hindi pa rin ako masyadong makapaniwala, pero ok na rin at dahil sa kailangan na... mag-i-start na ako ng bagong work sa lunes! buti naman at di ko naipahiya ang sarili ko na makakahanap ako ng job before may ends...
kahit na sinisipsip ko ang mangilang dugo sa gilagid ko wou! mabuti naman at hindi ako nagkaka "that time of the month" at hindi rin ako heavy bleeder...
aliw! nauna ko na munang dinaanan ang NBI clearance ko.. yung sa carriedo? para san kaya talaga yung entrance nilang Php 20?? bah! ang dami rin nun huh?!? kala ko dati sa aircon, pero hindi naman centralized ang aircon at mangilang rooms lang ang meron nito... medyo na-wi-weirduhan din ako sa mga tiga-kuha ng fingerprints, kase mas marami sila kaysa sa cashier, o kaya tiga verify, at tiga release, at di hamak na mas konti sila sa mga tiga quality-control...
nag-"hit" ang NBI clearance ko, dahil ata sa kontrata ko sa DOST, hindi ako nagkamali, naghintay ako ng may 1 hour para makipag-chikahan sa quality control kung bakit ako scholar ng DOST...
dapat pa ba yung tanong ba yun?
niweys, matapos kong i-kwento na yun nga, pinirmahan nya ang aking resibo at tuloy na ulit ang kwento...
nang makarating ako sa ayala, kinuha ko na rin ang aking medical... dyahe pa rin ako sa dentista... wow talaga! pero nasa likod ko na yun at ako ay nakapagmove-on na... medyo bad trip lang, dahil naghintay pa ako ng hanggang 2:30pm para ma-release ang aking medical certificate... noon ko lang napagtanto na pamasahe lang pala ang dala ko...
syet hindi pala ako makakapaglunch!
sige ok lang... minsan lang naman e, besides pag-uwi ko sa bahay i can eat everything to my heart's content... medyo napag-self pity rin ako nun ng konti, pero konti lang... mas matindi ang enthusiasm ko nun wouuuuuu!!!!
lesson learned, dapat magbaon din ng pasobrang cash... wag pupunta sa venue kahit saan ng sakto lang ang money... hehe mahirap na...
NIWEYS!!! We are back in the ball game!!!
PANG-REGULAR NA TOOOOO WOUUUU!!! (uhurmn...)
6 comments:
congrats gerbs.. sana yan na yun hinihintay mong pangmatagalan.. kumbaga e start point, yun may matututunan ka kahit umalis ka dyan, after several years, abroad na.. hehehe. oist magkapitbahay lng tayo ng builing.. wish ko rin na makalipat dyan sa company na yan, ok sa benefits, tapos input knowledge din. hehehe
ok yan gerbs....
wish you happiness..
Hey congrats its an early xmas present ni santa.. hehhe! joke!!! just be good im sure everything will be fine... gudluck!
uy sa sweldo pa-pansit ka naman....heheh! paalala lang. CONGRATS! goodluck!!!
hi guys!!! thanks sa pagvisit sa blog kahit di ako makapag-update =) na miss ko kayo ah?!?
i'll be visiting your sites din naman weeeee
dala ka skyflakes. yan madalas naming dala kapag may biglaang lakad. saka yung isa kong ate na bar waitress na ngayon sa isang pampasaherong barko, skyflakes lagi ang dala nung mga panahong asa pinas pa sya. 22 years old lang sya, hindi graduate pero ang dami ng experience kaya madaling matanggap sa trabaho saka maganda kasi ate ko kaya natatanggap agad. nyahahahaha...
o nga pala. ano po yung DOST? nitatamad akong tanungin sa ina ko eh. hehe.
wow congrats!!kahit medyo wala pa ko sa edad para maunawaan yang pinost mo..maybe someday babalikan ko to at babasahing muli..bagay na bagay nga kau ni phoebe..mahilig sumipsip ng dugo...-_-""
Post a Comment