So there…
I have actually prepared for the Board Exams of April 2004, that means I started with the reviews around November 2003. Maririnig mo ang sinasabi ng ilang reviewees about their life while the said preparation, its uber boring! Parang kailangan walang mangyaring malaki sayo for the next six months… review center, bahay, punta sa bahay ng reviewmate – palitan ng materials, manood ng tv or video sandali para di naman masaturate ang utak (in my case panonood ng Yu Gi Oh sa TV), at siempre ang aking “bread and butter” ang mag-tutor.
So t’wing may review session ganun ang takbo ng buhay ko, gigising ako around 5:30am, aalis ng bandang 6:30 darating sa review class ng 8:00, hanggang 12:00 nn tapos uuwi, darating sa bahay ng 2:00pm kung nakaidlip ako sa jeep, kakain lang at review na ulit, 4:30 mag hahanda naman para sa tutorial job, 5:00pm nandun na ako sa bahay nila Ate Janet, by 8:00, 9:00 or 10:00 uuwi na ako nun, depende kung may project ban a kailangan ko ding i-guide ng konti… I even wrote a science project once about candles with coconut oil, pero salamat sa Bato Balani… hindi ko na kinailangang i-compose… hehe… Tuloy pa rin ang review hanggang 12:00am or hanggang antukin, ganun ng ganun…
Pag weekends naman nandun ako sa bahay ng kaibigan kong si Oths, nagpapalitan ng manuals nagbabatuhan ng questions at encouragements, a companion with the same perspective about the board is sure is helpful… para na-bo-boost yung eagerness sa pagre-review. Ang stress reliever naming nun ni Oths eh paglalaro ng Yu Gi Oh cards, yung pirated lang ha! Yung tig-pipiso, kasama ang kanyang highschool at gradeschool na kapatid. Natawa pa nga sa amin yung tatay nya nun eh, nasa isang kwarto lang kasi kami… dudungaw sya makikita nya kaming tutok sa pagrereview, and then maya-maya nagsisigawan na kami dahil sa Yu Gi Oh, tapos serious ulit, tapos sigawan… Almost every night nagtatawagan din kami ni Oths, para ma-gauge kung nasan at kumusta na ang review ng bawat isa. No room for pretensions kung di ka nagreview dapat sabihin mo kung bakit para at least magagawa ka pa ring kunsensyahin ng ka-buddy mo…
We tried our best to follow the deadlines we have set among ourselves as well… Meron kaming mga calendars, nakapost doon kung anon a dapat ang re-reviewhin at dapat eh na review na… In a way effective din sya kasi gumugulong yung momentum at little successes na nami-meet mo yung deadlines.
Generally yun ang itinerary namin…
Nagparegister din pala kami ni Oths two or three months ata before the exam itself… Para maaga pa lang alam na namin sa mga sarili namin na wala na tong atrasan, alam namin na darating ang gabi before the exam at ang umaga ng exam mismo… malinaw sa akin yung umaga ng Board… Bumangon kami ni Oths mga 4:00am Nagbihis at nag-uniform, nakacomplete uniform ako nun, parang college boy… In a way, I want it to feel it for the last time… Si Mommy (Mother ni Oths) pa ang nagprepare ng sandwiches namin nun. Then there was that moment… Oths and I stood silent. We realized we are actually praying and we are praying for the same thing, I gave Oths two of my handmade pencils and he gave me two of his aswell, it was kinda solemn for the both of us…
Sa totoo lang, lumipas ang Board exams at yun lang ang masasabi ko dun, maliban sa part nung 2nd day… kung saan napagusapan namin na manood ng sine eh nauwi sa paguwi at pagtulog ng maaga…
Torture yun one week na paghihintay ng resulta ng board exams, the morning na I’m sure oras na ng paghuhukom… hindi ako makatulog, nakatingin lang ako sa kawalan. Nakatulog lang ako ng dalawang oras yata… ng nagising at nahimasmasan ako, karipas agad ako sa tindahan ng diaryo,
Eto na! Eto na talaga…
Pagkabayad ko, ang bilis kong ikinalat yung mga pahina ng diaryo, hinanap ang listahan! Napasuntok sa sahig! Yes! Nakasulat ang pangalan ko… Bago ako umalis humahangos din akong hinanap ang pangalan ni Oths, nakita ko middle name nya… “Igama” si Oths lang may ganung middle name, sabi ko sa sarili, tinanong pa ako ng tindera kung pasado ba, pero di ko na sya nasagot dahil lumilipad na ang paa ko pauwi… para ibalita ang news of the year! Hehe…
Bago ako umabot sa bahay, tinawagan ko pa si Mommy, walang kasing sarap ibalita na ang pinakamamahal nyang anak eh pasado na sa board… ang sarap magdeliver ng good news grabe!
Pagdating ko sa bahay after 5-10 minutes ko na in-anouce yung balita… black-out na agad ako… tulog na agad, I almost dreamt of my mother’s selfless joy over her son’s victory… ang sarap…
So yun ang drama ng Board Exams ko… It is as if naman yayaman ako upon having that license, but what is important, is that I know… pinagbusuhan ko sya ng panahon… at di ito nasayang…
My license is about to expire this year… halos palamuti lang sya sa wallet ko, pampatigas… pero whenever I take a good look, it reminds me that when you want something, you go for it… and do whatever it takes… no questions asked…
No comments:
Post a Comment