Hindi ko sure kung ano ang malupit na nakita natin sa mga korea-novela bukod sa mga angelic na leading ladies at singkitin na leading men, kung tutuusin plot-wise, hindi naman napagiiwanan ang mga tele-novelang Filipino… pansin ko lang sa mga korea novelas ha…
• madalas ang plot e pinapaikot ng amnesia at mga sakit sa utak
• mayabang ang bidang lalaki pero soft din pala ang kalooban
• may mga eksenang papasanin ng lalaki ang bidang babae sa kanyang likod
• nagkakaaminan ng malupit pag nag kalasingan na o di kaya kung nananaginip ang babae o kaya e nagsasalita habang sya ay tulog…
• ang bidang babae ay hindi well to do, kung well to do man sya gusto nya naming maranasang maghirap
• weird ang title, ang grammar naman ay hindi magkakamali dahil sa ito e korean-english or japanese-english or blahblah-english, pero kahit pa! ang title e hindi mo maiko-connect sa plot ng istorya… maliban na lang kung ito e pangalan ng isa sa mga bida (bidang babae madalas)
• ang bidang babae e lintik manuntok at lagging ini-inda ng lahat.
• hairstyle na ang buhok na wala sa ayos, lalo na sa mga lalaki
• ang bidang babae ay madalas nakatirintas o di kaya e makapusod, basta nakatali, ang may karapatan lang maglugay e yung mga sophisticated characters… naglulugay din naman yung bidang babae yun e kung lasing sya o bagong ligo.
• gwapo daw yung bidang lalaki pero madalas naman e maganda rin sila
• ang bidang lalaki ay palasigaw at arogante
• uso ang sakitan, batukan, sipaan… pero ang lambing naman ng pagkakagawa (pero kung babae ang gumawa ng suntok… kahit mukang malambing eh iniinda pa rin to ng nasuntok) para makasakit, tapos papahiran ng nasuntok ang bibig para checkin ang tumulong laway.
• nagkakasama ang bidang lalake at bidang babae sa isang kwarto sa maraming magdamag pero walang nangyayari sa kanila… at mas madalas expected ng babae na may mangyayari sa kanila pero wala naman =)
• Pero kung sabagay, magkakaibang genre naman yan e… may serious, may drama, may fantaserye may documentary din…
Bilib lang ako sa Korean series na yan e, yung nakagawa sila ng mga series galing sa kanilang history, tingnan mo yung Jang-Geum (Jewel in the Palace) real life heroine talaga siya… sino bang makakapagsabi kung napuno rin ng biases ang kwento nya, kung may flaw ba sya o ano man, sigurado meron, kesa hindi nman sya santa diba? (kahit naman mga santo nag akasala) pero at least hinangaan pa rin sya for all her worth… wala pang estasyon na nangahas gumawa ng ganyan, pano naman kahit sino atang filipinong bayani e pupunuin pa rin ng kontrobersya… haha!
Hmn... ano pa ba? may iba ka pa bang observation?
1 comment:
alam na alam ang detalye ng korea novela ah... hahahahaha. fanatic
Post a Comment