At least sumusulat na ulit ang panda ballpen ko.
Ang gara a! miraculously gumagana na ang hinayupak na ballpen ko, ang bilis ng panahon we are now on our third step sa ina-aaplyan ko… magtuloy tuloy naman sana. Ano kaya ang mayroon dun?
Ewan ko ba… pag iniisip ko na meron pang four more absences na kailangan kong I-take, nahihiya ako sa Department Head namin, pero sabi naman nung nakasabay ko last time si cesar… “ Nandun ba ang OPPORTUNITY”
San nga ba ang opportunity? San nga ba ang calling?
Buong week halos hindi ako nagprepare ng exams and everything seems to be turning inside out of me, pero eto yun e… its not that I can’t help it… its just that, im… geez… unmotivated, in other words… im lazy…
Being lazy… Unmotivated…
“where was the promise of more soul?” when all we are doing is finding fault in our work? Hindi tayo makakapaginspire nyan kung tayo mismo ay nag-aalinlangan…
Teachers are people too…
….aaah, yes they are…
Sa loob ng classroom hindi nakikita ng mga estudyante na ang mga teachers ay nagpe-perform din, pinaghahandaan ang bawat lessons, constantly learning new stuffs to add up to what they already know, para pag hand down ng knowledge sa estudyante may bonus… may dagdag… unless the teacher is trying to make it easy for hisself…
…making it easy for oneself…
Hindi madali ang pagiging teacher… iba ibang tao sa araw araw, minsan tinatamad na rin silang umunawa… sa classroom sino ba ang nasa offending at defending ends…?
Iniisip ko kung ano ang dapat na malaman ng estudyante ko para sa board-exams, ano ang dapat nakahanda at ihanda ng estudyante ko para makita nila ang nangyayari sa equations, makita nila ang concept ng mga sciences… ano ba ang itsura ng magnetic field? Ng bit and baud? Ng Graham’s Law of diffusion… commutation… GAH! Nakikita ba nila yun o mas hinihintay nila yung “any questions? If there is none, and your through copying, you are free to go…”
Free to go…
I wonder if teachers are suppose to feel glad ‘bout the downside of teaching… you’ll have to see your students climbing the stairs you set for them then they will soon forget you… and if they get lucky, you might wonder if you will be able to do the same and do the big thing they have done if you were on the same situation. If your student failed, could you have helped avoiding it, baka may nakalimutan kang ituro… nagkulang kang maka-inspire…
Ang galing! Your success as a teacher is a downside of an egocentric self (of course I know that’s also a proof of your teaching effectivity…)
But a failure of a student is a failure of the teacher as well…
Perks ng pagiging teacher… I guess I’m something looking at it the wrong way… there is a need to inspire and set as an example and not just throw endless theoretics…
I wonder if I’m inspiring…
I guess that’s one of improbable mathematical equations that can only be answered by trial an error… =)
Minsan kasi napakahirap bitawan ng mga katagang “bakit nga kaya?” at “hindi ko rin alam” lalo na kung ang estudyante mo e ang tingin sa mga teachers ay “mindless know alls” ha! ha! Pano ba ulit yun?!?
On the end of the day you’ll be glad to hear (if to any consolation that your student became considerate and sensible to your real life shortcomings)
“sir / ma’ am thank you po ulit” =)
Marinig mo lang yun ok na… hindi na mahalaga kung sa likod nun e… kung ang kadikit ba nun e… “uto – uto”
Or the worst language with the colorful words =( “tanga… bobo magturo”)
Ang mga teachers ay tao rin… they enjoy a happy company, recognition, respect and being loved… may it be friendly, parental or amorous…
Naniniwala ako most of teachers don’t teach for money… though they know, they need it =)
“Class walang yumayaman ng madali sa pamamasukan”
“E sir ba’t po kayo namamasukan at nagtuturo???”
There are countless positive ways to answer that rhetorical question, pero siempre… malamang mauna ang nasa puso talaga ng teacher… malamang yung iba nga di pa agad makasagot…
Pero nakikita ba yun ng estudyante??! I doubt it… (guilty rin ako noon e ha! ha!) pero ok lang hindi na rin naman nila kailangang malaman… dahil sa classoom hindi ang teacher ang main character, kungdi yung conflict, plot or minsan ang villain…
Pero ang mga students… yep! Sila! Sila ang bida…
1 comment:
what a comment! grrrr!
whew! wla ko msabi sa article mong to..
nakakaiyak! huhuhu!
oh well.. isa lang ang masasabi ko..
very well said sir gerry :D
Post a Comment