wala lang, entry ko dun sa isang essay writing... hmnnn
Sa init ng panahon, sa commercial ng Nescafe at Coca-Cola sa tv at sa mga tambay na nagpa-plano ng kani-kanilang mga outing, hindi na talaga maitatanggi...Summer Vacation na!!!tagal ko nang graduate pero vacation pa rin ang tingin ko sa summer.
Pag summer ano ba ang naaalala ng mga tao? Halo-halo? Magpapayat para ok ang susuoting get-up sa beach o sa pool? Labhan ang mga kumot dahil sa init e mabilis
matuyo ang mga ito? Ewan ko lang ha, pag bakasyon kasi, napapansin ko na kakaunti lang ang mga ka-kumpetisyon kong teeners sa paggamit ng internet sa mga cafes, hindi ko sigurado kung dahil ba sa wala silang baon na puedeng gastusin o wala kasi yung
“thrill” ng pag-cu-cutting class...
Pag ganitong summer marami tayong napagtri-tripang gawin, mag-outing, mag-picnic, mangilan din ang nagtitika sa mahal na araw, namamanata, recollection at retreat. Pero dahil sa magastos ang mga ito at mainit namang talaga. Madalas na ginagawa ko e manood ng tv. Libre na pwede ko pang-i-tutok sa akin ang electric fan, kahit na mas malamig at mas maraming puedeng mabasa at mapanood sa internet mas madalas akong manood ng tv, hindi kasi praktikal at kailangan ko ring ilayo ang mata ko sa monitor.
Bihira rin akong magbasa ng diaryo. Tutal naman ang laman ng diaryo e karaniwang mapapanood din sa tv. Libre pa. Saka pag nanonood ako ng tv nagiging “in” ako sa uso. Katulad ng nanalo pala si Sasuke sa laban nya kay Naruto, o natapos na pala sa wakas ang Dragonball Z hanggang GT, ibinalik pala ang Zenki?!? Tuloy tuloy na yan hanggang sa mga tele-novela at tele-fantasya. Ano ba yung palabas sa gitna ng mga
animes at tele-novelas? Ah! Oo nga pala, balita! Dito ko nalaman na malaking pagbabago sa hinaharap ni Keanna Reeves matapos sa Pinoy Big Brother, pagpapakasal ni Raymart at Claudine, at ang nalalapit na panganganak ni Lea Salonga... hindi ko maintindihan dito sa lugar namin, malaking achievement ang marating ni Garduce at iba pang Filipino mountaineers ang tuktok ng Mt. Everest pero parang mas malaki pang
balita na nagkabalikan na sina Mark Herras at Jennilyn Mercado.
Hindi ganun kalalim ang pagkaunawa ko sa pangkalahatang ugali ng mga Filipino, pero sa nakikita ko sa lugar namin na mas interesado kami sa mga balitang direktang nararamdaman namin, tulad ng pagtaas ng gasolina, pagmahal ng karne, isda at gulay,
anong oras mawawalan ng tubig, anong oras darating ang truck na nangongolekta ng basura at ano ang meryenda sa karinderya ni Aling Chedeng. Sunod dyan ang mga
“good news” sa balita na nakakalungkot isipin e puro showbiz.
Hindi ko alam kung maganda ba o pangit na ang masang pinoy e may napakagaan na pagtingin sa buhay, na akala mo e hindi sya seryoso sa mga mas mabibigat at matitinding issue politikal na animo e wala syang pakialam hangga't hindi sya nasasaling ng mga pangyayari sa kanyang paligid. Ang katulad na aspeto rin marahil ang nagpapanatili sa “positive outlook” ng mga pinoy parang lagi pa rin syang masaya, sabi nga ni Allan Robles...
“The Filipinos are not happy because they are, but because its their way of survival”
Sa panahong ang lipunan ay halos maihahalintulad sa nagdaang martial law, ibinabaon at sinisira ang mga ebidensya ng masasamang gawa, ang cha-cha ay sinusulong para ang bicameral ay maging unicameral,ang highschool ratio ng teachers sa estudyante e
umaabot ng 1:60, maulan ang summer dahil sa La Niña, nanganganib ang mundo dahil sa Global Warming, naitatama ang mali at ang mali ay ginagawang tama. Hindi nakakatawa na tayo ay nag-iinarte na parang walang pakialam, nagumagalaw tayo sa dikta ng kung ano ang minsan ay na-”sensationalize” ng media, oo sila ang pinakamadaling pagkuhanan ng impormasyon pero hindi dapat maging ibig sabihin nito na sila na rin
ang gagawa ng desisyon para sa atin. Kailangan pa rin na maunawaan natin ang ginagawa natin dahil sa ito ang ating napag-isipan at hindi ito ang “in”.
Hindi ako naniniwala na tayo... ay wala talagang pakialam sa ating paligid, dahil kung ganon ay para ko nang binastos ang diwa ng EDSA, pero hindi rin naman
nakakabubuting iasa ang pagbabago sa ganitong klaseng pag-aaklas, kung pupunuin natin ang EDSA shrine para barahan ng tao mula Cubao hanggang Ayala, ilang
porsiento lang ba ito kumpara sa pangkabuuang 85 milyong Filipino? At saka pagkatapos ng pagpapalit at mangilan pa, ano naman ang kasunod? Hindi lang basta
pagbabago sa sistema, kundi pagbabago ng sarili...
Sa palagay ko hindi lang basta pakialam ang solusyon... ta ang mabuting balita ang pag-asang ito ay nakapunla pa rin sa marami-rami pa ring mga Filipino. Sa bawat highschool teacher na nagtya-taygang mgaturo ng sisentang estudyante ng sabay-sabay, sa mga tapat ng taong nagbabalik ng nawalang wallet at bag kahit pa ito ay puno ng pera, sa mga OFWs nating di parin kinakalimutan ang kanilang pagka-Filipino, sa mga mamamahayag na kahit mapatay masabi lang ang katotohanan, sa gumagawa ng mga
maliliit na bagay hindi lang dahil basta may pakialam sila kungdi may malasakit.
Matagal na panahon para mapagtanto at magkaron tayo ng tunay na malasakit. Mas matagal para mapayamang muli ang bansa, hindi basat pakialam. Sa pinakasimpleng pagtingin sa mga bagay, hindi kailangang maintindihan natinh lahat ang “Law of
Supply and Demand” ang deflation rate at kung anu-ano pang mga ganung-ganon pang terminolohiya na kailangan pa ng college degree para matutunan. Ang mas mahalaga
e maintindihan natin na para umangat ng sabay-sabay, kailangang di tayo maghatakan, ang maliliit na gawa ay bandang huli makakaapekto sa mas marami... ganun ka simple, ganun din kakumplikado.
2 comments:
wah. tama ka. sa totoo lang eh lahat ng sinulat mo eh gusto ko rin isulat kaso hindi ko alam kung pano ko sisimulan. hilig kong magsulat at magbasa pero wala akong talent. siguro pwede kong gawing talent kung pag-aaralan ko kaso kulang ako sa focus dahil sa maraming bagay na gusto kong gawin.
gusto kong itanong kung lalake ka ba o babae? di ko maisip eh. pero huhulaan ko,,, babae ka? naintindihan ko ang punto mo sa tanong kong "bakit professional student". tama ka ulet. natutuwa ako at naisip mo ang mga ganoong bagay.
isa pang tanong.. ilan taon na po ikaw? (kabobo ako, dapat akong maging magalang). ehehe. joke lang.
sabi sakin ng ama ko. hindi ko kailangang maging matalino o makagraduate sa isang magandang skwelahan basta ba isa akong mabuting tao, walang kaaway, may pagmamahal sa Dyos at kapwa at marunong rumespeto. in short nga mabuting tao.
matanong ko lang... (pasensya kung marami akong tanong...) masaya ka po ba ngayon??? as in ngayon??? habang binabasa mo toh...
www.tangakoh.blogspot.com
gusto kong itanong kung lalake ka ba o babae? isa pang tanong.. ilan taon na po ikaw?
ako po ay isang lalaki... 24 years old... nice :)
matanong ko lang... (pasensya kung marami akong tanong...) masaya ka po ba ngayon??? as in ngayon??? habang binabasa mo toh...
medyo mabigat tanong mo ah? rhetoric ba yan? :) well napasaya ako ng comment mo, bihira kasi ang may mabisitang may sense dito sa blog ko e haha... kung ang question mo naman e kung masaya ako as in life in general... i can still say na oo, although marami akong gustong maabot and whatnots, why spend time being sad... when you can ahem... be happy :)
Post a Comment