Ibang klase talaga ang channel ng hinaing ni Trillanes. Hindi na sapat sa kanya na may pwesto sya sa Senado -- he haven't fully utilized the venue, eto nanaman sya. His group now took over Manila Peninsula.
Funny and weird -- habang naglalakad papuntang Manila Pen, sumisigaw pa sila ng "Sumama na kayo sa men!" na parang gago l.ang.
Ganon na ba ang pagkuha ng crowd ngayon? Pauso
Sigurado namang may grupo sa likod nila, pero naman! sino ba sa kanila ang nakaisip na maggaganon sila?! Futile lang ang kalokohan nila -- totoong kailangan ng pagbabago and all, pero hindi ganitong klase ng aksyon ang gagawa ng pagbabagong hinahangad natin.
Pinatulan tuloy sila ng gobyerno, pati mga media may posas ng tier-ups... Masakit pa naman matali ng ganon. Tapos may curfew - curfew pang nalalaman na ngayon! Isa pang pauso!
Palagay ko kasalanan to ni Ate Vi eh -- Humingi kasi sya ng pagbabago, dapat imbestigahan rin ang Ariel with Oxybleach.
Four years ago ginawa na ito nila Trillanes. Ibang klase ang pagmamahal nila sa bayan at malasakit dito, pero sa means na ginamit nya at ng kanyang mga kasamahan they looked like another bunch Schizophrenia cases.
Kailangan naman talaga ng pagbabago totoo yun... pero ang tulad ng maraming beses na nating narinig ang bungang hinog sa pilit eh mapait. Pero kailan nga ba ang tamang panahon at oras? Its actually a question of sincerity, do we want change? And those poses to lead the so called change are they sincere? At this point ang pagbabago eh hindi sa kalye nagsisimula -- sa sarili muna.
"Fast is slow... and slow is fast"
-Stephen Covey (7 Habits of Highly Effective People)
10 comments:
Amen! kasalanan lahat yun ni Ate Vi. hehe. pero asar tlaga na pati media e hinuli nila. kawawa naman. :( teka, paano nga pala nakalabas si Trillanes.. akala ko dapat nakakulong un? hmmm???
hay, pang telenovela ang palabas kahapon. actually, overkill nga ang government pero kung iisipin, khit ano naman gawin nila sila ang kontrabida. Kung umabot ng gabi at ilang araw pa run si trillanes, sasabihin naman niya na malambot ang gobyerno, ng ginamitan siya ng lakas, inaapi na sila. hehehe
the good thing i saw in this incident ay tumatalino na ang mga pilipino... di na nila pinapatulan ang mga ka-cheapan ng mga pseudo-politicians na ang tangin nais ay kapangyarihan
here's to the smart pinoy!
@inkee
update - update! hindi pa rin napapansin na ang mother of inciting to sedition eh si ate vi! wehe!
nakalabas si Trillanes kasi may arraignment sila with regards sa kanilang kaso na coup d'etat 4 years na ang nakakaraan.
sa sobrang bagal ng kanilang hatol, naburyong sya at nag coup na lang ulit.
@macky
astig yung entertainment value diba!?? bad trip lang pinatungan yung airtime sched ng Slam Dunk... patapos na yung labang ng Ryonan at Shohoku eh...
@bryan
yep... i believe so as well, or wala lang talaga silang filthy large budget to stage the mutiny nyoks!
siguro after nun.. sabi ni trillanes "joke joke joke!" hahaha!
too bad, it was palpak on his part... he could'e planned well, you know... i hope if people do something like that, they cause good change around and show people they're not after the crown, the throne and corruption... :( good post!
@inkee
oh kaya...
"kayo naman masyadong seryoso, walang totohanan!" :D
@acey
thanks :D
yep! make the real intentions be known, and karaniwan kasing perception sa mga nagstrive mag-grab ng position eh "tama nang kurakot nyo! kami naman!" at least dapat understandable yung sincerity at makatotohanan.
Ang gulo! Ang gulu-gulo nila! Dahil sa ginawa nila marami ang naapektuhan kasama ako dahil sa lintek na curfew na yan.
Post a Comment