ang galing naman talaga ng internet! nahanap ko pa itong dvd cover ng movie na to? ang tagal na nito a!
(disclaimer; Yan a! Konting maturity lang, sabagay hindi naman bastos
ang paguusapan natin, porn lang)
Dala ng murang isip ko, (well... dati) nung grade one pa lang... Na hindi dapat tumingin s cr ng babae lalo na't nandun sila dahil sa yun ay "masama" kahit minsan ay hindi ko ito ginawa, at wala akong kakilalang classmate n ginawa o nagtangkang gawin yun... Absolute rule sa amin yun! "dahil masama". Sa katulad din n dahilan kung bakit hindi ko hinawakan o tiningnan ang mga napakamahalay na tabloids noon.. Lalo na yung abante at tiktik (sabagay medyo bastos pa rin naman ang tiktik hanggang ngayon). Kaya inosenteng-inosente ako nun! Wow naman =)
Una akong nakapanood ng porno nung 2nd year highschool, s bahay ng barkada ko... VHS pa lang ang gamit nun, tanda ko pa nga ang title e "Silver Seduction". Back then, ang pagkakaalam ko lang e, silver e yung sunod
sa gold medal, wala pa akong ideya kung ano ang seduction. Dahil sa title sya ng triple x, inassume ko na bastos sya... Hindi ko maalala ang details after ng movie na hindi ko rin naman tinapos, 'di rin naman kailangan tapusin dahil wala naman itong istorya at saka di rin take ng kunsiensya at pang-unawa ko...
"Ganun pala yun?!!". Grabe iba ang feeling...
Awakening stage ang puberty hanggang early adolescence, dito raw nakakaranas ang isang tao ng tinatawag na "hormonal rages". Pinagaralan namin nung gradeschool ang reproductive system nung grade 5, pero hindi ko
inexpect ang nakita ko, kakaibang shock tlaga ang naging dulot nito sa akin...
Sadyang nakakamangha ang katawan ng tao, kasama na rito ang hormones, ang utak e nagtitimpla ng iba't ibang kemikals na ginagawang hormones, may hormones na nagpapasaya, nagpapalungkot, galit, takot, nagdudulot ng hallucinations at perfect bliss...
Kaya mas bilib ako sa mga taong ni minsan ay 'di nakapanuod ng porn... Either frigid sila na sa katotohanan eh abnormality, o dahil sa kanilang matinding mga paniniwala... Pero di ko alam kung bibilib din ako sa kaklase ko noong 1st year college, napakagaling nya sa mathematics! Master na nya ang maraming techniques sa algebra at trigonometry, habang kami eh, halos mangapa sa mga subjects na yun... Pero nagulat ako at
natawa ng magtanong sya out of nowhere "pre?!! ano yung libog?!" Curiosity ang unang dahilan kung bakit ako nanood ng porn, yung sumunod na mga panonood e dahil sa na-i-entertain na ako, iba eh! Sabi ko pa ayaw ko namang maging inosente...
At hindi nga ako naging inosente...
VHS at Beta pa ang uso nun, kasama na ang mga tabloids, nakita ko na ang halos lahat ng tabloids ay may sensual content, dumating din ang time na totally naging malinis din ang mga tabloids, na-over rule ang "right
of expression"... Dumating naman ang VCD at ang internet... Naging rampant as ever ang porn!
Hindi ko sigurado kung si Gary Lising ang nagsabi... "internet, what would be porn without it..." pero kung sino man sya, syet tama sya! At nakakalungkot kung gano kadali para sa kahit sa isang 7-year old ang makita ang mga bagay na sana e, later in life pa nila makikita, walang kakayahan ang ganitong edad na i-absorb ang sa edad nyang yun e basura...
Alam mo naman siguro ang tabloid na "Sagad", kung palupitan ng laman ang Sagad ay triple-x film sa papel, wala itong ibang laman kundi sex, sex at sex... Kung hindi mo ito nakikita sa lugar nyo, mababait ang mga
newspaper distributors nyo...
Liberalization at open mindedness, palusot para palusutin ang porn sa net at iba pang media, pano nga ba natin ito mako-control? May paraan ba para ang mga matatanda lang at may kakayahang makaunawa ang makahawak nito?
Nag-try akong magdownload ng isang clip, scandal daw ito ng isang school malapit sa amin... Habang pini-play ko ito, nagbo-browse naman ako sa isang blog na ang BG e "Take Me Out of the Dark" ni Gary V. dagdag pa
ang tatlong batang nakasilip sa monitor ko, nag-close na lang ako ng Player...
Napaka-ironic na problema nating lahat kung paano ang kailangang edukasyon ng kabataan ay maisasaksak sa mga utak nila... Sa kabilang banda sila naman ang humahanap ng mga basura sa internet na gusto sana natin na wag nilang basta mahawakan...
Naniniwala akong dapat isulong ang sex education, ang tanong sino ang magtuturo at pano ito ituturo... Magco-condone daw ng promiscuity ang pagtuturo ng safe sex dahil parang lalabas itong encouragement
pag-tinuro, samantalang tumataas naman ang teenage pregnancies, parang wala pa rin tayong correct answer... Parang "we are doomed"
Maselan talaga pagusapan ang ganitong mga bagay, turo nga ng sister nun namin sa college... Dapat ang tao ay di pumunta sa lugar na kaya syang traydurin ng kanyang sarili... Kung di ka maglalaro ng apoy di ka
mapapaso, pero pano kontrolin ang sarili! Ano nga kaya ang solusyon, ang hirap isipin parang naghahanap ng gamot sa cancer, dahil pagdating sa issue na yan halos tulad sa mas marami pang mga issues cancer mismo ang sakit natin...
6 comments:
Ang lalim.. kaya cguro alang gustong mag comment... Well curiosity brings us to something we dont expect kaya minsan hindi na makokontrol...
malawak na usapin ang sex education.. maraming pro at anti-pro... lalo na sa Pinas... because its a christian country... na sacred ang sex.. para lang sa mag-asawa ito... pero dahil nga sa tabloids, net, tapes at kung ano ano pa... pati ung wala pa sa right age ay na cucurious....
Mahabang talakayan ito pre....
hehe... seems like nga po tk... sabagay, sasakit din ang ulo ng kahit na sino sa ganitong klaseng issue...
When I was a kid I was tempted to take some triple x movies from a relative's video shop. Of course, I watched them. After that I felt kind of weird. Maybe it's my gulty conscience...
Hahaha... pwede iguro akong magturo. i took some units in biology and theology.
haha.. more than a year na 'tong post na to ha... sabagay, una ang porn talaga pang 18 up or kung sino man ang may kakayanan na kontrolin ang sarili. after porn what's next? yung ang lagi kong naiisip. yeah, minsan naging adik ako dun, kea lang sa m2m, hehe... pero after kung manood, wala na. parang na-immune ako. then nawalan ng interes.
nakakatawa nga isipin na may mas matatanda pa na hindi macontrol ang mga sarili eh geez.
Post a Comment