Wow its batam-bata! (July 09 2005)
So yun nga yung kindergarten diba? Narealize ko na papasok na pala ako ng elementary nung na-experience ko ang pakikipagbuno namin ni mama sa gitna rin ng maraming mga nanay, ang dame! ang naririnig ko laging salita ng mga sandaling yun e “birth certificate” birth certificate! birth certificate! maswerte pa rin pala ako nun kasi, at least naiparehistro pala ako ni mama kahit na hilot lang daw ako nilabor… ( niweys siguro gusto lang din talaga ni mama ng certificate sa pagaanak sa akin dahil ayon sa kanya e tatlong araw ako nilabor, imagine?! dapat November 30 ang birthday ko pero naging December 03! ang lufet! diba??! )
Wala talaga akong pakialam nung grade one… pilot section daw ako, section one ng panghapon… pinakamatatalino daw ng pang hapon?!? oo nga e, san kaya nila binase yun? siguro kasi nung kinder ako may award ako, “Best in Matiyaga” hehe, shucks mag ka-award lang… (pero ewan ko ha?! hayop na coincidence yan, halos lahat ng mga nakikilala ko ngaun e 1st honor daw sila ng kinder!!!) Grade one yes… sisiw na sisiw sa akin yung grade one yung basa basa ng “aba” “bao” “tao” “kuto” wala sa akin yun! master ko na yun kasi pag nasa bahay kami at tinuturuan akong magbasa, palo ang katumbas ng bawat letra na hindi ko mabasa, looking it back now… yun din siguro kung bakit tinatamad akong mag-aral, napag dikit ko kasi yung word na palo at basa… kaya obedient akong estudyante kahit hindi ako interesado, (hmm dapat ata mag take na rin ako ng psychology :) ) Tuwang tuwa ako sa grade one bukod sa pencil case kong maraming pasikot sikot at mababangong plastic envelop, art papers at kokomban, e dun sa mga snacks na pinagbibili sa labas, yung hotdog sandwich na nakadila lang sa dulo ng tinapay ang mga hotdog at nagdurugo sa ketchup, yung ibat bang flavors ng zesto at sun glo, yung ays crambol saka yung malalaking tinapay na hugis isda at buwaya, piso lang sila noon, at lintek naman sa laki! pang limang bata ata yun…
Marami rin akong katanungan nung bata pa ako, hindi ko lang matanong si Miss Alfonso nuon kasi masungit sya, pinapatayo nya yung mga classmates kong hindi nakakapagbasa ng matagal na matagal! ganun din yung ginagawa nya sa mga classmates kong di makasagot ng one plus one, sa totoo lang weirdong weirdo ako sa mga setup namin nun! bakit ang mga salita na babasahin namin e, nasa mga prutas na papel na nasa basket na papel din at kailangan pang pitasin, ibat ibang prutas daw yun pero lahat naman sila e mukang manggang iba’t iba ang kulay. tapos twing magbabasa kami bakit kailangan sabay sabay, bakit kami nang pa-pray oras-oras? bakit ang ikli lang ng recess? bakit ang sungit ni ma’am! sa sobrang sungit ni ma’am may classmate talaga akong tumae sa silya nya!
Hindi ko rin naman masisisi yung classmate ko na yun, maari rin naman na natae sya hindi lang dahil takot kay Miss Alfonso kundi, hindi sya matae sa palikuran. niccceeeee palikuran hehe, ano ba ang itsura ng ancient palikuran namin… hmmm, imaginin mo, dalawang dibisyon lang sya, magkatabi yung mga babae at lalaki, (lam mo napaka gentlemen ng mga bata sa amin nung elementary kasi kahit kailan hindi ako nakarinig ng kwentong nanilip ang mga lalaki sa cr ng mga babae, ako hindi ako nanilip kahit kailan kasi yun daw ay masama… ano nakakatawa dun tama naman a…) walang pinto ang magkabilang palikuran, ang ihian ng mga lalaki e mga butas butas sa sahig na deretsong kanal, walang pusali nuon! kaya imaginin mo ang panghe! walang lalaking nakakaihi sa dulo ng cr, kasi pipigilin mo diba ang pag hinga mo, papasok ka sa loob, pigil pigil ang paghinga hanggang makalabas, kung sa dulo ka iihi, hindi ka makakalabas ng hindi humihinga, sigurado mahihilo ka, kung gusto mong I-dare ang sarili mo at umihi sa dulo kailangan may kasama ka na malakas din ang loob, at least kung sakaling mahilo ka, dalawa kayo… so ako kasama ng ibang bata sa pinto lang kami umiihi, nakikita ng mga babae ang mga patutoy namin pero “who cares!” hindi ko alam kung ano ang itsura ng cr ng mga babae kasi kahit kailan hindi nga ako sumilip dun diba? kasi nga masama!
Grade one ko rin unang na-experience ang grade card… kasi hindi ko kahit kailan nakita o napansin man lang na may grade card kami nung kinder, pero nung grade one evident talaga! noon meron lang apat na subjects, science, math, filipino, at saka english. lahat ng grades ko nung grade one puro palakol! line of seven talaga! looking back, hindi naman ako nakaramdam ng katiting na hirap sa grade one, siguro nga kasi e, wala akong pakialam. basta ang mahalaga e may baon ako. uuwi pag hapon na, at maglalaro sa matitirang oras.
Nung Grade one ko rin unang naexperience ang kaligayahan ng class suspension, at ang hirap pag minalas na hindi nasuspindi ang klase. ang makipagbuno sa ulan at mag pray na sana bukas ay suspindido ang klase kahit umaambon lang. maiimagine mo siguro ang kaligayahan ko nun pag nasuspinde ang klase dahil sa malakas na ulan at hangin sa umaga pero biglang himalang sisilay ang araw sa hapon, maputik nga lang maglaro pero ano ba?!!
Nung Grade One din ako unang naging aware sa big news tulad ng "Summer is Here!" :) ahhh yesh~~ ~ halos lahat ng bata ay maligaya sa pagdating ng summer, bakit naman hindi?! panahon yun ng ice candy, at maghapong taguan pong, tantaret, tumbang preso at batuhang bola. bayani ako ng batuhang bola nun! ibang klase daw kasi ang reflexes ko hehe! kung big news ng Grade One ang "Summer is Here" bangungot naman ang "Back to School" pero ok lang at least may bagong schools stuffs hehe! Rak and Rol!
5 comments:
ayan ha! bnsa ko npo, inuna ko p kesa sa trbaho. hehehe! Grabe, haba nmn nito.. pero parang bitin. Hmmm.. well, in fairness ntawa ko, I mean natuwa ko.. biruin mo, nsa tyan kp lng ng nanay mo pasaway kn.. gs2 kn nga ilabas ng nanay mo eh ngpilit kp n wg muna lumabas. Napsma k tuloy sa mga taong isinilang ng 3.. kwento ko sayo mnsan wats w/ the birth date. :D buti kp pnghapon, mga estudyanteng mswerteng hnd pumpasok konting ambon lng.. samantalang kaming mga pang-umaga eh nkapayong at nkkapoteng pumapasok. :( hay, kainggit. Un ang namimis ko nung ng-aaral p tyo, ang msuspend ang klase at umuwi pra lng manood ng batibot. Hehehe! Nu b gnwa mo nung kinder k at nging Best in Matiyaga k ha? Wala lng.. ntanong ko lng.. :p Naalala ko rin n kpg sabay-sabay ngbbasa ng mlakas eh nkkipagkumpetensya sa kabilang class, palakasan b.. hehehe! hay, naku.. natural n ung mga estudyanteng jumejebs sa class sa elem. Naalala ko, grade 3 nko my gumawa p nun! Bwahahahaha! Another question, hnd kb ngtaka kng bkt nila cnsabi kng bkt masamang tumingin sa cr ng mga girls? :p Last question, ok p rin b mga reflexes mo?!? Hahaha! Wla lang. Haayyy.. yan muna, I have to work, bka msita pko ng bisor ko, til here.. kelan mo ko treat? Buti p ung iba nililibre mo.. huhuhu! :p mis yah bro!
batibot?!? naaalala mo pa pala yun :) hindi ko talaga alam kung pano ako naging "matiyaga" nung kinder, siguro sarcasm yun sa teacher ko, kasi sya ang nagtyaga sa akin
hindi nga puedeng tumingin sa cr ng girls kasi masama! absolute yun e!
reflexes ko?!? nah... moderate na lang tumatanda e, stressful pa work :)
yung about sa libre libre... hehe pasasaan ba diba?! alam ko namang naiinintindihan mo those stuffs :) kulet mo a!
syempre, palibhasa tanda mo n kya hnd mo n maalala. Hehehe! hmmm.. weirdo nmn ng teacher mo, eh d dpat lahat kyo my gnung award kng un ung reason.. :p bkt kya hnd gumana ung curiosity mo nung grade 1 k? hmmm.. hahaha! Honga pla, naging makulat n nga pla mga buto mo kya hnd kn ulit pwde mging hero sa batuhang bola. Hehehe!
hay naku, yang tungkol sa libre.. pputi muna uwak bago k mnlibre. Wwaaaahh! May magagawa pb ko bukod sa pgging understanding mong friend? Alagaan mo nlng c Maecy (tama b spelling?!? Hehehe!), cguradong pinabayaan mo n. hmp! Dapat dko nlng sya bngay sayo.. :p
minsan n nga lng ako mangulit kinokontra mo p. hmp! Kala ko p nmn namimis mo, :(
un lng po, til next tym. :)
wouu!!! naalala bubuuin ko rin si maecy, kaso hindi pa ako nagka-canvass sa rolce royce ata yun, yung surplus shop along edsa malapit sa muñoz, dun na lang ata makakabili ng sdram na memory and whatnots, inaalala ko lang pano kung sira na pala ang motherboard ni maecy, bangungot yun :))
ei romm, hihintayin ko yung sequel nung story mo about you and that "maligalig" guy of yours bwehehehe
kelan mo nmn kya ggwin un, cgurdo kasabay ng pnlilibre mo, kpg puti n ang uwak.. :) hnd un sira, pnaiiral mo n nmn yang pgging pessimistic mo. :p
db nkwento ko n un sayo? Kw ang dapat mgkwnto dyn.. pati sa pgkwento kuripot k. Hahaha!
Post a Comment