Sa estudyanteng medyo gipit sa oras dahil sya ay working student, nagkasakit at medyo nagbakasyon ng matagal o di kaya naman ay napuyat kalalaro ng DOTA Allstars o ng SIMs ang natitira nyang tagapagligtas sa pagbagsak sa susunod na exam eh ang pandaraya dito. Siempre puede pa legal na paraan tulad ng cramming – last minute review, at ang pagdarasal na sana eh hindi matuloy ang exam. Kung medyo hardcore ka talaga puede ang active means para madelay ang exam tulad ng pagbo-bomb threat sa school o di kaya naman eh paabangan mo sa mga tambay sa lugar nila yung instructor mo.
Napakalungkot naman kung sa pagnanatili mo sa eskuwelahan eh hindi ka man lang nagkameron ng mga kaibigan. Mas magaan na kasi siguro ng konti sa konsensya ang pangongopya pero kung talagang loner ka sa isang klaseng free section at ikaw lang magisa o di kaya naman eh talagang mahigpit pa sa garter ng supporter ang teacher mo at maaring madamay pa yung walang kamalay-malay mong classmate pag nangopya ka sa kanya. Mas pipiliin mo na lang ding mangodigo. Bakit naman kasi alam mo namang magkakasabay – sabay na ang exam dahil finals week na eh pinili mo pa ring ubusin ang oras mo sa pakikipag-date.
Sa totoo lang alam naman ng mga instructor mo kung nangongodigo ka eh… tingnan natin kung meron kang ibang style.
Notebook na nakabukas sa loob ng backpack sa likod ng armchair technique – yep, ang pinakabasic na paraan, ang flaw lang nito. Sobrang limited ng resource mo, ang ok naman kung biglang maisipan ng teacher mo na mag roam around you can just knock the notebook at hindi ka na halata… ayos!
Maliliit na papel na nakatago kung saan saan technique – There can be countless clever places na naitatago tong mga maliliit na papel na to, sa kwelyo, sa medias, sa sapatos, sa ballpen sa slide or battery cover ng calculator, sa bulsa, sa belt, sa loob ng blouse? Sa buhok… mahirap yang ganyang style… may physical evidence kasi eh… effective sya, but the risks are staggering.
Countless information sa programmable calculator technique – engineering people karaniwang gumagawa nito, ang mga programmable calculator kasi, puede kang maglagay ng halos one paragraph of info, siemps weird naman kung may calculator ka kung ang test nyo eh history obvious naman kung saang mga subject mo ito gagamitin yan. At isa pa wala nang instructor na papayagan kang maglabas ng cellphone habang nag-eexam, nakakagago naman kasi talaga yun, wag mo nang subukan.
Answers na naka-tattoo sa balat at answer sheet technique – physical evidence na naman to! As in physical evidence… nakakita na ako ng mga nagkodigo normally sa palad o kaya sa sakong puede rin sa arm chair. Ang hardcore eh yung kodigo na nakasulat sa bond paper mismo! Sinulat gamit ang blunt pen, nakabakat lang kung baga… ang hardcore part nito eh yung mga estudyanteng nakakuha ng super leakage. As in hindi pa nagsisimula ang exam meron nang sagot, papatagal at mangangarap lang sa classroom ng 20 minutes tapos biglang magpapasa na.
Siguro mas marami ang variations ng pangongodigo, lalo pa na mas hi-tech pa ngayon. Pero kahit na anong paraan yan, walang fool-proof na paraan dyan. Ang pinaka-effective pa ring paraan eh yung tigilan mo ang kalokohan at mag-aral mabuti. Sa yo rin naman babalik yan kung grumaduate kang walang alam eh…
Ok? Pakabait na… mag aral na ulit.
11 comments:
Another great view from one of my great instructor. Well di nyo sir na specify yung magnifying glass technique. Well so far the most powerfull kodigo technique I have seen from someone. Hindi nahuhuli kahit kailan, hindi nyo nahuli kung sino gumagaw nun.
Anyways in school I learned many survival techniques that other students used to survive kasama na ang mangodiko but for me it's still better to get an honest zero than a stolen 100. Dinabaleng bumagsak at ulitin ko yung subject kaysa pumasa na walang alam.
kudos
wow... hindi ko alam yung "magnifying glass" technique! i wondered tuloy kung pano yun na-execute without even me knowing it...
honest achievement is still of course number one. walang makakanakaw nun eh.
hmmn... im getting a pretty idea who you are anonymous... please keep on commenting, para maconfirm ko din kung sino... wehe!
malupit talaga un sa bond paper at sa calcu... hahahahahaha
pag kay mam borja, un bond paper na lang, walang calcu dun e..
ako, ok lang yang mga ganyang bagay.. hindi naman nasusukat kung gano ka katalino when it comes to the real world... abilidad din talaga..
Meron pa me natatandaan na malupit na technique. 2 lang sa mga kaklase ko nakakagawa nun. Ilagay ang libro o notebook sa likod ng test paper with the famous excuse "Mam patungan lang po", syempre dahil teacher's pets edi tiwala naman si titser. Pag talikod ni titser hala buksan ang libro at kopya hindi manlang namigay ng sagot hay mga tao nga naman. And the result...... TADA!!!! 3 lang ang nakapasa ang dalawang Dob cats at yung malupit na gumagamit ng magnifying glass technique. Oh sir gets nyo na???
HAHAHA!!!
alam ko na kung ano yung magnifying lens technique! hindi na makakalusot sa akin yang technique na yan!!! wehehe!
@raz
hmn... pero bakit pa magkokodigo kung may leakage na neh?!? :D tama naman siemps abilidad sa buhay ang mas mabigat pero ang question of integrity ang masasalang dyan as a student...
@anonymous
geeez! nakakalungkot naman yun "patungan" pano na lang ang tiwala kung masira yun? sayang naman ng dahil sa ganun lang... di bale, sa loob ng classroom parang "game of wits" lang yan eh... wala na lang sisihan kung mahuli ka neh?!?
and i my bet on your identity anonymous
are you ferdie?!?
Nope I am not ferdie. I am the oldest student ever to walk on SJTCP, the accomplice of Gian Carlo Bigay sa pagiging Otaku, Isa sa mga kinoach mo sa siemens PLC competition at kinaasaran ng lahat bwahahaha.
I accidentally discovered your blogging site as one of the search hits for word SJTCP. Hinanap ko kasi yung website ng school. Well glad to read and know those thoughts from a young and professional brain of yours. Thank you sir very much.
Well you are right it's a "game of wits". Nagkataon lang mataas lang pride ko at ayokong mangodiko. Sana mas nakagraduate me ng mas maaga kung ganun ginawa ko :).
Wahahaha! Erickson! :D
Nice to have you here... i thought it was Ferdie because the IP Address is pointing me to Taiwan... wehehe nasa Taiwan ka na rin ba?!?
Hay! Sir call me erick nalang para kasing brand ng cellphone yung name ko eh. I can't ask you na kamusta na because basing on the facts that cannot be denied your just doing fine. I can't believe na nag programmer ka sa Accenture buti nalang at medyo delay silang magreply kung di malamang nag kasama tayo.
Ala po me sa taiwan gumagamit me ng proxifier at internet tunnel software. kaya kong i fake ip address ko. If you need a nicer programming job I can refer you. Currently I am a consultant on a software company in manila and I don't wanna be regularize.
Na guess nyo ba sa klase namin sino tinutukoy ko an magnifying glass technique. Ang processo na ito ay napaka maingat ang dinaanang preparation kung saan sinusulat ang lectures and definition na maliliit using a .01 na engineering pen. Nakadikit yung papel kung saan at tanging yung gumawa lang ang nakaalam. Gumgagamit ng maliit na salamin para magnify yung papel. Since nakayuko ang gumagamit nito at nakasubsob sa papel ende mo a akalaing nangongodiko ito. Si L.T. tinutukoy ko hehhee. Yung 2 dob cats yung dalawang kambal tukong pets ni mam sari sari store.
hindi na ako programmer ng accenture, 'twas 2 years ago na yata...
nagkamali lang pala ako ng tingin ng ip erick :D quezon city pala... at bayantel ang internet provider mo... wehehe
why not? whats wrong with being regularized? ok nman ata dyan eh...
Internet services provider ko po is Smart communication. Nakaconnect po me sa proxy server ng sky internet kaya bayantel nakikita nyo .. eto po yung server ---> proxy.skyinet.net port 3128.
Well there is nothing wrong about being regularize I just don't like to become part of any company. I wanted to free like to be free like kintaro the golden boy do. Life is study. hehehe I am still young parin naman eh.
wow! naging kamustahan tong comment section mo ah.. hehehe!
at guessing section.. nakakatuwa lang ung conversation nyo. hehehe!
nyweiz, may nakagawa na ba ng kodiks sa hair.. hmmm.. sobrang kapal cguro ng hair ng gagawa nun :-p
Post a Comment