Saturday, July 29, 2006
Concert!
Hindi pa talaga ako nakapupunta ng concert, maliban school performances
ng sikat na banda tulad ng george estregan experience o company
christmas parties ito ang first time ko...
Ang laki pala ng araneta? Bwehe!
Hindi naman din kasi ako party goer, i wouldn't mind if i never get to
watch any live performance by anyone, pinakapaborito kong banda ang
eraserheads pero kahit kailan hindi ko sila napanood live. Sabagay grade
six ako ng sumikat ang eraserheads, 4th year college na ata ako ng
tuluyan na silang nadisband... Sabagay, hehe wala naman akong pera para
manood nun eh...
Pero hindi nga! Ok lang ako...
I guess iba-iba talaga ang fetishes ng mga tao.. Nawi-weirduhan lang
siguro tayo s iba.. Nung hwebes (july 27, 06) narinig ko pa ang ilang tao
na nakikipagbargain kay mo twister ng magic 89.9 para sa mga free
concert tickets ng PCD! At simple lang naman ang trade eh, free tickets pero
ita-tatoo sa balat mo ang muka ni mo!
Hwow talaga! I guess hindi ko natagalan ang ego tripping ni mo at ng
mga kasama nya, kaya nilipat ko sa rx monster radio yung station... Kung
tinatooan nga ung mga tao, including this 32 year old guy na gustong
makakuha ng tickets para sa mga anak nya eh hindi ko alam, malabo naman
na pati ung 16 year old die hard PCD fan eh matatooan... I hope bluff
lang lahat yon, it would be a sad story i guess kung for just 2 hours of
PCD Performance mamamarkahan mo ang balat mo ng pagmumukha ng isang tao
na hindi mo man lang kakilala..
Needless to say nagenjoy din ako sa concert, although mas enjoy ako sa
panonood ng crowd reactions, it always amuses me to watch one celebrity
person control the reactions of everyone...
Yung pasigawin mo at maexcite mo yung mga tao sabay sabay.. Ang gara.. =)
"Stick With You" is still singing in the back of my head, i really
enjoyed the concert considering that i got the tickets for free, kaw na ang
may manager na malupit ang koneksyon sa marketing peeps, but if you'll
bargain with me 500 pesos for the concert kahit patron seat pa box A
sya, i'll yawn about it and would rather wait for the DVD copy...
Nostalgia
Grabe ang lakas ng bwakanang ulan kanina... Maswerte pa rin ako,
pakiramdam ko kasi eh sa twing lalabas ako eh, humihina ang ulan. Nakakalakad
ng maayos at bubuhos ang lintik na ulan pagnakasakay na ako, swerte...
Wala akong pinagiisip kanina, dapat nga makikinig ako ng mp3 kanina
eh.. Pero may humahampas ng payong sa balikat ko, nung una akala ko wala
lang, nung pangalawa tinawag na ang atensyon ko...
"kulitaa a am.." pagtingin ko yun, si hesed pala! Kaklase ko nung
college pala! Lam ko huli ko syang naging kaklase 2nd year 2nd sem.. Mga
umn... Anim na taon?!
Nagshift pala sya, grumaduate s mcu.. Matapos mapatrouble sa ue..
(hehe, ibulgar daw ba?) grumaduate sya ng business ad isang taon matapos
kong grumaduate..
Isang taon na sya sa trabaho nya.. Samantalang wala pa kong tatlong
buwan sa trabaho ko.. Geez, dalawang taon akong late sa career development
ko dahil sa sinubukan kong magturo? Natatawa nga ako minsan eh, batch 7
ng mga cadet engineers, matindi na ang roots nila, pero mas matanda pa
ako sa kanila?!
Pero hindi un ang umiikot sa utak ko ng nakikipagkwentuhan ako kay
hesed, ang pinaguusapan namin eh ang kakwelahan namin nung college.. Nung
nagsisimula pa lang kami, nung sariwa pa ang mga pangarap..
Pinagkwentuhan namin ung drawing instructor naming si engr chan,
aksidenteng nabato sya ni hesed, nakipaghabulan sa kanya si sir para lang
ipa-guidance sya,
Yung mga combat boots naming umuusok habang bilad bilad kami sa rotc,
inalala namin kung may natutunan kami dun sa pagbibilad nun, haha...
Natawa lang kami..
Yung ballroom dancing na pe subject namin, na mas pinaglaanan namin ng
panahon kesa sa algebra at trigonometry.. (sarap ng pe na un, nung kasi
ang unang pagkakataon na ginusto ng kapartner kong si apple ng hawakan
ko sya sa bewang, o ako lang nagisip nun? Nah.. Sulit pa rin bwaha!)
Nakakalungkot, mahigit apatnapu kami nun, wala pa atang sampu sa mga
kaibigan ko nung 1st year college ang alam ko ang kinahinatnan..
May apat ata sa kanila ang nabuntis bago pa tumuntong ng 4th year..
Marami ring huminto, may nagshift at may nawala na lang at di ko na
nabalitaan kahit kailan..
Hindi ko talaga naisip nung 1st year college na darating ang panahon,
na kailangan ko palang magtrabaho, kung hindi kami kakain, hindi ko
naisip na ang mga gra-graduate ang susunod na bubuo ng lipunang ito,
mababaw lang ako, inakala ko na ang limang taon ay sing-tagal ng isang habang
buhay na puro saya..
Ambabaw... =)
Eto ako ngayon.. Malayo ang tingin sa silangan, may pag-asa magiging
maayos din ang lahat...
Bumaba kami ni hesed sa gil puyat station, jeep ang sasakyan nya sa de
poso daw sya, bus naman ako papuntang ayala, bago kami maghiwalay,
hiningi ko ang number nya, wala naman akong kabalak balak na itext sya pero
di ko mapigilan na di hingin ang number nya.. Dun ko naintindihan,
siguro gusto ko ulit bumalik sa pagiging freshmen... Kung san ang tingin ko
sa eskuwela ay lugar ng pagkatuto at isang napakalaking palaruan,
bumata ulit ako sandali, pagkatalikod ko't pagsakay sa bus... Malayo na pala
ang narating ko, at malayo pa ang pupuntahan... =)
nangyari nga pala ang kahapon...
Saturday, July 01, 2006
Semiotics ng Porn
ang galing naman talaga ng internet! nahanap ko pa itong dvd cover ng movie na to? ang tagal na nito a!
(disclaimer; Yan a! Konting maturity lang, sabagay hindi naman bastos
ang paguusapan natin, porn lang)
Dala ng murang isip ko, (well... dati) nung grade one pa lang... Na hindi dapat tumingin s cr ng babae lalo na't nandun sila dahil sa yun ay "masama" kahit minsan ay hindi ko ito ginawa, at wala akong kakilalang classmate n ginawa o nagtangkang gawin yun... Absolute rule sa amin yun! "dahil masama". Sa katulad din n dahilan kung bakit hindi ko hinawakan o tiningnan ang mga napakamahalay na tabloids noon.. Lalo na yung abante at tiktik (sabagay medyo bastos pa rin naman ang tiktik hanggang ngayon). Kaya inosenteng-inosente ako nun! Wow naman =)
Una akong nakapanood ng porno nung 2nd year highschool, s bahay ng barkada ko... VHS pa lang ang gamit nun, tanda ko pa nga ang title e "Silver Seduction". Back then, ang pagkakaalam ko lang e, silver e yung sunod
sa gold medal, wala pa akong ideya kung ano ang seduction. Dahil sa title sya ng triple x, inassume ko na bastos sya... Hindi ko maalala ang details after ng movie na hindi ko rin naman tinapos, 'di rin naman kailangan tapusin dahil wala naman itong istorya at saka di rin take ng kunsiensya at pang-unawa ko...
"Ganun pala yun?!!". Grabe iba ang feeling...
Awakening stage ang puberty hanggang early adolescence, dito raw nakakaranas ang isang tao ng tinatawag na "hormonal rages". Pinagaralan namin nung gradeschool ang reproductive system nung grade 5, pero hindi ko
inexpect ang nakita ko, kakaibang shock tlaga ang naging dulot nito sa akin...
Sadyang nakakamangha ang katawan ng tao, kasama na rito ang hormones, ang utak e nagtitimpla ng iba't ibang kemikals na ginagawang hormones, may hormones na nagpapasaya, nagpapalungkot, galit, takot, nagdudulot ng hallucinations at perfect bliss...
Kaya mas bilib ako sa mga taong ni minsan ay 'di nakapanuod ng porn... Either frigid sila na sa katotohanan eh abnormality, o dahil sa kanilang matinding mga paniniwala... Pero di ko alam kung bibilib din ako sa kaklase ko noong 1st year college, napakagaling nya sa mathematics! Master na nya ang maraming techniques sa algebra at trigonometry, habang kami eh, halos mangapa sa mga subjects na yun... Pero nagulat ako at
natawa ng magtanong sya out of nowhere "pre?!! ano yung libog?!" Curiosity ang unang dahilan kung bakit ako nanood ng porn, yung sumunod na mga panonood e dahil sa na-i-entertain na ako, iba eh! Sabi ko pa ayaw ko namang maging inosente...
At hindi nga ako naging inosente...
VHS at Beta pa ang uso nun, kasama na ang mga tabloids, nakita ko na ang halos lahat ng tabloids ay may sensual content, dumating din ang time na totally naging malinis din ang mga tabloids, na-over rule ang "right
of expression"... Dumating naman ang VCD at ang internet... Naging rampant as ever ang porn!
Hindi ko sigurado kung si Gary Lising ang nagsabi... "internet, what would be porn without it..." pero kung sino man sya, syet tama sya! At nakakalungkot kung gano kadali para sa kahit sa isang 7-year old ang makita ang mga bagay na sana e, later in life pa nila makikita, walang kakayahan ang ganitong edad na i-absorb ang sa edad nyang yun e basura...
Alam mo naman siguro ang tabloid na "Sagad", kung palupitan ng laman ang Sagad ay triple-x film sa papel, wala itong ibang laman kundi sex, sex at sex... Kung hindi mo ito nakikita sa lugar nyo, mababait ang mga
newspaper distributors nyo...
Liberalization at open mindedness, palusot para palusutin ang porn sa net at iba pang media, pano nga ba natin ito mako-control? May paraan ba para ang mga matatanda lang at may kakayahang makaunawa ang makahawak nito?
Nag-try akong magdownload ng isang clip, scandal daw ito ng isang school malapit sa amin... Habang pini-play ko ito, nagbo-browse naman ako sa isang blog na ang BG e "Take Me Out of the Dark" ni Gary V. dagdag pa
ang tatlong batang nakasilip sa monitor ko, nag-close na lang ako ng Player...
Napaka-ironic na problema nating lahat kung paano ang kailangang edukasyon ng kabataan ay maisasaksak sa mga utak nila... Sa kabilang banda sila naman ang humahanap ng mga basura sa internet na gusto sana natin na wag nilang basta mahawakan...
Naniniwala akong dapat isulong ang sex education, ang tanong sino ang magtuturo at pano ito ituturo... Magco-condone daw ng promiscuity ang pagtuturo ng safe sex dahil parang lalabas itong encouragement
pag-tinuro, samantalang tumataas naman ang teenage pregnancies, parang wala pa rin tayong correct answer... Parang "we are doomed"
Maselan talaga pagusapan ang ganitong mga bagay, turo nga ng sister nun namin sa college... Dapat ang tao ay di pumunta sa lugar na kaya syang traydurin ng kanyang sarili... Kung di ka maglalaro ng apoy di ka
mapapaso, pero pano kontrolin ang sarili! Ano nga kaya ang solusyon, ang hirap isipin parang naghahanap ng gamot sa cancer, dahil pagdating sa issue na yan halos tulad sa mas marami pang mga issues cancer mismo ang sakit natin...
Subscribe to:
Posts (Atom)