Grabe ang lakas ng bwakanang ulan kanina... Maswerte pa rin ako,
pakiramdam ko kasi eh sa twing lalabas ako eh, humihina ang ulan. Nakakalakad
ng maayos at bubuhos ang lintik na ulan pagnakasakay na ako, swerte...
Wala akong pinagiisip kanina, dapat nga makikinig ako ng mp3 kanina
eh.. Pero may humahampas ng payong sa balikat ko, nung una akala ko wala
lang, nung pangalawa tinawag na ang atensyon ko...
"kulitaa a am.." pagtingin ko yun, si hesed pala! Kaklase ko nung
college pala! Lam ko huli ko syang naging kaklase 2nd year 2nd sem.. Mga
umn... Anim na taon?!
Nagshift pala sya, grumaduate s mcu.. Matapos mapatrouble sa ue..
(hehe, ibulgar daw ba?) grumaduate sya ng business ad isang taon matapos
kong grumaduate..
Isang taon na sya sa trabaho nya.. Samantalang wala pa kong tatlong
buwan sa trabaho ko.. Geez, dalawang taon akong late sa career development
ko dahil sa sinubukan kong magturo? Natatawa nga ako minsan eh, batch 7
ng mga cadet engineers, matindi na ang roots nila, pero mas matanda pa
ako sa kanila?!
Pero hindi un ang umiikot sa utak ko ng nakikipagkwentuhan ako kay
hesed, ang pinaguusapan namin eh ang kakwelahan namin nung college.. Nung
nagsisimula pa lang kami, nung sariwa pa ang mga pangarap..
Pinagkwentuhan namin ung drawing instructor naming si engr chan,
aksidenteng nabato sya ni hesed, nakipaghabulan sa kanya si sir para lang
ipa-guidance sya,
Yung mga combat boots naming umuusok habang bilad bilad kami sa rotc,
inalala namin kung may natutunan kami dun sa pagbibilad nun, haha...
Natawa lang kami..
Yung ballroom dancing na pe subject namin, na mas pinaglaanan namin ng
panahon kesa sa algebra at trigonometry.. (sarap ng pe na un, nung kasi
ang unang pagkakataon na ginusto ng kapartner kong si apple ng hawakan
ko sya sa bewang, o ako lang nagisip nun? Nah.. Sulit pa rin bwaha!)
Nakakalungkot, mahigit apatnapu kami nun, wala pa atang sampu sa mga
kaibigan ko nung 1st year college ang alam ko ang kinahinatnan..
May apat ata sa kanila ang nabuntis bago pa tumuntong ng 4th year..
Marami ring huminto, may nagshift at may nawala na lang at di ko na
nabalitaan kahit kailan..
Hindi ko talaga naisip nung 1st year college na darating ang panahon,
na kailangan ko palang magtrabaho, kung hindi kami kakain, hindi ko
naisip na ang mga gra-graduate ang susunod na bubuo ng lipunang ito,
mababaw lang ako, inakala ko na ang limang taon ay sing-tagal ng isang habang
buhay na puro saya..
Ambabaw... =)
Eto ako ngayon.. Malayo ang tingin sa silangan, may pag-asa magiging
maayos din ang lahat...
Bumaba kami ni hesed sa gil puyat station, jeep ang sasakyan nya sa de
poso daw sya, bus naman ako papuntang ayala, bago kami maghiwalay,
hiningi ko ang number nya, wala naman akong kabalak balak na itext sya pero
di ko mapigilan na di hingin ang number nya.. Dun ko naintindihan,
siguro gusto ko ulit bumalik sa pagiging freshmen... Kung san ang tingin ko
sa eskuwela ay lugar ng pagkatuto at isang napakalaking palaruan,
bumata ulit ako sandali, pagkatalikod ko't pagsakay sa bus... Malayo na pala
ang narating ko, at malayo pa ang pupuntahan... =)
nangyari nga pala ang kahapon...