Bihira talaga ako makinig ng AM radio, nakikinig lang ako dati ng AM radio nung college, pag naghihintay ng announcement ng suspension ng klase at yun suspension ng klase...
Kaiba nitong isang araw, papunta ako ng Pasig nasakay ako ng fx taxi, hindi ko masigurado kung yung driver eh talagang nakikinig ng station na yun (radyo dasmariñas, radyo caviteño!) parang hindi rin eh, lumabas kasi sya at naghihintay ng pasahero...
Ang programa eh, ang sagutan ng dalawang announcer ng bersikulo galing sa bible, hindi talaga sagutan, parang duet sya... Babasahin nung mamà yung bersikulo tapos uulitin nung ale...
Yung boses nung mamà, ang boses nya ay parang kay eddie garcia, hindi ko naman siguro kung style nya yung parang galit na galit! Parang gusto nyang umulan ng nagbabagang asupre at malipol ang mga tao ng metro manila! Yung sa ale naman ay parang kay ate dely magpayo, malumanay na parang umaawat sa away =) hindi ko napagkinggan ng buo yung duet nila dahil nakatulog ako... Nagising na lang ako ng tumugtog na ang pop version ng "Our Father"... Lupit!
Hwow... Matapos ng icebreaker, sumunod na ang next program... Talkshow sya tungkol sa kalusugan..
"something interesting neh?" sabi ko sa sarili ko...
Nang sa aking pagkamangha, ang pinagusapan nila eh kung bakit mahalaga ang kalusugan! According to the bible! Hindi pa nagkasya sa yakidee yakideeyak kumanta pa sila! Hwoou!
(in tune of viva hot babes "bulaklak")
ang kalusugan, ang kalusugan, ang kalusuga'y mahalaga... ang kalusugan, ang kalusugan, ang kalusuga'y mahalaga... ang kalusugan ay mahalaga... higit pa sa ginto!
Wala akong masabi! Pagpasok nung fx driver, nilipat nya ang estasyon... Siguro syang wala syang naoffend na nakikinig dahil lahat ng pasahero eh tulog na... (hmn... Hindi kaya isa itong modus? Hindi kaya kung tulog din ako eh dinukutan na kaming lahat?)
Walang mali sa mga sinasabi ng mga ale sa talkshow ng kalusugan,
although i beg to differ ng sabihin nyang nakakapagpasigla yung kalusugan jingle con bulaklak ng viva hotbabes, lalo namang walang mali dun sa kawikaan duet before the said talkshow... I guess hindi lang naging effective yung approach, dapat yung mas mellow, dapat parang heavenly... Nah, nonetheless i could have just read the bible on my pace, on my most mellow time... But come to think of it? Kailan ba ako huling nagbasa ng bible?
Minsan kasi, mas gusto pa nating magbasa o manood ng kung ano-ano, mas gusto nating gawin yung mga bawal... Tulad nito...
Ganda ng la mesa dam no? Pero kinuhanan ko sya dahil dun sa signboard...Proud pa ko sa kalokohan ko... =) magkapagsimba nga sa linggo...
4 comments:
pasaway ka nga! hehe! dont wori marami tayo nyan...
medyo hehe =)ay matinding takot pa din kasi ako sa authority at hindi naman ako super rebelde...
lets sing for that! weeee
palibasa bago na cellphone... nyahahahahahahahahaha.. 3G na ito..
wehehe loan naman yun raz... =) diba mas masaya pag may color color ang site?
Post a Comment