Wednesday, December 28, 2011

Analyze


"analyze nanaman Gerry?"

ilang beses kong narinig kay Mentor Ups Bong noong team building...

"analyze nanaman Gerry?"

tinitingnan ko kasi ang bago at nagpalit na sitwasyon...

"analyze nanaman Gerry?"

Napansin kong ito yata ang madalas kong ginagawa...

analyze...

may oras pa ba akong mag analyze?
mas effective nga ba na humataw ng humataw

"Greater opportunities come to those who seize the moment, along the way they will find more resources that will help them...

Seized opportunities begets more opportunities... "



Or something like that…

Nito lang din, nakikinig ako kay Jack Canfield – Success Principles

He discussed, na maraming paraan para tingnan ang problema – puede mo itong katakutan, puede ka ring magalit at ipagsigawan ito, puede mo rin itong i-analyze, or better yet – i-over analyze…

“Kailan ito nagsimula…”

“Gaano ito kalaki…”

“Sino sino ang affected…”

At kung ano-ano pang details…

Analysis – Paralysis
The better lesson of 2011 for me – it is about the pattern that we make.

What makes us strong and what makes us weak – are the habits, the patterns that we do everyday…


2012, time for plans to get moving :D

Thursday, September 08, 2011

Bo... chi

Papunta ako ng Makati,
Dumaan ako ng Sucat - Tawid para dun sumakay ng bus

Siempre may street food,
Pritong Isaw...

Habang Kumakain ako, may nagtanong sa tindera kung ano raw ba ang tawag dun pritong isaw...

bochi daw BO CHI...
BOCHI!

hindi na ako kakain ulit pritong isaw...



Bochi?!? Bocha?!?
(image from http://blackinkkiko.blogspot.com/2011/01/kubori-kikiam.html and http://ragecomics.memebase.com/)

Thursday, September 01, 2011

Network Marketing in a Nutshell

Network Marketing in a Nutshell
condensed from Tim Sales -- Brilliant Compensation

When we talk about Network Marketing we are basically discussing a new type of Business Model actually hindi naman na bago, since may mga Network Marketing Business na 19 years old na -- others 20 years plus...

So like any Business, the main aim of Network Marketing

"to make someone's life better"

Understand that Businesses' MAIN aim is NOT to earn money
Earning money is the by product of doing business.

So we have this simple analogy or situation

Naglalakad ka sa mall...
then may nakita kang bagong kainan...

from the outside nakita mo na talagang sobrang presentable ng kainan...
new tables, chairs, complete with banners and stuff...
so you went in...

feeling mo nagutom ka eh...
you ordered a sizzling sisig...
unlimited ang rice! so nakatatlong rice ka over the good sisig...

since nag-enjoy ka, the next time na pumunta ka sisig place na yun
tinawag mo na ang mga ka-opisina mo, kabarkada mo and everyone na alam mong favorite ang sisig...


dumami ang customer ng sisig haus...
dahil nagustuhan mo sya, at ipinamalita mo...


now question...
kumita ka ba sa pamamalita na masarap kumain sa bagong kainan?

no...
hindi ka kumita doon...
nag enjoy ka at ipinamalita mo lang...


That is the main premise of Network Marketing
the difference is Network Marketing Businesses gives you an incentive sa pamamalita ng magandang product or service.

That is why, Network Marketing is more of the Products.
naniniwala, or effective ba talaga ang product?
will you be willing to stick your name on it?

If its good then you know your doing the right thing.
you are making someone elses' life better
you are in business.


Learn to Earn
Let's share insights.

Wednesday, August 03, 2011

Outta Here by Gerry Rodriguez



Outta Here by Gerry Rodriguez: "
by Y&R Phils

Smart Themes - OuttaHere_GerryRodriguez"

You can now download Themes for Nokia Phone!

sample :D
http://store.ovi.com/content/162401/

Just Type Directly to your Mobile Phone Browser
http://store.ovi.mobi/content/162401

pero kung gusto nyong idownload ang theme or application sa PC
http://store.ovi.com/content/162401/download

Enjoy!

Really need the support,
Finalist din kasi ako sa Nokia OVI Themespiration :D
Super Thanks!

Wednesday, July 13, 2011

Don's Flash - Tissues

Ayun na nga - don't flash tissues sa toilet...
baka nga naman magbara...

hmmn...

parang may naaalala ako way way back...


stock photo from superstock.com

Monday, July 11, 2011

Kung Matalino Kang Tao -- Hindi Mo To Gagawin to sa Facebook

Kung matalino kang tao -- hindi ka magpapadala ng messages sa napakaraming tao; para magpalike puede isa - isa, or kung magkakakilala sila, pero ang problema kung hindi sila magkakakilala. so pagnagreply ang isa - BOOM spam spam spam!

For goodness sake - walang may like ng ganyang messages.




zoom!


zoom2!


ang lupet ng name!

Sunday, June 12, 2011

WOTL: A Heritage of Smallness



Wasak na Wasak!

Mabigat ang saloobin ng episode na ito ng Word of the Lourd

Dahil din dyan binasa ko yung buong essay ni Nick Joaquin. talaga namang nakakapamulat. Maliit nga ba talagang mag-isip ang mga Pinoy?

Sa punto kung paano nakabalangkas at kung paano tayo nabubuhay - marami sa atin, kasama na ako, simple lang ang plano; maglaro magaral, maka-graduate, makahanap ng magandang trabaho, magkapamilya, tumanda, mamatay...

Parang ganun lang, wala sa hinagap natin na gumawa ng malaking bagay.
Parang kasalanan at malaking katatawanan kung mangarap ka ng malaki at mahusay.

Ano nga ba ang gusto nating iwanan sa mundong ito?
Oo nga ano. kung hindi ko iisipin at hindi mo paplanuhin paano ito mangyayari?


"Far better it is to dare mighty things, to win glorious triumphs, even though checkered by failure, than to take rank with those poor spirits who neither enjoy much nor suffer much, because they live in the grey twilight that knows not victory nor defeat..."

Theodore Roosevelt


Mahirap pero hindi inpossible...
Kasalanan ang mabuhay -- at lumisan ng hindi nagiiwan ng kahit anong buti, para sa susunod sa'yo...



wouuu! pa deep! :D

Thursday, May 26, 2011

Indications of Pyramiding - Masked as a Ponzi Scheme

to find out if a company might be operating a ponzi or pyramid scheme is easy to find out
If the company have one of the following factors -- dapat medyo watch out na agad.

1.) No Product
You pay for membership but you get no service nor any product.
Delikado kitang kita - sobrang obvious kung sa simula pa palang ganito na agad ang bentahe...

as in Pera - pera lang | no exchange of products whatsoever.
San kumikita ang company? as mga bagong pasok.

So, some other company will mask their operations with some product; mas tricky ng kaunti pero obvious pa rin ang scenario


2.) One have Immediate Income from New Pay-Ins
So may product nga, ang kaso mo -- pagpasok mo, ang naginvite sayo may kita na rin agad.

The wrong thing about this scenario is -- you paid to get in and an amount from it was directly given to the one who invited you.

The problem with this scenario is that -- mapapababa sana nila ang presyo ng product nila kung hindi nila kailangang magbayad sa mga nag-invite

So the Next person will do invite -- just so he gets his ROI kaagad; hindi focused ang product mismo.


3.) Product is Low Quality or Can be Bought for a Cheaper Price
Indication of masked ponzi scheme -- kung ang produkto ay hindi ma-ju justify na mahusay, or low quality or you can get a product of similar value sa mas murang halaga.

Ang mahusay na company -- kaya nagreresort sa Network Marketing ay para maging personal ang mga testimonials; hindi sila gumagamit ng mainstream advertisement dahil nagcoconcentrate sila sa quality ng product.


4.) No Maintenance
For a business to be stable -- there must be repeat purchases
kung mahinang klase ang product; paano ito magkakaron ng repeat purchases? kailangang ginagamit ng distributor ang produkto nya mismo, at makikita mong effective ito sa kanya.

Product movement ang focus at hindi basta tao-tao lang


if we are looking for a vehicle to riches - we must practice due diligence sa pagpili ng kung ano nga ba ang sasakyan natin :D

Tuesday, May 24, 2011

Why Network Marketing is equals Brilliant Compensation

How serious are you in getting out of the Rat-Race?
What is your definite plan to do so?
Do you already have your team?

Maraming skeptic sa Network Marketing -- dahil oo maraming nang napaso dito; dahil ang totoo maraming abusado sa napakahusay na sistemang ito

Pano nga ba ang Network Marketing Talaga?

If you sincerely wants to break the chain of poverty hindi ka aasa sa Employment lang... Napakasakit tanggapin pero dapat maging business person ka rin talaga...

You equip yourself with meaningful knowledge that you can actually use...

Walang hype
Walang company
Walang product

Learn how Network Marketing = Brilliant Compensation


If you are not satisfied and looking for that reliable partner to give you more of the income that you deserve... lets talk



Sunday, May 01, 2011

Lickage - Navy and Army Aftitude Test

Hindi ko alam kung matatawa ba ako or malulungkot,
Habang nag-bo-browse ako sa symbianize.com
i stumbled upon one of the forumer's post....

with an unusual request...

nanghihingi sya ng leakage... for an Army or Navy Leakage IQ Test...
IQ Test, wow...



one of the forumer offered encouragement



on the other hand I immediately replied with...



default but good advice followed



but still he tried to justify with...



which brought us to the best advice!



wala pa constructive criticism lang...




I mean really? leakage for an IQ Test?
ano ba ang nangyayari sa mga ibang students ngayon... (pero parang hindi na sya estudyante eh...)sana hindi sya mabigyan ng permit to carry.. (*kaba)

Thursday, March 17, 2011

Nasira ang Araw.

"WALA! Wala na akong magagawa nyan! Sira na ang araw ko!"

Nakatagpo ka na ba ng taong sabihin na nating bugnutin, o minsan may impulsive attitude? Yung tipong nagkita kayo, may gusto ka sanang ipagawa sa kanya pero ikaw pa ang mapagbubuntunan ng galit nya?

Galit sya hindi mo alam kung bakit -- pero apektado ka ng gumugulo sa kanya.

Sira na kasi ang araw nya, naputikan siguro papasok sa trabaho, o siguro hindi pa naka-almusal dahil tanghali na nagising at nagmamadali dahil mala-late na sya pero nalate pa rin. Or nadebit yung cash nya nung nag withdraw sya, 3days pa daw bago maibalik. Binungangaan ng girlfriend, o hindi pa nagtext ang boyfriend mula pa kagabi.

Maaring naengkwentro mo na sya, o baka naging ikaw na rin yun.

Tapos instead na pahupain ang inis -- ang ginawa i-chinanel pa ito sa iba. Nagpowertrip sa katrabaho or sa customer, pinagtripan ang kapatid or kabarkada, sabagay mahirap naman na ang taryahin mo ang boss mo, hindi lang isang araw ang puedeng masira pagnagkataon.

"circle or screaming"

Parang virus ang "negativity" yung tipong kanina, yung ka-opisina mo lang yung bumabahing, pero maya-maya masama na rin ang pakiramdam mo.

Pero di tulad ng virus ang "bad trip"
hindi naman talaga kinakailangan na pagsinigawan ka ng boss mo, sisigawan mo naman yung crew na medj matagal ibigay ang order mo, dahil ang pobreng crew naman na yun ay sisigawan ang pamangkin na makulit at di sya patutulugin, samantalang ang pamangkin na yun ay ibubuhos ang inis sa DOTA, mailalampaso nya ang anak ng boss mo sa online game, at magagalit naman ito sa tatay nya na boss mo; na ikakagalit ng boss mo kaya irritable sya ng makita ka.

Dito pumapasok ang golden rule...
"kung wala kang sasabihing maganda wag mo nang sabihin..."

hindi na rin kailangang i-comment,
oo, alam ko naman yun! ang Golden Rule eh "Love your neighbor as you love yourself" perpeKTO BA HA PERPEKTO?!!

yAAAAARGGGHHH!!!1!

Wednesday, February 09, 2011

Tindero ng Mane :D


mantra ni ramark :D
at may katotohanan ang mantra nya...

ang tanong, san iniinit ng mga nagmamane ang mani nila?
hmmn...

Friday, February 04, 2011

Tricycle Drivers ng Abad Santos



Bumabagtas sila ng Rizal Avenue
Nakikipag karerahan sa mga Jeepneys
Haharangan nila halos ang bukana ng Jeep para pagbaba mo sila ang una mong makikita or masasakyan.

Oh Yeah!

Monday, January 31, 2011

Pagpara sa Jeep :D



hindi mo alam kung nang-aalaska, nakatulog at biglang nahimasmasan or kung ano ba eh...

Tuesday, January 11, 2011

Ram and GIca :D

He is an Engineer

She is a Nurse

They say that Engineers and Nurses make nice couples – but I guess that has nothing to do with Ram and Gica being so cutesy and perfect together, even in Facebook! :D

Besides, we all know both fields might as well have their careers as their mistress or kept man.

And here in our country; Engineers and Nurses are somehow destined to go abroad, para kumita talaga sa chosen field…

Technology narrows the miles and miles of gap, but still it cannot really replace physical presence…

Medyo pinagsisihan ko din na nag comment pa ako sa gitna ng kanilang palitan ng sweet nothing; it reminds me of the movie “My Sassy Girl”, sa pinaplano nila sa kanilang first date pag-uwi ni Gica…


Hey it’s a good pre-nup pic idea din :D

I hope they get to pull it off…

I hope they get to see each other soon…

Like some addictive teen love story or chick flick – hindi mo aaminin pero pinanood at sinusubaybayan mo din ang istorya :D


cheesy facebook :)



Thursday, January 06, 2011

Puzzle ! :D

Well Nothing to read here actually :D
Gusto ko lang i-share isa sa mga pinagdidiskitahan ng mga friends sa office pag medj slackish ang graveyard shift...

Matagal na rin to, around 2007 pa...
Ang aliw lang dito - puzzle na sya elementary pa lang ako, classic game...
hanggang ngaun eh nagbibigay pa rin ng mind tease weee!

1


2


3


4


5


6


7


8


9


10


11


12


13


14



15


16


17


18


19


medj paulit ulit lang din ano?
:D nakumpleto mo na ba to?

nakalimutan ko nga lang kung ano ang pangalan ng puzzle na to...
hmn...