Thursday, November 29, 2007

Grade 6 -- Ang Matagal na Kasunod!



1. Pangalan ng School na Pinanggalingan -- Kung san mo unang nameet ang iyong unang crush / bestfriend / mortal na kaaway / archrival / teacher na nangangain ng mga bata (joks!)
2. Pangalan mo siemps! -- at dapat may 1/2 yung age ha! palamuti yun eh
3. Ang iyong mahal na principal at advisor
4. Ang komertaryo sayo ng teacher mo -- madalas sa hindi "Mag-aral mabuti" ang nakalagay dyan
5. Nagpapatunay na nakalampas ka ng buhay at ikaw ay tutungtong sa susunod na baitang congrats!




6. Ang listahan ng iyong mga grades! wouuu! resulta ng iyong pag-i-stay sa classroom, habang nakikinig at nangangarap on the same time
7. NEAT (National Elementary Achievement Test) -- sinong nagsabing walang na-aachieve sa elementary!?? ayan oh! ang linaw linaw!
8. Attendance -- kala ko dati kung ano lang to eh... binibilang pala talaga ang ipinapasok mo sa school?? huwaw!
9. Character Building -- mga squares na pinupuno madalas ng mga "B" hindi na inilagay ang mga "B"s ko nagkatamaran eh -- understood naman na kasi yun. wehe! :D


If you'll browse back through my previous - previous posts. I actually have these Grade School series... Oh e no ngayon? Wala lang, nasa Grade 6 na pala ako.. At itutuloy ko na ulit ang kwento! Yey! Isn't it grand?! -- err no

Nung panahon namin, ang isa sa mga label na gugustuhin mong maidikit seyo eh yung mapabilang sa section 1, kala ko nga mapapasection 1 na ako pero hinde, nalagay ako sa section 2. Counterpart ng section 1 sa afternoon shift weirdo nga lang eh kasi nung gawin din kaming pang-umaga ginawa kaming section 7.

Ang isa sa mga paborito kong pangyayari nun, eh nung sumali ako sa isang science quiz bee. Ako ang naging representative ng section namin dahil ipinilit ko ang sarili ko at di mapilit ng teacher ko ipinipilit nya.

Afternoon, pagkatapos ng klase sa umaga -- tinipon ang mga section representatives sa library. Unang reaction ko agad? Wow! Ang dami pala talagang libro sa library! Yun kasi ang 1st time na makapasok ako sa library namin na ang silbi nun eh faculty room/meeting place ng PTA/meeting ng mga school officials.

Pansin din na formality lang din ang section representations. Labinglima ang representatives ng section 1, at tig-iisa lang ang representatives ng section 2 to 14. Kaya ganun na lang ang sarcasm ng teacher ko nun sa science ng lumabas ang results, 1st place -- section 1, 2nd place -- section 7, 3rd place -- section 1. Nung sabihin ang pangalan ko syet patanong! Questioning din ang tingin na binato sa akin ng iba pang estudyante, hindi ko alam kung ano ang reaction ko... Awkward!

So no choice... Tumagal ang battery of test ng isang linggo pa, para ma-eliminate ang doubts sa mga section 1 representatives natanggal din naman ako, at naging contestant ang 3rd placer na section 1. Yung 1st placer kasi mas ginusto na lang na maglaro ng sepak takraw eh. Alangan namang section 7 ang isali, dyahe naman sa kanila yun.

I guess ang naging mabigat na issue sa akin dun eh yung "labelling". Sana may teacher na ini-explain na ang section na kinalalagyan mo ay base sa performance mo last school year, at hindi ibig sabihin nun eh yun na ang section mo habang buhay -- na hindi lang dito nasusukat ang potentials mo. Marami kasi kaming mga estudyante back then, but how i wish my teachers know what its like to be labelled inferior, the doubts they cast is not easy to shake off. They somehow failed to focus on inspiring their students. Parang limited ka... Yung principal nga lang namin eh, nung graduation practice habang kakamayan ka tatanungin ka pa ng multiplication, pag di ka nakasagot di ka pabababain sa stage nakadisplay ang mga di nakasagot for everyone to see. Gano kaya katindi ang epekto nito?

Besides teaching Science, Math, English, Filipino at iba pang subjects sana hindi makalimutan ng mga teachers ng bukod pa dun they are suppose to inspire their students, realize their potentials -- dami namang required sa mga teachers no?

2 comments:

Anonymous said...

uy una ulit ako mgccomment d2. anyway.. ang galing.. nakatago pa ang grade 6 classcard mo. ung sakin.. di ko alam.. siguro ubos na ng mga anay. nyahaha!
tanda ko may 3/4 ako sa age. di ko alam baket nilagyan pa pero kakatuwa xa tingnan. XD

I agree dun sa sectioning kasi nung mg-start ako ng grade school sa green section na ako agad. ung mga nasa honor roll kc yellow.. tapos meron blue.. bale 3rd section pa kami. feeling nila e inferior kami. pero sa totoo lng pnpilit ako palipatin ni sister (para i-consider DAW ako sa honor roll.nyahahah!) pero inaayawan ko kasi nayayabangan ako saknila. hehehe.

gerrycho said...

yup... yun na nga, double edged sword ang sectioning eh, false confidence may be given to the higher ranking peeps, while rejection might be misunderstood for the students in the lower section.

i'm not really sure what alternative can be given to sectioning, pero making the students understand that their section does not sum up their potential and capability but how they have fared their last school year can be a good start :D