Continuation ng listahan! well eto na sila
6. Ladderized Tuition Fee Increase --
pero kung tutuusin, genious ang scheme na to eh. Ini-exploit kasi nito yung in a way pagiging apathetic ng senior students over their younger colleagues. And thus less ang resistance sa deregularized tuition fee increase. Minsan kahit wala nang paliwanagan.. Kahit hindi na-u-upgrade yung mga equipment, kahit hindi tumataas ang sahod ng mga teachers at personnels basta itaas ang tuition, konti lang ang nagreklamo eh.. Tuloy ang ligaya!
7. Controlling / Abolishing Student Council --
hindi maipatupad ang ladderized tuition increase dahil sa mga 'tibak' at resistant student council? E'di sibakin mo ang student council kung hindi naman hintayin na lang silang grumaduate. Karaniwan naman kasi mga senior na ang matatapang na council kaya hindi na mahirap hintayin ang pag-graduate nila lalo na kung ang gustong isulong ng admin eh yung mga kaisipang sila mismo eh alam nilang di sila mananalo -- tulad ng panatilihin ang instructor na nangurakot o nangmolestya ng mga estudyante ("breadwinner kasi sya e, kawawa naman ang pagtinanggal sa trabaho -- syet")
8. Deadly Fraternity Hazing --
May mas sayang pa ba sa isang promising student na namatay sa violence? Sukatan ba talaga ng loyalty ang hazing? Alam naman natin na time ang sukatan loyalty eh... Pero baka may lakad yung mga frat na kung makahazing dinadamay na rin ang pagcha-channel ng kanilang stress at hinanakit sa buhay. Sure, kung hindi serious ang isang neophyte hindi nya pag-aaksayan ng panahon ang hazing pero ang stand ko ang friendship ay nasusukat lang ng defined situation at higit sa lahat ng oras na ilalaan mo dito at hindi sa basag ulo.
9. Bivouac --
This is actually part of the last requirements for ROTC, its so big of a joke, it has a distinction of its own. The only thing you would learn from it is the fact that life is actually unfair. Well i appreciated it in the sense that there were friends to share the joke and pain of the whole experience, and whole new respect for military cadets since they experience it over and over. Imagine 3days and 2nights, walang banyo.. Ang pagkain nyo parang nababoy, you're wearing your jacket the whole time. Bilad sa araw, nahahamugan sa gabi.. Di ako nakadumi nun 3 straight days.. Ng makauwi ako nakatulog ako ng 6pm para magising ng 8am. Walang detalye akong maalala pagkatapos, parang isang malaking bangungot. Hanggang ngayon nagtataka ako bakit di ko makumpleto detalye ng 3days at 2nights namin dun... Hanep talaga!
10. ROTC --
ah yes, classic joke at its finest. Reserve Officers Training Corps. Sa totoong aspeto ng ROTC napaka-noble na cause nito, to train the nation's citizens so that in time of turmoil, invasion or if her liberty and constitution is compromised the government can call to the reserved officers to protect her. It can't be less noble than that... Pero sa kasawiang palad hindi ito ang nangyari, my first lesson on massive corruption i witnessed from the ROTC, Ah yes... Kung pano kumikita ang mga officers ng walang puhunan sa overpriced softdrinks, siopao, hopia. Ang kickbacks para sa mga cadets na ayaw mabilad sa araw di bale nang 2.5 lang ang grade na ibigay sa kanila. Ang kung pano ubusin ang oras namin habang nasa ilalim kami ng araw ng walang rason at ang mga officers ay busy sa pagpo-power trip sa iba pang cadets. I don't know if there is anything that can redeem ROTC on having the rotten stench on its name. Especially the event that led to it to be abolished. Well, di talaga sya totally na-abolished pero at least di na sya mandatory. Keywords? ROTC, Cadet, UST, Death.
And yun ang nag-top sa akin list... :D tuloy pa rin kaya ang kalokohan sa college hanggang ngaun? somehow i think oo ganun na nga. Anything else you might like to add?
5 comments:
Bivouac <-- di ko alam ito, syempre kasi di ako nag-ROTC no. :)
buti na lang girls kami, walang ROTC and bivouac... nyahahahaha.
marami pang mga kalokohan..
wala kami student council nung mag-college.. kasi the previous year, during grad speech e ung pres. ng org ay may pinatamaan sa board..ayun start of the semester, dissolved agad ang org. hehe.
ROTC.. how i wish nag-ROTC ako.. parang masaya kasi.. di ko pa kasi naeexperience kahit MOCC nung hiskul. parang masaya.. kung officer ka. ^_^
@mel & razzy
hehe, swerte nga ang mga babae hindi na kailangang dumaan sa torture ROTC much more ng bivouac...
isa pa baka maharass lang ang mga babae dun. :D
@inkee
i'm not sure bout the fun part of ROTC but most officers i get to know did it for one thing -- college scholarship. which i don't look down of course, i admire these hard working officers not until they started to sell ROTC Grades
i felt sad about your student council na-power trip sila ng admin nyo. ginagawa kasi nitong absolute ang power ng admin eh. talo siemps ang students especially kung medyo baluktot na mamalakad ang admin.
Post a Comment