Friday, September 01, 2006

New Lunch Soup

Nasubukan mo na bang hindi kumain ng hapunan, tapos agahan, malapit mo
nang ma-miss ang tanghalian, tapos saka ka palang kakain? Nakikita mo
pa rin ba ang sarili mo habang kumakain ka ng ganun ang stomach status
mo? Nalalasahan mo pa rin ba ang kinakain mo?

Walang kupas! Isa mga paborito kong activity sa buhay ang kumain...
Siempre mas masarap kung ang kasama mo sa pagkain eh yung ka sync din ng
bilis mo...

Nito lang ng makasama ko sa pagkain itong sina jums at ronald, at
napatunayan ko ang miraculous effect ng mga chilis! Ang nilantakan namin eh
yung salo-salo meals ng Chowking, Pambihirah! Naka-apat ata akong kanin
nun! Sobrang sulit! Batikan kasi tong si jums pagdating sa pagkain
(pero di sya tumataba!) record nya ang limang lugaw cups dun sa lugaw all
you can ng PUP... Apprentice nya si ronald, hehe...

Mula nun, eh natutuwa ako sa pagkain ng merong chilis, mapa jufran
sweet chili pa yan o simpleng siling labuyo sa toyo na pinigaan ng
calamansi, ayoko ng sili at suka, pangchicharon lang yun...

Ganun at sitwasyon ko kaninang tanghali, hindi ako nakapaghapunan dahil
gabi na ako nakauwi, nakakalaki raw ng tyan ang kumain ng ganung oras
at baka raw bangungutin pa ako, hindi rin ako nakapag-agahan dahil late
naman na ako nagising, hindi ko tuloy nainom ang masarap na kape,
timpla ni mama at ang tinolang manok na luto naman nya kagabi... Sana lang
may maabutan pa ako mamya...

Eto na! Sa wakas tanghalian na! Ang dami ng rice serving parang bundok!
Breaded porkchop ang kalaban... Hindi ko malaman kung san ko isasaw-saw
ang aking beloved breaded porkchop and the unimaginable happened (well
actually imaginable sya...)


Photobucket - Video and Image Hosting


vinegar ketchup soup! Woh! Sarap! May asim at tamis! Bangis! Sa kanyang
anghang natalo ko ang napakaraming kanin (may siling labuyo kasi yung suka, kasama sa supot)...

Nothing like a good chili... Damn it! i wont try it ever again...

6 comments:

Unknown said...

ako naranasan ko na na hindi magdinner, tapos kinabukasan walang agahan, tas 4pm na ko naglunch.. college days un.. basta un yung time na kay sa subj na ni sir maqui nakakain..

chilli whatsoever, fave ko yan.. sarap ng bicol express dun sa jollijeep na binibilhan ng ka ofis mate ko sa makati..

kelan ka pa naging concern sa paglaki ng tyan??

gerrycho said...

hehe... eh lumakilaki kasi eh... i mean kailangan ko na siguro ng exercise...

parang beer belly though hindi naman ako umiinom, ang sagwa!

lheeanne said...

yaaaaaaaaaaaaaaa.. ang da diet ako... nag po-piolo rin ako! hahah!

Sophie said...

Ako naranasan ko ng hindi kumain. Wala lang... Ganun lang talaga ako... HIndi ako iyakin kaya pag masama ang loob ko wala akong kinakain.

Buong araw yun. Kaya nung kinabukasan, parang lumulutang na ang pakiramdam ko.

Link kita sa blog ko ka.

gerrycho said...

wow lovejewinn! thats a first! :)

hope to see you too here in my blog..

gerrycho said...

kakaiba ka talaga sophie :) ang alam ko ang mga babae pag stressed eh nagkakakain... lalo pa ng sweets... pero ikaw nag fa-fasting? wow...