Bukod sa swimming kasama ang aking mga kababata, nakuha ko pang makasama pa sa dalawang outings… One in Pondaquit, Zambales and the other one is in Boracay, (hindi ko pala alam kung sang probinsya ang Boracay!)
Niweys, what I enjoy most about trips are the site seeing part… pwera pa yung pagbababyahe…
I can live without the alcoholic drinks, the babe watch, and even the swimming it self. Basta ba guaranteed ang serene environment where you can search for inner peace and deeper appreciation of nature’s beauty (naks! Bigat….) Wag lang naming ipagkakait ang baong pagkain at inuming tubig, mahirap mag appreciate kung may iniinda ka sa tyan…
Unahin muna natin ang Pondaquit, Zambales
The first thing I was able to appreciate with our Zambales trip were the accommodating benches of Victory Liner in Monumento, Caloocan… how they keep you cozy because you have to wait for 4 hours for the 3 o’clock in the morning bus cause the 11 o’clock evening bus left you. Ang sarap humiga at makipagkwentuhan ng kung ano-anong kalokohan kasama na ang plano mo sa buhay at career. Wag mo nang masyadong indahin ang mga surot hehe kahit pagtulog eh possible.
Meron din silang 24 / 7 na mga canteen that can serve you tapsilog and short orders in a flash! Medyo overpriced lang ng konti pero kung di ka pa naghahapunan would you even care?
Hindi na ako nakakuha ng mga pictures and whatnots sa byahe… Inubos ata ng mga surot ang wisyo ko at ulirat… so nahimasmasan na lang ako at tadaaaah! Nasa beach na kami… hehe… at nakahanda na ang pagkain!
Unlike ng swimming sa Santiago Resort, merong baong digital camera ang friends natin… so hindi ko na pinicturan ang pagpapakita namin ng aming mga drop dead gorgeous body… I took the pictures that I actually came for…
The majestic Sunset… malayo pa talaga sya sa horizon kaya hindi pa talaga sya sunset… so ano tawag natin dito? Majestic Late Afternoon Sun? Hindi catchy…. Pero ang ganda diba?
The serene trees swaying at the beach front…
The Seemingly Boundless Sea and the Three Dots That I’m Not Sure What that are Threading It…
At isa pang sample ng pa-photodramatic effect ng Isang Punong Nag-iisa sa Bangin… woooooh! Pa-deep!
Gusto ko ng mga pictures na to, para alam mo yun… may subjects ka pag-gagawa ka ng postcards, or pag gusto mong mag quote nga mga inspiring messages… tulad nito…
So ayun na nga… ang ilan sa mga photos na naipon ko nung Zambales Trip… hmn… next naman yung sa Boracay… mas Soulful yun… yeba!
2 comments:
Anong resort yan sa Zambales? Ang ganda nga dyan!
Hindi ko sure kung anong resort kami nag stay Mel :) kasi nasa beachline naman kami madalas... its in Pondaquit Zambales... If you like i can ask my friend for further details, banggitin ko na lang ulit...
Post a Comment