Sa estudyanteng medyo gipit sa oras dahil sya ay working student, nagkasakit at medyo nagbakasyon ng matagal o di kaya naman ay napuyat kalalaro ng DOTA Allstars o ng SIMs ang natitira nyang tagapagligtas sa pagbagsak sa susunod na exam eh ang pandaraya dito. Siempre puede pa legal na paraan tulad ng cramming – last minute review, at ang pagdarasal na sana eh hindi matuloy ang exam. Kung medyo hardcore ka talaga puede ang active means para madelay ang exam tulad ng pagbo-bomb threat sa school o di kaya naman eh paabangan mo sa mga tambay sa lugar nila yung instructor mo.
Napakalungkot naman kung sa pagnanatili mo sa eskuwelahan eh hindi ka man lang nagkameron ng mga kaibigan. Mas magaan na kasi siguro ng konti sa konsensya ang pangongopya pero kung talagang loner ka sa isang klaseng free section at ikaw lang magisa o di kaya naman eh talagang mahigpit pa sa garter ng supporter ang teacher mo at maaring madamay pa yung walang kamalay-malay mong classmate pag nangopya ka sa kanya. Mas pipiliin mo na lang ding mangodigo. Bakit naman kasi alam mo namang magkakasabay – sabay na ang exam dahil finals week na eh pinili mo pa ring ubusin ang oras mo sa pakikipag-date.
Sa totoo lang alam naman ng mga instructor mo kung nangongodigo ka eh… tingnan natin kung meron kang ibang style.
Notebook na nakabukas sa loob ng backpack sa likod ng armchair technique – yep, ang pinakabasic na paraan, ang flaw lang nito. Sobrang limited ng resource mo, ang ok naman kung biglang maisipan ng teacher mo na mag roam around you can just knock the notebook at hindi ka na halata… ayos!
Maliliit na papel na nakatago kung saan saan technique – There can be countless clever places na naitatago tong mga maliliit na papel na to, sa kwelyo, sa medias, sa sapatos, sa ballpen sa slide or battery cover ng calculator, sa bulsa, sa belt, sa loob ng blouse? Sa buhok… mahirap yang ganyang style… may physical evidence kasi eh… effective sya, but the risks are staggering.
Countless information sa programmable calculator technique – engineering people karaniwang gumagawa nito, ang mga programmable calculator kasi, puede kang maglagay ng halos one paragraph of info, siemps weird naman kung may calculator ka kung ang test nyo eh history obvious naman kung saang mga subject mo ito gagamitin yan. At isa pa wala nang instructor na papayagan kang maglabas ng cellphone habang nag-eexam, nakakagago naman kasi talaga yun, wag mo nang subukan.
Answers na naka-tattoo sa balat at answer sheet technique – physical evidence na naman to! As in physical evidence… nakakita na ako ng mga nagkodigo normally sa palad o kaya sa sakong puede rin sa arm chair. Ang hardcore eh yung kodigo na nakasulat sa bond paper mismo! Sinulat gamit ang blunt pen, nakabakat lang kung baga… ang hardcore part nito eh yung mga estudyanteng nakakuha ng super leakage. As in hindi pa nagsisimula ang exam meron nang sagot, papatagal at mangangarap lang sa classroom ng 20 minutes tapos biglang magpapasa na.
Siguro mas marami ang variations ng pangongodigo, lalo pa na mas hi-tech pa ngayon. Pero kahit na anong paraan yan, walang fool-proof na paraan dyan. Ang pinaka-effective pa ring paraan eh yung tigilan mo ang kalokohan at mag-aral mabuti. Sa yo rin naman babalik yan kung grumaduate kang walang alam eh…
Ok? Pakabait na… mag aral na ulit.
No comments:
Post a Comment