Friday, November 16, 2007

Ingat! Modus Operandi sa Bus

Pambihira ang mahal na nga ng pamasahe! tapos magaganito ka pa sa bus... sobrang hirap ng panahon, at bukod sa bawal magkasakit isa pang bagong batas lalo na sa kalye eh bawal ang maging tanga...

Malupit ang kalsada... kumakain ng mga tanga...

I'm posting one of this true story(daw)circulating thru mails -- Modus Operandi ng mga bus... makabagong Zesto boys to! at least sa mga Zesto Boys meron kang Otsenta pesos na drinks pero dito wounded ego lang... it won't do harm if we be a little cautious...

read on


WARNING TO ALL COMMUTERS!

Subject: Fw: Modus Operandi sa Bus]

(True story)


hindi ko na sana ikukwento kasi akala ko aksidente lang.....

AKALA KO AKO LANG!...UNG PALA MERON PANG IBA NA MABIBIKTIMA NG GANITONG
SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG
PUPUNTAHAN MO. ..kawawa ka naman....maglalakad ka....

(based on my own experience sa isang aircon bus....)

last september 6, 2007, 4pm ako ay nagpunta sa cubao at bumili ng ticket
(going to baguio ) sa victory liner cubao. sumakay ako ng aircon bus from
victory liner (cubao) to robinsons galleria (going back sa office in
ortigas)

....ang pamasahe po ay P10 from cubao to robinsons galleria... at ako po ay
nagbigay ng P100 sa kundoktor... binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung 100pesos na binayad ko, sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P Tuazon (near araneta center)...pinaalala ko uli ung sukli ko sa konduktor... tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"...... ."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor

so, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor... (luminga- linga lang) parang deadma ba?....

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight). ..tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko... eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot ko...

sabi ng kundoktor... "Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo maginit ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...

dun na kami nagkasagutan. ...at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..

tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya....

eto ang sabi nung driver.... ' ABA ..PARE.. .HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong ung...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,, ung driver at yung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...

Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO UNG PINTO...BABABA NA AKO..LAMLAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa pagkakataong ung, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station)ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...

So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....

Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)...

May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli.

Sya daw ay galing sa may Timog ...sya ay baba sa may Boni....

Naalala ko ung nagyari sa'kin ...nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...

"MISS...MISS. ..SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR... KITANG KITANG KO"....

Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....

Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong- pareho ng ginawa dun sa babae...

Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningna n ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor...

Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...

Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...

pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un hindi sinuklian?.. . "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR... .UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK.. .SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...

so samakatuwid. ..hindi lang pala holdaper at snatcher ang titinang mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????

Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....

Salamat po.

Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti

11 comments:

Anonymous said...

hindi kasi ako nagbu bus kaya wala akong pakealam
haha
joke

dapat talaga
sa lahat ng pagkkataon
smaller bill lang
ang binabayad sa mga ganyan
para walang naaabala
pero kung totoo yan
naku--
kinuha sana
yung plate number
ng bus at company
tapos isumbong
kay tulfo
or
tinanong niya
yung katabi niya
para may witness
DABAH?
tsk tsk

gerrycho said...

ayon kasi dun sa nagkwento maaring kasabwat din yung katabi :D pinaka-safe talaga na smaller bills ang ibigay mo...

personal experience ko dyan eh nung masiraan yung bus na sinasakyan ko... ang ginawa ng kundoktor, ng maispatan nya yung ka-operator nya, pinalipat nya kami... eh nagkataong napuno yung bus, at marami pa ring di nakasakay... bigla itong sumibat at iniwan na lhat ng di nakasakay... geez..

Joy-Joy said...

salamat sa pag share ...

x said...

tsk, tsk...

thanks for the information, man.

i don't take the bus, pero nakakabadtrip ang ginagawa nila. lagot sila ni joker arroyo kasi pa bad ka daw, lagot ka.

hehe.

Anonymous said...

first time visitor here.. but thanks for the info.

akala ko mga driver lng ng jeep d2 ang ganun.. ung bigla nlng tumataas presyo ng pamasahe. kkasabi lng sa isang pasahero na 7 pesos daw pamasahe. tapos nung magbyad ako ng 2 tao, e gnwang 7.50 ang singil. ayaw ibalik ang piso. aburido n nga ako pag ganun. pero big time pala ang mga bus operators na yan. kakatakot nman.

Anonymous said...

Natanggap ko ito sa email. Nakakatakot nga naman yun. Hindi mo na alam kung sino ang mga taong dapat pagkatiwalaan kahit saan ka magpunta. Pambihira!

gerrycho said...

@joy joy

welcome joy joy :D ingat ingat lang po...

gerrycho said...

@acey

Nakakaubos talaga ng pasensya... they kept on thinking kasi na hindi sila magagalaw o mahuhuli eh...

gerrycho said...

@redge

mapapatawad mo pa ng konti minsan ang jeep eh... kasi puede kang makipagsagutan, at mas malamang na hindi sya magsasama ng marami, puedeng mangatwiran.. pero sa bus nakow! hindi mo alam kung sino ang titira seyo...

MARGA said...

grabe nman.. my mga ganyan plang modus operandi s bus!..

araw-araw p nman akong ngba-bus khit s boni to guadalupe lng ako.. hehe..

pero lagi nmang eksakto ang binabyad ko kze mlapit lng nman ako..

hmmn.. tnx s info!

gerrycho said...

@marga reth
living in quite dangerous time... ingats lang din po :D