"Tell us about yourself?", "What strength and weaknesses can you bring to this company?", "Are you a teamplayer?"
Eto yung mga common interview questions na ma-eencounter mo sa pag-aapply, kung gusto mong makagawa ng magandang "first impression" yan yung mga question na dapat paghandaan. Pero bukod pa dyan meron ding mga questions na parang trick lang pero ang totoo, naglolokohan lang kayo ng interviewer. Welcome to Bolahan Portion!
"Pano kung makita mo ung colleague mo naglalaro ng games sa oras ng work, pagsasabihan mo ba sya o isusumbong?"
Eto yung mga klase ng tanong talaga sa interview na magpapakaplastik ka eh. Ang tingin ko tuloy dito, hindi sinusukat yung righteousness mo kundi kung gano ka kagaling magpalusot. Ano ba pinakasafe answer dito? Siempre napakaobvious naman kung sasabihin mo na "oo! Isusumbong ko sya! Yaaargh!". You can opt to say na, you'll give subtle hints to your seniors na hindi tama yung ginagawa nila, siempre hindi ka sasali. Then magco-complain ka na lang pag talagang disruptive na yung habit nila sa performance sabay sundot ng you will have to give them credit for being your seniors. Hehe, humble na righteous pa! Plastik nga lang, siemps mas madaling sabihin ang "Wou! Game on!"
"kung ang competition company ay ino-fferan ka din on the same time, sino ang mas pipiliin mo?"
Ah! Delikadong tanong ito.. Competition agad eh, who will you give your loyalty to. Sasabihin mo bang to the highest bidder? Alam naman ng interviewer mo yun, pero hindi mo sasabihing ganun. You are expected to say something more neutral, like you would study the details given both options and you'll choose who amongst the company has more fair ground for growth, not simply who gives the better compensation package but who you think would give you more chances to prove yourself and learning. Naks! Wag na wag mong sasabihing kung sino ang nauna, sabay nga daw eh.
"kung ipapadala ka sa malayong lupain ok lang ba sayo? / kung may pasok kahit holiday, tatanggapin mo ba?"
Pagbinitawan yung mga ganitong klaseng tanong, mas malamang sa hindi na ipadala ka nga sa malayong lupain at papasukin ka ng pasko at bagong taon, dyan ka manimbang kung talagang kaya at ok lang sayo, pero pagtinanong ka nang ganyan, expected ka na sumagot ng "oo" at dapat hindi na-uutal. Resounding, reassuring -- OO! Yeah!
"How much would you be expecting for a salary?"
Tgishng! Don't be caught of guard with this kind of question, dapat on the first place may idea ka na kung magkano ba ang basic compensation package, kasi kung ung mga maliliit na details ng company eh hindi mo naresearch, eh parang lalabas na nag-aapply ka lang without aiming to anything parang kahit sino na lang ang mauna, wag ganon... Pero sige na-caught off guard ka na eh, might as well say... "i cant say an expect an exact value right now till i get to realize the complete work description and responsibilities i'll be handling" oh yeah -- lusot!
"how about your superior gave you a task that is no longer inside your work description? Or you were asked to work overtime. Will that be ok?"
Sabi daw, sa interview dapat ang sagot mo sa kung kaya mo ba ito o ganyan eh laging "Yes!" palagay ko may boundary pa din, kung ang sagot mo kasi lagi eh yung ang tono eh parang puede ka nang magpaalipin, OA na yun. Dapat lalabas pa rin yung conviction mo, Hindi lang puro Oo. Well lamang yung Oo pero dapat hindi yung tipong sobrang argabyado ka na and you know it, naka yes ka pa rin. You should also compromise. Yeah...
Sabi nga nila... madali lang daw ang makakuha ng trabaho, ang mahirap eh ang manatiling may trabaho. dose-dosena mang kumpanya ang magreject sayo in the end naman isa lang ang kailangang tumanggap sa'yo. and yes... sa totoong mundo, one must learn to "compromise"...
any weird or more unexpected questions? Ü
3 comments:
achulli kakagaling ko lang
sa interview,
hahaha
ang ikinawindang ko
sa lahat ng tanong ay:
'what is your favorite color?'
hindi ko na ipinagpatuloy
ang magtrabaho
sa kumpanya nila.
"Pano kung makita mo ung colleague mo naglalaro ng games sa oras ng work, pagsasabihan mo ba sya o isusumbong?"
pagsasabihan at tatakutin ko siya pero kung di nadaan sa santong paspasan daanin sa santong sipsipan. isumbong sa boss. :)
"kung ang competition company ay ino-fferan ka din on the same time, sino ang mas pipiliin mo?"
pipiliin ko ang company nila kung saan ako nag painterview. malamang kaya nga ako nandoon kasi ayaw ko sa kabila. o kung talagang pasaway na tanong edi sasabihin ko kung sino mas malapit sa bahay namin
"kung ipapadala ka sa malayong lupain ok lang ba sayo? / kung may pasok kahit holiday, tatanggapin mo ba?"
sasabihin ko na kung kailangan talaga sa trabaho at within the jurisdiction of my work talagang papatusin ko ang ganun
"How much would you be expecting for a salary?"
eto pinakamahirap talaga. :) sabi ko it still depends, its negotiable. :)
"how about your superior gave you a task that is no longer inside your work description? Or you were asked to work overtime. Will that be ok?"
wala kang no choice dito. oo na lang isasagot mo talaga. :)
haha! kwela mo talaga xienah :D
favorite color? ano ba yung kumpanya nila? pagawaan ng slumbook???
Nyahaha! natawa ako sa slumbook. :-p
nice entry you got for newly grads :)
Thank God i haven't encounter Q1 & 2. hehehe! pero in fairness u got nice answers for all questions. :D
Post a Comment