Wednesday, October 31, 2007

Kagawad at SK Elections


20 days before the elections ito lang ang nakapaskil sa gate ng eskuwelahan kung san mangyayari ang botohan, akala ko trip-trip lang kung bakit may poster don pero ayun pala eh eleksyon na naman!?!

Hindi ako makapaniwala na mas prestihiyoso na ang Baranggay elections ngayon! Sa lugar namin, kumpleto na ang eleksyon with tarpaulin posters at mga leaflets / flyers na pumupuno sa kanal ng eskuwelahan, pahirapan na naman ito sa paglilinis...

Ang galeng nga eh... nawe-weirduhan lang ako, bakit naging seryoso ng ganito kalupit ang baranggay elections?!? May power and authority naman talaga ang mga baranggay officials, para silang miniature form of government. siguro dahil na rin sa hindi ako madalas sa lugar namin kaya hindi ko na halos din kilala ang mga tumakbo. Hindi ko rin kabisado ang mga plataporma ng mga opisyal at kung meron silang nagagawang malupit, pero ang alam ko maluwag ang palengke namin, hindi na masyadong bahain, at may humahakot ng basura...

Tanong ko din sa sarili ko kung para san ang SK. oo naman definition-wise para magkaboses ang kabataan yada yada... pero bukod sa mga paliga at paconcert hindi ko na rin sila masayadong naririnig, nakakapaglagay kaya sila ng mga bagong libro sa municipal library? o mga tulong sa estudyante para sa kanilang pag-aaral? hindi ko talaga sigurado, saka hindi naman ako sobrang nakatono sa pulso ng politika sa lugar namin. Fault ko yun na parang wala akong pakialam, pero sino naman ang makakasisi diba?


nakapout!?? non-conventional sya sa talaga sa mga karaniwang smileys and all... hmn... bat ganun?!?

O sige kunyari tibak ako... YAARRRRGHHHH! ang dami dami nang eleksyon! Pagbabago naman!! wouuu!!

7 comments:

x said...

galing naman ng pout sa candidate na yan, bro! hehe. :)

gerrycho said...

oo nga eh... pero somehow, nakakadistract din sya eh... parang parang may mali somewheres :D

salamat sa pagbisita acey! wee!

WOOT! said...

SK??pauso nanaman.. baka sakaling may pagbabago,. hindi din ako aware sa mga kandidato dito samin.. pabago-bago man iisa lang din nman ang resulta.... walaaaaaa lang, di nga ba?

musta ka naman prof stud? :)

gerrycho said...

hehe actually estudyante pa lang ako, way back 2000 may SK na eh... hindi ko rin sure kung para san sila.

their main aim is to give voice to the youth, good point! pero how serious are they is the question, and only those who have fortunately was given the chance can answer.

oras na ng pakialamanan! ye!

@ruth
hmn... ok naman ako ruthings! eto mas madalas na ng konti na makapag-update hehe, may access eh... right now eh nag-i-stay ako sa madawang na gubat ng parañaque. salamat sa pagbisita! :D

Unknown said...

basta ang alam ko, kahit sinong nilalang ka pa na mahusay at may pinag aralan, basta matino ka, at ayaw bumili ng boto..hindi ka pede sa politics... lahat nabibili..

kaya un nakapout kase pangit ang ipin..nyahahahahahahahaha

gerrycho said...

hehe... isusulong ni razzy ang bagong brand ng pinoy politics! malinis at makatao sa likod mo kami razzy!

(uy! rhyme...)

romm said...

nyahaha! kakaiba ung nakapout ah.. very good observer gerry. ;)