Back first year College, I had a PE instructor who was so obsessed in teaching us Social Dance, and I mean Ballroom Dancing… It even got to the point na tinanong pa nya kami bakit daw pag binabalikan namin yung mga steps na tinuro nya last meeting eh hindi na raw namin kabisado kailangan daw aralin namin yung mga steps na tinuturo nya morning before we go to her class, na parang kasing importante at mas kumplikado pa sa Algebra at Trigonometry. Bilib na sana ako sa kanya kung hindi lang sya tumanggap ng tig-PHP 500.00 sa mga classmates ko na hindi nakapagpresent nung final performance dahil sa valid reasons instead na ire-schedule na lang ang sayaw nila.
Anyways… When I thought I wouldn’t never be dancing again, bukod sa mga presentation sa school – orgs tgisshing! I was wrong! Mantakin mo na sa kahit pala sa work eh madadala mo ang iyong mga presentation skills! Hindi lang sa pagdedeliver ng reports ha! I mean dance to entertain the crowd! Wow…
Hehe… pero hindi naman siguro lahat eh, nagpapasayaw ng ganito… last year nagsayaw din kami, representing the Batch 12 of Newly hired Cadet Engineers para sa tinatawag na Rewards and Recognition… this year akala ko eh manonood na lang kami ng performing newly hires, Lo and Behold, five days before the program I found my self, volunteered by my supervisor to join this Dance Presentation / Competition. Together with other performers from other groups… We are fifteen all in all in the Dance group, representing the Green Team, kilala ko naman yung mga kasama ko kahit pano, nameet somewhere sa work… Bukod sa mga ka-department ko mismo most of them I would say eh ka-acquaintance level palang…
For three days, we balanced our work over the practices… I guess ganun din ang ginawa ng ibang groups, yun lang I guess some other groups prepared long before the occasion nagpasadya pa ng costume eh! Siguro nagging perk nya especially day before the presentation eh yung halos wholeday na wala ka sa work, refreshing in a way yung nandun ka sa office pero hindi PC at E-mail ang kaharap mo…
Parang nag-e-exercise lang!
We also get to visit yung rooftop ng building namin, inaabot kasi yung ceiling pagnaggagawa kami ng human pyramids eh… so perfect venue yung rooftop. Hulaan mo kung sino yung photographer…
Bilib din ako sa mga teeners ngayon… pag performer, performer talaga… nakakatuwa lang isipin na ang mga nagturo sa mga nakalaban namin eh naging profession ang pagsasayaw one way or the other… ang nagturo sa amin ng ilang formation and steps eh, 1st year college pa lang… among the songs that we used are Kembot, Sexy Back and the finale Shake it Off, so explains why the title…
Kung sino pinaka-young looking sa kanila, sya yung nagturo sa amin… hehe, hindi kasama yung mukang isip bata ha!
isang minutong katatawanan :) dyareen! ang makabuluhang head stand practice na hindi naman talaga nagamit sa presentation hehe...
This is also the first time na nagkameron ako ng costume na sponsored! Yung hindi galing sa bulsa ko yung pinambili! Hehe memorable indeed… ang saya meron pang lobo! Parang mag-e-exhibition ng mga dribbles para sa Milo best yung outfit namin neh?
Hmnn… pansin ko lang din, bakit kaya sa mga catering eh, madalas nang gamitin ang knife and fork against the popular spoon and fork? Is it because dinidiscourage ang seconds? Or nag-aaral na tayong maging Canadians?
The practice actually paid off good… kahit three days lang before the competition itself, hindi actually naging malaking isyu kung sino ang nanalo and natalo, we had so much fun! And sobrang maappreciate yung doing something quite extraordinary… extraordinary na yung magsayaw-sayaw paminsan-minsan hehe…
Ok ok… if you are so much with the results… naging 2nd place kami…
So ayun ang dawning na ating dancing career! Abangan ang aming dance group sa inyong baranggay sa nalalapit na fiesta or something…
No comments:
Post a Comment