Ok i'll confess... How will you know a mediocre teacher? Most of us have these questions but they seem too indifferent to be asked...
Actually ako mismo, hindi ko ito itinanong sa sarili ko, medyo naive kasi ako sa mga ganitong bagay nung estudyante pa lang ako, i have always looked high on my instructors, hindi ko masyadong inisip yung weaknesses nila cause of the respect that they are knowlegeable than me.. Pero when i get to be one of them, dun ko napatunayan ang totoo, merong mga scapegoats to somehow sugarcoat and hide their incompetence...
Ok... Soft muna...
1.) pumapasok sya para mag sermon buong session, pinalalaki ang maliit na issue, para magkameron ng dahilan ng ikakagalit nya kuno... >> eto medyo guilty ako dito pero instead na magbigay ng sermon, i try to give some encouraging thoughts instead, kung pano pumasa ng board exam for example or kung ano ang itsura ng mundo pagnaghahanap ka ng trabaho (hmmn... Di pala sya ganon ka encouraging)
2.) nag-aabsent ng walang dahilan. policy talaga kasi ng mga school na may magsubstitute sa isang absent instructor, kung walang nakapagsub sa kanya, its either walang available instructor or walang nakakaalam na mag-aabsent sya... >> naging guilty din in a way, pano ako makakapagapply at makaka-attend ng interviews kung di ako aabsent? Bwehe!
3.) sobrang panay sya magpa-surprise quiz, may buting dulot ang surprise quiz, eto ang ma-gauge kung sino ang nagaaral off-school hours, at para pang fill sa oras na walang prepared lecture ang instructor. >> napakatempting gawin nito tempting kung baga, yung iba ginagawa muna yung number 1 sabay bato ng number three, pero its quite excusable naman ang seatwork and review before a major quiz =) both party, teacher and student wins.
4.) hindi nagbabalik ng mga corrected papers. Napakadelikado ng mga ganitong instructors kasi hindi mo matancha kung san na pupunta ang quizzes nyo o may pinupuntahan ba talaga ang mga ito. A student should at least ask ano ba ang sagot sa exams, especially kung may computations >> kung hindi man maibaling ng instructor ung papel on time, at least by the time na ipakita nya ang mga preliminary grades nyo may proof sya na nacheck nga ung paper nyo, on the same perspective dapat alam nyo as in papaano nacompute yung mga grades nyo.
5.) nagbibigay ng mga project na di mo mahuli ang connection o ang lesson na ituturo nito para sa subject. Natural lang na magpaproject ng circuit diagrams at electronic devices sa electronic subject, natural lang din na may compilation ng worksheets at case accounts ang accounting, natural na magkameron ng portfolio ng drawings at designs ang fine arts, pero may connection ba na manghingi ng dance video ng kung sinong herodes ang isang PE Instructor? Magpakopya ng manuscript HANDWRITTEN ang isang History Teacher ng parehong-pareho sa libro? May sense din ba ang mga field demos bukod sa pangungumisyon ng mga instructors sa mga costumes? Syet!
6.) may bayad ang pagpapa-photocopy ng kanyang mga bwakanang lectures. May bayad ang napakaraming bagay >> ok lang sana yung bayad eh, pero sana man lang eh alam mong di ito gaguhan... May isa akong prof dati, he makes us these lecture notes para tutok na lang kami sa pagtuturo nya, he takes the trouble of photocopying those notes every single time, pero ang binabayaran lang namin eh ang nagastos nya sa pagpapaphotocopy nun.. Astig talaga sya! Ganun ang huwarang teacher =)
7.) may barkadang estudyante ang instructor at sila ay may indefinite control over some of the instructor's grade computation, walang project, bagsakan ang quiz, mapaghimalang flat-one?! Wow!!!
8.) ang tono nang pagtuturo ng instructor kung papapansinin mo nang mabuti e parang halaw lang sa guni-guni... Tapos may sundot pa ng "matatanda na kayo - alam nyo na dapat yan"
9.) nang-haharass ng mga estudyante, hardcore na to...Yung tipong may kakaibang banat na "kayang-kaya ka nyang ibagsak kung..." Mayroon talagang mga mapagsamantalang instructors yung tlagang ginagamit ang authority nya para pigain ang mga estudyante nya for perks and favors, parang mga tiwaling government officials... Mababalitaan mo rin silang nakikipaginuman sa mga estudyante, at estudyante din ang nagpapainom siempre, nagpaplan ng swimming ambagan daw - yung mga estudyante... Nandito rin yung mga instructor na pag nakaaway mo yung barkada nyang instructor kahit wala sila pare-pareho sa lugar ikaw pa rin ang talo.. Sarap isumbong sa imbestigador! Wow!
10.) at ang mga nagcocompute ng grade sa wala.. Pasado ka na and all, perfect ang recitation mo and stuff pero either ang baba pa rin ng nakuha mo! Dahil kahit ikaw eh di makapaniwala sa bwakanang grade computations nya!
Truly, being a teacher is a noble vocation... Nasa kanya kung gusto nyang humirap o dumali ang kanyang trabaho, mayroon syang definite responsibility at authority over his/her students...
May mga teacher, school, college even! Na ginagawang gatasan ang edukasyon at mga estudyante...
Bwakanang na lang nila... Walang taong magiging mangmang kung hindi nila hahayaang tratuhin silang isang mangmang. Marami pa rin namang mabuting instructors, na handa pa ring gumabay at tumulong sa totoong kahulugan nito...
Hindi naman nauubos ang pag-asa...
2 comments:
Hay nakow! Maraming prof (lalo na sa college) ang madaming ganyang 'inhibitions' sa buhay. Andyang magpapabili ng tiket or kung anuman kesyo dagdag grade daw. Meron din dyang napakabagal magturo, di nasusunod ang course outline. Kunwari, may ie-explain na topic tapos ire-relate nya sa buhay ng tao. Ayun, matatapos ang period ng ganun na lang!
Post a Comment