Ito ang libangan ng mga taong twing weekends lang bakasyon at walang oras para mag-organize o, mag reply sa text at tawag ng nag-oorganize! ang dye-dyeeeennn!!!
DRY SWIMMING
ALIW!!! ngayon ko lang kasi na try tong activity na toh! at talaga namang weeeee! ang saya! at siempre dahil sa ubod kayo ng busy, dapat ito ay ovenight dahil malamang may commitments pa rin ang mga sasama pagdating ng umaga o tanghali...
Ano naman ang mga kailangan dito? o sige, ang una sa lahat e kailangan mo nang mga kasama! group activity nga e! at dapat may mga kasama kang puyat! Tulad sa grupo namin, may isang call-center agent (so 'nuff said puyat sya), isang galing sa company bidding sa laguna, at isa pa na nag-organize naman ng birthday party... ayos! main ingridients!!! siemps kailangan din ng mga members na insistent at mapilit na ituloy ang event, pagkumpleto na puede nang isama lahaaaa aa aaat! ng kung sino pang gustong isama! o! ok! siemps kailangang mag-impake na ng gamit! dahil swimming yon, kailangan ng bagong bihisan, twalya, sabon, shampoo, toothpaste at toothbrush, isama na rin yung personal necessities... kung mahina ang baga, may ulcer, diarrhea at uhurmn... red alert...
Ayos! dahil sa mas ok ang biglaan ang event, expected nyo na dapat mag-co-commute kayo, siguraduhin nyo naman ang kung ano ang sasakyan at lugar na pupuntahan, mahirap makarating dun kung wala kayong "doon" malaki ang kanluran, san doon kayo pupunta...
Next pagkain... ni wala ngang nag-asikaso ng sasakyan at mag-co-commute kayo, sino naman ang ini-expect nyong magluto??? ok lang! ano ang ginagawa ng value meals? fast-food? magkalapit naman lagi ang andoks manok at 7-11... mas malamang na bagong sweldo ang mga insistent components ng group kaya ayos! kami? pizza ang napag-diskitahan namin...
Hindi exciting kung 'di nyo ipipilit ang bawal sa mga overnight resort... ang mga alak! kasama na ang chasers, ok kasama si Alfonso, kung na-ho-home sick kayo puede rin naman si Grand Ma, kung feeling royalty Em-pi! wag bumili ng alak na masyadong mahal lalo na kung ang aim nyo eh, makitang sumusuka ang mga kasama nyo para mas maganda at masaya tingnan ang pictures at videos nyo... so kung ok na!!! challenge na to!
Magkita-kita sa isang lugar na alam nyong lahat bago mag-proceed sa resort may mala-late, ok lang yun... dahil mai-ju-justify nya yun kahit ano ang mangyari, saka yun ang test of friendship! hanep!
Pag nagkita-kita na kayo, mapagtatanto nyo na malaking kalokohan ang mag-commute ng dis-oras ng gabi, saka ang mga puyat at may red-alert e hindi pala puedeng mag-swimming, puede kung sa puede wag nang mamilosopo... ang mga mapipilit namang ituloy ang swimming kahit syet ang logistics, at gaguhan ang plano e mga nangungulit lang, na-mi-miss lang pala nila kayong lahat... mapagdedesisyunan nyo na tumuloy sa kabarkada nyong may maluwag na place, may cd-player at malawak na tulugan... mag inom at magkwentuhan magdamag... dahil pagod at puyatang ibang kasama konti lang ang mag-iinom nila at makakatulog na rin agad, ang makukulit e ang iinom ng majority ng alcoholic beverage nyo kaya patas lang din...
Walang nabasá! maliban kung may sususka =) siemps meron pa ring medyo sasamá ang kalooban; kasama talaga yon, sayangin nyo ba namang ang oras nila... humingi ng tawad ibili sila ng marshmallows...
Ewan ko ba sa grupo namin... karaniwan pag-plinano ang isang event, karaniwan ay nauuwi sa inuman, sabagay kung natuloy man ang swimming, inuman pa rin naman yun... bago magkita-kita halos murahin na ang isa't isa pero pag naghiwahiwalay na ok pa rin...
Ang tagal na ng mga problemang napagdaanan namin at hindi naman sa lahat ng oras nagkakatulungan kami, time na lang talaga ang test... nagdadamayan pa rin naman kami kahit pa'no, insecurities, success and failures... haha! ang lalim! pero tuyo pa rin kami (ano man ang ibig sabihin nun...)
2 comments:
wahahaha.. organize na lang ulit.. baka pagsakaling ibahin ang plan A, baka matuloy na ang wet swimming.. i-anticipate na ang mga may red alert.. at ang mga puyat, walang puyat puyat pag itinapon mo sa tubig...
hehe.... sabi mo yan ha raz!!!
Post a Comment