Thursday, May 03, 2007

Momo & Chan

Ako talaga personally, ayoko talaga ang pag-aalaga ng mga pets... Natraumatize na yata ako nung bata pa ako ng nagalaga ako ng mga itik, yung mapapanalunan mo pagnahulaan mo kung anong sign ang lalabas sa mga binasàng papel... Kinatay kasi silang lahat ng dumating ang piyesta, nampucha! Pinangalanan ko pa silang lahat nun... Tapos kakainin lang?

Kaya nung ampunin ng kapatid ko sina momo at chan (collectively known as momochan, at di ko alam kung san galing yun) eh reluctant talaga ako... I didn't even bothered taking care of them...

Pero siguro, love birds talaga have this charm... Typical love birds lang sina momo chan, they can be classified as the cheapest of their kind... Pero I personally feel this sweet mushy feeling whenever momo would scratch chan's head... Kahit tayo-tayo na ang balahibo ni chan na parang nagulong hair-do ok lang sa kanya, as if he really enjoyed it... Siguro ganun sila most of the day.. Nagtutukaan na parang nagkikiss, kumakain ng sabay, grooming each others feathers... Nkakatuwa rin kung pano tawagin chan si momo tuwing umaga, para lumabas sa maliit na bahay nila para makapagpaaraw sila ng sabay...

Like lovely birds that they are... Day by day, ganun ang trabaho nila... They dont seem to get tired of it..

Then come one morning, you know it would come, but still would come all so sudden... Momo passed away..

Nakahandusay lang si Momo sa base ng hawla, si Chan kala mo reluctant na nkasakay lang dun sa plastic stick... Kala ko wala lang kay Chan, pero nung sumikat na ang araw... Chan sang his song to wake Momo up, like he always do.. Momo stayed lying there unmoved... Chan stopped and flew besides Momo, he groomed her feathers, then he sang once more... He sang louder, as if in desperation...

I almost cried...

It was like that when i thought Chan looked at me... It might be paranoid but it is as if hes asking me..

"Why...? "

I can't bear it... I walked away... I didn't looked back... I don't want to think about the question...
Innocent love that ends...How to live life happily with all the bitterness and can there be really a joyful way to face death...

I just can't set an answer... I just dont know...

3 comments:

romm said...

Wow! Tagal mo nang hindi nagkakapagblog ah.. (parang ako.. nyahaha!) Obviously you’re inlove.. very sensitive sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa mga love.. mushy.. at kakornihan.. hehehe! oh well.. pero sad tong blog entry na to..
Some things happen for a reason.. just Love as if you’ll never loved before..
Looking on the brighter side.. ibili na lang ntin ng bagong Momo si Chan.. Hehehe! Alagaan mo na para hnd na ulit mawalan ng partner ung love birds nyo.;-p

gerrycho said...

hay... oo nga eh.. kaso puede ba yun ng ganun ganun lang?

wala lang na-sad lang talaga ako para kay Chan...

Unknown said...

tragic that is.

may alaga akong ipis. si lumbert. at ngayon, ayokong humiling ng syota para sa kanya.