Friday, December 21, 2007

Sining ng Pangongopya

Isa sa mga nakakatawa at nakakatuwang experience ko as a student eh ang makipagkopyahan... Nyahaha! Contrary to popular belief, ang pakikipagkopyahan actually can foster and build TEAM WORK! Wooo.. No syet!?!

Most of us knows the hassle of four to five major exams to be taken in just one day -- nakakatuyo ng utak. And in these instances nagiging crucial ang lahat ng kahit maliliit na factors, yung almusal mo sa umaga, weather (kung maaraw, maulan o mahangin), nagtatae ba yung ballpen mo, tasa na ba yung lapis mo o may lead ka pa ba? At siempre ang topic natin! Ang pangongopya! Nyahaha!

Point of advice, hindi ka susugod sa exam sa pag-asang makakakopya ka lang. Interdependence ang kopyahan dapat may bala ka din. Ang importante kasi dapat may matri-trigger lang yung makukuha mong information. Ganon! (sabagay kung makapal talaga ang muka mo sa kopyahan ka lang aasa)

So talagang may review naman kami. Most likely ginawa lang namin ito for the kicks... What i am saying is nothing beats regular study habits. Kung staggered ang iyong study periods ni hindi ka sisinukin kahit magsabay sabay ang exams -- Oo siemps mahihirapan ka din ng konti maliban na lang kung prodigy ka. Pero dahil makulit ka at bihira lang ang ganitong klaseng guide. Read on..

Eto na ang mga positions!
Sining ng pangongopya -- dahil technical na ang maraming bagay Ü



Ang totoo talaga nyan… ang mga totoong nag-aaral at talagang nakikinig e, pumupwesto sa unahan. Isa pa mas marami ka talagang matutunan ng ganito. At impression hindi kayo magko-kopyahan dahil attentive naman kayo sa klase. Deposit nyo yun sa instructor. For this to work as well. dapat hindi kayo magkopyahan or minimised ang ganitong activity sa simula. Your group is trying to earn your teacher's trust -- in the long run it will be all worth it hehe.

On the other hand -- ang mga Usual Suspects ay nakapwesto agad sa likod. paghihinalaan kagad kahit ala pang ginagawa, especially kung grupo din sila.



sa Position na to -- ang bida eh ang Chairman proficiency-wise sya ang nakareview ng maayos o ang pinaka-knowleadgeable sa grupo -- nasa likod ang mga Dehado Members. Ang sagot nila ay expected na manggagaling kay Chairman. Pero ang sagot ni Dehado Member 2 ay dapat manggaling kay Sakto Member 2. Bakit Kay Sakto Member 2? Kasi Right Handed ang mga armchairs. Masyadong magiging obvious ang movements ni Chairman -- Kaya kung sino ang mas dehado sya ang nasa likod ni Chairman.



so gets mo na ang bida talaga eh ang Chairman isa pang factor na dapat i-consider dito eh yung misdirection, as you can see nasa harap ang grupo, ang "common thinking" kasi, walang magkokopyahan sa harap mismo ng instructor. with that its much easier to stay and look clean :D. Mas matibay ang position na to, pero dahil sa compact ang group, mas obvious ang mga paggalaw na dapat i-minimize, tig-isa ng resource ang mga Dehado Members, bukod pa don, may pang countercheck pa ang Sakto Member 1 with the Chairman kung ok pa ang sagot nya.

Ang isa pang technique na puedeng gamitin dito eh yung Calculator Swap. to perform this dapat pare-parehas kayo siemps ng calculator, pag nalingat ang teacher?!? Haha! Calculator Swap! Wala pang hule!



Sa position na to, ang Chairman pa rin siemps ang bida, pero teamwork na malupit ang kailangan dito, kailangan kasing padaluyin ang sagot ni Chairman papunta sa likod. Sa ganitong posisyon -- isa lang ang aasikasuhin ni Chairman na pasahan, unlike sa Stay Together position, na dalawa hanggang tatlo ang kailangan nyang batuhan. Bawal dito ang naturally napakaliit ng sulat, that person would be an insulator to the flow. Dapat legible pa rin ang penmanship even from a distance.



sa Position na to -- sinusubukang isalba ng lahat ang pinakadehadong miembro ng grupo.
Kung talagang alanganin yung isang miembro at crucial sa kanya yung exam, this position will make or break him. Obvious naman na nakacover yung mga Sakto Lang members. This gives the Chairman the most flexibility to pass his/her answers.

Pero siempre naman hindi naman aabot sa sukdulan to kung nag-aaral sana ng mabuti yung miembro natin dibs? :D


In Conclusion: The whole kopyahan thing is again -- alam na ng magaling mong guro, napagdaanan na nya yan eh. o kung minamalas - malas ka, nagawa na nya rin. Its just a game after all. Of who is outwitting who.

Oo… hindi lahat ng pinagaaralan mo sa college madadala mo sa buhay or even sa field, pero higit sa lahat ang importante para sa akin yung discipline, and siemps yung teamwork (hehe)... kahit pa master mo pa tong mga kalokohan na to by heart, mas fulfilling pa rin if you go through challenges with a clean conscience and the conviction that you made it by your own effort -- mas kumpleto ang tagumpay that way... o sya, mag review na! :D

8 comments:

Anonymous said...

ang hirap naman niyan
may cheating arrangement pa
sus
magtext ka na lang
sa globe posible
hahaha

Virginia said...

talagang may diagram pa ang cheating arrangement!

Merry Christmas!

gerrycho said...

@xienah
nyah! mas malupit pala ang style nyo neh? meron nang text??! blue tooth na lang :D para libre hehe,

gerrycho said...

@virgie
nice to have you back virgie :D
may diagram para mas masaya! dahil technical na ang maraming bagay...

Unknown said...

pucha, nagmamalinis pa kase, gawain din..hahahahahaha.. sino ba naman ang nakagradwet ng hindi sumasanib sa teamwork??

pero, wala pa rin yan sa teamwork ng nasa gitna...at sa huling sandali, sa gitna at huli rin nagmumula ang sagot...

gerrycho said...

nyah! hindi kaya ako nagmamalinis, see?!? technical na technical ang approach!!! :D

Anonymous said...

hahah! ang cute ng mga diagram. pero totoo lahat un. minsan ko na naranasan mangopya pero isang beses lang! pramis! sobrang nakakakaba xa. :p usually kasi ako ung nasa una.. e nagkaloko-loko that day ang sked ng exam, ndi nakapag-aral. wahaha. dun mo tlaga maffeel ang teamwork at kung sino ang tunay mong kaibigan. :D

Jean R. Mavi said...

Asteeg nman nito. May diagrams pa :P

Nung college, isang beses lang ako nag-cheat at sariling kodigo pa :P

Nung high school... a, ibang usapan na 'yan... Tatlong taon din 'yun... makikilala mo ung mga taong katawan lang, este, kopyahan lang ang habol sa 'yo ^_^