Wednesday, October 26, 2005

Sembreak

Natutuwa talaga akong mabalitaan kung kumusta na ang ibang mga ka-klase at friends ko sa college, like Karen, she had been training in India, while Marc had been in US for some new system implementation and training. Oths with his band won the best band of the year in their company, Juls have been very proficient and reliable in his department as an electronics engineer, Jaime is about to become a Software Engineer, a position higher from the position I once have (Junior Software Engr… wow!), and Dense from what I have heard is training to become a flight attendant (no argument bout that though…)

So with all of their success and all, I get to think… am I going down the right path…? Or am I just keeping my self well… inferior…?

Right now I’m on sembreak, so basically I’m a bum… the only thing that is keeping me busy is the review sessions I am having with my students who are to embark on Siemen’s PLC Programming contest next month November… and the DOTA wars I get to play every night 9pm up to umn… 1:00am? (no wonder I always ends up like a slug a have a hard time waking up every morning…!)

yeah… I’m an instructor indeed, but the one who is utterly a novice, I even haven’t started pursuing my masters yet, and sadly don’t even have a plan of doing so… MFI’s 60 hour courses like hmn… Cellphone repair are inviting, I might enjoy learning more of the practical stuffs than to pursue another level in my education i.e. my masters… kasi in the back of my head, I’m still thinking of having a job on the field…and not just stay in the academe all my career life…

Pakiramdam ko talaga e, nagpapaikot-ikot na lang ang mga inferiorities ko like my pursuit for a challenging field work, the last one I had was indeed challenging but unfortunately it have to end (see Salmon Day). So where it left me? Ayoko rin namang isipin na ang trabaho bilang instructor e degrading, kasi hindi! Ang pagiging instructor o teacher ay may mas mataas na level sa iba pang trabaho, dahil ang isang guro ang umuukit ng future ng susunod na society…! (nice…)

Ilang beses ko nang narinig yung words (not word by word though) na…
“a teacher affects eternity, no one can tell where his/her influence ends…”

But still I can’t find my self to be a best of my field… nandun na rin siguro yung pagkabaguhan ko sa pagtuturo…. Pero I guess its more of the financial and self fulfillment issue…

Pano ko ba na-appreciate ang pagtuturo?

Well… we are looked upon by our students to be a superior on topics we teach, sometimes overrated pa nga… the nostalgic feeling of staying young because everyone around you is young (hmn… is that a positive or negative?)… you get to enjoy the basketball games, the culinary meals, and other college activities and stuffs (like the contests and exhibits, even field trips yay!)… and most of all… the fact that you are making others realize their dream and reach for it =)

Nonetheless, this still might be my last sem, for teaching… by summer, meron man o walang available na work… iiwan ko muna ang pagtuturo at maghahanap ng mas malagong field experience… hindi lang dahil sa… well financial, kundi para na rin sa self fulfillment… yes such strong word self-fulfillment is… gusto ko pag balik ko sa aking teaching career, I cannot just inspire… I cannot just make my students realize their full potentials, I want them to really learn more from me… grow on me… and I cannot do that until I’m well… career fulfilled my self…

Niweys, I’m looking forward for this upcoming sem… where I can learn more of myself, enjoy everything that there is in my grasp, and teach more than I know =) kahit ako ang proficiency ko e sakto lang… haaayyy… siguro kung ang mga topnotch students natin ang mga magiging instructor ng ating mga institusyon… e di sana mas malupit ang ating mga estudyante, at I’m sure mas magiging mataas ang quality ng education… pero I guess sa ngayon mas mabigat pa rin ang passion, ang puso ng ating ginagawa dahil kung meron tayo nun… I guess other things will indeed follow =) yeah!

Friday, October 21, 2005

Grade Two

So yun nga tapos na tayo ng grade one… I had the taste of my first summer vacation and wow ang saya! Muling bumalik sa dati ang buhay ko, I mean yung tipong wala kang ginagawa the whole morning, piko, tumbang preso, batuhang bola, taguang pong, lupit! At siguro kung iisipin, malaki ang pasalamat ko sa mga magulang ko na dumaan ako sa paglalaro at pangungulit sa kanila, dati kasi wala akong pakialam dun, pero nung medyo nagbinata na ako dun ko naunawaan na di lahat ng bata e dumadaan sa pagkabata… (nice senti hehe).

Yun lang hindi ko maintindihan nung bata pa ako kung bakit kailangang matulog tuwing tanghali, kailangan ba talaga yun? Para lumaki daw agad… nah, basta ako ang ginagawa ko nun e, inilalamutak ko yung muka ko sa unan ng mga 15 minutes, pag katapos kong ikuskos ang muka ko sa unan for 15 minutes, muka na akong bagong gising… (Pero ngaung medyo matanda na di ko naman maintindihan kung bakit twing tanghali e ang sarap matulog… sheeesh, dapat pala itinulog ko na lahat ng tulog ko nung bata pa ako…)

Nung mga panahong din yun ako na-addict sa family computer, yung Nintendo? Lupit nun! Ang games pa lang non e Super Mario, Contra Rambo, Adventure Island, Twin Bee among the others! Madalas laruin yung twin bee o kaya Contra Rambo kasi nga dalawahan, pero all time favorite non yung Mario! Marami ring addict nun sa Pacman pero ewan ko di ko masyadong naappreciate e, yun yng tipong twing hapon e pupunta ako sa palaruan sa may kanto sa amin, ok na sa akin ang makapanood ng mga naglalaro, Makita ko lang yung matingkad na color ng games, happy na ako nun! Medyo badtrip nga lang marinig na may mga estudyante ngaun, na nag-cu-cutting pa para lang mag laro ng counter strike, o ng mga lan games, pero mas bad trip yung mga computeran na nagpapalaro sa mga batang nag-cutting… (palagay ko ang problema dun e, hindi kasi makita ng mga bata kung saan ba nila gagamitin yung mga bagay na natututunan nila sa pag aaral sa school, hindi siguro katamaran o bunga ng walang maliw na katangahan yun, e putek! nga yung ibang nakikita kong bata kabisado ang napakaraming codes sa counterstrike, yung gl_spriteblend 0 cl_movespeed 32000 lahat!!! As in! e mahigit dalawampu ata yon… pero tanungin mo kung ano yung 3 times 3 yay! tapos! Pero bago pa maging thesis material ng evils ng computer games ang article na to, simple lang naman yan, ang computer games e libangan lang, pampalipas oras, pagaaksaya ng panahon kung marami ka nito… hindi ito ginagawang tanang buhay… kasi for all we know computer games are just a form of fantasy, at kailangang mabuhay tayo sa tunay na mundo paminsan minsan…)

Kung meron akong first first crush palagay ko yun yung apo nung may-ari ng computeran na madalas kong tambayan, as in madalas kong tambayan! For a fact kasi pumupunta lang ako dun para mag miron, magturo sa ilang mga newbies kung ano ang lalaruin, ano yung secret ng ganito ganyan… (remember the walang kamatayang 30 lives sa contra? up up down down left right left right a b a b select (kung two players) start) so nung tinuruan ko sya ng up up down down left right left right a b a b select (kung two players) start, I was over her shoulders and wwwooooww… nung lang ako nakalanghap ng mabangong buhok ng babae… so kung merong lagi akong tuturuan, gusto ko sya lagi =) mababaw lang kasi naman dapat ang mga bata diba? Hehe…

Ang di ko lang siguro na enjoy nung mga panahon na yun e, wala ako laging pera… (nuff said)

Di nagtagal e naririnig na sa tv ang commercial ng National Bookstore… ayun na! back to school na ulit! Iniimagine ko na yung twing umaga e nasa school ako at nagbabasa, tapos mag-o-one plus one ulit, o kaya multiplication o kaya science o kaya English… bagong gamit! Yay! Sarap talaga pag ang bahay nyo e amoy pabrika ng school supplies, and again I thank my parents for that… pagnanghihingi ako ng pera pambili ng espadang may suksukan e hindi ako napagbigyan ng nanay ko… (“ma hindi na ako hihingi ng pera habambuhay, bigyan nyo lang po ako ng 12 pesos” buti na lang di pinatulan ng nanay ko yung banat na yun ha! ha! =))

Eto na nga June na!!! fooom! pasukan na ang saya… muli ko nanamang nakita yung mga classmates kong magagaling sa kagaguhan… hindi akong magulong estudyante sa ilalim ni Ma’am Villaverde pero naaaliw akong makitang naguguluhan sya sa amin… section 2 ako ulit, as if I care naman…

Natatandaan mo ba yung itsura ng mga upuan ng gradeschool? Sila yung mga mahahaba na upuan, table ng likurang desk yung unang desk, tapos patungan naman ng bag ng mga nasa harapan ang silya sa unahan nila. Pagganon ang silya masarap maupo sa unahan libreng lalagyan ng silya at di pa masikip =)

Kung merong akong natatandaan sa pagupo sa harapan e yun yung ka-klase kong fan ng “thundercats” natatandaan nyo pa ba yun? Yun yung cartoons kung saan ang bidang character e mayroong espadang katulad ng kay panday… humahaba… so basically ang nangyayari e yung may-ari ng espada e sisigaw ng “thunder thunder thunder WOOOHHH!~~!” and viola ang kaninang kutsilyo e magiging espada. Yung classmate kong yun e walang dalang espada… at wala din syang dalang kutsilyo, lalaki yung classmate ko, ano ba sa lalaki ang humahaba…? Gago talaga yung classmate kong yun, dun ko rin napagtanto ang tinatawag na “erection”. Ibang klase talaga ang innocence noon, wala pa kasing internet… =) pero given ngaun, at noon it would be safe to assume na by this time ang classmate kong yun e may asawa na, at least may makakaappreciate na ng kanyang “thundercats”

Wala namang masyadong pinagkaiba ang grade two sa grade one, noong ako ang nakaupo dun sa silya na yun, pareho pa rin ang bisyo ko, ang mag-intay ng uwian, at maging lost sa mga gagawin… lagi kong binabasa yung schedule ng teacher ko, at hanggang ngayon e natatawa akong imagining na ang recess namin e 10minutes lang… =)

Di ko sigurado kung ano nga bang pinaggagawa talaga nung grade two, siguro mas mahaba lang yung pinapabasa na words, yung science ganun pa rin… filipino ganun din… math ganun din… wala medyo vogue talaga e, malamang busy ako nun, busy matulog…