Saturday, January 26, 2008

Paano ba ang Tamang Patulong

Hindi na bago kahit kaninong sumasakay sa jeep yung mga batang biglang sasampa ng tumatakbong sasakyan pupunasan ang mga paa at sapatos ng pasahero sabay manghihingi ng limos. Maraming beses na rin akong nag-abot sa mga batang yun, isipin mo na lang kung paano nila habulin yung mga humahagibis na sasakyan para sa konting barya diba?

Minsan, bababa sila sa sasakyan na masaya sa naipong pera… depende sa tumitingin, masaya sila at meron silang pambili ng necessities nila sa araw na yon, o dahil sa nakaisa sila.

Naramdaman ko na rin yung parang naisahan ako ng nanglilimos – hindi lang ng mga batang umaangkas sa jeep, kahit yung mga nagbabahay – bahay na naglilibot para manghingi ng abuloy sa patay, pero pag tiningnan mong mabuti halatang ipinatong lang sa photocopy yung pangalan ng supposedly eh namatay. Bad trip pati patay pinagsi-sidetripan.

Paano ba ang tamang pagtulong sa kanila?

May isang pangyayari sa college dati, sa isang subject, nabigyan ako ng instructor ko ng privilege na i-transfer ang labis kong added points sa kahit sinong kakilala ko, unwittingly isinagot ko eh sa nakakuha na lang ng pinakamababang grade and so it was given…. After few seconds I thought that I should have given it to a person who will be able to augment his/her few point grade short – yun bang one two points papasa na?. that would have been more helpful.

And a realization of what most of us already know. The only help you can give is the resources that you already have. Walang problema sa atin ang magpahiram ng pera sa kakilala nating nangangailangan tama? Especially kung meron kadin namang maibibigay.

With what we give, sa baryang naiaabot ko, hindi ko maiwasan kung sindikato ba ito at lalo lang nababaon sila sa hirap, o ano bang positibong bagay sa panlilimos?

I’m glad there are multimarket and millionaires who actually give very large sum for out lesser brother, kahit wala tayong magagawa – at least payapa ng konti ang konsensya natin at hindi nagdamot sa mga batang ito, kahit barya pa rin ang kaya kong ibigay.

Pero paano nga ba ang tamang pagbibigay?

Yun bang declared lagi ang tax mo at naibibigay mo ang due para sa government?
Yun bang pag-aabot ng barya? Di bale nang may sindikato sa likod nito?
O mas ok nga ba ang ibigay mo ang tulong mo sa malalaking NGOs para maibigay ito sa mas nangangailangan?

Siguro ang importante mayroon tayong puso para tumulong… yun yun eh… kung may maitutulong bakit hindi? Kung hindi makakatulong – wag nang mamerwisyo. Simple


Halimbawa… pagbibigay ng comments – tulong yon! :D nyaha!

3 comments:

Anonymous said...

yun pala yun!! comments! haha

pero alam mo, ako di ako nagbibigay sa mga nanlilimos pero di rin ako sure kung pag nagbigay ba ko sa mga NGOs ay makakarating din yun sa mga nangangailangan.. parang nagdududa din kasi ako.. gusto kong tumulong pero di ko pa alam kung panu at saka na lang, pag may sarili na kong pera.. estudyante pa lang ako.. nanghihingi lang ako ng baon.. hehe

gerrycho said...

@lingling

i sure one way or the other nakatulong ka na rin ling :D at yun ang importante -- hindi tayo nagmamaramot sa kung ano ang puede nating ibigay...

Unknown said...

ayun naman pala..comments comments.. ako di rin nagbibigay sa mga bata.. ewan ko rin, kase naman,, ahhhh.. ewan.