Wasak na Wasak!
Mabigat ang saloobin ng episode na ito ng Word of the Lourd
Dahil din dyan binasa ko yung buong essay ni Nick Joaquin. talaga namang nakakapamulat. Maliit nga ba talagang mag-isip ang mga Pinoy?
Sa punto kung paano nakabalangkas at kung paano tayo nabubuhay - marami sa atin, kasama na ako, simple lang ang plano; maglaro magaral, maka-graduate, makahanap ng magandang trabaho, magkapamilya, tumanda, mamatay...
Parang ganun lang, wala sa hinagap natin na gumawa ng malaking bagay.
Parang kasalanan at malaking katatawanan kung mangarap ka ng malaki at mahusay.
Ano nga ba ang gusto nating iwanan sa mundong ito?
Oo nga ano. kung hindi ko iisipin at hindi mo paplanuhin paano ito mangyayari?
"Far better it is to dare mighty things, to win glorious triumphs, even though checkered by failure, than to take rank with those poor spirits who neither enjoy much nor suffer much, because they live in the grey twilight that knows not victory nor defeat..."
Theodore Roosevelt
Mahirap pero hindi inpossible...
Kasalanan ang mabuhay -- at lumisan ng hindi nagiiwan ng kahit anong buti, para sa susunod sa'yo...
wouuu! pa deep! :D
No comments:
Post a Comment