Sunday, June 10, 2007

Vacation Yey! 3

Thank God!

We were able to visit the island of Boracay, Aklan… ah yes… kung hindi rin lang sya company-covered, I doubt na makapunta kami dun without months of long planning, malamang puro anticipation lang hehe…

Hindi na masyadong marami ang tao sa island… since papatapos na ang summer season June 01 na eh, well wala akong point of comparison para dun, sabi lang din sa akin… at it’s peak, namumutiktik daw sa tao ang resorts as described by our officemate and semi-local Theis, “rubbing elbows” daw kahit sa beach…

This is the first time na nakasakay din ako ng airplane. Nothing biggie actually, hehe saya nung taking-off saka ng landing-down para kang nakasakay sa space shuttle weee… and you will get the new appreciation of the world below na karaniwan na makikita mo lang sa Google Earth





The flight only took 35minutes of our vacation… mabilis lang sya para ka lang bumisita sa kapit-bahay mo. First we landed at the Caticlan airport, there’s this even funny signage… hehe imagine kung meron kang bitbit na almost 5-8 kilo luggage and your short with cash… Surely not a happy thought…



After Caticlan we then took some 15-25 minutes boat ride from Caticlan to Boracay Island. Pagbaba ng Boracay we took a mini-jeepney ride from the port to Patio Pacific. The rooms in Patio Pacific are cool! Air-conditioned, Cable TV, King Size Beds, Clean Restrooms. Kumpleto rin ang resort sa mga amenities tulad ng Gym, Bar (na puro Jack-Daniels ang laman), Restaurant that serve tasty yummy meals at siemps ang Pool. Yey!

Ah yes… Patio Pacific has this place para makapagpa-cute…



Hindi ko nakuhanan ng pictures ang mga amenities and stuff, hindi ko naman na appreciate yung mga yun, not later that day, go agad tayo sa beach!



Not as surprising as have imagined though… papasok na nga kasi ang tag-ulan at dahil dun sabi ni semi-local/tour guide/guardian Theis eh nagiging malumot ang dagat at this time of year… Sabi rin nya na ito rin ang nagpapdalisay at pumupulbos sa white sands. Hindi ko alam kung bakit at pano at ano ang explanation pero yung nga raw yun…



That day we enjoyed our walk on the beach. Ang pagpapakapagod sa paglangoy sa beach then sa pool, we weren’t able to see the sunset nung first day… maghapon kasi kaming naglunoy sa pool.

Hulaan mo kung saan kami nagdinner… wala nun sa Manila… Nagdinner kami sa Andok’s Dine-in! Wwwwouuuu! Sobrang excited ako nun… kasi yun ang pinakamurang kainan sa Boracay… 5 minute – walk from Andok’s you can find a convenience store, which makes a decade long theory that whenever there’s a Litson Manok stall a Convenience store must be nearby more feasible… <*nods head>



Merong Night Life sa Bora… sa Club Paraw for example… merong din namang mga bar na ang cine-cater eh RNB, meron ding Hip-Hop at kung ano ano pa…Hindi ako masyadong mahilig sa Night Life, sa akin kasi ano ang binesa ng Club Paraw sa mga bar sa Malate bukod sa nakaupo ka sa mabuhangin na banig at over seeing ang dagat… kaya nung nagbrown-out sandali mas na-appreciate ko ang Boracay. Tahimik, alon lang ng tubig ang maririnig mo… mga barkadang nagkakantyawan, at ang mga taong nagrereklamong nawalan ng kuryente at lasing na mamang hindi makagulapay sa buhangin. Sayang di ko nakuhanan ng picture…

Umaga ng sumunod na araw… tuloy ang bakasyon... another fine thing that we are able to do the was snorkeling! Hehe… hindi ko na nadala ang camera ko nun, gitna ng dagat eh… its not the proper gear… We also visited the Puca Beach, sa kabilang parte ng island… walang lumot sa parte na yung pero hindi kasing pino ng buhangin sa lugar na may lumot ang buhangi… hmn…

After returning to the beach and taking a shower and eating a hefty lunch… tuloy ulit ang pagliliwaliw sa isla. We walked further along the shore…I can’t help but notice that commercialization of the Island… I guess that part can’t really be helped, business is business pa rin of course… so its quite a sight din na makita na meron din silang “mall“ sa Boracay, wittingly named as D*Mall! <*gasp> Niweys, ako nanaman ang official photographer… sheessh.



Meron din silang mga souvenir shops! Siemps mawawala ba naman yun… funny thing is souvenirs at the souvenir shops are the same souvenirs you would find if you are in a mall in Manila. May sindikato ata sa likod ng mga souvenirs na ito dahil makikita mo rin naman sila everywhere! bracelet, earrings, Lamp shades kahit ang sikat na “Barrel Man” eh meron din dun…



The same reason kung bakit ang paborito ko pa ring souvenir eh ang mga buko pie ng Laguna, Batangas at Cavite… dahil dun mo lang sila mabibili, I mean yung mga especial talaga ha… pero hindi rin meron na rin nun sa mga SM Malls eh…

Niweys…
We walked D*Mall, D*Palengke, and D*Talipapa almost all afternoon.
Later on we realized that the sun is almost setting, we rushed to the beach line… and we get to see another beautiful sunset… Sa trabaho kasi napakabihira na makakita ka ng sunset… especially sa Manila. Kaya to seldom behold a sunset can be quite a sight!



Parang ang lalim na symbol kasi sa akin ang sunset eh… kunyari serious person ako…

We get to rest earlier that night. Medyo napagod sa snorkeling at paghahanap ng sulit na souvenirs. After dinner… Natulog na lang din kami agad, dun ko naapreciate ang room amenities ng Patio, at sabay buntong hininga na uuwi na pala kami kinabukasan. Hayyy…


For the last event we kinabukasan… we tried tadahh! Banana Boat Ride! Wag nang iexpect na kinuhan ko ang mga pangyayari dun dahil sa gitna ito ulit ng dagat. Hehe, mas exciting sana ang Banana Boat ride kung mas game sa tauban ang mga kasama mo… total naka-life vest naman kayo eh, at wag kakalimutang kawayan ang mga nasasalubong na bangka at iba pang bangka! Para mas masaya! Hehe…

Few hours later matapos magbanlaw at last hour shopping we prepared our selves for the departure going home… kahit nakakapagod and all, it’s the best way to relieve stress and keep you’re mind off work revived na ulit pagbalik sa trabaho diba! Ayos!

So we better get our asses back to work mode. Tapos na ang bakasyon mga kids, something to look forward next year… yan eh kung magiging ok ulit ang performance this year. So better do our part! Wow how patriotic!

5 comments:

WOOT! said...

Waw...sarap naman. at talagang kung kelan june saka kayo nagbabakasyon ah.. diba maulan-ulan na? hindi ba umuulan sa bora?
hehe..

No wonder kung bakit dami pala dumadayo dyan. talagang pinupunu nila ng mga pedeng pagkaabalahan.

Ganda ng kuha sa sunset. Aus sa tancha!

Anonymous said...

kakaingget tlga. ako nlang ata ang di naka punta ng bora.. huhuhu huling punta ko sa Iba Zambales me bagyo bawal ang beaches... uwaaaaa

gerrycho said...

@ruth
oo naman! at talaga namang bawat activity eh may bayad... beware of tourist traps as well... like some necklaces and bracelets that you can even get on a much cheaper price here in manila!

@tikey
hi tikey! glad to hear from you as well ang tagal din ng bakasyon mo ah? niweys may binisita din kaming beach sa zambales yung sa pondaquit... ok din sya! :)

Anonymous said...

Huwaw! Nakapag-Bora ka na! Ako rin kaya? Hmm. :D

gerrycho said...

hehe... company sponsored kasi mel :) kung hindi lang, ay sos!