Tuesday, October 30, 2007

Do You Believe in Ghost


picture to sa labas Manila City Hall >> kung papansinin nyo yung sa bandang upper right, yung may purple noise na... wala kayong makikita dun... :D

Hmn... ang totoo talaga hindi pa ako nagkakameron ng first hand experience with Ghostly creatures. Wala pa din akong nae-encounter about na talagang sobrang creepy. Maliban sa mga miraculous na paglipat lipat ng remote control nung isang beses na puyat na puyat ako habang nanonood ng TV.

Pero kung ang tanong eh naniniwala ba ako sa multo. I would say "Oo!" Naniniwala ako sa multo... bukod pa sa sinabi sa Bible ang katotohanan na meron nito. Multo ang ituturo kong dahilan kung bakit napakalamig sa Chapel sa lugar namin pag gabi kahit maailinsangan sa labas, multo rin ang ituturo ko pag pakiramdam ko eh may sumusunod sa akin pagnaglalakad sa madilim na parte ng street namin, multo rin ang dahilan kung bakit biglang nagkakameron ng nuclear attack sa base ko ng wala akong kamalay-malay (wow! old school star craft!), Multo rin ang nasa dako paroon!

Hindi nga seriously naniniwala talaga ako sa multo, but with my belief and all... hehe, ok na yung paniwalaan ko na sila kesa magkameron pa ako ng first hand experience.

4 comments:

WOOT! said...

haha!natawa ako sa caption nung piktyur. haha!

grabe ah before i read this kala ko di ka naniniwala.. ako naman pinipilit sarili na wag maniwala..na ang lahat ay may scientific explanation about sa biglang lamig..biglang bumukas na elektrikpan o pinto(actually kaka-experience ko lang last week eh..dinadaan na lang sa explanations para di matakot)

eh paranormal people totoo kaya sila?

gerrycho said...

hehe... yan yung isa sa mga bagay napinaniniwalaan ko nang walang definite proof eh :D

kasi namn meron naman akong mga close-close friends na merong encounter talaga... and i doubt that they will be lying with such kind of things...

yey! naman at nakakabisita ka na ulit sa mga blogs ruthing ruthing :D

Unknown said...

takot ako jan sa harap ng cityhall pag gabi, dahil sa mga mandurukot...naku.. pero takot talaga rin ako sa multo, lalo na pag nasa national hiway ka, at mag isa ka lang sa sasakyan...jeepers creepers... multo at kung anu-ano pa naiisip ko..

ah basta, pagbiglang bukas ang pinto ng room ko at naramdaman ang lamig ng kakaibang hangin na hindi ko mawari kung saan galing, naku kumot lang ang katapat nya, sabay dasal na huwag po kayo magparamdam sa akin.. nyahahahahahaha

gerrycho said...

oo ok na yung naniniwala ka... basta wala na nga lang naman yung hardcore or sobrang hardcore na proof :D