Wednesday, May 10, 2006

and we are back in the ball game!!!

hindi pa rin ako masyadong makapaniwala, pero ok na rin at dahil sa kailangan na... mag-i-start na ako ng bagong work sa lunes! buti naman at di ko naipahiya ang sarili ko na makakahanap ako ng job before may ends...

kahit na sinisipsip ko ang mangilang dugo sa gilagid ko wou! mabuti naman at hindi ako nagkaka "that time of the month" at hindi rin ako heavy bleeder...

aliw! nauna ko na munang dinaanan ang NBI clearance ko.. yung sa carriedo? para san kaya talaga yung entrance nilang Php 20?? bah! ang dami rin nun huh?!? kala ko dati sa aircon, pero hindi naman centralized ang aircon at mangilang rooms lang ang meron nito... medyo na-wi-weirduhan din ako sa mga tiga-kuha ng fingerprints, kase mas marami sila kaysa sa cashier, o kaya tiga verify, at tiga release, at di hamak na mas konti sila sa mga tiga quality-control...

nag-"hit" ang NBI clearance ko, dahil ata sa kontrata ko sa DOST, hindi ako nagkamali, naghintay ako ng may 1 hour para makipag-chikahan sa quality control kung bakit ako scholar ng DOST...

dapat pa ba yung tanong ba yun?

niweys, matapos kong i-kwento na yun nga, pinirmahan nya ang aking resibo at tuloy na ulit ang kwento...

nang makarating ako sa ayala, kinuha ko na rin ang aking medical... dyahe pa rin ako sa dentista... wow talaga! pero nasa likod ko na yun at ako ay nakapagmove-on na... medyo bad trip lang, dahil naghintay pa ako ng hanggang 2:30pm para ma-release ang aking medical certificate... noon ko lang napagtanto na pamasahe lang pala ang dala ko...

syet hindi pala ako makakapaglunch!

sige ok lang... minsan lang naman e, besides pag-uwi ko sa bahay i can eat everything to my heart's content... medyo napag-self pity rin ako nun ng konti, pero konti lang... mas matindi ang enthusiasm ko nun wouuuuuu!!!!

lesson learned, dapat magbaon din ng pasobrang cash... wag pupunta sa venue kahit saan ng sakto lang ang money... hehe mahirap na...

NIWEYS!!! We are back in the ball game!!!
PANG-REGULAR NA TOOOOO WOUUUU!!! (uhurmn...)

bisaya ka ba?!? bisaya ka pala e

pagwalang trabaho... boring ang mundo, masagana sa free time, kargado ng pera ng nanay =) pinakatipid siemps ang mag-apply ng trabaho online... sa dinadaanan ko papunta sa tig-ki-kinse/hour na internet shop kailangang lumampas muna kami sa isang eskinita na merong isang pamilya na HANEP magpatugtog! lintik sa lakas!!! nasa bungad pa lang kami, para na kaming niyu-yugyog, akala ko natutuwa ang mga kapitbahay ng may isang malaking lalaki na sumungaw sa bintana sa tapat ng bahay ng malakas magpatugtog... sabay sigaw ng...

"p*t@ng *inang!!! BISAYA talaga!!! p*t@ng *na!!!"

wow! kung mahina-hina lang ng konti yung sounds ng kapitbahay ng nagpapatugtog ng "haring solomon" at "silong ni kaka" malamang naging mas masaya... sumisigaw yung mamang nagmumura, baka alam nya rin na di sya maririnig...

inaasahan mo na siempre kung sino ang madalas tumangkilik ng tig-ki-kinseng internet shop... mga bata at mga teenager, ngayon ko lang napansin... ganito sila mag-alaskahan...

"Tiny!!! lumusob ka! pinanghaharang mo si drow ranger!!! hindi kaya!!!"
"BISAYA ka ba?!? hindi kaya SIYEETTT!"
"T*ng *na nagaabang! BISAYA!!!"

ganun din pag-bayaran na...

"o sikwinta, limang oras e..."
"hehe... bisaya..."

???

Pauwi na ako, kasabay ng mangilang teenager, may nakasalubong kaming isang lalaking naka-longsleeves na fit parang stuntman, naka-maong, naka-tuck in, all black, nakashades at bulldog leather shoes... palagay ko e seaman yung mama, anchor design ba naman ang nakalambitin sa leeg nya.. pero hindi sinabi nung mga nakasabay ko na...

"uy seaman...!"

ang sinabi nila

"hehe... bisayang-bisaya!"

sabi nila ang umimbento ng salitang jologs ay ang mga coñong gustong i-distinguish ang mga grupo ng tao na hindi nila kasama... ngayon pinapaniwala tayo ng media na most masses e mga "jologs" somehow maswerte pa ang salitang ito, dahil puede mo syang gamiting pang-uri (adjective)sa isang tao pero hindi mo sya ma-o-offend... parang nasama na talaga sa culture to describe a person's old school preference, hindi katulad ng mga salitang "hampaslupa" at "PG" na kahit isahog mo sa joke e hindi pa rin nakakatawa mas madalas e nakakainsulto pa rin...

ang pilipinas ay binubuo ng pitong libong isla at higit pa, isa sa mga rason kung bakit daw sa hindi naman kalakihang bansa e, may iba't-ibang kultura ito... narinig ko na sa ibang tao na ang mga ilokano raw ay kuripot, ang mga kapampangan daw ay "dugong aso" at hanggang ngayon di ko sigurado kung yun ba e positibo o kabaliktaran...

hindi mo maririnig sa media yan... mabuti nga't maingat sila sa ganitong mga bagay... pero nananatiling nag-pre-prevail ang generalization na ito, depende sa pinanggagalingan lalawigan may kadikit na agad na description... siempre pinakamature kung tutunghayan mo ang isang tao, sa pagkatao nya talaga mo sya i-lalarawan, at hindi sa kung saang probinsya sya galing.... meron na akong nabasang "You're a Filipino if..." hindi ko sigurado kung kasing sarap nito basahin ang "You're an Ilocano if...", "You're a Pampanggeño if..." o "You're a Bisiya if..." at kung ano-ano pa...

hindi nakakatawa na sa pinanggalingang probinsya palang sinasalansan na natin ang isa't isa... katulad ng kung pano ang diskriminasyon ng white sa mga black dati at ngayon... mahirap maisip ang pagkakaisa pag ganon... maikli ang article na ito para pag-aralan ang pinanggalingan ng ganitong pag-uugali ng pinoy... thesis material yun...

hindi ko alam kung ito ay isang biro o titingnang negatibo ang salitang "bisaya" sa ilang mga taong nakita ko... guilty akong natawa pag-ibinabato ito sa iba, at naaasar pag nasabihan din nito... hindi ko lubos maisip kung paanong ang salitang ito ay naging katawagan sa taong baduy manamit, malakas magpatugtog kahit alanganing oras, walang sense of team work, nag-aabang para kunin ang pinaghirapan ng iba, at laging naka Artic Sniper Rifle at nag-aabang sa bunker...

nang ang tooong sabihin naman nito ay alam naman nating mga taong marunong magsalita ng dialektong ito at nanggaling sa Visayan region... hwow...


disclaimer: please lang po wag naman kayong mag go-ballistic sa akin dahil sa post na to, it's just how i se it from where i stand, saka mas ok kung tatapusin nyo muna yung article, i tried to be fair... magcomment na rin kayo para masaya... =)

Sunday, May 07, 2006

eom

nakasakay ka sa lrt... bagong bunot ang ngipin mo, eh nagdugo... ano gagawin mo?

Tuesday, May 02, 2006

Mahirap na Exams

Grabeh...! ugali ko nung college ang mag-cram ng mag-cram pag may exam, pero sa totoong buhay pala hindi dapat ito ginagawa, dahil mas malupit ang exams dito at dapat matagal mo na itong napaghandaan!

Tinanggal ko sa isip ko ang kahit anong posibilidad na darating ang exams na 'to... eto yung exams na kailangan para makapasok sa trabaho... kung magpapabaya at hindi maghahanda, talagang deads ka! o parurusahan kanito ng mabuti... tama talaga ang nabasa kong libro tungkol sa procastination...

"we tend to procastinate, when what we forsee is something negative or what we dont want to face, which will nonetheless get in to you unprepared and unaware."

takot talaga ako sa exam na 'to! at kahit ubod ng ganda at sexy ng proctor, wala itong nagawa para maibsan ang kaba at kahihiyang nakaamba...

muntikan ko nang sisihin ang nanay ko, kung dangan ba namang dinisiplina nya ako ng mabuti eh hindi ito dapat mangyayari sa akin ngayon...

talagang sobrang sama ng resulta...

2 for permanent filling
3 for extraction
and oral prophylaxis


nareview na naman ako sa kung ano ang ibig sabihin ng "habang-buhay" =(

Monday, May 01, 2006

Grade 5

Hindi ko talaga maintindihan ang aking "temporary amnesia" at wala akong maalala nung Grade 4, pero pakiramdam ko, nagkaisip ako ng Grade 5

Nagkaisip?!? Hindi ko maintindihan at nagtataka ako kung bakit may mga kaklase akong hirap na hirap matuto at bakit yung ibang kaklase ko naman e parang alam nila ang lahat ng bagay?!? mababaw ang tingin ko sa pag-aaral dahil sa hindi ko naman maintindihan kung bakit ako dapat mag-aral, pero dahil sa hiya ata takot ko sa teacher, natuto akong umintindi at umunawa ng binabasa ko, hidni rin ako kabilisang magcompute ng math, pero ok naman din... natuto akong mag-drawing ng half-note, whole-note, quarter-note, whole-rest,rest-room, g-clef at kung ano-ano pang musical symbols... yun lang hindi ko talaga naiintindihan ang teacher ko, palagay ko hindi nya talaga ito kayang ipaliwanag at ituro, puro pa-drawing, wala namang explanation, pero dahil sa madali lang bilugin ang ulo ng bata dati, hindi ako nag-react, hindi ako nagtanong... wow submissive...

Ang grading system ng elementary nong panahon ko ay nahahati sa apat na periods, 1st quarter, 2nd, 3rd at 4th, merong minsanang quiz, quarterly na periodical exams at araw-araw na pagbasa, pagsulat at sermunan... wala nang naglilista ng maingay. pero merong tiga-check ng palstic bag dahil sa phased-out na ang basurahan... lupit!!! nagkameron ng maraming chewing gum kaysa sa kulangot dahil sa bagong ordinansang ito! (axiom yun... hindi na kailangang i-test at pasubalian ang obserbasyong ito! ebidensya na kung ilang beses nabwisit ang nanay ko sa pagtatanggal ng bubble gum sa shorts ko twing maglalaba sya!) kahit na parang basura lang ang lecture notes ko, ayoko namang maglagay ng totoong basura sa bag ko... kaya ang kinakain ko sa recess e laging minatamis na saging champorado at lugaw basta hindi gagawa ng basura ok yun...

Hindi ako nagrereview para sa kahit anong exam at quiz nong elementary, mas mahalaga ang paglalaro, ang pag-aaral ay makakasira sa barkada at performance ko sa taguan, habulan, at batuhang bola...

Ang motivation ko noon ay baon, at yon tama baon lang... noon ko napatunayanna ang "appreciation" ay mas mainam na motivation kaysa sa baon, sermon at palo... ang lalim ng pagtanggap at pagpapahalaga ko nung isang beses matapos ang 2nd periodical exam namin sa science... sinabihan ako ng teacher ko...

"magaling pala itong si gerry..."

For the first time!!! Sya lang ang unang nagsabi sa akin nun! ang sarap palang makilala... ang sarap palang ma-appreciate...

Salamat sa teacher ko sa Science si Mrs. Elvira Dagohoy... nagkaron ako ng bagong rason para mag-aral... dahil sa dye-dyeeeennn... "appreciation" dati ang paborito kong subject ay HELE (sabi ng kapatid ko Home Economics & Living Education daw yun...)kung saan ang ginawa namin ay mag-ani ng mani, magbungkal ng lupa, magtanim ng buto at magdilig ng halaman.. ang saya! manual work! ang sarap saktan ng lupa! ibaon ang asarol at bungkalin ito... pero dahil sa mahiwagang appreciation, mas naging attentive ako sa lahat ng subject, mas ginusto kong tumawag ng positive attention, sinubukan pa namin ng isa kong pang ambitious at imaginative kong classmate na sumali sa isang practical science contest at ang entry namin ay ang wouuuu!!! nakakalokong...

"Solar Cooker!"

Kalokohan, dahil ito ay isang lutuan na ang gagawa ng ningas ay ang matinding sikat ng araw na ki-noncentrate ng lente... ok kulang pa paa ang galing namin hehe...

Section 2 ako buong elementary days ko, sabi nila mga section 1 daw ang pinakamagagaling... kaya nong highly motivated ako nun... sabi ko pagdating ng grade 6 kahit nakapantalon na silang lahat at nakashorts pa rin ako... mapapabilang ako sa kanila...

Kahit na motivated ako, hindi ko pa rin napapabayaan ang paglalaro ko.. ayos! sa totoo lang, hindi ko naman din kailangang magreview dahil multiple choice ang type ng exams, ang math naman kahit matagal bago ma-compute, nakukuha ko pa rin, needless to say, mas matataas ang grades ko mula ng ako ay ma-motivate...

Nung pipiliin na ang lima sa apatnapung estudyante na ipapadala sa section 1, wow! pang-anim ako!!! naungusan ako ng classmate ko ng ilang puntos dahil sa magagandang projects nya sa HELE! (paborito kong subject! trinaydor ako!!! yarrrrggghhhh!!!) nakapagpasa kasi sya ng hand thrower na gawa sa tubong bakal na binuksan ang gitna, tiyahin nya rin ang gumawa ng malaking signboard ng school... (saka mas mataas din ata sya sa akin sa math =) )

Yun ang una kong frustration! bukod sa hindi ako naibili ng nanay ko ng tig-do-doseng espada na may suksukan... inasam kong mapunta sa section 1 pero hindi ko nagawa dahil sa project na di ko kayang pantayan... hindi na kao motivated pagkatapos ng grade 5... ipinagpilitan ko sa aking sarili, hindi sila sobrang magaling kumpara sa akin... kaya ko rin ang kaya nila... (lam mo na pag ang bata na-frustrate isusumpa nya ang mundo...)

Challenged na ako
Challenge ang Grade 6...

Dry Swimming!!!

Ito ang libangan ng mga taong twing weekends lang bakasyon at walang oras para mag-organize o, mag reply sa text at tawag ng nag-oorganize! ang dye-dyeeeennn!!!

DRY SWIMMING

ALIW!!! ngayon ko lang kasi na try tong activity na toh! at talaga namang weeeee! ang saya! at siempre dahil sa ubod kayo ng busy, dapat ito ay ovenight dahil malamang may commitments pa rin ang mga sasama pagdating ng umaga o tanghali...

Ano naman ang mga kailangan dito? o sige, ang una sa lahat e kailangan mo nang mga kasama! group activity nga e! at dapat may mga kasama kang puyat! Tulad sa grupo namin, may isang call-center agent (so 'nuff said puyat sya), isang galing sa company bidding sa laguna, at isa pa na nag-organize naman ng birthday party... ayos! main ingridients!!! siemps kailangan din ng mga members na insistent at mapilit na ituloy ang event, pagkumpleto na puede nang isama lahaaaa aa aaat! ng kung sino pang gustong isama! o! ok! siemps kailangang mag-impake na ng gamit! dahil swimming yon, kailangan ng bagong bihisan, twalya, sabon, shampoo, toothpaste at toothbrush, isama na rin yung personal necessities... kung mahina ang baga, may ulcer, diarrhea at uhurmn... red alert...

Ayos! dahil sa mas ok ang biglaan ang event, expected nyo na dapat mag-co-commute kayo, siguraduhin nyo naman ang kung ano ang sasakyan at lugar na pupuntahan, mahirap makarating dun kung wala kayong "doon" malaki ang kanluran, san doon kayo pupunta...

Next pagkain... ni wala ngang nag-asikaso ng sasakyan at mag-co-commute kayo, sino naman ang ini-expect nyong magluto??? ok lang! ano ang ginagawa ng value meals? fast-food? magkalapit naman lagi ang andoks manok at 7-11... mas malamang na bagong sweldo ang mga insistent components ng group kaya ayos! kami? pizza ang napag-diskitahan namin...

Hindi exciting kung 'di nyo ipipilit ang bawal sa mga overnight resort... ang mga alak! kasama na ang chasers, ok kasama si Alfonso, kung na-ho-home sick kayo puede rin naman si Grand Ma, kung feeling royalty Em-pi! wag bumili ng alak na masyadong mahal lalo na kung ang aim nyo eh, makitang sumusuka ang mga kasama nyo para mas maganda at masaya tingnan ang pictures at videos nyo... so kung ok na!!! challenge na to!

Magkita-kita sa isang lugar na alam nyong lahat bago mag-proceed sa resort may mala-late, ok lang yun... dahil mai-ju-justify nya yun kahit ano ang mangyari, saka yun ang test of friendship! hanep!

Pag nagkita-kita na kayo, mapagtatanto nyo na malaking kalokohan ang mag-commute ng dis-oras ng gabi, saka ang mga puyat at may red-alert e hindi pala puedeng mag-swimming, puede kung sa puede wag nang mamilosopo... ang mga mapipilit namang ituloy ang swimming kahit syet ang logistics, at gaguhan ang plano e mga nangungulit lang, na-mi-miss lang pala nila kayong lahat... mapagdedesisyunan nyo na tumuloy sa kabarkada nyong may maluwag na place, may cd-player at malawak na tulugan... mag inom at magkwentuhan magdamag... dahil pagod at puyatang ibang kasama konti lang ang mag-iinom nila at makakatulog na rin agad, ang makukulit e ang iinom ng majority ng alcoholic beverage nyo kaya patas lang din...

Walang nabasá! maliban kung may sususka =) siemps meron pa ring medyo sasamá ang kalooban; kasama talaga yon, sayangin nyo ba namang ang oras nila... humingi ng tawad ibili sila ng marshmallows...

Ewan ko ba sa grupo namin... karaniwan pag-plinano ang isang event, karaniwan ay nauuwi sa inuman, sabagay kung natuloy man ang swimming, inuman pa rin naman yun... bago magkita-kita halos murahin na ang isa't isa pero pag naghiwahiwalay na ok pa rin...

Ang tagal na ng mga problemang napagdaanan namin at hindi naman sa lahat ng oras nagkakatulungan kami, time na lang talaga ang test... nagdadamayan pa rin naman kami kahit pa'no, insecurities, success and failures... haha! ang lalim! pero tuyo pa rin kami (ano man ang ibig sabihin nun...)