na issue sa akin dun eh yung "labelling". Sana may teacher na ini-explain na ang section na kinalalagyan mo ay base sa performance mo last school year, at hindi ibig sabihin nun eh yun na ang section mo habang buhay -- na hindi lang dito nasusukat ang potentials mo. Marami kasi kaming mga estudyante back then, but how i wish my teachers know what its like to be labelled inferior, the doubts they cast is not easy to shake off. They somehow failed to focus on inspiring their students. Parang limited ka... Yung principal nga lang namin eh, nung graduation practice habang kakamayan ka tatanungin ka pa ng multiplication, pag di ka nakasagot di ka pabababain sa stage nakadisplay ang mga di nakasagot for everyone to see. Gano kaya katindi ang epekto nito?

Besides teaching Science, Math, English, Filipino at iba pang subjects sana hindi makalimutan ng mga teachers ng bukod pa dun they are suppose to inspire their students, realize their potentials -- dami namang required sa mga teachers no?

Tuesday, November 27, 2007

Money $exchange

Hehe... i bet makikita nyo kaagad what's wrong with this picture :D
thanks to my officemate Thea for sharing the photo...

THE RULES - List of 8:

ayan... nag tag pala si raz :D

THE RULES - List of 8:
* write 8 facts about yourself.

* in the 8 facts, you share 8 things that your readers don’t know about you. at the end, you tag as much other bloggers to keep the fun going. each blogger must post these rules first.

* each blogger starts with eight random facts/habits about themselves.

* at the end of the post, a blogger needs to choose as much people to get tagged and list their names.

* don’t forget to leave them a comment telling them they’re tagged, and to read your blog.

So here it goes….

>> Ginisang Tokwa with Tausi is my favorite -- hindi ko nga lang alam lutuin though
>> Nagturo ako for 3sems ng ECE Subjects -- wala lang.
>> Kumpleto ako ng Pugad Baboy Books!
>> Favorite ko rin ang Hunter x Hunter -- sinusubaybayan ko to sa NexGear
>> I like sunsets -- especially windy late afternoons
>> Plan kong bumalik sa academe when i reach 40
>> Minsan tinatamaan ako ng nerbiyos, at natatakot ako without any particular reason -- takot din ako sa multo kahit di pa ako nakakakita kahit kailan
>> Gusto ko ang bumibyahe -- especially pag sa expressway habang nakikinig ng "Driver's High" ng L'arc en Ciel

ayan... so for this one i'm tagging kangel, redge and acey

Friday, November 23, 2007

Trip Down to Memory Candy Lane

Hehe... may astig na naman na forward email.

This time its about our favorite candies nung 90's. i wonder kung naabutan pa ng mas batang generation itong mga candies na to? pero nakakatuwa talaga kasi naman wehehe!
hindi ko mahanap yung pictures ng iba... :D I really enjoy these stuffs... napaghahalata tuloy kung anong dekada ako nagkaisip wehehe!


oh..candy panghimagas..

hindi maitatwa na ang kendi ay naging malaking parte ng kabataan natin.mga makukulay,mababango(although mnsan may maantot),at masasarap na kending lalung nagpasaya saten at mnsang nagpaiyak din dahil sa sakit ng ipen na dulot nito.balikan natin ang mga kending namayagpag at pumukaw sa mga puso at tastebuds nmin nung panahon ko.

1. KENDI MINT - eto ang kending kanunu-nunuan pa ng dynamite.ang official na kendi ng mga taong may tinatagong puot sa knilang kaloob looban.mint candy sya(malamang?!) na may lamang chocolate o kokwang mamasa masa sa pinakagitna.kulay green ang wrapper nya na may nakaimprentang eskimo na nakangite at parang gustong magpasubo na.



2. LIPPS - ang kendi ng mga batang malalande,mapa nene man yan o tukling.cherry flavor na kendi na gawa sa benadryl(ayun sa pakilasa ko yan ha,mapait kase) at sandamakmak na pulang food coloring.sobrang makulay sa bibig,kadalasang ginagawang panghalili sa lipstik ng mga bata o di kaya dugo effect sa larung aswang aswangan.payak lang ang wrapper,kulay puti at pula tapos nakalagay lipps.

3. VIVA! - ang kendi na ayaw na ayaw ni mother lily.caramel candy sya na mukang tae at mukang hindi masarap bilhin lalu na ang kainin.kulay tae din ang wrapper nya at mas mamatamisin mo pa cgurong ikendi ang naptalina kesa sa kending toh.

4. WHITE RABBIT - ang bi-sexual na kendi.dalawa kase ang klase ng kending white rabbit,may tinatawag na local at imported.parang vivang pinahaba lang ung local version,toffeecaramel ang flavor at bukod dun eh wala ng ibang misteryong mahihita pa sa knya.kulay puti at super milking nougat naman ung imported.at bukod dun sa chinese character na nakaimprenta sa wrapper nya eto ang pinaka pambato ng white rabbit imported,ang kanyang inner wrapper na pwedeng kainin at pagsaluhan ng buong pamilya.happy fiesta!



5. PINYA - hindi ko alam kung anu ba tlaga ang lehitimong tawag sa kendi na toh,pero dahil hndi tayu masyado sure ay itago na lang natin sya sa pngalang ?pinya?.sya ang kending pinakafashionista ang wrapper dahil figuratively muka syang pinya.bagsak lang sya sa itsura ng wrapper dahil mukang tapeteng mura lang per yarda ang itsura nito.at ang lasa?..pinya..malamang.

6. VICK'S - ang kendi ng mga batang may kakambal o ng mga batang sadyang madamot lang tlga at pinalaking dupang?vicks candy.mentholated ang vicks at dalawang piraso sya ng kendi sa isang maliit na pack na hugis inverted triangle(kumporme sa paghawak mo).kulay hinog na uhog at pinaniniwalaan ng mga bata na nakakapagpaluwag ng paghinga.hndi ko alam kung associated tlga ang nakagisnan naming vicks candy sa vicks na pamahid sa sinisipon.

7. BUTTER BALL - ang kendi na mga batang may malalaking bibig.ito ang peter’s butterball,ang pinakamasarap sa lahat ng caramel candies.bilog syang candy na mejo may kalakihan ang hulma kung sa bata ipapasubo.sosyal ang wrapper dahil ito ata ang pinakaunang kendi na nasa pillow pack at kulay peach pa.bsta masarap,husto na yun.

8. ORANGE SWITS - ang ina ng mga gummi bears at potchi.malalambot na orange slices na pinatihaya,pinadapa at pinagulong gulong sa asukal hanggang sa magtanda.apat na slices per pack at mas madalas na makitang binebenta ngyun ng mga takatak boys kesa sa sari sari stores.

9. TOOTSIE ROLL - isa sa pinakasikat ng kendi nung panahon ko,sa sobrang kasikatan eh nagkaron pa ng dance craze na tribute sa knya nung early 90s.caramel candy din ang tootsie roll na kasing haba ng mongol na makatatlong beses ng tinasahan.bukod sa pwede syang kainin at sayawin ay pwede din syang itapal sa ngipen para magmukang bungal at yun ang pinakamasayang purpose ng tootsie roll.



10. ALMO - ang pinagmulan ng mga ovalteenies.chocolate candies sya na mukang mga tabletang panlunas sa sipon at lagnat.nakalagay sa makulay at maliit na foil pack at kadalasang nakasabit sa tindahan dahil dugsong dugsong sya.masarap ang almo lalu na kung hindi mo sariling pera ang pinambili.

11. HAW FLAKES - ang buhay na patunay na hindi sa ikatlong baitang sa elementarya unang nagaganap ang pangungumunyon ng mga bata.ito ang haw flakes,ang kending galing pa ng tsina at naging saksi sa barter trade system.mas kilala sa tawag na ?oscha? dahil sa kakatwang itsura nito.maninipis at kulay maroon na amoy pawisang singit ng bata(maasim),nevertheless may basbas at sagrado.dito nagsisimula ang damdaming makadiyos at madasalin kaya ibahin nyo ang haw flakes.ang kending galing sa langit



12. KENDING HUBO - also known as neto,nyan o dutdut motion.pabili nga po neto,pabili po nyan,o di kaya dutdut na lang dun sa garapon.ganyan ang kending hubo.ang kending walang sapat na pagkakakilanlan at impormasyon sa sarili.muka syang holen na iba iba ang kulay at flavor(kadalasan citrus/fruity).may budbud syang asukal sa paligid at kadalasang nakalagay sa malaking garapon ng lady?s choice.

13. LALA - ang pinakamasarap ng tsokolate sa mundo ng pagkabata.mas kilala sa tawag na ?milo?,ang lala ay gawa sa purong kokwa(cge magmarunong tayu sa ingredients) na hinulma into small rectangular chocolate bars na may nakaemboss na parang rehas ng veranda.sobrang masarap at sobrang tindi din kung magpasakit ng ngipin,nevertheless masarap.un naman ang importante eh.



14. CHOC-NUT - ang hall of famer sa lahat!sya ang pinakasikat na kendi(o kung anumang twag sa klase nya) sa balat ng pilipinas.gawa sa natuyong peanut butter at chocolate na hanggang ngayun ay hndi ko makapa ang lasa na binalot sa palara.all time favorite ng panghimagas o pampalipas oras.chocnut is simply the best(naks! parang HBO)?



Hindi nga lang nakasama yung Chocobots (rip off ni Choc-nut) yung mga sinaunang Frutos din na medyo late na rin dumating, at yung mga candies na sa peryaan mo lang makukuha para premyo sa mga squares na huhulugan mo ng bentesingko. Ano naman kaya ang susunod dito? mga Chi-chirya naman tulad ng Chikadees, Sunchezz, Pom-poms, at yung chi-chirya na makukuha mo lang sa pagpalit ng mga long neck at garapa sa magbobote...? haha... :D

Thursday, November 22, 2007

Intimated?!?

Medyo busy these pass few days... tapos nagtataka pa ako kung bakit nagiging matagal ang coordination with counterparts... hmn.. intimating neh? kaya pala eh... hehe



matatagalan pa nga siguro sila ng konti :D
(ang yabang ko ah... parang ang galing galing kong mag-ingles nyaha!)

Friday, November 16, 2007

Ingat! Modus Operandi sa Bus

Pambihira ang mahal na nga ng pamasahe! tapos magaganito ka pa sa bus... sobrang hirap ng panahon, at bukod sa bawal magkasakit isa pang bagong batas lalo na sa kalye eh bawal ang maging tanga...

Malupit ang kalsada... kumakain ng mga tanga...

I'm posting one of this true story(daw)circulating thru mails -- Modus Operandi ng mga bus... makabagong Zesto boys to! at least sa mga Zesto Boys meron kang Otsenta pesos na drinks pero dito wounded ego lang... it won't do harm if we be a little cautious...

read on


WARNING TO ALL COMMUTERS!

Subject: Fw: Modus Operandi sa Bus]

(True story)


hindi ko na sana ikukwento kasi akala ko aksidente lang.....

AKALA KO AKO LANG!...UNG PALA MERON PANG IBA NA MABIBIKTIMA NG GANITONG
SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG
PUPUNTAHAN MO. ..kawawa ka naman....maglalakad ka....

(based on my own experience sa isang aircon bus....)

last september 6, 2007, 4pm ako ay nagpunta sa cubao at bumili ng ticket
(going to baguio ) sa victory liner cubao. sumakay ako ng aircon bus from
victory liner (cubao) to robinsons galleria (going back sa office in
ortigas)

....ang pamasahe po ay P10 from cubao to robinsons galleria... at ako po ay
nagbigay ng P100 sa kundoktor... binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung 100pesos na binayad ko, sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P Tuazon (near araneta center)...pinaalala ko uli ung sukli ko sa konduktor... tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"...... ."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor

so, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor... (luminga- linga lang) parang deadma ba?....

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight). ..tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko... eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot ko...

sabi ng kundoktor... "Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo maginit ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...

dun na kami nagkasagutan. ...at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..

tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya....

eto ang sabi nung driver.... ' ABA ..PARE.. .HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong ung...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,, ung driver at yung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...

Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO UNG PINTO...BABABA NA AKO..LAMLAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa pagkakataong ung, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station)ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...

So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....

Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)...

May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli.

Sya daw ay galing sa may Timog ...sya ay baba sa may Boni....

Naalala ko ung nagyari sa'kin ...nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...

"MISS...MISS. ..SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR... KITANG KITANG KO"....

Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....

Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong- pareho ng ginawa dun sa babae...

Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningna n ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor...

Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...

Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...

pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un hindi sinuklian?.. . "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR... .UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK.. .SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...

so samakatuwid. ..hindi lang pala holdaper at snatcher ang titinang mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????

Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....

Salamat po.

Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti

Wednesday, November 14, 2007

Hinintay Kita

Senti Mode lang...
Nakakatuwa kung anong emotions ang puede mong ibigay sa isang silent picture...







and somehow it gives you a new appreciation of the whole image...
Emotions, Hopelessness, Inarte


at dahil dyan i hope to tag mel, ella, xienah, and razzy, :D
please put some caption to a silent picture, putting greater emotion to it... yey!
pleasE?

Monday, November 12, 2007

Zui-ZAido!



Yeah... yeah.... as if Zaido is not flamed enough by other critics and all, just listen to several comments in Youtube.

Una sa lahat hindi ko gets kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga nagpasimuno ng Zaido. Bukod kasi sa binili nila ang ilang rights para mabanggit sa plot si Shaider, wala nang parte ng Shaider ang naitulad sa Zaido. Like most of us know, Shaider is way back 80s, pero kung ikukumpara mo ang mga effects, Zaido would turn pale in comparison.

Major Differences Between Shaider and What Makes Zaido a Big Joke

1.) Sa bawat episodes ng Shaider may labanan. May sariling plot independent from each other -- while Zaido goes on and on like a telenovela, sabagay telenovela nga naman sya, pero naman... nawawala yung mga ma-aksyong eksena. Hinaluan pa ng mga drama between a convict and a would be lover (may heavy drama sa Zaido! geez!)

2.) Shaider does not have so many characters on them and are only focused on the main characters -- on the otherhand Zaido have lots of characters, siguro nga magiging essential sila later on sa istorya pero hindi rin eh... nakilala mo ba kung ano ano ang mga pangalan ng mga amazona sa Shaider? hinde! pero alam mong nandun sila. Hindi na sila binigyan ng focus whatsoever kasi sapat na nandun sila para sa conflict, dagdag alalahanin pa sa audience dibs?

3.) Mas Maganda ang Costume ni Shaider at si Annie ay di kailangang magpalit ng uniform pag nakikipaglaban -- eto ang isa sa hindi ko kinabibilib sa Zaido, bakit parang hindi pinagisipan ang costume nila, they look so lame! Shaider is even shiny! pati ang mga props nila tulad ng communicators nila, halatang kahon na walang laman! Chris Bernal is cute with her role and all, but does she really have to bring her costume everytime? Nakadilaw naman na sya ah? Saka wow ha! ang ganda ng yellow car nya... pero yung communicators langya -- mas hightech pa tingnan ang nokia 3210 dun eh.

4.) Isa sa paniwala kong problema ng effectivity ng Shaider back then eh yung war strategy nila Fuuma, bakit pa-isa isa syang magpadala ng halimaw? Bakit hindi nya muna ipunin kahit at least lima saka nya pakawalan ng sabay-sabay? Pero sa Zaido ang halimaw lang lagi eh yung mga tau-tauhang nagsasayaw na ang full time job ay magpagulpi hindi na inipon yung mga halimaw nabawasan pa!

5.) Nagpalala na namang ang "Filipino Version" mentality. Why not make a new one? Anong masama sa pagiging original? breakthrough para sa akin ang Mulawin pero naman!!! palala ng palala! ang pinaggagawa ng local TVs ngayon. Encantadia -- Lord of the Rings, Captain Barbell -- SmallVille, Kokey -- ET, putik! nagiging limiter kasi sa utak eh, hindi magandang maging mentality na ok ang isang palabas kung ito eh halaw sa isang sikat na foreign original.

I'm sure marami ang pinaghihirapan ang Zaido. pero sana lang talaga bawas-bawasan naman na gumawa ng ganitong palabas ang local networks natin, another original concept won't hurt. hindi lang ang palabas ang iniaakyat ng level sa ganung paraan pati na rin ang audience.

Tingnan mo na lang, ang Shaider 80s pa, matatawa ka sa napakaraming blunders nito pag pinanood mo ito ulit pero rerespetuhin mo pa rin, Zaido after one or two years? hindi ka lang matatawa mauuyam ka pa...

Star Blogger Award!

Huwaw! this is the first time i got an award for blogging!!!
Thanks mel for this award... I was not expecting this (*sob)

Tuesday, November 06, 2007

Nuts Entertainment -- Subtle Meanings


" sa likod ng mga tala kahit sulyap lang darna...!"

Ano ulit yung nasa likod ng mga tala?
galing din ng lyrics neh? listening to it first... lalim dibs? pero hehe... actually depende yun sa taong nakikinig, tumitingin at nagiisip.

much like siguro ng logo ng Nuts Entertainment.



Ewan ko ha... given ka ng lips, tapos may mani sa gilid nito? Bakit lips? at sa gilid nito e may mani? tapos sasagot ang mga pilosopo; "Bakit hindi?". Sabi nga ni Joey de Leon lahat naman ng bagay puedeng maging bastos depende sa titingin, pero ang punto naman dun, wala rin namang magiisip kung ang totoo eh wala ka naman talagang ipakahulugan. Ano kaya ang iniisip ng artist ng "Nuts Entertainment" Logo? Female Genitalia kasi ang parang gustong ipahiwatig sa akin ng logo nila eh...

o sobrang dumi na lang ng isip ko...?

Speaking of which... nasan ba ang mga dolphins sa picture na to?!? nasan ba?!? damn it! May nine na dolphins daw eh oh?!? sabi daw yung mga inosenteng mga bata makikita yung mga dolphins! pag di ka na daw inosente di mo makikita lahat ng mga dolphins...




geez!

Interview -- Bolahan Portion

"Tell us about yourself?", "What strength and weaknesses can you bring to this company?", "Are you a teamplayer?"

Eto yung mga common interview questions na ma-eencounter mo sa pag-aapply, kung gusto mong makagawa ng magandang "first impression" yan yung mga question na dapat paghandaan. Pero bukod pa dyan meron ding mga questions na parang trick lang pero ang totoo, naglolokohan lang kayo ng interviewer. Welcome to Bolahan Portion!

"Pano kung makita mo ung colleague mo naglalaro ng games sa oras ng work, pagsasabihan mo ba sya o isusumbong?"

Eto yung mga klase ng tanong talaga sa interview na magpapakaplastik ka eh. Ang tingin ko tuloy dito, hindi sinusukat yung righteousness mo kundi kung gano ka kagaling magpalusot. Ano ba pinakasafe answer dito? Siempre napakaobvious naman kung sasabihin mo na "oo! Isusumbong ko sya! Yaaargh!". You can opt to say na, you'll give subtle hints to your seniors na hindi tama yung ginagawa nila, siempre hindi ka sasali. Then magco-complain ka na lang pag talagang disruptive na yung habit nila sa performance sabay sundot ng you will have to give them credit for being your seniors. Hehe, humble na righteous pa! Plastik nga lang, siemps mas madaling sabihin ang "Wou! Game on!"

"kung ang competition company ay ino-fferan ka din on the same time, sino ang mas pipiliin mo?"

Ah! Delikadong tanong ito.. Competition agad eh, who will you give your loyalty to. Sasabihin mo bang to the highest bidder? Alam naman ng interviewer mo yun, pero hindi mo sasabihing ganun. You are expected to say something more neutral, like you would study the details given both options and you'll choose who amongst the company has more fair ground for growth, not simply who gives the better compensation package but who you think would give you more chances to prove yourself and learning. Naks! Wag na wag mong sasabihing kung sino ang nauna, sabay nga daw eh.

"kung ipapadala ka sa malayong lupain ok lang ba sayo? / kung may pasok kahit holiday, tatanggapin mo ba?"

Pagbinitawan yung mga ganitong klaseng tanong, mas malamang sa hindi na ipadala ka nga sa malayong lupain at papasukin ka ng pasko at bagong taon, dyan ka manimbang kung talagang kaya at ok lang sayo, pero pagtinanong ka nang ganyan, expected ka na sumagot ng "oo" at dapat hindi na-uutal. Resounding, reassuring -- OO! Yeah!

"How much would you be expecting for a salary?"


Tgishng! Don't be caught of guard with this kind of question, dapat on the first place may idea ka na kung magkano ba ang basic compensation package, kasi kung ung mga maliliit na details ng company eh hindi mo naresearch, eh parang lalabas na nag-aapply ka lang without aiming to anything parang kahit sino na lang ang mauna, wag ganon... Pero sige na-caught off guard ka na eh, might as well say... "i cant say an expect an exact value right now till i get to realize the complete work description and responsibilities i'll be handling" oh yeah -- lusot!

"how about your superior gave you a task that is no longer inside your work description? Or you were asked to work overtime. Will that be ok?"


Sabi daw, sa interview dapat ang sagot mo sa kung kaya mo ba ito o ganyan eh laging "Yes!" palagay ko may boundary pa din, kung ang sagot mo kasi lagi eh yung ang tono eh parang puede ka nang magpaalipin, OA na yun. Dapat lalabas pa rin yung conviction mo, Hindi lang puro Oo. Well lamang yung Oo pero dapat hindi yung tipong sobrang argabyado ka na and you know it, naka yes ka pa rin. You should also compromise. Yeah...

Sabi nga nila... madali lang daw ang makakuha ng trabaho, ang mahirap eh ang manatiling may trabaho. dose-dosena mang kumpanya ang magreject sayo in the end naman isa lang ang kailangang tumanggap sa'yo. and yes... sa totoong mundo, one must learn to "compromise"...

any weird or more unexpected questions? Ü

Friday, November 02, 2007

Taste of Cebuano



Ewan ko lang ha... pero kung maguuwi ulit ng pasalubong yung mga ka-boardmates kong mangggagaling ng cebu, ok na siguro ang mga danggit. Biruin mo! ganito pala ang ginagawa sa mag Cebuano? Nililitson! Huwaw! :D Joks! Joks!

Wala pa akong maisulat na bago ngayon eh... hopefully by Lunes meron na... geez!

Wednesday, October 31, 2007

Kagawad at SK Elections


20 days before the elections ito lang ang nakapaskil sa gate ng eskuwelahan kung san mangyayari ang botohan, akala ko trip-trip lang kung bakit may poster don pero ayun pala eh eleksyon na naman!?!

Hindi ako makapaniwala na mas prestihiyoso na ang Baranggay elections ngayon! Sa lugar namin, kumpleto na ang eleksyon with tarpaulin posters at mga leaflets / flyers na pumupuno sa kanal ng eskuwelahan, pahirapan na naman ito sa paglilinis...

Ang galeng nga eh... nawe-weirduhan lang ako, bakit naging seryoso ng ganito kalupit ang baranggay elections?!? May power and authority naman talaga ang mga baranggay officials, para silang miniature form of government. siguro dahil na rin sa hindi ako madalas sa lugar namin kaya hindi ko na halos din kilala ang mga tumakbo. Hindi ko rin kabisado ang mga plataporma ng mga opisyal at kung meron silang nagagawang malupit, pero ang alam ko maluwag ang palengke namin, hindi na masyadong bahain, at may humahakot ng basura...

Tanong ko din sa sarili ko kung para san ang SK. oo naman definition-wise para magkaboses ang kabataan yada yada... pero bukod sa mga paliga at paconcert hindi ko na rin sila masayadong naririnig, nakakapaglagay kaya sila ng mga bagong libro sa municipal library? o mga tulong sa estudyante para sa kanilang pag-aaral? hindi ko talaga sigurado, saka hindi naman ako sobrang nakatono sa pulso ng politika sa lugar namin. Fault ko yun na parang wala akong pakialam, pero sino naman ang makakasisi diba?


nakapout!?? non-conventional sya sa talaga sa mga karaniwang smileys and all... hmn... bat ganun?!?

O sige kunyari tibak ako... YAARRRRGHHHH! ang dami dami nang eleksyon! Pagbabago naman!! wouuu!!

Tuesday, October 30, 2007

Do You Believe in Ghost


picture to sa labas Manila City Hall >> kung papansinin nyo yung sa bandang upper right, yung may purple noise na... wala kayong makikita dun... :D

Hmn... ang totoo talaga hindi pa ako nagkakameron ng first hand experience with Ghostly creatures. Wala pa din akong nae-encounter about na talagang sobrang creepy. Maliban sa mga miraculous na paglipat lipat ng remote control nung isang beses na puyat na puyat ako habang nanonood ng TV.

Pero kung ang tanong eh naniniwala ba ako sa multo. I would say "Oo!" Naniniwala ako sa multo... bukod pa sa sinabi sa Bible ang katotohanan na meron nito. Multo ang ituturo kong dahilan kung bakit napakalamig sa Chapel sa lugar namin pag gabi kahit maailinsangan sa labas, multo rin ang ituturo ko pag pakiramdam ko eh may sumusunod sa akin pagnaglalakad sa madilim na parte ng street namin, multo rin ang dahilan kung bakit biglang nagkakameron ng nuclear attack sa base ko ng wala akong kamalay-malay (wow! old school star craft!), Multo rin ang nasa dako paroon!

Hindi nga seriously naniniwala talaga ako sa multo, but with my belief and all... hehe, ok na yung paniwalaan ko na sila kesa magkameron pa ako ng first hand experience.

Monday, October 29, 2007

What's in a Name

Ok ni-tag ako ni ella to do this one :)
uy my very first tag ever! sige nga lets do this... hehe


YOUR ROCK STAR NAME: (first pet & current car)
swayze walk? swayze lakad? >> hmn... corny ah!

YOUR GANGSTA NAME: (fave ice cream flavor, favorite cookie)
ube macapuno biscocho >> uy! noyping-noypi!

YOUR “FLY Guy/Girl” NAME: (first initial of first name, first three letters of your last name)
g.rod >> ayos ah! pang ibang connotation to! pero ano ba ulit yung "fly boy"

YOUR DETECTIVE NAME: (favorite color, favorite animal)
orange cat? >> uy... ok lang --> serious na hinde :D

YOUR SOAP OPERA NAME: (middle name, city where you were born)
medes valenzuela >> pang pangalan lang ng kalye to eh...

YOUR STAR WARS NAME: (the first 3 letters of your last name, first 2 letters of your first)
rodge >> teeeeh! parang ehoy name we!

SUPERHERO NAME (”The” + 2nd favorite color, favorite drink)
the blue mango juice? >> sagwa! superzero name to eh!

NASCAR NAME: (the first names of your grandfathers)
kailangan ko pang i-research to, hindi ko alam mga pangalan nila :(

STRIPPER NAME: (the name of your favorite perfume/cologne/scent, favorite candy)
phoenix mango lips >> bading na bading!

WITNESS PROTECTION NAME: (mother’s & father’s middle names)
medes bulan >> weh!?? hindi na talaga ako makikilala nito...

TV WEATHER ANCHOR NAME: (Your 5th grade teacher’s last name, a major city that starts with the same letter)
dagohoy dublin >> nice ah! serious sounding

SPY NAME/BOND GIRL: (your favorite season/holiday, flowers)
summer star gazer >> pangbabae -- pambabae ata talaga itong game na ito hehe...

CARTOON NAME: (favorite fruit, article of clothing you’re wearing right now + “ie” or “y”)
mango shirty! >> weh?! hindi halatang puro mango ang fruit ko ah...

HIPPY NAME: (What you ate for breakfast, your favorite tree)
porkchop narra >> hmn... sounds hippy

YOUR ROCKSTAR ENTOURAGE NAME: (”The” + Your fave hobby/craft, fave weather element + “Tour”)
The Writing Windy Tour >> geez magulong usapin toh... nagsusulat ka sa windy weather?!?

YOUR PORN NAME: (First Pet + Name of street you grew up on)
swayze caco >> hindi sya "malaswa" sounding mas malaswa pa yung g.rod ko kanina hehe...

So for this one... hmn... i'll try to tag
tsaiko, mel, and xienah :D ok lang guys!?? please? para abala lang hehe...

Tuesday, October 23, 2007

More Forward Messages to Scare the Already Paranoid Metro



o eto pang isa... seems obvious naman na it aims to stir more paranoia over the Glorietta Incident.. and to think hindi ito makakarating sa mga Muslim? and why single them out? thats just wrong... I dont believe that Muslim people in general enjoys any of these bombings nor wish that this happen alot... kalokohan yun...

Ano kaya ang aim ng mga ganitong text?
Diversion?
Real Warning?
or another sick joke?

geez...

Monday, October 22, 2007

Glorietta Aftermath

It was a lazy day Friday and almost everyone was anticipating the coming weekends. Busy as usual in the metro and something unexpected happened, the Glorietta Explosion.

Although as of now, it is still under investigation if the explosion was accident by nature (as in ganito ba kalakas sumabog ang isang LPG Tank? Wow!) or if it was really a terrorist act. What we cannot deny is lives were lost in that tragedy.

You can just feel the grief and the helplessness of those who have lost their love ones.

The same tragedy that spurred txt messages like these...



If its really true or just another hoax, hindi natin maiaalis yung pag-alala na puede pa rin tayong maging biktima, Imagine thats Glorietta and most of us thought it was one of the safest place.

From here too... we get to think, ano nanaman ang bwakanang rason! meron bang reason para bombahin ang isang mataong lugar?!? na may mga inosenteng sibilyan? no reason can justify this kind of means... its just plain power tripping. Nakakaparanoid din to think if this is just another misdirection tactics to divert the public and media attention from big issues the government is going through as well. Or dinala na nga ba sa Maynila ang gera ng Mindanao? o talagang sumasabog ng pagkalakas lakas ang mga LPG at hindi na rin ito safe?!?

Today... we can only share the pain of those who have lost their loveones, although for sure we can only imagine the pain they are feeling. Tomorrow, we should be more vigilant so that we ourselves can keep our streets, home and our society safe. It takes the will of everyone to fight for what is right not just praying "wag sana mangyari sa akin/amin yon..."

Friday, October 19, 2007

Aiming Higher Than Mediocre


Serious mode kunyari... Habang nag-o-oatmeal, nang lumiit naman ng konti ang tyan ko

Isa sa mga madalas itanong sa akin ni Mama nung bata pa ako eh…

“Anak, anong gusto mo paglaki?”

Ang her eyes would glimmer whenever I say na gusto kong maging doctor, or engineer. Medyo nabahala sila ng sabihin ko nung isang beses na gusto kong maging teacher at sinigurado nila sa akin na magbabago rin ako ng isip paglaon… Nagbago naman din at nag-engineer ako, pero ngayon gusto ko pa rin namang magturo… pero gusto ko pagbalik ko sa academe may maganda at successful background na ako. I want to look like a promise to those promising next generation of engineers.

Kinundisyon kong maging engineer nung bata pa ako dahil sa pandinig ko, napakaganda nitong idikit sa pangalan ko. At ang pangako ng malaking sweldo including na ang makaipon para makabili ng bahay at lupa ay nasa pagtatapos sa pag-aaral.

By now, I am wiser to know na hindi lang nasa pag-graduate ng college at pagkuha ng lisensya nagtatapos ang alamat ng success. Tuloy – tuloy ang kwento, tuloy-tuloy.

In man’s endless pursuit of happiness, it is but easy to fall to the usual storyline. You are born, go to school, learn a skill, work afterwards, work some more, save a little, save a lot, have a family, and so it goes. A normal life… nothing is wrong with it, but ultimately nothing is special about it as well.

Nandun na ako sa “work afterwards” phase, and there I realized like I guess everyone I ride the elevator with or eat with in our company compound’s canteen. I really would like to do something monumental or uber significant with my life. I guess everyone wants to be part of something big, be larger than life.

What does it takes to be larger than life? How can anyone actually get there?

I get to look on my seniors. Bilib ako sa dami ng alam ng mga senior engineers namin. Kung pano nila na-i-isolate ang kawing-kawing na problema pag meron kaming issues with regards sa iba’t ibang elements ng network. Hindi ko pa kasi alam and I want to be one of them, Proficient and all. Basta may experience na bago, parang gusto mo maging ganon ka. They became specialist of their field you can just imagine how they can cripple the team kung sabay-sabay silang mawawala. The path they have paved would most likely the same path we are to thread, dapat malaman din namin ang alam nila.

So the next generation is supposed to go further where their predecessors have gone. Given of course na kailangang marating muna nya ang kinalalagyan ng seniors nya. They say only the brave can go and trail blaze another path, but that takes conviction, insight and vision. Its not a sin to follow the conventional, just make it a point that it’s a guideline and not a limitation.

If there is a fault I think most of our parents are trapped with is the mind conditioning that we are suppose to finish a degree because of the promising job it would give. Not because we should learn the skill from college the skills we will be loving to do and use for the rest of our lives. Because there is more to life that keeping ourselves slaves, ending up with no sense of satisfaction with what we have live in.

Ok so gets ko na nga yung point nay un diba? Gets mo na rin for sure… pero what’s next? Right now I’m a typical employee… hindi naman ako indispensable, I do good and sometimes I have my flaws too. I learn a lot, I sometimes work late and be overemployed even. I have my shares of “ang galeng” and “tsk tsk” moments. My wake-up hours are most likely consumed by my career and efforts for the team and I have no regret about that. But what makes me think is that, should I be like this for how long? If I’m to build something what should I build on the first place? Besides this, there must be something else that I should get more from.

I would like to aim higher… be a success in my own right. With my passion and enthusiasm I get to realize why, even though I sleep late at night tired and sometimes fed up with the day. We are far from owning my own “ladder “. Because I don’t have a plan yet, and I don’t have a plan because I don’t know where to start.

With that insight. I get to think… San nga ba magsisimula?

Saturday, October 13, 2007

Calamares Fiesta

Pansin ko nga na talagang proliferating ang mga vendors na nagtitinda ng mga fried squids ngaun... price ranging from 2 to 3 pesos, malalaki rin ang cut sa iba tumataba rin sila sa corn starch at arina...

Mura nga kung sa mura... pero after getting this forwarded note?!? hindi ko alam kung gusto ko pang kumain nun...



Gusto ko sanang i-post din ang itsura ng mga juicylicious rubbery calamares pero i realized delikado yun para sa phone ko hehe...

Wednesday, October 10, 2007

Sining ng Pangongodigo

Sa estudyanteng medyo gipit sa oras dahil sya ay working student, nagkasakit at medyo nagbakasyon ng matagal o di kaya naman ay napuyat kalalaro ng DOTA Allstars o ng SIMs ang natitira nyang tagapagligtas sa pagbagsak sa susunod na exam eh ang pandaraya dito. Siempre puede pa legal na paraan tulad ng cramming – last minute review, at ang pagdarasal na sana eh hindi matuloy ang exam. Kung medyo hardcore ka talaga puede ang active means para madelay ang exam tulad ng pagbo-bomb threat sa school o di kaya naman eh paabangan mo sa mga tambay sa lugar nila yung instructor mo.

Napakalungkot naman kung sa pagnanatili mo sa eskuwelahan eh hindi ka man lang nagkameron ng mga kaibigan. Mas magaan na kasi siguro ng konti sa konsensya ang pangongopya pero kung talagang loner ka sa isang klaseng free section at ikaw lang magisa o di kaya naman eh talagang mahigpit pa sa garter ng supporter ang teacher mo at maaring madamay pa yung walang kamalay-malay mong classmate pag nangopya ka sa kanya. Mas pipiliin mo na lang ding mangodigo. Bakit naman kasi alam mo namang magkakasabay – sabay na ang exam dahil finals week na eh pinili mo pa ring ubusin ang oras mo sa pakikipag-date.

Sa totoo lang alam naman ng mga instructor mo kung nangongodigo ka eh… tingnan natin kung meron kang ibang style.

Notebook na nakabukas sa loob ng backpack sa likod ng armchair technique – yep, ang pinakabasic na paraan, ang flaw lang nito. Sobrang limited ng resource mo, ang ok naman kung biglang maisipan ng teacher mo na mag roam around you can just knock the notebook at hindi ka na halata… ayos!

Maliliit na papel na nakatago kung saan saan technique
– There can be countless clever places na naitatago tong mga maliliit na papel na to, sa kwelyo, sa medias, sa sapatos, sa ballpen sa slide or battery cover ng calculator, sa bulsa, sa belt, sa loob ng blouse? Sa buhok… mahirap yang ganyang style… may physical evidence kasi eh… effective sya, but the risks are staggering.

Countless information sa programmable calculator technique – engineering people karaniwang gumagawa nito, ang mga programmable calculator kasi, puede kang maglagay ng halos one paragraph of info, siemps weird naman kung may calculator ka kung ang test nyo eh history obvious naman kung saang mga subject mo ito gagamitin yan. At isa pa wala nang instructor na papayagan kang maglabas ng cellphone habang nag-eexam, nakakagago naman kasi talaga yun, wag mo nang subukan.

Answers na naka-tattoo sa balat at answer sheet technique – physical evidence na naman to! As in physical evidence… nakakita na ako ng mga nagkodigo normally sa palad o kaya sa sakong puede rin sa arm chair. Ang hardcore eh yung kodigo na nakasulat sa bond paper mismo! Sinulat gamit ang blunt pen, nakabakat lang kung baga… ang hardcore part nito eh yung mga estudyanteng nakakuha ng super leakage. As in hindi pa nagsisimula ang exam meron nang sagot, papatagal at mangangarap lang sa classroom ng 20 minutes tapos biglang magpapasa na.


Siguro mas marami ang variations ng pangongodigo, lalo pa na mas hi-tech pa ngayon. Pero kahit na anong paraan yan, walang fool-proof na paraan dyan. Ang pinaka-effective pa ring paraan eh yung tigilan mo ang kalokohan at mag-aral mabuti. Sa yo rin naman babalik yan kung grumaduate kang walang alam eh…

Ok? Pakabait na… mag aral na ulit.

Sining ng Pangongodigo

Sa estudyanteng medyo gipit sa oras dahil sya ay working student, nagkasakit at medyo nagbakasyon ng matagal o di kaya naman ay napuyat kalalaro ng DOTA Allstars o ng SIMs ang natitira nyang tagapagligtas sa pagbagsak sa susunod na exam eh ang pandaraya dito. Siempre puede pa legal na paraan tulad ng cramming – last minute review, at ang pagdarasal na sana eh hindi matuloy ang exam. Kung medyo hardcore ka talaga puede ang active means para madelay ang exam tulad ng pagbo-bomb threat sa school o di kaya naman eh paabangan mo sa mga tambay sa lugar nila yung instructor mo.

Napakalungkot naman kung sa pagnanatili mo sa eskuwelahan eh hindi ka man lang nagkameron ng mga kaibigan. Mas magaan na kasi siguro ng konti sa konsensya ang pangongopya pero kung talagang loner ka sa isang klaseng free section at ikaw lang magisa o di kaya naman eh talagang mahigpit pa sa garter ng supporter ang teacher mo at maaring madamay pa yung walang kamalay-malay mong classmate pag nangopya ka sa kanya. Mas pipiliin mo na lang ding mangodigo. Bakit naman kasi alam mo namang magkakasabay – sabay na ang exam dahil finals week na eh pinili mo pa ring ubusin ang oras mo sa pakikipag-date.

Sa totoo lang alam naman ng mga instructor mo kung nangongodigo ka eh… tingnan natin kung meron kang ibang style.

Notebook na nakabukas sa loob ng backpack sa likod ng armchair technique – yep, ang pinakabasic na paraan, ang flaw lang nito. Sobrang limited ng resource mo, ang ok naman kung biglang maisipan ng teacher mo na mag roam around you can just knock the notebook at hindi ka na halata… ayos!

Maliliit na papel na nakatago kung saan saan technique
– There can be countless clever places na naitatago tong mga maliliit na papel na to, sa kwelyo, sa medias, sa sapatos, sa ballpen sa slide or battery cover ng calculator, sa bulsa, sa belt, sa loob ng blouse? Sa buhok… mahirap yang ganyang style… may physical evidence kasi eh… effective sya, but the risks are staggering.

Countless information sa programmable calculator technique – engineering people karaniwang gumagawa nito, ang mga programmable calculator kasi, puede kang maglagay ng halos one paragraph of info, siemps weird naman kung may calculator ka kung ang test nyo eh history obvious naman kung saang mga subject mo ito gagamitin yan. At isa pa wala nang instructor na papayagan kang maglabas ng cellphone habang nag-eexam, nakakagago naman kasi talaga yun, wag mo nang subukan.

Answers na naka-tattoo sa balat at answer sheet technique – physical evidence na naman to! As in physical evidence… nakakita na ako ng mga nagkodigo normally sa palad o kaya sa sakong puede rin sa arm chair. Ang hardcore eh yung kodigo na nakasulat sa bond paper mismo! Sinulat gamit ang blunt pen, nakabakat lang kung baga… ang hardcore part nito eh yung mga estudyanteng nakakuha ng super leakage. As in hindi pa nagsisimula ang exam meron nang sagot, papatagal at mangangarap lang sa classroom ng 20 minutes tapos biglang magpapasa na.


Siguro mas marami ang variations ng pangongodigo, lalo pa na mas hi-tech pa ngayon. Pero kahit na anong paraan yan, walang fool-proof na paraan dyan. Ang pinaka-effective pa ring paraan eh yung tigilan mo ang kalokohan at mag-aral mabuti. Sa yo rin naman babalik yan kung grumaduate kang walang alam eh…

Ok? Pakabait na… mag aral na ulit.

Monday, October 08, 2007

Dog's Bestfriend

Medyo may katagalan na ring nag ci-circulate itong forwarded mail na ito... for something that truly happened, it really makes me think if animals, dogs in particular have a really deep sense of loyalty and affection. or evenmore do they have deep understanding of life and death and not just the instinct of self preservation



A dog was knocked down by a car and died on the middle of the road. Later, another dog is seen beside the corpse of the dog, he tried to wake his friend up using his leg.



When his attempts to wake his friend failed, he tried to push his friend to the side of the road. But the weight of his friend was proven too heavy for him.



Though the traffic is busy and dangerous, he just will not go away from his friend. Just stand beside his friend howling and crying.



A lot of people saw this incident and feel very touched. How even a dog can show his loyalty and love to his friend.




Touching really... Friendship in its purest form can actually stay in hardest times and even in hopeless moments.