Monday, May 31, 2010
PNR
PNR -- the masses
Last week, nasubukan ko na ring makasakay ng PNR, Philippine National Railways. Ito rin yung Train System na sana eh na Rehabilitate ng North Railways Project.
Bumabagtas mula Caloocan hanggang Alabang, pinakamurang transportation sa napakalayong distansya, noong 80s umaabot pa ito ng Bicol.
Isang beses pa lang akong nasakay ng PNR, mula España hanggang Sucat Parañaque. Kung gusto mong makita ang "unflattering" side ng lungsod, ito ang subukan mong sakyan, marami sigurong aktibista ang na- "inspire" ng tanawin sa PNR.
Hindi katulad ng LRT, LRT2 at MRT, ang PNR ay walang perimeter fences sa maraming area, talagang tumatawid ng highways at minsan sa mga make-shift residences. Meron ding palengke, estero at mga tulay.
Entertainment factor din ang mga pasahero, may umuupo sa gitna - maaring matisod ang iba kung di sila mapapansin. Matindi din dito yung "Pinto - Syndrome" eto yung pagsakay ng pasahero, kahit malayo pa sya pupuwesto sya sa harap ng pinto, ewan ko ba, ang tingin ko kasi dito eh pagiging walang pakialam sa iba, "basta ako nakasakay..." pag natulak ng mga taong sasakay, maninisi pa...
"T*ng *na! Ayaw kasing pumasok sa loob eh!",
"Kung ayaw mong matulak, mag-taxi ka!",
"Sapakin mo!"
Ganyan yung mga comments na maririnig mo pag dating ng FTI, Siksikan na no'n, Amoy mo na din kung ano ang pinagdaanan ng mga tao sa araw na yon.
"Woou! Roller Coaster!"
Maririnig mo naman sa mga mag-kakatropang sabay na umuuwi, habang yumuyugyog ang tren.
Ewan ko ba, bumigat ang damdamin ko pagbaba ng PNR, Mula sa perspective nito -- malayo o lumayo ang Pilipinas sa inaasahang pagbabago o paglago, malayong - malayo. Pero air-con na ang PNR, sabi ng tatay ko dati walang harang ang bintana at pinto nito dati, may ibang pasaherong tumatalon papasok at papalabas at kung swertehin ka eh mababato ka ng basura at dumi (ng tao) at least ngayon safe ka sa ganun elements.
Improvements?
Ano na nga ba ang nangyari sa North Railway Project? Malapit nang mabuo ang MRT - LRT-1 Extension, pero yung mga lugar na dine-molish, gubat na ng damo at puno ng Aratiles, Medyo mahirap maging optimistic pag ang nakikita mo lang ay ang Lungsod mula sa PNR. Moral Revolution, Change, Progress. Marami pa tayong dapat gawin, kung pag-unlad at pag-unlad din lang ng Pilipinas, kasing labo pa ito ng pagpapatuloy ng North Railway Project or ng kasabayan nitong ZTE Broadband, Fertilizer Scam, at kung ano-ano pa…
waiting for the train -- waiting for a change
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
san ka sumakay? gusto ko rin itry.. :D
sa España ako sumakay eh :D may sched din ng pagdating ng tren hehe
sa PNR mo makikita ang kalagayan ng bansa...iyong tipong kahit pagtakpan mo ng aircon na kotse ng train ang riles ay matatanaw mo pa din kung ano ang kalagayan ng nakapaligid dito...
BTW..pede ba rin ako magcontribute dito???sana pede
sa PNR mo makikita ang kalagayan ng bansa...iyong tipong kahit pagtakpan mo ng aircon na kotse ng train ang riles ay matatanaw mo pa din kung ano ang kalagayan ng nakapaligid dito...
BTW..pede ba rin ako magcontribute dito???sana pedetais
Post a Comment