0830H-1700H, day shift... Palagay mo ba may something peculiar sa mga
oras na to?
Ang weird kasi eh... Gumigising ako around 0530H, morning rituals and
all... Aalis ng mga 0630H, makikipagbuno sa fresh morning traffic, sa
kalsada ng mc arthur na parang kada dalawang taon eh ipinapagawa, sa
ilang mga walang utak at konsiderasyon na naninigarilyo sa jeep, sa
mala-american football na bunuan para makasakay ng lrt, bukod pa dyan ang
hirap para makahawak sa railings dahil marami ang masyadong attached at
nakayapos pa sa mga ito...
Kung medyo maluwag pa at maigagalaw ko pa ang mga braso ko,
makakapakinig ako ng "morning rush" sa rx fm with chico & delamar (ilang taon na
nga ba sila sa timeslot na yun?)...
Good morning diba? =)
At matapos ng lahat ng morning activity, mas expected sana na alive na
ako pagdating ng office, but no! Parang inaantok pa rin ako at nakakaexperience ng few second black-outs, yun tipong muntik nang humampas ang ulo mo kung saan dahil sa nakatulog ka sandali... Hanggat di humampas ang ulo ko o walang makapansin na nagkakaganon ako,
parang hindi ma-be-break ang spell, at hindi ako magiging totally awake...
You think coffee ang solusyon? Somehow i believe na mas nagpapagising
sa akin eh yung paglalakad papunta sa pantry, dahil parang inaantok na
ako ulit, the moment i have stopped moving...
Nawawala naman yang sleepy spell na yan mga 0930H, but unfortunately
bumabalik ang spell na yun by 1300H! Nagwalk-test kami just recently,
medyo inaantok pa rin ako kahit nasa sasakyan at tinuturuan kami ng mentor
namin, ang nagpagising lang sa akin eh eto...
Hwow! Obscene daw yung guard hehe! =)
Comedy, that sure is one good thing to wake you up... Saka mas pipiliin
ko naman na ng magising na dahil sa natawa ako kesa sa pinagtatawanan
ako ng superiors ko habang trinethreathen na hindi ako mareregular, or
making an awful mistake that would give me another day of rework...
I can only imagine kung gano kahirap ang manatiling gising sa mga
graveyard shifts... Tumutungga kaya sila ng galon-galong kape? Meron kayang
biglang nagpapatawa sa kanila? Nakatayo kaya sila magtrabaho para di
antukin? Paghumampas kaya ang ulo sa mesa nagigising sila o nakakatulog
ng tuluyan? Ano nga kaya?
Gising na ako... Balik na ulit sa trabaho!
2 comments:
gerbs, what's new??? e talaga namang antukin ka...
tinutulugan mo nga ang electronics subject.. sino ba yung prof natin don? un malaki ang tyan na medyo chubby na medyo kalbo.. hahahaha
kahit anong shift pa yan, antukin ka talaga..
hindi naman po masyado :)
saka si sir lagumbay yun, yung natulugan ko... hehe kasi naman galing ako sa duty ko nun sa jollibee...
wow naaalala mo pa yun??!
Post a Comment