First of all, hindi ako topnotcher Ü, frankly speaking when I were few weeks away from graduation I didn't saw myself passing the Board Exam nor taking it. Pero nung makapasa yung isang kasama ko sa IEEE-UESB na itatago natin sa pangalang Ambo, nag-iba ang pananaw ko, hindi ko minaliit ang board pero nainspire ako sa feat na nagawa nya. Yung mga dean's lister may biase ka na na papasa sila, kaya minsan ang mas mahusay gawing inspirasyon ay yung tipong ka-level lang natin, sakto lang sa talino, nag-eenjoy sa college, sa curriculum na di nakasulat sa papel -- gumawa ng isang mahusay na achievement dahil sa pinagsikapan nya itong mabuti.
Sa pag kuha ko ng Board eto yung mga lessons na nadala ko ng kaunti
1.) Focus and Deadline
-- May timeline ang board exam, kahit matulog ako magaral, maglaro ng video games o magtutuwad siguradong darating ito, and from there, i know i must allocate and budget my most important resource: Time. And with deadlines set, discipline got to be enforced para masunod ang scheds.
2.) Knowing and Understanding what You're Up Against
-- Ga'no ba kaseryoso ang board? Paghahandaan ko ito ng 5-6 months, nung 2004, may tatlong subjects lang: Math, Electronics and Communications, 70 dapat ang average, walang below 50 bagsak isa - bagsak lahat. Gano ko ba ito kagusto? Favorite quote ko nga nun "it's not how good you are, but how bad you want it" Seryoso ang board, bukod sa palamuti sa resumé at lisensyang patigas sa wallet, Its self fulfillment. Its a proof that you can muster the 5years of school. Ga'no mo kagusto ang isang bagay at ga'no kalaki ang kaya mong ibayad para dito.
3.) Decision Making and Decision Management
-- so you decided to go for it, but what comes after that decision plays crucial role. Is that your conviction? After you decided, its time to enact the decision, no looking back, making it happen -- and assesing if you are able to make progress.
4.) Education is Expensive
-- Hindi biro ang puhunang isinusugal sa pag-aaral, dagdag pa kung di naman sobrang prestihiyoso ng eskuwelahan, dagdag pa kung di naman sobrang taas ng marka, sa kaduluduluhan kailangan talagang maglaan ka ng oras para di lang hirap at pera mo ang masayang. Lam mo ang isa pang magandang bagay sa board? Pag nakuha mo ang lisensya mo, alam mong maari kang mapagiwanan ka sa practical applications, pero di ka naman napag iiwanan sa academics.
5.) Cooperation and Interdependence
-- Puede namang wala kang kasama para pumasa or kung mas kumportable ka na ikaw lang, walang problema. Yun lang nagiging mahalaga kasi yung meron kang kasama hindi lang para mas malawak ang resources at material nyo, kasi nagdadagdag din ito ng motivation, like iron sharpens iron - so does man sharpens another.
6.) Success or Failure is a Process
-- The Board Exam may be two to three days, depending kung anong course mo, pero ang tatlong araw na yun ay resulta nang anim na buwan na pinagsama-sama mo sa isang buhos. Kung natulog ka lang at nanood ng mga series at nag-aksaya ng oras, hindi mo basta basta mababawi sa dalawa o tatlong linggo at dapat ay ginawa mo ng anim buwan. If you really didn't saw it coming you were not paying attention.
7.) Faith
-- Last but not the least, is Faith. Kanino pa ba nanggagaling ang lahat ng kaalaman na ito diba? It can only come from the Greatest Engineer, and we are just but humble borrowers of His creation, might as well ask for His guide.
So there, after the success of the Board Exams? What will be next? It is still a wide horizon, and another one after that. We take jubilation or reflection, and move on.
Yey.
No comments:
Post a Comment