Sunday, December 17, 2006

Now what?!



It is seldom now when i get to walk long and open roads like these...


Ewan ko ha... May nostalgic effect kasi sa akin ang mga ganitong klaseng kalsada...Not so long time ago, dito nakalatag ang riles ng PNR. Trains really fascinates me, the power they have para mapitpit nila ng mabuti ang mga pako, tansan at yung mga nakalat na mga bibe at pato sa amin...

Iniisip ko pa noon, kung gano kalayo ng riles ang kaya kong lakarin... Pakiramdam ko ang kaya kong lakarin sa loob ng dalawang minuto eh nilalakad ko noong ng labing lima, siempre bumabaybay ka sa mga trabeza eh, tapos may ibang bata pa na naglalaro...






Inisip ko pa na maglakad pa, gano na kaya kalayo ang mararating ko?
Malayo-layo na nga rin ang narating ko mula pa non...

Ibang klase rin ang takbo ng science & technology, dito rin daw kasi
itatayo ang mas makabagong north metro rail project...

Natapos din agad akong magmuni-muni, na download ko na rin kasi ang mga
email-attachments ko, umuwi sa bahay na walang signal ng 3G =)


Monday, December 04, 2006

First Job Experience!

Hayay! Sa wakas! Its official! Hehe... Naregularize din! For an experienceless ECE, medj late ang pumasok ng cadetship or ng entry position, pag na reach mo na ang age na 24-25, hindi ka na kasi marerecognize as fresh grad by that time, maliban na lang kung talagang fresh grad ka... And besides im not very used to lying and euphemisms, so most probably i will screw up kung tanungin ako with why i was not regularize back then...

Gano nga ba kahirap maghanap ng trabaho? Yung iba kasi akala mo eh ubod ng hirap ang makahanap ung tipong maluluslos ka sa hirap, hindi naman siguro ganun... Konti lang hehe... Marami namang trabaho kung tutuusin ang konti eh yung trabahong gusto and on the same time good paying. Mafifilter pa yang lalo kung i-co-consider pa yung masarap at madaling mga katrabaho, ample & adequate working environment, at kung gusto ka rin ng trabaho mo! (sabagay kung di ka gusto ng trabaho mo, you might not have it for long anyway...) siemps kailangan din na maayos ang compensation package...

Hmn... Hindi naman sobrang vital ng mga naging trabaho ko, katulad ng sa iba na talagang hindi nila puedeng sabihin dito sila nagtatrabaho o dito nagtrabaho, kesyo conflict of interest daw at kung ano ano pa...First day Last day...Akala ko joke lang pero nangyayari pala yun? Katapos ko pa lang magka-license nun, adik akong makahanap agad ng trabaho... Ang unang trabaho sa marami-rami ko ring inaplayan eh, Ubix...Nice...!

Ubix, technical support! "Ok to!" sabi ko, medyo malayo nga lang considering tiga-valenzuela ako at sa parañaque pa ako papasok, 8am-5pm... Katatapos lang din kagabi ng celebration namin dahil sa pagpasa sa exams! In the mood talaga ako for my first day! Nandun pa yung magic eh!Pagdating ko dun, i met several first dayiers! Tanungan ng background! Sinabi ko na ECE ako...

"graduate?"

"? Ha? Oo..."

"bat dito ka nagtrabaho?"

ok... Sign ba yun? Hindi ko na sinabi na pasado ako ng board nun sa mga ka-first day ko, parang na-OP ako na di ko mawari...Tumuloy ang araw, lecture na sa theoretical at practical concept ng photocopier! Kung todo take note ang mga kasama ko, ako naman e inantok dahil na rin sa puyat ako kagabi... Bago matapos ang araw, kinausap ako ng bisor, eto na! Walang basic pay, pakyawan ang trabaho, ang working area e parang bodega at walang sapat na bentilasyon, pino ang toner ng mga powder photocopiers at puede itong liparin papunta ng baga mo..

Kung magiging mahusay kang technician, mapopromote ka, ikaw ay magiging salesman..!

Paksyet!Kinabukasan hindi na ako makabangon, kanila na kopya ng TOR at requirements ko, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho...

Naweirduhan lang ako sa Ubix, dahil nahanap ko ito at nag-apply sa job fair ng DOST sa UP sa Bahay ng mga Alumni... Kaya ganun na lang ang pagkadismaya ko kung bakit nagkaroon ng ganung klaseng company sa isang job fair na ang mga aplikante eh mga estudyanteng ginastusan ng gobyerno sa loob ng limang taon...

Natatandaan ko ang sabi ng bisor dun sa Ubix... Sanay na sanay na daw sya sa mga ECE, hindi raw sila nagtatagal kesyo maselan at mapride daw kami.. Sa palagay ko dun sya nagkamali, hindi basta ang trabaho doon, ipagpapatayan mo ang kumita, kung sakaling magkasakit ka dahil sa pakyawan ang trabaho nyo, ano yun? Di ka na kakain?Hindi usapin dun kung ano ang kursong natapos, hindi patas ang trabaho ganun lang yun kasimple...

Nong naghahanap ako ng trabaho, ang bestfriend kong broadsheet e ang Manila Bulletin, may jobmarket edition ang Daily Inquirer, pero talagang mas marami lang ang trabaho sa Bulletin... Mas ok nga ngayon eh meron ng Jobstreet, JobsDB at kung ano-ano pang puedeng applyan online, di pa kasali yung mga kumpanya na puede mong pagpasahan ng resumé ang website... Mas mura din kung ang mga pictures mo eh hindi nkaprint sa resumé mo, para puede mo rin itong ilipat sa tuwing mag-u-update ka...

Hindi sapat na basta may trabaho ka lang... Dapat may konsiderasyon din kung hindi ka ba nag aaksaya ng oras mo sa pananatili mo dito, may growth factor kumbaga...

Maraming trabaho! Tama nga naman... Kung di lang, wag kakapit agad sa patalim maging matyaga muna sa paghahanap... Ika nga ni Bab ng Pugad Baboy... "madaling makahanap ng trabaho, ang mahirap ay manatiling meron nito"...