Sunday, December 17, 2006

Now what?!



It is seldom now when i get to walk long and open roads like these...


Ewan ko ha... May nostalgic effect kasi sa akin ang mga ganitong klaseng kalsada...Not so long time ago, dito nakalatag ang riles ng PNR. Trains really fascinates me, the power they have para mapitpit nila ng mabuti ang mga pako, tansan at yung mga nakalat na mga bibe at pato sa amin...

Iniisip ko pa noon, kung gano kalayo ng riles ang kaya kong lakarin... Pakiramdam ko ang kaya kong lakarin sa loob ng dalawang minuto eh nilalakad ko noong ng labing lima, siempre bumabaybay ka sa mga trabeza eh, tapos may ibang bata pa na naglalaro...






Inisip ko pa na maglakad pa, gano na kaya kalayo ang mararating ko?
Malayo-layo na nga rin ang narating ko mula pa non...

Ibang klase rin ang takbo ng science & technology, dito rin daw kasi
itatayo ang mas makabagong north metro rail project...

Natapos din agad akong magmuni-muni, na download ko na rin kasi ang mga
email-attachments ko, umuwi sa bahay na walang signal ng 3G =)


2 comments:

WOOT! said...

nakakalungkot..kapag wala ka ng babalikan kundi mga alaala na lang...parang yung puno ng balete na kinatatakutan ko pa nuon ay tinumba na lamang ng bagyong milenyo..

sa susunod ang mala probinsyang lugar na yan ay mapupuno na rin ng nagtataasang gusali.pero syempre matagal-tagal pa yun..

merry christmas in advance na lang po. maging maligaya sana ang ating magiging pasko..at abah dapat lang! hehe

romm said...

uy ger! san yan?