Hindi ko talaga maintindihan ang aking "temporary amnesia" at wala akong maalala nung Grade 4, pero pakiramdam ko, nagkaisip ako ng Grade 5
Nagkaisip?!? Hindi ko maintindihan at nagtataka ako kung bakit may mga kaklase akong hirap na hirap matuto at bakit yung ibang kaklase ko naman e parang alam nila ang lahat ng bagay?!? mababaw ang tingin ko sa pag-aaral dahil sa hindi ko naman maintindihan kung bakit ako dapat mag-aral, pero dahil sa hiya ata takot ko sa teacher, natuto akong umintindi at umunawa ng binabasa ko, hidni rin ako kabilisang magcompute ng math, pero ok naman din... natuto akong mag-drawing ng half-note, whole-note, quarter-note, whole-rest,rest-room, g-clef at kung ano-ano pang musical symbols... yun lang hindi ko talaga naiintindihan ang teacher ko, palagay ko hindi nya talaga ito kayang ipaliwanag at ituro, puro pa-drawing, wala namang explanation, pero dahil sa madali lang bilugin ang ulo ng bata dati, hindi ako nag-react, hindi ako nagtanong... wow submissive...
Ang grading system ng elementary nong panahon ko ay nahahati sa apat na periods, 1st quarter, 2nd, 3rd at 4th, merong minsanang quiz, quarterly na periodical exams at araw-araw na pagbasa, pagsulat at sermunan... wala nang naglilista ng maingay. pero merong tiga-check ng palstic bag dahil sa phased-out na ang basurahan... lupit!!! nagkameron ng maraming chewing gum kaysa sa kulangot dahil sa bagong ordinansang ito! (axiom yun... hindi na kailangang i-test at pasubalian ang obserbasyong ito! ebidensya na kung ilang beses nabwisit ang nanay ko sa pagtatanggal ng bubble gum sa shorts ko twing maglalaba sya!) kahit na parang basura lang ang lecture notes ko, ayoko namang maglagay ng totoong basura sa bag ko... kaya ang kinakain ko sa recess e laging minatamis na saging champorado at lugaw basta hindi gagawa ng basura ok yun...
Hindi ako nagrereview para sa kahit anong exam at quiz nong elementary, mas mahalaga ang paglalaro, ang pag-aaral ay makakasira sa barkada at performance ko sa taguan, habulan, at batuhang bola...
Ang motivation ko noon ay baon, at yon tama baon lang... noon ko napatunayanna ang "appreciation" ay mas mainam na motivation kaysa sa baon, sermon at palo... ang lalim ng pagtanggap at pagpapahalaga ko nung isang beses matapos ang 2nd periodical exam namin sa science... sinabihan ako ng teacher ko...
"magaling pala itong si gerry..."
For the first time!!! Sya lang ang unang nagsabi sa akin nun! ang sarap palang makilala... ang sarap palang ma-appreciate...
Salamat sa teacher ko sa Science si Mrs. Elvira Dagohoy... nagkaron ako ng bagong rason para mag-aral... dahil sa dye-dyeeeennn... "appreciation" dati ang paborito kong subject ay HELE (sabi ng kapatid ko Home Economics & Living Education daw yun...)kung saan ang ginawa namin ay mag-ani ng mani, magbungkal ng lupa, magtanim ng buto at magdilig ng halaman.. ang saya! manual work! ang sarap saktan ng lupa! ibaon ang asarol at bungkalin ito... pero dahil sa mahiwagang appreciation, mas naging attentive ako sa lahat ng subject, mas ginusto kong tumawag ng positive attention, sinubukan pa namin ng isa kong pang ambitious at imaginative kong classmate na sumali sa isang practical science contest at ang entry namin ay ang wouuuu!!! nakakalokong...
"Solar Cooker!"
Kalokohan, dahil ito ay isang lutuan na ang gagawa ng ningas ay ang matinding sikat ng araw na ki-noncentrate ng lente... ok kulang pa paa ang galing namin hehe...
Section 2 ako buong elementary days ko, sabi nila mga section 1 daw ang pinakamagagaling... kaya nong highly motivated ako nun... sabi ko pagdating ng grade 6 kahit nakapantalon na silang lahat at nakashorts pa rin ako... mapapabilang ako sa kanila...
Kahit na motivated ako, hindi ko pa rin napapabayaan ang paglalaro ko.. ayos! sa totoo lang, hindi ko naman din kailangang magreview dahil multiple choice ang type ng exams, ang math naman kahit matagal bago ma-compute, nakukuha ko pa rin, needless to say, mas matataas ang grades ko mula ng ako ay ma-motivate...
Nung pipiliin na ang lima sa apatnapung estudyante na ipapadala sa section 1, wow! pang-anim ako!!! naungusan ako ng classmate ko ng ilang puntos dahil sa magagandang projects nya sa HELE! (paborito kong subject! trinaydor ako!!! yarrrrggghhhh!!!) nakapagpasa kasi sya ng hand thrower na gawa sa tubong bakal na binuksan ang gitna, tiyahin nya rin ang gumawa ng malaking signboard ng school... (saka mas mataas din ata sya sa akin sa math =) )
Yun ang una kong frustration! bukod sa hindi ako naibili ng nanay ko ng tig-do-doseng espada na may suksukan... inasam kong mapunta sa section 1 pero hindi ko nagawa dahil sa project na di ko kayang pantayan... hindi na kao motivated pagkatapos ng grade 5... ipinagpilitan ko sa aking sarili, hindi sila sobrang magaling kumpara sa akin... kaya ko rin ang kaya nila... (lam mo na pag ang bata na-frustrate isusumpa nya ang mundo...)
Challenged na ako
Challenge ang Grade 6...
5 comments:
nyahaha... hindi kasi ako frustrated kahit sa anong bagay. ewan ko lang. siguro minsan pero diko sineseryoso. naramdaman ko na kasing masaktan dahil hindi ko nagawa best ko.
hindi ko rin hilig ang makipag compete. nakakasira lang ng ulo. average student lang ako yun ang alam ko ah pero maraming bagay akong nalalaman na hindi pa dapat malaman sa ganitong edad. marami kasi akong tanong sa buhay. sa sobra kong daming tanong eh nakakalimutan ko na mga napag-aaralan ko kaya laging mababa writen ko. mataas lagi recitation ko at kahit anong activities.
sensya kung nagkwento ako. ehehe...
ok lang pheebs :)
aliw nga e hehe... niweys hindi rin naman ako competitive talaga, mas nag-eenjoy akong tumulong sa pagbuo ng isang bagay na kapakipakinabang sa lahat... pero kahit pano alam mo na may pride pa rin ako... pag naapakan mangangagat din... :D
nice gerbs, may grade five na.. la akong masabi sa sobrang vivid ng alalala mo.. basta ang natatandaan ko lng, hindi pa ako napapansin ng mga panahong elementary ako..
naapreciate ako nun high school na..
hehe
ewan ko ba hindi naman sobrang detailed ang pagkakaalala ko, pero pag sinusulat ko... nasusulat ko naman :)
kwento ka naman ng highschool days mo raz!!!
Wakoko... Ako rin nakakalimot... Hindi ko na masyadong maalala ang mga pangyayari nung mas bata pa ako (nyaks...)
Post a Comment