Wednesday, May 10, 2006

bisaya ka ba?!? bisaya ka pala e

pagwalang trabaho... boring ang mundo, masagana sa free time, kargado ng pera ng nanay =) pinakatipid siemps ang mag-apply ng trabaho online... sa dinadaanan ko papunta sa tig-ki-kinse/hour na internet shop kailangang lumampas muna kami sa isang eskinita na merong isang pamilya na HANEP magpatugtog! lintik sa lakas!!! nasa bungad pa lang kami, para na kaming niyu-yugyog, akala ko natutuwa ang mga kapitbahay ng may isang malaking lalaki na sumungaw sa bintana sa tapat ng bahay ng malakas magpatugtog... sabay sigaw ng...

"p*t@ng *inang!!! BISAYA talaga!!! p*t@ng *na!!!"

wow! kung mahina-hina lang ng konti yung sounds ng kapitbahay ng nagpapatugtog ng "haring solomon" at "silong ni kaka" malamang naging mas masaya... sumisigaw yung mamang nagmumura, baka alam nya rin na di sya maririnig...

inaasahan mo na siempre kung sino ang madalas tumangkilik ng tig-ki-kinseng internet shop... mga bata at mga teenager, ngayon ko lang napansin... ganito sila mag-alaskahan...

"Tiny!!! lumusob ka! pinanghaharang mo si drow ranger!!! hindi kaya!!!"
"BISAYA ka ba?!? hindi kaya SIYEETTT!"
"T*ng *na nagaabang! BISAYA!!!"

ganun din pag-bayaran na...

"o sikwinta, limang oras e..."
"hehe... bisaya..."

???

Pauwi na ako, kasabay ng mangilang teenager, may nakasalubong kaming isang lalaking naka-longsleeves na fit parang stuntman, naka-maong, naka-tuck in, all black, nakashades at bulldog leather shoes... palagay ko e seaman yung mama, anchor design ba naman ang nakalambitin sa leeg nya.. pero hindi sinabi nung mga nakasabay ko na...

"uy seaman...!"

ang sinabi nila

"hehe... bisayang-bisaya!"

sabi nila ang umimbento ng salitang jologs ay ang mga coñong gustong i-distinguish ang mga grupo ng tao na hindi nila kasama... ngayon pinapaniwala tayo ng media na most masses e mga "jologs" somehow maswerte pa ang salitang ito, dahil puede mo syang gamiting pang-uri (adjective)sa isang tao pero hindi mo sya ma-o-offend... parang nasama na talaga sa culture to describe a person's old school preference, hindi katulad ng mga salitang "hampaslupa" at "PG" na kahit isahog mo sa joke e hindi pa rin nakakatawa mas madalas e nakakainsulto pa rin...

ang pilipinas ay binubuo ng pitong libong isla at higit pa, isa sa mga rason kung bakit daw sa hindi naman kalakihang bansa e, may iba't-ibang kultura ito... narinig ko na sa ibang tao na ang mga ilokano raw ay kuripot, ang mga kapampangan daw ay "dugong aso" at hanggang ngayon di ko sigurado kung yun ba e positibo o kabaliktaran...

hindi mo maririnig sa media yan... mabuti nga't maingat sila sa ganitong mga bagay... pero nananatiling nag-pre-prevail ang generalization na ito, depende sa pinanggagalingan lalawigan may kadikit na agad na description... siempre pinakamature kung tutunghayan mo ang isang tao, sa pagkatao nya talaga mo sya i-lalarawan, at hindi sa kung saang probinsya sya galing.... meron na akong nabasang "You're a Filipino if..." hindi ko sigurado kung kasing sarap nito basahin ang "You're an Ilocano if...", "You're a Pampanggeño if..." o "You're a Bisiya if..." at kung ano-ano pa...

hindi nakakatawa na sa pinanggalingang probinsya palang sinasalansan na natin ang isa't isa... katulad ng kung pano ang diskriminasyon ng white sa mga black dati at ngayon... mahirap maisip ang pagkakaisa pag ganon... maikli ang article na ito para pag-aralan ang pinanggalingan ng ganitong pag-uugali ng pinoy... thesis material yun...

hindi ko alam kung ito ay isang biro o titingnang negatibo ang salitang "bisaya" sa ilang mga taong nakita ko... guilty akong natawa pag-ibinabato ito sa iba, at naaasar pag nasabihan din nito... hindi ko lubos maisip kung paanong ang salitang ito ay naging katawagan sa taong baduy manamit, malakas magpatugtog kahit alanganing oras, walang sense of team work, nag-aabang para kunin ang pinaghirapan ng iba, at laging naka Artic Sniper Rifle at nag-aabang sa bunker...

nang ang tooong sabihin naman nito ay alam naman nating mga taong marunong magsalita ng dialektong ito at nanggaling sa Visayan region... hwow...


disclaimer: please lang po wag naman kayong mag go-ballistic sa akin dahil sa post na to, it's just how i se it from where i stand, saka mas ok kung tatapusin nyo muna yung article, i tried to be fair... magcomment na rin kayo para masaya... =)

4 comments:

lheeanne said...

Pansin moba na kapwa pinoy ang naninira sa kapwa pinoy? hirap na tlgang tanggalin ang mentality na ganyan. Diba ang mga waray nman, palaaway nman daw. tapos sa ibang province, merong kuripot.. basta marami yan...

Pero as a person khit saan kapa galing,,respeto nalang dba? kaw ba pag narinig mong nilalait ka magugustuhan mo? nde dba? mga tao satin..ganyan tlaga..

pero di sila pede sakin.. makakatikim sila ng katarayan ko...

nung 2003 umuwi ako sa pinas, sabi nung iba.. ang taba koraw... sagot ko aba syempre dami akong pambili ng fuds.., so wat kung mataba ako..ganda nman ako at me pambayad sa pampa rebond ng hair ko.. oh dba? ngarag sila.. kaya dinako nilait mula nun, at.. me bonus.. ngayon ingget sila kc papa ko wafu... heheh

gerrycho said...

hehe... yan naman talaga ang dapat TK :) basta wala tayong ginagawang kahiya-hiya... hindi dapat tayo magpakaipokrito, mahalin ang sarili ye!

pb said...

gago ka ah! hehe joke lang. bisaya kasi nanay ko. Leyte province namin pero 7 years old ako ng huling makapunta dun. Laking maynila kaming magkakapatid kaya hindi mo mapapansing bisaya kami pati ang ina ko. ang mga bisaya ay magaganda at ang mga cebuano. masisipag din ang mga bisaya, pansin mo ang mga katulong madalas mga bisaya. hehe.

Anonymous said...

bisaya ka ba? so i can speak bisayan here...:-)bloghopping lang ako...nakakaaliw ang mga experiences ng mga kabbyan natin.hindi ako from visayas region.taga mindanao ako.pero ang mother tongue ko is bisaya..kaya bisayan kung tawagin.naging bisaya kasi mga ancestors eh galing visayas.ang mga tga mindanao naman talaga eh ang mga roots sa visayas.wala na kasi place doon kaya napunta sa baba.agree ako sa yo.sometimes ang pagkakilala sa isang tao ay based kung saang lugar ka galing.masaya ako na bisya ako.kasi feeling ko mas matalino ako kaysa sa iba :-)linguist ang labas kung may sariling linggwahe ang bayan mo.lahat ng pinoy nakakaintindi ng tagalog pero di lahat alam magbisaya.db plus point?i can speak other 3 minor dialects maliban sa bisaya at tagalog...im proud of it kasi feeling ko i know better my roots than those people who are busy "uprooting" en descriminating one's individuality.
:-)good day