Friday, December 07, 2007

Malalaking Kalokohan sa College -- Part 1

Dyaran! sigurado naman akong hindi na sa inyo bago itong mga nilista ko dito. :D
Medyo nahabaan ako sa article eh kaya hinati ko sa dalawa... Do you happen to have any other School Boo-boos?!? Lets discuss some of them...

1. Field Demo --

eto yung mga pinapagawa sa mga freshmen ng kanilang mga p.e. instructors, effective daw ito for highschool students since it gives a venue for interaction, creativity and to some extent builds confidence. Hindi ko sure kung pareho ang epekto nito sa college, what i am sure is that it becomes a sideline para sa mga teachers na nangongontrata ng patahian at may porsyento sila sa bawat yaring costume (sabagay puede rin namang pagkakitaan ito ng mga highschool teachers). Wala akong against kung gusto ng mga grupo ng estudyante na magpasikat, basta nandun yung magic word na "gusto".. Meron talagang mga grupo ng estudyante na gusto ng mga ganitong bagay at ito ang channel ng kanilang creativity, may grupo at organizations pa nga sila eh. Ang pangit kasi minsan eh ung nahohostage ang mga estudyante na gawin yung mga bagay na tila walang kinalaman sa totoong pinasok nila at gustong aralin sa college, it sometimes fail to teach appreciation. Imagine law students, or chemist? Oh highly technical courses.. May connect ba? Wala! Why not stick to means of developing appreciation to the arts? Watch theatrical performances and exhibitions? I bet that would be better... And to some extent cheaper.

2. Overpriced School Supplies like school logo labeled bond papers, Buff papers, quiz notebook, PE number, at ID Lace --
ah yes, parang fans club na may official ganito at ganyan - prescribed na kung anu anong kagamitan. Siguro nga sobrang hirap mag maintain ng school at may mga ganito pang collectible items, wala naman sanang problema.. Pero sana malapit naman sana sa DTI prices. attendance sheet na kapilas ng regular folder -- ten pesos! Makatarungan ba yon?!?

3. Field Trips to Indiffirent and Irrelevant Venues (Ka-level ng Indiffirent and Irrelevant Seminars) --
May connect ba ang pagawaan ng Choki-choki sa Physics? O ang Ocean Museum sa Math? O swimming sa kahit anong project? Nope i don't think so aswell, pero ito ba ay revenue generating kung hindi man sa mga promotor e sa school na nagpauso nito? Kaching! Kaching!

4. Cocky Registrar People --
pero di mahamak na mas masusungit ang mga cocky people ng PRC! Pero graduate ka na nun eh. Hindi ko na kailangan sigurong i-explain pa, kung database ang hawak mo at ang trabaho mo ay maghanap ng maghanap nakakabadtrip yun. Pero bakit ba maaangas ulit ang mga registrar people? Dahil importante ang mga hawak nilang docus? wag mong gantihan ang cockiness nila dahil baka patagalin ng buwan ang dapat sana'y dalawang linggong processing ng transcript mo.

5. Mga Pumapasang Walang Alam Due to "Special Projects"--
nakita mo na yun sigurado, o di kaya yung barkada ng instructor na flat one. Pag instructor naman kasi ay naglagay na ng grade at ipinasa na ito di naman ito i-co-counter check eh, yun na yun. It destroys the integrity of the instructor. Di bale, kung hindi magbabago yung magaling mong classmate malamang sa hindi matindi ang magiging epekto nun sa later life nya. Di sya magkakatrabaho, malululon sa drugs, tatamaan ng malupit na sakit ang pamilya nya at magkakaron ng miserableng buhay! Bwahahaha! 'de joke lang. Ü sana nga lang wag mo syang maging bisor.

What i find most shitty about this academe boo-boos is how it judges our college students. Palagay ba ng mga school admins ganun ka-kahon ang isip ng mga estudyante? Ganun ka-tanga? Ganun ka-baba? Na-ah I don't think so, may mga kalokohang nakakalusot hindi dahil apathetic ang iba at pinababayaan lang silang mangyari. Pero unnoticed ba? Alam at naiintindihan nila yan. Ginawaan ba ng paraan? Thats the main question.

7 comments:

Anonymous said...

naku naman
tama
hindi ko talaga maintindihan
yung over priced
na school supplies
tsk
ang daya
lalo sa atin
na mga nursing students
ang dami pinapabili

gerrycho said...

honga eh... parang hindi ba kayang maibenta yung ibang supplies sa mas ok na halaga?!? kailangan talagang gawing source ng intelihensya! weee! :D

Anonymous said...

Baket nga ba mayabang ang mga nasa registrar's office? kung ndi nman samin mga estudyante e wala silang sweldo. di ba? hmmp! pero dahil ganun tlaga ang buhay, xempre todo pa-cute ka nalang lagi. :D

at obkurs nkaka-bad trip din malaman na kapareho mo lang ng grade ung isang pabayang classmate, just becuz yosi buddies sila ni teacher. ndi nga nagpasa ng project, samantalang halos maubos na allowance mo dahil sa pagppaprint ng research papers. pareho lang pala grade nyo. huhuhu!

ahh! field trip! okay naman venue ang Mall of Asia ah? hahahaha!!! very informative.. malalaman mo san part ba ang mga cds at alin sa mga boutiques ang may mga magaganda at murang damit. Hahaha!

gerrycho said...

hehe...
mas swerte pa rin ang mga kababaihan, may karapatan silang magpakyut sa registrar waha!

Unknown said...

sa akin, ok lahat yan... field demo na walang kakwenta kwenta...pero wla sa college nyan, sa HS lang.. masaya naman e, iwas klase, time para magchika at maglakwatsa..at syempre, kakapal pagmumukha mo jan, kase nagpeperform ka... imaginin mo na lang ang buhay estudyante kung walang mga ganyang kalokon, e di super boring yun..putsa, pag uusapan nyo puro math o kaya pano kaya kung ang tao, maging maging electronic in form, tapos makapag transfer into one place to another...nak ng, e di puro nerd tayo..

ok rin naman un field trip, e kaya nga nagfield trip to unwind, hindi para sa makabuluhang kaalam... lahat ng yan kasama sa buhay...at naniniwala ako, na lahat ng mga kalokohang yan ay may maganda namang naidulot sa atin...

...pangit nga lang un mga papel sa eskwelahan mo lang mabibili, kase namomonopolize.. e magkano ba ang buff paper nun? na kay engr yu lang nabibili... yay!!

gerrycho said...

hindi naman sa ganons, pero naman yung ibang pa-present -- super gastos ! na pinagkakakitaan na ng ilang magagaling na instructors.

yung sa field trips ok lang naman na may sidetrip -- oo pang unwind yang fieldtrip pero sana naman wag puro sidetrips. :D

Tsaikoboy said...

i agree... bat nga ang freakin anal ng mga nsa registrar...i have a few few frends inside pero some of them are still freakin anal..haha. anyhow, gerry Group F talaga twag kc alphabetical ang groupings sa skul nmen..F for fucking ballers. joke heheh