Tuesday, February 19, 2008

Religion Thread

Two topics one should never open on a date, or generally on conversions with someone you only casually know: religion and politics.

Nung college meron akong dalawang barkada na galing ng ibang sekta. Isang INC at isang Baptist or I guess Born Again. Isa sa mga dahilan kung bakit kami close ng mga barkada ko eh kung pano namin pagusapan ang mga sensitibong bagay tulad ng religion. Effective ang technique namin at napakasimple, ang sikreto? Hndi namin ini-oopen ang topic, it’s not up for discussion...

"Ger? Alis ka na? Counter pa tayo!" "Sorry mga pre -- ash wednesday, misa bro..." (end of discussion)

"Oths, ano? Sine tayo mamya!" "Kayo na lang muna tol, pasalamat namin ngayon" (end of discussion)

Napakabihira ng paguusap namin sa religion, para sa akin kasi kung hindi rin lang kailangan parang paghahanap ng away ang pagdidiscuss ng religion.


Religion Thread -- Feisty

Marami na akong nasalihan na forum, rebelde, grabe at nexgear, symbianize; isa lang ang pansin ko. More than love, ang aura ng mga threads about religion e debaté. Ang gara pa dito several topics are opened but never actually ended.

Nag-bi-breed lang ng hostility, in the same perspective wala ding magpapakumbaba sa discussion dahil kasama na rin ang pride sa usapan.

"Hindi ako ang nagsabi nyan! Ikaw ang nagsabi nyan!"

Open-ended at nakakaasar, pag may sumagot na ng ganyan ay sos! Talagang pukpukan na ang debaté, nagkakapersonalan pa kung minsan.

Hindi pa ako nakakita ng religion thread na friendly ang mga poster sa isa't isa. And thats really ironic considering we are suppose to "love our enemy" guess easier said than done.

I still study religion, spirituality is still important. I still go to church, well sometimes, lam mo na... Pag may sakit ka pupunta ka ng ospital, simbahan para sa kaluluwa. Its just I don't understand, God sure wants the best for us sigurado yun. Is it God's intention to make all of these complicated? With His infinite love and wisdom, I find that hard to believe so. But somehow – we have that way to complicate things. What do you think?

6 comments:

wanderingcommuter said...

i also noticed that not all people are interested in talking about those topics

gerrycho said...

@wanderer
some might even despise it yeah... :D

clairecute said...

Uhmmm... no comment me dyan.. hehe..

gerrycho said...

wehehe...
walang comment ang nanay :D

Anonymous said...

kelangan lang matutunan ng mga tao na respetuhin ang paniniwala ng bawat isa.. tulad na lang ng technique ninyo sa barkada ninyo.. para wala ng debate, at wala ng personalan,

gerrycho said...

@lingling
yun yung word na iniisip ko eh :D
respect... (*nods head)