Grabeh...! ugali ko nung college ang mag-cram ng mag-cram pag may exam, pero sa totoong buhay pala hindi dapat ito ginagawa, dahil mas malupit ang exams dito at dapat matagal mo na itong napaghandaan!
Tinanggal ko sa isip ko ang kahit anong posibilidad na darating ang exams na 'to... eto yung exams na kailangan para makapasok sa trabaho... kung magpapabaya at hindi maghahanda, talagang deads ka! o parurusahan kanito ng mabuti... tama talaga ang nabasa kong libro tungkol sa procastination...
"we tend to procastinate, when what we forsee is something negative or what we dont want to face, which will nonetheless get in to you unprepared and unaware."
takot talaga ako sa exam na 'to! at kahit ubod ng ganda at sexy ng proctor, wala itong nagawa para maibsan ang kaba at kahihiyang nakaamba...
muntikan ko nang sisihin ang nanay ko, kung dangan ba namang dinisiplina nya ako ng mabuti eh hindi ito dapat mangyayari sa akin ngayon...
talagang sobrang sama ng resulta...
2 for permanent filling
3 for extraction
and oral prophylaxis
nareview na naman ako sa kung ano ang ibig sabihin ng "habang-buhay" =(
6 comments:
akala ko seryoso na! tsk tsk :D
pero masakeeettttt din yan.....
hehe... honga e... sa isang medyo ma-pride na tao, mahirap tangggapin na may exam sa buhay na sadyang hindi basta-basta maipapasa! wouuuu
OUCH! There are some pains in life that you have to really go trough.
pedeng bang leakage sa exam ng buhay??? hahahahahahaha
Waaaaa.... alam mobang katatapos kolang ma tooth extraction nung byernes? kaya hanggang ngayon e maga pa ang aking panga? kaya alapako sa wisyo ng utak ko dahil sa naparaming anesthesia ang itinusok sa bagang ko...
Ang tunay na buhay ay pwede rin nmang icompare bilang isang estudyante... Aralin ang mga lessons in advance... sa buhay di nman kelangan lahat experience mo, pwedeng experience ng Nanay mo or kaibigan mo..
Sabi ko nga dun sa isang post ko.. Ang buhay ng tao ay parang isang sugal.. aralin ang laro bago pumusta ng mataas. dahil kung maliit lang ang pusta mo e konti lang ang babalik sayo...
isa kang propesyonal na student hindi ba? lahat ng tanong e may karampatang kasagutan. wag ka lang magmadali dahil minsan nasa dulo pa ito ng pisi.
Salamat pala sa pag link sa akin.. once a week lang akong mag-add ng link, and ur next in line. madali kasing tinotopak ang template ko kaya nag iingat na ako. wag kang mag-alala laging dadapo dine ang iyong tutubi.
@jp
there sure are!!! pero ok lang =) dahil sa dulo naman ng lahat e saya pa ring naghihintay... yes... wou!
@razzy
leakage nanaman!!! =) marami tayong mapagkukunan nyan... kaso mo iba-iba kasi ang resulta sa iba't ibang pagkakataon... sabi nga nila ang buhay daw ay uhurmn... HINDI EXACT SCIENCE hehe... kaya laging exciting!
@TK
yup! feeling ko nga ang college e parang modelo ng tunay na society e... kumpleto lahat! salamat sa pagdalaw TK!!! buti na lang classmate na rin kita =)
Post a Comment