Friday, November 23, 2007

Trip Down to Memory Candy Lane

Hehe... may astig na naman na forward email.

This time its about our favorite candies nung 90's. i wonder kung naabutan pa ng mas batang generation itong mga candies na to? pero nakakatuwa talaga kasi naman wehehe!
hindi ko mahanap yung pictures ng iba... :D I really enjoy these stuffs... napaghahalata tuloy kung anong dekada ako nagkaisip wehehe!


oh..candy panghimagas..

hindi maitatwa na ang kendi ay naging malaking parte ng kabataan natin.mga makukulay,mababango(although mnsan may maantot),at masasarap na kending lalung nagpasaya saten at mnsang nagpaiyak din dahil sa sakit ng ipen na dulot nito.balikan natin ang mga kending namayagpag at pumukaw sa mga puso at tastebuds nmin nung panahon ko.

1. KENDI MINT - eto ang kending kanunu-nunuan pa ng dynamite.ang official na kendi ng mga taong may tinatagong puot sa knilang kaloob looban.mint candy sya(malamang?!) na may lamang chocolate o kokwang mamasa masa sa pinakagitna.kulay green ang wrapper nya na may nakaimprentang eskimo na nakangite at parang gustong magpasubo na.



2. LIPPS - ang kendi ng mga batang malalande,mapa nene man yan o tukling.cherry flavor na kendi na gawa sa benadryl(ayun sa pakilasa ko yan ha,mapait kase) at sandamakmak na pulang food coloring.sobrang makulay sa bibig,kadalasang ginagawang panghalili sa lipstik ng mga bata o di kaya dugo effect sa larung aswang aswangan.payak lang ang wrapper,kulay puti at pula tapos nakalagay lipps.

3. VIVA! - ang kendi na ayaw na ayaw ni mother lily.caramel candy sya na mukang tae at mukang hindi masarap bilhin lalu na ang kainin.kulay tae din ang wrapper nya at mas mamatamisin mo pa cgurong ikendi ang naptalina kesa sa kending toh.

4. WHITE RABBIT - ang bi-sexual na kendi.dalawa kase ang klase ng kending white rabbit,may tinatawag na local at imported.parang vivang pinahaba lang ung local version,toffeecaramel ang flavor at bukod dun eh wala ng ibang misteryong mahihita pa sa knya.kulay puti at super milking nougat naman ung imported.at bukod dun sa chinese character na nakaimprenta sa wrapper nya eto ang pinaka pambato ng white rabbit imported,ang kanyang inner wrapper na pwedeng kainin at pagsaluhan ng buong pamilya.happy fiesta!



5. PINYA - hindi ko alam kung anu ba tlaga ang lehitimong tawag sa kendi na toh,pero dahil hndi tayu masyado sure ay itago na lang natin sya sa pngalang ?pinya?.sya ang kending pinakafashionista ang wrapper dahil figuratively muka syang pinya.bagsak lang sya sa itsura ng wrapper dahil mukang tapeteng mura lang per yarda ang itsura nito.at ang lasa?..pinya..malamang.

6. VICK'S - ang kendi ng mga batang may kakambal o ng mga batang sadyang madamot lang tlga at pinalaking dupang?vicks candy.mentholated ang vicks at dalawang piraso sya ng kendi sa isang maliit na pack na hugis inverted triangle(kumporme sa paghawak mo).kulay hinog na uhog at pinaniniwalaan ng mga bata na nakakapagpaluwag ng paghinga.hndi ko alam kung associated tlga ang nakagisnan naming vicks candy sa vicks na pamahid sa sinisipon.

7. BUTTER BALL - ang kendi na mga batang may malalaking bibig.ito ang peter’s butterball,ang pinakamasarap sa lahat ng caramel candies.bilog syang candy na mejo may kalakihan ang hulma kung sa bata ipapasubo.sosyal ang wrapper dahil ito ata ang pinakaunang kendi na nasa pillow pack at kulay peach pa.bsta masarap,husto na yun.

8. ORANGE SWITS - ang ina ng mga gummi bears at potchi.malalambot na orange slices na pinatihaya,pinadapa at pinagulong gulong sa asukal hanggang sa magtanda.apat na slices per pack at mas madalas na makitang binebenta ngyun ng mga takatak boys kesa sa sari sari stores.

9. TOOTSIE ROLL - isa sa pinakasikat ng kendi nung panahon ko,sa sobrang kasikatan eh nagkaron pa ng dance craze na tribute sa knya nung early 90s.caramel candy din ang tootsie roll na kasing haba ng mongol na makatatlong beses ng tinasahan.bukod sa pwede syang kainin at sayawin ay pwede din syang itapal sa ngipen para magmukang bungal at yun ang pinakamasayang purpose ng tootsie roll.



10. ALMO - ang pinagmulan ng mga ovalteenies.chocolate candies sya na mukang mga tabletang panlunas sa sipon at lagnat.nakalagay sa makulay at maliit na foil pack at kadalasang nakasabit sa tindahan dahil dugsong dugsong sya.masarap ang almo lalu na kung hindi mo sariling pera ang pinambili.

11. HAW FLAKES - ang buhay na patunay na hindi sa ikatlong baitang sa elementarya unang nagaganap ang pangungumunyon ng mga bata.ito ang haw flakes,ang kending galing pa ng tsina at naging saksi sa barter trade system.mas kilala sa tawag na ?oscha? dahil sa kakatwang itsura nito.maninipis at kulay maroon na amoy pawisang singit ng bata(maasim),nevertheless may basbas at sagrado.dito nagsisimula ang damdaming makadiyos at madasalin kaya ibahin nyo ang haw flakes.ang kending galing sa langit



12. KENDING HUBO - also known as neto,nyan o dutdut motion.pabili nga po neto,pabili po nyan,o di kaya dutdut na lang dun sa garapon.ganyan ang kending hubo.ang kending walang sapat na pagkakakilanlan at impormasyon sa sarili.muka syang holen na iba iba ang kulay at flavor(kadalasan citrus/fruity).may budbud syang asukal sa paligid at kadalasang nakalagay sa malaking garapon ng lady?s choice.

13. LALA - ang pinakamasarap ng tsokolate sa mundo ng pagkabata.mas kilala sa tawag na ?milo?,ang lala ay gawa sa purong kokwa(cge magmarunong tayu sa ingredients) na hinulma into small rectangular chocolate bars na may nakaemboss na parang rehas ng veranda.sobrang masarap at sobrang tindi din kung magpasakit ng ngipin,nevertheless masarap.un naman ang importante eh.



14. CHOC-NUT - ang hall of famer sa lahat!sya ang pinakasikat na kendi(o kung anumang twag sa klase nya) sa balat ng pilipinas.gawa sa natuyong peanut butter at chocolate na hanggang ngayun ay hndi ko makapa ang lasa na binalot sa palara.all time favorite ng panghimagas o pampalipas oras.chocnut is simply the best(naks! parang HBO)?



Hindi nga lang nakasama yung Chocobots (rip off ni Choc-nut) yung mga sinaunang Frutos din na medyo late na rin dumating, at yung mga candies na sa peryaan mo lang makukuha para premyo sa mga squares na huhulugan mo ng bentesingko. Ano naman kaya ang susunod dito? mga Chi-chirya naman tulad ng Chikadees, Sunchezz, Pom-poms, at yung chi-chirya na makukuha mo lang sa pagpalit ng mga long neck at garapa sa magbobote...? haha... :D

6 comments:

Virginia said...

favorite ko din yung white rabbit na edible yung plastic and yung choc nut fave naman ng tatay ko!

hihi ang saya-saya!

gerrycho said...

ei virgie :D
ang tagal mo ring busy neh?

nakakabilib nga eh... bakit puedeng kainin ang nakabalot sa mga white rabbits?

hiwaga ng buhay!

Unknown said...

the best ang lala.. hanggang nun college, biibili ko yan, pag labas ng ue gate sa recto st... sarap..

yung kending hubad, astig, dumudukot ako nyan sa tindahan ni lola, kase hindi na un mapapansin..hahahaha

x said...

oh my! yummy post!

i grew up using lipss as lip stick, lala as comfort food and haw flakes for eating in class. haha.

'love this post!

Anonymous said...

fave ko ung kendi mint. pero baket iba ung balat? di ba mukhang stork xa, bago na ba ngaun? at lipss! ang sarap maglandi! XD wala bang melon-melon? ung 25 cents ang isa. :p kasamahan xa ng vicks.. hanggang ngaun ay akala ko gamot tlga xa sa sipon. hahaha!

gerrycho said...

hindi nga pala nasali yung haw haw milk :D saka yung candy na pumipito yung joy candy... wehehe