Sunday, August 26, 2007

Kababata ba Kita??

Eto ang kwento ng kabataan dati… simple lang, walang internet at LAN Games, ok na ang street games tulad ng tumbang preso at batuhang bola.. waha! Wala akong ka-ide-idea kung sino ang writer ng email forward na to, but I can’t help but thank him for compiling these stuff…

--nung ikaw ay bata... nagawa mo bato?--

1. kumakain ka ba ng aratilis?
May Mapula, maniba at siempre mga hilaw na bunga tinambabala namin sa aming mga paltik.

2. nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
Puede rin ang mga dahon ng tuba!

3. pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog kc di ka daw lalaki?
Technique ko dito hihiga ako for 5 to 15minutes tapos ikukuskos ko yung muka ko sa unan, para mukang bagong gising =)

4. marunong kang magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
Wala akong idea, kung ano teleber-teleber, pero uso sa amin ang tumbang preso, shato at batuhang bola! Saka sipa, saka palakulan ng trumpo.

5. malupit ka pag meron kang atari,family computer or nes?
Saka Sega at bentang benta ang mga video games na huhulugan mo ng piso tapos palalaruin ka for 3minutes. Tapos hulog ka ulit hanggang sa i-wrecker ka ng nanay mo…

6. alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start?
Oo lupit nito! Kasagutan to sa lahat ng paghihirap sa mundo ng Contra Rambo, Gradius at Kung ano-ano pa!

7. may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
Hindi ako fahionista nung bata eh, basta ok na yung may ninja turtles na print!

8. addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
Saka visionaries (complete with chants!) saka humanoids!

9. nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?
Lampin naman kasi yung suot ni annie… hehe…

10. marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
Saka Lotus 123, Dbase3+ at sobrang benta ng mga antivirus kalokohan!

11. inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?
Hindi sila nagkatuluyan… sad!

12. gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
ano raw?!?

13. meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
Mighty Kid Rocks! Hehe…

14. nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
Medyo loner ako nung bata eh, pero nakaka-flatter pasulatin sa mga slum slumnotes… lalo na pag yung crush ng classroom ang magrequest sayo…yihhhiiii…

15. kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si luning-ning at luging-ging? At ang kanyang perlas na bilog, siemps kasama ang barkada ni Kiko Matsing at si Pong Pagong,
Nagtataka rin ako kung ulilang lubos sina luningning at lugingging, kasi wala silang mga magulang lagi sa bahay.

16. alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?
Ngayon din! (twing twwwwwiihihiiing! Sabay BlueHawk! (Ang BlueHawk ay yadada yadaydaya ni Shaider… narration)

17. idol mo si McGyver at nanonood ka ng perfect strangers?
Saka yung KnightRider! Whooom!

18. eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?
Bihira lang ang meron ng ganito ka-hi tech na gamit sa bahay… saka sabi nga daw mahirap makabitan ng telepono dati

19. nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 biente-singko lang ang dala?
Yon ang malupit! At rotary dialing pa!

20. cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
Babae pa sya non! At asar na asar ka sa ka OA-an ni LA Lopez! Gaaah!

21. inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
At nabagsakan na nito ang iyong mga paa bago pa magdecide ang nanay mo na gumamit ng plastic containers…

22. meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
kailangan mo rin ng sariling plastic bag para sa mga basura mo, na itatapon sa tapat ng school nyo… hehe…

23. noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
Meron ba talagang Goya Fun Factory? Nakarating kasi ako sa pagawaan ng Mongol at Yakult

24. alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?
Takatakatok! Takatakatoktok Takatakatok! Tok Tak!

25. alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong siya sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?
Saka yung immortal “Instant Alpine!! @#$ Malake! Dalawa $*$*!”

26. sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
Kahit isang kahon ng plastic robot ipagpapalit mo talaga para sa mga GI Joe action figures! At mas mataas ang value ng mumurahing action figures pag ito eh gawa sa goma at medyo elastic.

27. inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
Pambili lang ng puto seko to eh… wala nang ibang mabili gamit to…

28. lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong- tong-tong...diba naninipit yun?
aba oo nga noh!

29. alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and syempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
Hindi ko na to matandaan, ang alam ko lang yung mga batang kinikidnap tinatahi ang mata’t bibig at gagawing patigas sa tulay…

30. meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
Humanap ka ng Panget!

31. laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
Minsan naman face towel o kaya yung Good Morning Towel…

32. bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
Meron ding sundot kulangot at macapuno na lasang ube…

33. kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porno as BOLD?
Inosente ako ng bata eh.. VHS na inabutan ko… hehe… Silver Seduction! Lufet!

34. takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?
Ackward nga eh, at least hindi nangyari diba? Three days of darkness… wow… gory!

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD..(ehem gerry) . KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA... WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA
LANG... DIBA 0.75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW? HA!HA!HA!HA!HA! =P


Weird lang ng konti pero thinking a little futuristic, pano kung mga bata na ngayon ang sumulat ng ganitong kabalbalan!


Kababata Ba Kita? (Generation ng mga 2000 Youth Edition)

1. Naglaro ka ng isang MMORPG puedeng Ragnarok, RAN, MU, Flyff, Pangya! at kung ano ano pa! LAN Games tulad ng CounterStrike, Warcraft, C&C Generals, Starcraft, DOTA at Battle Realms.

2. Mahirap makapaglaro sa kalye dahil ang mga kalye eh maninipis na… pero ok lang dahil may internet at LAN Games naman sa bawat kanto.

3. Una kang nakapanood ng porn na nai-bluetooth sa cellphone, o sa internet café. At ang karaniwang title nito eh, Scandal… siempre uso din ang FHM, Maxim at Uno!

4. Ang liliit na ng servings ng mga softdrinks, coke sakto, rc, pepsi. Kakayanin mo sa isang lagok kung uhaw na uhaw ka na.

5. Ang mga alam mong kanta eh, sulat ni Lito Camo, at kinanta ng Sex Bomb, ni Willie Revillame, at Bong Navarro meron ding mga kanta ni Joey De Leon. Ang lahat din ng kanta nila eh walang sense.

6. Mawawalan kayo ng pasok dahil sa isang pista opisyal. Maliban sa June12 hindi mo alam ang ibang dahilan kung bakit wala kayong pasok basta alam mo pista opisyal nun.

7. Merong kayong computer room na merong lima o mas mababa pang computer. Mas hi-tech ang nakikita mong computer sa internet café siempre!

8. Meron nang Algebra ang Grade 6!

9. Nauso at nagpauto ka sa mga Pogs! Puedeng Pokemon, Yu Gi Oh, Ghost Fighter at kung ano ano pang anime na nagpapalit kada dalawa hanggang - anim na buwan. At siempre alam mo din kung ano ang Kagi-Bushin No Jutsu! Hindi ka rin – in kung hindi mo alam ang latest sa Naruto na mababasa mo lang sa Internet. Konti lang ang kakilala mong nagbabasa ang komiks na gawang Pilipino dahil mahal na ang mga ito. Ang mga bagong episodes naman eh pinapanood mo sa You Tube.

10. Meron kang sariling Email address, at friendster at facebook account! May kakilala ka ring mag-on na nag-away dahil sa “Single” and nakalagay sa status ng isa imbes na “In a Relationship.”

11. Mas madalas kang mag-text kahit halatang may pud-pod na ang hinlalaki mo dahil ito ay puedeng maging unlimited sa Globe at Smart, maliban na lang kung matyaga kang mag hintay malpasok ang tawag mo gamit ang iyong pangalawang SIM card aka Sun SIM.

12. Gumamit ka ng Wikipedia at Google sa pagreresearch dahil mas madaling mag copy-paste kaysa sa magtype galing sa libro. Nasita ka na rin ng teacher mo o ng kakilala mo dahil sa meron pang mga hyperlinks or "click here" sa printed out report mo. Nakalampas sa editing!

13. Ang wallpaper mo sa phone mo eh ang picture ng iyong crush. Alam mo din na mas masakit ang hindi maisama sa lakaran kahit nakabihis ka na, kaysa iwanan ng nagmamahal… forwarded quotes!

14. Pinapanood din kayo sa school ng mga pelikula tulad ng “Pengiun Pengiun Pano Ka Ginawa” meron din kayong mga film showings tulad Episodes ng Sine Eskwela at Mathinik. Ang mga pelikulang napanood mo sa sine eh, mga parte ng isang trilogy o higit pa, Spiderman, Pirates of the Carribean. Kung di naman galling sa lumang cartoons or comics o nobela Fantastic Four, Hulk or Harry Potter.

15. Ang mga nagcutting-classes mong kakilala, eh hindi nagpupunta sa Mall dahil, ibabagansya sila nito, nagpupunta sila sa mga internet café! Ah… internet.. lupit…


Ibang level talaga… ang bilis ng panahon… wee, nostalgic mode 

3 comments:

Unknown said...

wahahahaha... ibang iba na nga ngaon.. 25 na rin ako.. kaya halos lahat alam ko yan..

gerrycho said...

gano kaya ka-diverse yung magiging pagkabata ng generation ngayon?! i just really can't imagine :)

Anonymous said...

waaaaaaaaaaa
sarap ang pakiramdam sa kabataan ngaon, kc madame ng nag habol ng usok.......