Wednesday, October 31, 2007

Kagawad at SK Elections

20 days before the elections ito lang ang nakapaskil sa gate ng eskuwelahan kung san mangyayari ang botohan, akala ko trip-trip lang kung bakit may poster don pero ayun pala eh eleksyon na naman!?!

Hindi ako makapaniwala na mas prestihiyoso na ang Baranggay elections ngayon! Sa lugar namin, kumpleto na ang eleksyon with tarpaulin posters at mga leaflets / flyers na pumupuno sa kanal ng eskuwelahan, pahirapan na naman ito sa paglilinis...

Ang galeng nga eh... nawe-weirduhan lang ako, bakit naging seryoso ng ganito kalupit ang baranggay elections?!? May power and authority naman talaga ang mga baranggay officials, para silang miniature form of government. siguro dahil na rin sa hindi ako madalas sa lugar namin kaya hindi ko na halos din kilala ang mga tumakbo. Hindi ko rin kabisado ang mga plataporma ng mga opisyal at kung meron silang nagagawang malupit, pero ang alam ko maluwag ang palengke namin, hindi na masyadong bahain, at may humahakot ng basura...

Tanong ko din sa sarili ko kung para san ang SK. oo naman definition-wise para magkaboses ang kabataan yada yada... pero bukod sa mga paliga at paconcert hindi ko na rin sila masayadong naririnig, nakakapaglagay kaya sila ng mga bagong libro sa municipal library? o mga tulong sa estudyante para sa kanilang pag-aaral? hindi ko talaga sigurado, saka hindi naman ako sobrang nakatono sa pulso ng politika sa lugar namin. Fault ko yun na parang wala akong pakialam, pero sino naman ang makakasisi diba?

nakapout!?? non-conventional sya sa talaga sa mga karaniwang smileys and all... hmn... bat ganun?!?

O sige kunyari tibak ako... YAARRRRGHHHH! ang dami dami nang eleksyon! Pagbabago naman!! wouuu!!

Tuesday, October 30, 2007

Do You Believe in Ghost

picture to sa labas Manila City Hall >> kung papansinin nyo yung sa bandang upper right, yung may purple noise na... wala kayong makikita dun... :D

Hmn... ang totoo talaga hindi pa ako nagkakameron ng first hand experience with Ghostly creatures. Wala pa din akong nae-encounter about na talagang sobrang creepy. Maliban sa mga miraculous na paglipat lipat ng remote control nung isang beses na puyat na puyat ako habang nanonood ng TV.

Pero kung ang tanong eh naniniwala ba ako sa multo. I would say "Oo!" Naniniwala ako sa multo... bukod pa sa sinabi sa Bible ang katotohanan na meron nito. Multo ang ituturo kong dahilan kung bakit napakalamig sa Chapel sa lugar namin pag gabi kahit maailinsangan sa labas, multo rin ang ituturo ko pag pakiramdam ko eh may sumusunod sa akin pagnaglalakad sa madilim na parte ng street namin, multo rin ang dahilan kung bakit biglang nagkakameron ng nuclear attack sa base ko ng wala akong kamalay-malay (wow! old school star craft!), Multo rin ang nasa dako paroon!

Hindi nga seriously naniniwala talaga ako sa multo, but with my belief and all... hehe, ok na yung paniwalaan ko na sila kesa magkameron pa ako ng first hand experience.

Monday, October 29, 2007

What's in a Name

Ok ni-tag ako ni ella to do this one :)
uy my very first tag ever! sige nga lets do this... hehe

YOUR ROCK STAR NAME: (first pet & current car)
swayze walk? swayze lakad? >> hmn... corny ah!

YOUR GANGSTA NAME: (fave ice cream flavor, favorite cookie)
ube macapuno biscocho >> uy! noyping-noypi!

YOUR “FLY Guy/Girl” NAME: (first initial of first name, first three letters of your last name)
g.rod >> ayos ah! pang ibang connotation to! pero ano ba ulit yung "fly boy"

YOUR DETECTIVE NAME: (favorite color, favorite animal)
orange cat? >> uy... ok lang --> serious na hinde :D

YOUR SOAP OPERA NAME: (middle name, city where you were born)
medes valenzuela >> pang pangalan lang ng kalye to eh...

YOUR STAR WARS NAME: (the first 3 letters of your last name, first 2 letters of your first)
rodge >> teeeeh! parang ehoy name we!

SUPERHERO NAME (”The” + 2nd favorite color, favorite drink)
the blue mango juice? >> sagwa! superzero name to eh!

NASCAR NAME: (the first names of your grandfathers)
kailangan ko pang i-research to, hindi ko alam mga pangalan nila :(

STRIPPER NAME: (the name of your favorite perfume/cologne/scent, favorite candy)
phoenix mango lips >> bading na bading!

WITNESS PROTECTION NAME: (mother’s & father’s middle names)
medes bulan >> weh!?? hindi na talaga ako makikilala nito...

TV WEATHER ANCHOR NAME: (Your 5th grade teacher’s last name, a major city that starts with the same letter)
dagohoy dublin >> nice ah! serious sounding

SPY NAME/BOND GIRL: (your favorite season/holiday, flowers)
summer star gazer >> pangbabae -- pambabae ata talaga itong game na ito hehe...

CARTOON NAME: (favorite fruit, article of clothing you’re wearing right now + “ie” or “y”)
mango shirty! >> weh?! hindi halatang puro mango ang fruit ko ah...

HIPPY NAME: (What you ate for breakfast, your favorite tree)
porkchop narra >> hmn... sounds hippy

YOUR ROCKSTAR ENTOURAGE NAME: (”The” + Your fave hobby/craft, fave weather element + “Tour”)
The Writing Windy Tour >> geez magulong usapin toh... nagsusulat ka sa windy weather?!?

YOUR PORN NAME: (First Pet + Name of street you grew up on)
swayze caco >> hindi sya "malaswa" sounding mas malaswa pa yung g.rod ko kanina hehe...

So for this one... hmn... i'll try to tag
tsaiko, mel, and xienah :D ok lang guys!?? please? para abala lang hehe...

Tuesday, October 23, 2007

More Forward Messages to Scare the Already Paranoid Metro

o eto pang isa... seems obvious naman na it aims to stir more paranoia over the Glorietta Incident.. and to think hindi ito makakarating sa mga Muslim? and why single them out? thats just wrong... I dont believe that Muslim people in general enjoys any of these bombings nor wish that this happen alot... kalokohan yun...

Ano kaya ang aim ng mga ganitong text?
Diversion?
Real Warning?
or another sick joke?

geez...

Monday, October 22, 2007

Glorietta Aftermath

It was a lazy day Friday and almost everyone was anticipating the coming weekends. Busy as usual in the metro and something unexpected happened, the Glorietta Explosion.

Although as of now, it is still under investigation if the explosion was accident by nature (as in ganito ba kalakas sumabog ang isang LPG Tank? Wow!) or if it was really a terrorist act. What we cannot deny is lives were lost in that tragedy.

You can just feel the grief and the helplessness of those who have lost their love ones.

The same tragedy that spurred txt messages like these...

If its really true or just another hoax, hindi natin maiaalis yung pag-alala na puede pa rin tayong maging biktima, Imagine thats Glorietta and most of us thought it was one of the safest place.

From here too... we get to think, ano nanaman ang bwakanang rason! meron bang reason para bombahin ang isang mataong lugar?!? na may mga inosenteng sibilyan? no reason can justify this kind of means... its just plain power tripping. Nakakaparanoid din to think if this is just another misdirection tactics to divert the public and media attention from big issues the government is going through as well. Or dinala na nga ba sa Maynila ang gera ng Mindanao? o talagang sumasabog ng pagkalakas lakas ang mga LPG at hindi na rin ito safe?!?

Today... we can only share the pain of those who have lost their loveones, although for sure we can only imagine the pain they are feeling. Tomorrow, we should be more vigilant so that we ourselves can keep our streets, home and our society safe. It takes the will of everyone to fight for what is right not just praying "wag sana mangyari sa akin/amin yon..."

Friday, October 19, 2007

Aiming Higher Than Mediocre

Serious mode kunyari... Habang nag-o-oatmeal, nang lumiit naman ng konti ang tyan ko

Isa sa mga madalas itanong sa akin ni Mama nung bata pa ako eh…

“Anak, anong gusto mo paglaki?”

Ang her eyes would glimmer whenever I say na gusto kong maging doctor, or engineer. Medyo nabahala sila ng sabihin ko nung isang beses na gusto kong maging teacher at sinigurado nila sa akin na magbabago rin ako ng isip paglaon… Nagbago naman din at nag-engineer ako, pero ngayon gusto ko pa rin namang magturo… pero gusto ko pagbalik ko sa academe may maganda at successful background na ako. I want to look like a promise to those promising next generation of engineers.

Kinundisyon kong maging engineer nung bata pa ako dahil sa pandinig ko, napakaganda nitong idikit sa pangalan ko. At ang pangako ng malaking sweldo including na ang makaipon para makabili ng bahay at lupa ay nasa pagtatapos sa pag-aaral.

By now, I am wiser to know na hindi lang nasa pag-graduate ng college at pagkuha ng lisensya nagtatapos ang alamat ng success. Tuloy – tuloy ang kwento, tuloy-tuloy.

In man’s endless pursuit of happiness, it is but easy to fall to the usual storyline. You are born, go to school, learn a skill, work afterwards, work some more, save a little, save a lot, have a family, and so it goes. A normal life… nothing is wrong with it, but ultimately nothing is special about it as well.

Nandun na ako sa “work afterwards” phase, and there I realized like I guess everyone I ride the elevator with or eat with in our company compound’s canteen. I really would like to do something monumental or uber significant with my life. I guess everyone wants to be part of something big, be larger than life.

What does it takes to be larger than life? How can anyone actually get there?

I get to look on my seniors. Bilib ako sa dami ng alam ng mga senior engineers namin. Kung pano nila na-i-isolate ang kawing-kawing na problema pag meron kaming issues with regards sa iba’t ibang elements ng network. Hindi ko pa kasi alam and I want to be one of them, Proficient and all. Basta may experience na bago, parang gusto mo maging ganon ka. They became specialist of their field you can just imagine how they can cripple the team kung sabay-sabay silang mawawala. The path they have paved would most likely the same path we are to thread, dapat malaman din namin ang alam nila.

So the next generation is supposed to go further where their predecessors have gone. Given of course na kailangang marating muna nya ang kinalalagyan ng seniors nya. They say only the brave can go and trail blaze another path, but that takes conviction, insight and vision. Its not a sin to follow the conventional, just make it a point that it’s a guideline and not a limitation.

If there is a fault I think most of our parents are trapped with is the mind conditioning that we are suppose to finish a degree because of the promising job it would give. Not because we should learn the skill from college the skills we will be loving to do and use for the rest of our lives. Because there is more to life that keeping ourselves slaves, ending up with no sense of satisfaction with what we have live in.

Ok so gets ko na nga yung point nay un diba? Gets mo na rin for sure… pero what’s next? Right now I’m a typical employee… hindi naman ako indispensable, I do good and sometimes I have my flaws too. I learn a lot, I sometimes work late and be overemployed even. I have my shares of “ang galeng” and “tsk tsk” moments. My wake-up hours are most likely consumed by my career and efforts for the team and I have no regret about that. But what makes me think is that, should I be like this for how long? If I’m to build something what should I build on the first place? Besides this, there must be something else that I should get more from.

I would like to aim higher… be a success in my own right. With my passion and enthusiasm I get to realize why, even though I sleep late at night tired and sometimes fed up with the day. We are far from owning my own “ladder “. Because I don’t have a plan yet, and I don’t have a plan because I don’t know where to start.

With that insight. I get to think… San nga ba magsisimula?

Saturday, October 13, 2007

Calamares Fiesta

Pansin ko nga na talagang proliferating ang mga vendors na nagtitinda ng mga fried squids ngaun... price ranging from 2 to 3 pesos, malalaki rin ang cut sa iba tumataba rin sila sa corn starch at arina...

Mura nga kung sa mura... pero after getting this forwarded note?!? hindi ko alam kung gusto ko pang kumain nun...

Gusto ko sanang i-post din ang itsura ng mga juicylicious rubbery calamares pero i realized delikado yun para sa phone ko hehe...

Wednesday, October 10, 2007

Sining ng Pangongodigo

Sa estudyanteng medyo gipit sa oras dahil sya ay working student, nagkasakit at medyo nagbakasyon ng matagal o di kaya naman ay napuyat kalalaro ng DOTA Allstars o ng SIMs ang natitira nyang tagapagligtas sa pagbagsak sa susunod na exam eh ang pandaraya dito. Siempre puede pa legal na paraan tulad ng cramming – last minute review, at ang pagdarasal na sana eh hindi matuloy ang exam. Kung medyo hardcore ka talaga puede ang active means para madelay ang exam tulad ng pagbo-bomb threat sa school o di kaya naman eh paabangan mo sa mga tambay sa lugar nila yung instructor mo.

Napakalungkot naman kung sa pagnanatili mo sa eskuwelahan eh hindi ka man lang nagkameron ng mga kaibigan. Mas magaan na kasi siguro ng konti sa konsensya ang pangongopya pero kung talagang loner ka sa isang klaseng free section at ikaw lang magisa o di kaya naman eh talagang mahigpit pa sa garter ng supporter ang teacher mo at maaring madamay pa yung walang kamalay-malay mong classmate pag nangopya ka sa kanya. Mas pipiliin mo na lang ding mangodigo. Bakit naman kasi alam mo namang magkakasabay – sabay na ang exam dahil finals week na eh pinili mo pa ring ubusin ang oras mo sa pakikipag-date.

Sa totoo lang alam naman ng mga instructor mo kung nangongodigo ka eh… tingnan natin kung meron kang ibang style.

Notebook na nakabukas sa loob ng backpack sa likod ng armchair technique – yep, ang pinakabasic na paraan, ang flaw lang nito. Sobrang limited ng resource mo, ang ok naman kung biglang maisipan ng teacher mo na mag roam around you can just knock the notebook at hindi ka na halata… ayos!

Maliliit na papel na nakatago kung saan saan technique
– There can be countless clever places na naitatago tong mga maliliit na papel na to, sa kwelyo, sa medias, sa sapatos, sa ballpen sa slide or battery cover ng calculator, sa bulsa, sa belt, sa loob ng blouse? Sa buhok… mahirap yang ganyang style… may physical evidence kasi eh… effective sya, but the risks are staggering.

Countless information sa programmable calculator technique – engineering people karaniwang gumagawa nito, ang mga programmable calculator kasi, puede kang maglagay ng halos one paragraph of info, siemps weird naman kung may calculator ka kung ang test nyo eh history obvious naman kung saang mga subject mo ito gagamitin yan. At isa pa wala nang instructor na papayagan kang maglabas ng cellphone habang nag-eexam, nakakagago naman kasi talaga yun, wag mo nang subukan.

Answers na naka-tattoo sa balat at answer sheet technique – physical evidence na naman to! As in physical evidence… nakakita na ako ng mga nagkodigo normally sa palad o kaya sa sakong puede rin sa arm chair. Ang hardcore eh yung kodigo na nakasulat sa bond paper mismo! Sinulat gamit ang blunt pen, nakabakat lang kung baga… ang hardcore part nito eh yung mga estudyanteng nakakuha ng super leakage. As in hindi pa nagsisimula ang exam meron nang sagot, papatagal at mangangarap lang sa classroom ng 20 minutes tapos biglang magpapasa na.

Siguro mas marami ang variations ng pangongodigo, lalo pa na mas hi-tech pa ngayon. Pero kahit na anong paraan yan, walang fool-proof na paraan dyan. Ang pinaka-effective pa ring paraan eh yung tigilan mo ang kalokohan at mag-aral mabuti. Sa yo rin naman babalik yan kung grumaduate kang walang alam eh…

Ok? Pakabait na… mag aral na ulit.

Monday, October 08, 2007

Dog's Bestfriend

Medyo may katagalan na ring nag ci-circulate itong forwarded mail na ito... for something that truly happened, it really makes me think if animals, dogs in particular have a really deep sense of loyalty and affection. or evenmore do they have deep understanding of life and death and not just the instinct of self preservation

A dog was knocked down by a car and died on the middle of the road. Later, another dog is seen beside the corpse of the dog, he tried to wake his friend up using his leg.

When his attempts to wake his friend failed, he tried to push his friend to the side of the road. But the weight of his friend was proven too heavy for him.

Though the traffic is busy and dangerous, he just will not go away from his friend. Just stand beside his friend howling and crying.

A lot of people saw this incident and feel very touched. How even a dog can show his loyalty and love to his friend.

Touching really... Friendship in its purest form can actually stay in hardest times and even in hopeless moments.