Sunday, February 04, 2007

Academe

Ok... Bilang isang dakilang ECE, may tatlong mapagpalang industriya na pinakamahusay mong mapasukan, Electronics, Telecommunications, at Broadcasting, sa tatlong ito mapalad ako dahil ang unang naging career ko bilang isang ECE eh... Charan!

Ang Academe...

Ahh the Academe... The free eats ng mga HRM students at ang College Basketball..

Napasok ako ng St. John Technological College of the Philippines, isang maliit na kolehiyo sa masukal na gubat ng Novaliches QC... masarap maging instructor sa totoo lang, depende kung gusto mong maging mabuting guro, puedeng humirap o dumali ang trabaho mo, minsan mahirap, minsan madali ang trabaho ko, so nasa gitna ako ng dalawa...

Sa Academe, naranasan kong makisalamuha sa ibat ibang uri ng tao at estudyante..gago, gaga, matalino, ksp, pasaway, palaban, masungit, malandi, masikap, maepal, mabait, girl, boy, bakla, tomboy.. Marami tlaga, marami...

Nahanap ko ang instructor position from Manila Bulletin, hindi ko sure kung anong klaseng trip meron ako nun... Basta gusto kong maging instructor gusto kong magturo.. Average lang akong estudyante back in college, low profile at walang honors. Kaya kahit ako e naweweirduhan sa sarili ko kung bakit gusto kong magturo.May ilang kolehiyo din akong inaplayan nun! Yung mga kolehiyo sa lugar namin.. Tulad ng Valenzuela Polytechnic, Navotas Polytechnic, Kalookan Polytechnic, pati AMA! Inaplayan ko yan lahat..! Pero hindi ko sinubukan ang pinanggalingan kong University...

Siemps inferior kasi naman agad nun sa mga former instructor mo diba? Kung tutuusin, inaplayan ko yung mga kolehiyo na alam ko na medyo "under dog". Besides sino bang kolehiyo ang magkakainteres na mag hire ng instructor na fresh from graduation? It was a blessing SJTCP gave me a chance...

Nung screening pa lang, marami kaming mga nagaapply para sa position, ang dame! Dalawa! Ung kasabay kong nagaapply eh ECE instructor sa school na pinanggalingan ko, si Engr. De Vera, with masters! Bukod pa sa mismong teaching experiences nya... Kumpara sa akin, ay talaga naman! Pulling away siya! Hindi ko sya inabutang nagtuturo sa kolehiyo ko, nagturo sya dun school year na graduate na ako, kung nagkataon...

Baka sa screening pa lang hinimatay na ako, bwehe!Ok naman ung, screening, nadeliver ko naman yung napili kong topic, pero hindi ko na inasahan na matatanggap ako.. Kinabukasan pa lang naghahanap na ulit ako ng trabaho. Pero after some two weeks tumawag sa akin si sir de vera, at inoffer sa akin yung job, ang pinagkakaabalahan ko lang ng wga sandaling un eh mga early morning hanggang late afternoon anime, no wonder ang dali nya akong nakumbinse...

Dala ang isang black folder, laman ang mga credentials ko nagpunta ako sa school. Sabi ni sir, kailangan daw 1:00pm nandun na ako, umalis ako sa amin ng alas onse at yun nga ala una pa lang nandun na ako...

"bakit ka late?" bungad sa akin ni ma'am valenzona, sya ang tumatayong marketing director/hr ng school...

"...weird... bakit ganun?" hmn...
"ma'am ako po yung kapalit ni sir de vera"her face lighten up a little bit...
"ah ganun ba... o sya lumakad ka na... kanina pa ang klase mo..."

Binigay sa akin ang listahan ng mga subjects, pambihira! Mayroon akong 14 na magkakaibang subjects, kulang-kulang 50 units yun! Principles of Communications, Electromagnetics, Electronics 3, Industrial Electronics, Control Systems, at Instrumentation just to name a few...

"Napasubo ata ako ah?!"Kung estudyante ka at meron kang 25 units of subjects masasabing overloaded ka, just imagine an instructor na merong 40+ unit! Laro lang sana yun kung ang tinuturo mo eh 40+ units ng gym class, pero engineering eh, bago mo ipasolve ang isang problem dapat ikaw mismo nasolve mo n rin un...

Di ko akalain na nun pa ako gumising ng maaga para lang mag-aral ng mga ituturo ko, Dyahe mang aminin pero i was overrated sa mga bagay na alam ko, dahil ang iba doon eh hindi din ganun kataas ang pagkaka-intindi ko...

Nakaka-guilty na nasa harap ka nang klase na hindi ka sigurado kung ano nga ba ang ituturo mo susunod. Totoo nga, nasa teacher kung gusto nyang maging madali ang trabaho nya o humirap ito.. At nakakatakot ang mga teacher na ginagawang gatasan lang ang pagtuturo...

Hilingin ko mang mamamatay na sana sila, di naman yun mangyayari..Maliit lang ang eskuwelahan namin, pero ang sakit ng institusyon na yun ay sakit din ng mismong sistema ng edukasyon natin.Pambihira, nauwi sa sentiments ang sulat ko ah? Di kasi talaga sya nakakatawa.. hehe mahabang kwentuhan to...

5 comments:

MeL said...

Mabuhay! Ako'y natutuwa at ika'y nagbalik!

Dati gusto ko rin magturo pero naiba ako ng linya at andito ako ngayon sa Alaabng nagtatrabaho bilang programmer. Imagine, sa Manila pa ako nakatira. Anyway, goodluck sa pinili mong carrer. Ganyan talaga, mahirap maging titser kasi nakasalalay sayo kung paano mo huhubugin ang mga batang napunta sayo para turuan mo.

Ika nga nila, teaching is the best profession.

gerrycho said...

hi mel :)
thanks sa madalas na pagbisita...

grabe... i really appreciate it... actually hindi na ako teacher ngaun... pero naging trabaho ko sya... i'll be telling more of it here :)

thanks for partying with me..!

MeL said...

Your welcome. Salamat din sa pagdaan sa isang blog ko. :)

Eh ano na nga ba ang pinagkakaabalahan mo ngayon? Naku, magkwento ka na dali. Haha

Anonymous said...

Gandang araw!!!
Hala mali ata ako...d ko tlg cnasadyang mabisita to... hmmm tagal ko tong hinanap di ko matagpuan tapos ngaung ala lng... hala aun aksidentally nakita ko din...
well napakahusay!!!! and siste nga eh... hehehehe...... mahusay.....
nahirapan po ba tlg kau sa pagtuturo... parang ayaw ko na din tuloy.....
hehehehe.... sir husay nun...

gerrycho said...

sana... nag iwan ka man lang ng email jade :) so i can comment back...

basta keep in mind lang... teaching is not a profession its a vocation yeah!