Monday, November 12, 2007
Zui-ZAido!
Yeah... yeah.... as if Zaido is not flamed enough by other critics and all, just listen to several comments in Youtube.
Una sa lahat hindi ko gets kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga nagpasimuno ng Zaido. Bukod kasi sa binili nila ang ilang rights para mabanggit sa plot si Shaider, wala nang parte ng Shaider ang naitulad sa Zaido. Like most of us know, Shaider is way back 80s, pero kung ikukumpara mo ang mga effects, Zaido would turn pale in comparison.
Major Differences Between Shaider and What Makes Zaido a Big Joke
1.) Sa bawat episodes ng Shaider may labanan. May sariling plot independent from each other -- while Zaido goes on and on like a telenovela, sabagay telenovela nga naman sya, pero naman... nawawala yung mga ma-aksyong eksena. Hinaluan pa ng mga drama between a convict and a would be lover (may heavy drama sa Zaido! geez!)
2.) Shaider does not have so many characters on them and are only focused on the main characters -- on the otherhand Zaido have lots of characters, siguro nga magiging essential sila later on sa istorya pero hindi rin eh... nakilala mo ba kung ano ano ang mga pangalan ng mga amazona sa Shaider? hinde! pero alam mong nandun sila. Hindi na sila binigyan ng focus whatsoever kasi sapat na nandun sila para sa conflict, dagdag alalahanin pa sa audience dibs?
3.) Mas Maganda ang Costume ni Shaider at si Annie ay di kailangang magpalit ng uniform pag nakikipaglaban -- eto ang isa sa hindi ko kinabibilib sa Zaido, bakit parang hindi pinagisipan ang costume nila, they look so lame! Shaider is even shiny! pati ang mga props nila tulad ng communicators nila, halatang kahon na walang laman! Chris Bernal is cute with her role and all, but does she really have to bring her costume everytime? Nakadilaw naman na sya ah? Saka wow ha! ang ganda ng yellow car nya... pero yung communicators langya -- mas hightech pa tingnan ang nokia 3210 dun eh.
4.) Isa sa paniwala kong problema ng effectivity ng Shaider back then eh yung war strategy nila Fuuma, bakit pa-isa isa syang magpadala ng halimaw? Bakit hindi nya muna ipunin kahit at least lima saka nya pakawalan ng sabay-sabay? Pero sa Zaido ang halimaw lang lagi eh yung mga tau-tauhang nagsasayaw na ang full time job ay magpagulpi hindi na inipon yung mga halimaw nabawasan pa!
5.) Nagpalala na namang ang "Filipino Version" mentality. Why not make a new one? Anong masama sa pagiging original? breakthrough para sa akin ang Mulawin pero naman!!! palala ng palala! ang pinaggagawa ng local TVs ngayon. Encantadia -- Lord of the Rings, Captain Barbell -- SmallVille, Kokey -- ET, putik! nagiging limiter kasi sa utak eh, hindi magandang maging mentality na ok ang isang palabas kung ito eh halaw sa isang sikat na foreign original.
I'm sure marami ang pinaghihirapan ang Zaido. pero sana lang talaga bawas-bawasan naman na gumawa ng ganitong palabas ang local networks natin, another original concept won't hurt. hindi lang ang palabas ang iniaakyat ng level sa ganung paraan pati na rin ang audience.
Tingnan mo na lang, ang Shaider 80s pa, matatawa ka sa napakaraming blunders nito pag pinanood mo ito ulit pero rerespetuhin mo pa rin, Zaido after one or two years? hindi ka lang matatawa mauuyam ka pa...
Labels:
Pakulitan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
pulis pangkalokohan talaga
yang zaido
nasira tuloy
ang image ni denis trillo
kras ko pa naman yun
kumorni nga e
haynakoh
basta gusto ko pa rin
yung luma
shaider
walang duda na mas maganda pa yung shaider, ang di ko lang matanggap eh 20 years ang agwat nila! and still the effects that shaider has is still much effective that those of zaido's! geez!
i agree! ang panget talaga ng effects ng Zaido. at totoo na parang mga kahon lang yung mga props nila. di man lang gumagit ng mga metalic na bakal. anyway, di naman namin pinapanood yan.
btw, according dun sa comment mo about "the Malampaya" post ko, yes hindi talaga dapat magmayari ang foreign investor ng more than 60% ng company that deals with natural resources according sa decision ng supreme court. however, naglabas ata ng Executive Order si Gloria for the amendments of the said law
i just hope that Kapuso people is just experiencing what we call the "learning curve".
yep... i also remember that law, na hindi puedeng lumabis ng 40% ang hold ng mga foreign investor pagdating sa stocks and shares... parang ang hirap ngang kumuha ng filipino fall guy para makakuha ng said stocks :D
true..panget tlaga...nakakainis lang panoorin...
ewan ko ba kung bakit kasi pinagpipilitan.....
sobrang naiinis ako sa costume...prang ang bigat bigat tlaga na plastic bag or stryro hindi ko alam...nakakaloka...hindi ako tlaga natutuwa panoorin.
sigh...sana magbago na ng style ang 7....puro fantasyserye ang ginagawa nila...ewan ko ba.
Post a Comment