Sunday, August 26, 2007

Kababata ba Kita??

Eto ang kwento ng kabataan dati… simple lang, walang internet at LAN Games, ok na ang street games tulad ng tumbang preso at batuhang bola.. waha! Wala akong ka-ide-idea kung sino ang writer ng email forward na to, but I can’t help but thank him for compiling these stuff…

--nung ikaw ay bata... nagawa mo bato?--

1. kumakain ka ba ng aratilis?
May Mapula, maniba at siempre mga hilaw na bunga tinambabala namin sa aming mga paltik.

2. nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
Puede rin ang mga dahon ng tuba!

3. pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog kc di ka daw lalaki?
Technique ko dito hihiga ako for 5 to 15minutes tapos ikukuskos ko yung muka ko sa unan, para mukang bagong gising =)

4. marunong kang magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
Wala akong idea, kung ano teleber-teleber, pero uso sa amin ang tumbang preso, shato at batuhang bola! Saka sipa, saka palakulan ng trumpo.

5. malupit ka pag meron kang atari,family computer or nes?
Saka Sega at bentang benta ang mga video games na huhulugan mo ng piso tapos palalaruin ka for 3minutes. Tapos hulog ka ulit hanggang sa i-wrecker ka ng nanay mo…

6. alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start?
Oo lupit nito! Kasagutan to sa lahat ng paghihirap sa mundo ng Contra Rambo, Gradius at Kung ano-ano pa!

7. may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
Hindi ako fahionista nung bata eh, basta ok na yung may ninja turtles na print!

8. addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
Saka visionaries (complete with chants!) saka humanoids!

9. nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?
Lampin naman kasi yung suot ni annie… hehe…

10. marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
Saka Lotus 123, Dbase3+ at sobrang benta ng mga antivirus kalokohan!

11. inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?
Hindi sila nagkatuluyan… sad!

12. gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
ano raw?!?

13. meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
Mighty Kid Rocks! Hehe…

14. nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
Medyo loner ako nung bata eh, pero nakaka-flatter pasulatin sa mga slum slumnotes… lalo na pag yung crush ng classroom ang magrequest sayo…yihhhiiii…

15. kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si luning-ning at luging-ging? At ang kanyang perlas na bilog, siemps kasama ang barkada ni Kiko Matsing at si Pong Pagong,
Nagtataka rin ako kung ulilang lubos sina luningning at lugingging, kasi wala silang mga magulang lagi sa bahay.

16. alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?
Ngayon din! (twing twwwwwiihihiiing! Sabay BlueHawk! (Ang BlueHawk ay yadada yadaydaya ni Shaider… narration)

17. idol mo si McGyver at nanonood ka ng perfect strangers?
Saka yung KnightRider! Whooom!

18. eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?
Bihira lang ang meron ng ganito ka-hi tech na gamit sa bahay… saka sabi nga daw mahirap makabitan ng telepono dati

19. nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 biente-singko lang ang dala?
Yon ang malupit! At rotary dialing pa!

20. cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
Babae pa sya non! At asar na asar ka sa ka OA-an ni LA Lopez! Gaaah!

21. inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
At nabagsakan na nito ang iyong mga paa bago pa magdecide ang nanay mo na gumamit ng plastic containers…

22. meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
kailangan mo rin ng sariling plastic bag para sa mga basura mo, na itatapon sa tapat ng school nyo… hehe…

23. noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
Meron ba talagang Goya Fun Factory? Nakarating kasi ako sa pagawaan ng Mongol at Yakult

24. alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?
Takatakatok! Takatakatoktok Takatakatok! Tok Tak!

25. alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong siya sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?
Saka yung immortal “Instant Alpine!! @#$ Malake! Dalawa $*$*!”

26. sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
Kahit isang kahon ng plastic robot ipagpapalit mo talaga para sa mga GI Joe action figures! At mas mataas ang value ng mumurahing action figures pag ito eh gawa sa goma at medyo elastic.

27. inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
Pambili lang ng puto seko to eh… wala nang ibang mabili gamit to…

28. lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong- tong-tong...diba naninipit yun?
aba oo nga noh!

29. alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and syempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
Hindi ko na to matandaan, ang alam ko lang yung mga batang kinikidnap tinatahi ang mata’t bibig at gagawing patigas sa tulay…

30. meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
Humanap ka ng Panget!

31. laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
Minsan naman face towel o kaya yung Good Morning Towel…

32. bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
Meron ding sundot kulangot at macapuno na lasang ube…

33. kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porno as BOLD?
Inosente ako ng bata eh.. VHS na inabutan ko… hehe… Silver Seduction! Lufet!

34. takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?
Ackward nga eh, at least hindi nangyari diba? Three days of darkness… wow… gory!

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD..(ehem gerry) . KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA... WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA
LANG... DIBA 0.75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW? HA!HA!HA!HA!HA! =P


Weird lang ng konti pero thinking a little futuristic, pano kung mga bata na ngayon ang sumulat ng ganitong kabalbalan!


Kababata Ba Kita? (Generation ng mga 2000 Youth Edition)

1. Naglaro ka ng isang MMORPG puedeng Ragnarok, RAN, MU, Flyff, Pangya! at kung ano ano pa! LAN Games tulad ng CounterStrike, Warcraft, C&C Generals, Starcraft, DOTA at Battle Realms.

2. Mahirap makapaglaro sa kalye dahil ang mga kalye eh maninipis na… pero ok lang dahil may internet at LAN Games naman sa bawat kanto.

3. Una kang nakapanood ng porn na nai-bluetooth sa cellphone, o sa internet café. At ang karaniwang title nito eh, Scandal… siempre uso din ang FHM, Maxim at Uno!

4. Ang liliit na ng servings ng mga softdrinks, coke sakto, rc, pepsi. Kakayanin mo sa isang lagok kung uhaw na uhaw ka na.

5. Ang mga alam mong kanta eh, sulat ni Lito Camo, at kinanta ng Sex Bomb, ni Willie Revillame, at Bong Navarro meron ding mga kanta ni Joey De Leon. Ang lahat din ng kanta nila eh walang sense.

6. Mawawalan kayo ng pasok dahil sa isang pista opisyal. Maliban sa June12 hindi mo alam ang ibang dahilan kung bakit wala kayong pasok basta alam mo pista opisyal nun.

7. Merong kayong computer room na merong lima o mas mababa pang computer. Mas hi-tech ang nakikita mong computer sa internet café siempre!

8. Meron nang Algebra ang Grade 6!

9. Nauso at nagpauto ka sa mga Pogs! Puedeng Pokemon, Yu Gi Oh, Ghost Fighter at kung ano ano pang anime na nagpapalit kada dalawa hanggang - anim na buwan. At siempre alam mo din kung ano ang Kagi-Bushin No Jutsu! Hindi ka rin – in kung hindi mo alam ang latest sa Naruto na mababasa mo lang sa Internet. Konti lang ang kakilala mong nagbabasa ang komiks na gawang Pilipino dahil mahal na ang mga ito. Ang mga bagong episodes naman eh pinapanood mo sa You Tube.

10. Meron kang sariling Email address, at friendster at facebook account! May kakilala ka ring mag-on na nag-away dahil sa “Single” and nakalagay sa status ng isa imbes na “In a Relationship.”

11. Mas madalas kang mag-text kahit halatang may pud-pod na ang hinlalaki mo dahil ito ay puedeng maging unlimited sa Globe at Smart, maliban na lang kung matyaga kang mag hintay malpasok ang tawag mo gamit ang iyong pangalawang SIM card aka Sun SIM.

12. Gumamit ka ng Wikipedia at Google sa pagreresearch dahil mas madaling mag copy-paste kaysa sa magtype galing sa libro. Nasita ka na rin ng teacher mo o ng kakilala mo dahil sa meron pang mga hyperlinks or "click here" sa printed out report mo. Nakalampas sa editing!

13. Ang wallpaper mo sa phone mo eh ang picture ng iyong crush. Alam mo din na mas masakit ang hindi maisama sa lakaran kahit nakabihis ka na, kaysa iwanan ng nagmamahal… forwarded quotes!

14. Pinapanood din kayo sa school ng mga pelikula tulad ng “Pengiun Pengiun Pano Ka Ginawa” meron din kayong mga film showings tulad Episodes ng Sine Eskwela at Mathinik. Ang mga pelikulang napanood mo sa sine eh, mga parte ng isang trilogy o higit pa, Spiderman, Pirates of the Carribean. Kung di naman galling sa lumang cartoons or comics o nobela Fantastic Four, Hulk or Harry Potter.

15. Ang mga nagcutting-classes mong kakilala, eh hindi nagpupunta sa Mall dahil, ibabagansya sila nito, nagpupunta sila sa mga internet café! Ah… internet.. lupit…


Ibang level talaga… ang bilis ng panahon… wee, nostalgic mode 

Self Disappointment



Its been quite a while nung huli akong magsulat… medyo busy kasi sa trabaho at sa personal na buhay at hindi makahanap ng oras para magcompose.

Nagkaron ng konting re-organization sa office. Well medyo malaki sya actually. Minsan dito mo maidadaing na ang mga tao, eh minsan sala sa init, sala sa lamig. I’m guilty of it this time.

In this recent events, nagkaron ng mas maraming task ang grupo well basically because merong mga tao na nawala either nalipat ng department or nagresign to seek greener pastures. Kung tutuusin naman kahit san kang company nangyayari ang phenomenon na ito. As a whole we call it “brain drain”. Madami ang umaalis – hindi sa dahil disgusted sila sa pinapasukan nila, but because they need and want to prove theirselves, and besides may company ba na kayang tapatan na bayaran ka ng 100K+ per month for the same task you will be performing here? You can’t possibly beat that. So from how I see it, with Philippines like this and all. Brain Drain is somehow you view as inevitable. Now me being a part of it as well? Malayo pa siguro yun but as much as possible ayokong lumabas, pero hindi ko masasabi.. di ko naman alam what the next few years will bring me.

Well san yung self disappointment part? Oh well… I just made some reflection from where I stand. It is almost three years that I have been working. From being a teacher, the Junior Software Engr. to my career doing now. Status wise, ultimately… there’s no difference. I am still the same person living by the pay check, but of course I have a better gig now than I have before and I can see from here I can do more. Dumadating lang siguro yung part na naiinip ka… you want it to fast forward.

Pero siempre hindi puede… you enjoy the ride or despise it.
I rather enjoy it of course.

In a way… there are also some self issues I am not proud of. Like when was the last time na nagsimba ako? Ang tagal na… siguro dahil sa patong patong na guilt over being busy over being lazy… time out… from being a person na weekly ay nasa church at active pa sa event ng church organizations to being a spiritual bum? That can’t be good.

In the same perspective, I am trying to realize what I would like to come up with my life… ano ba ang gusto kong buuin… siguro kasama din ako sa ilang mga batang napamulatan na dapat mag aral para makahanap ng trabaho. Hindi para ultimately makabuo that I would be proud of my self. Realizing that I guess that sets further perspective. No longer looking on the horizon, but looking up in the stars.

What can be possibly up there?
Full of curiosity, but still figuring out how to proceed.

Sunday, June 24, 2007

Whats Wrong With This Picture

Bumisita ako sa National Bookstore sa Grand Central Caloocan City...
and get to capture this picture... Matatanda na tayo, you'll get the point :)



Mind lapse lang siguro...

Sunday, June 17, 2007

Shake It Off!

Back first year College, I had a PE instructor who was so obsessed in teaching us Social Dance, and I mean Ballroom Dancing… It even got to the point na tinanong pa nya kami bakit daw pag binabalikan namin yung mga steps na tinuro nya last meeting eh hindi na raw namin kabisado kailangan daw aralin namin yung mga steps na tinuturo nya morning before we go to her class, na parang kasing importante at mas kumplikado pa sa Algebra at Trigonometry. Bilib na sana ako sa kanya kung hindi lang sya tumanggap ng tig-PHP 500.00 sa mga classmates ko na hindi nakapagpresent nung final performance dahil sa valid reasons instead na ire-schedule na lang ang sayaw nila.

Anyways… When I thought I wouldn’t never be dancing again, bukod sa mga presentation sa school – orgs tgisshing! I was wrong! Mantakin mo na sa kahit pala sa work eh madadala mo ang iyong mga presentation skills! Hindi lang sa pagdedeliver ng reports ha! I mean dance to entertain the crowd! Wow…

Hehe… pero hindi naman siguro lahat eh, nagpapasayaw ng ganito… last year nagsayaw din kami, representing the Batch 12 of Newly hired Cadet Engineers para sa tinatawag na Rewards and Recognition… this year akala ko eh manonood na lang kami ng performing newly hires, Lo and Behold, five days before the program I found my self, volunteered by my supervisor to join this Dance Presentation / Competition. Together with other performers from other groups… We are fifteen all in all in the Dance group, representing the Green Team, kilala ko naman yung mga kasama ko kahit pano, nameet somewhere sa work… Bukod sa mga ka-department ko mismo most of them I would say eh ka-acquaintance level palang…

For three days, we balanced our work over the practices… I guess ganun din ang ginawa ng ibang groups, yun lang I guess some other groups prepared long before the occasion nagpasadya pa ng costume eh! Siguro nagging perk nya especially day before the presentation eh yung halos wholeday na wala ka sa work, refreshing in a way yung nandun ka sa office pero hindi PC at E-mail ang kaharap mo… 

Parang nag-e-exercise lang!



We also get to visit yung rooftop ng building namin, inaabot kasi yung ceiling pagnaggagawa kami ng human pyramids eh… so perfect venue yung rooftop. Hulaan mo kung sino yung photographer…



Bilib din ako sa mga teeners ngayon… pag performer, performer talaga… nakakatuwa lang isipin na ang mga nagturo sa mga nakalaban namin eh naging profession ang pagsasayaw one way or the other… ang nagturo sa amin ng ilang formation and steps eh, 1st year college pa lang… among the songs that we used are Kembot, Sexy Back and the finale Shake it Off, so explains why the title… 

Kung sino pinaka-young looking sa kanila, sya yung nagturo sa amin… hehe, hindi kasama yung mukang isip bata ha!



isang minutong katatawanan :) dyareen! ang makabuluhang head stand practice na hindi naman talaga nagamit sa presentation hehe...



This is also the first time na nagkameron ako ng costume na sponsored! Yung hindi galing sa bulsa ko yung pinambili! Hehe memorable indeed… ang saya meron pang lobo! Parang mag-e-exhibition ng mga dribbles para sa Milo best yung outfit namin neh?



Hmnn… pansin ko lang din, bakit kaya sa mga catering eh, madalas nang gamitin ang knife and fork against the popular spoon and fork? Is it because dinidiscourage ang seconds? Or nag-aaral na tayong maging Canadians?



The practice actually paid off good… kahit three days lang before the competition itself, hindi actually naging malaking isyu kung sino ang nanalo and natalo, we had so much fun! And sobrang maappreciate yung doing something quite extraordinary… extraordinary na yung magsayaw-sayaw paminsan-minsan hehe…



Ok ok… if you are so much with the results… naging 2nd place kami…

So ayun ang dawning na ating dancing career! Abangan ang aming dance group sa inyong baranggay sa nalalapit na fiesta or something…

Sunday, June 10, 2007

Vacation Yey! 3

Thank God!

We were able to visit the island of Boracay, Aklan… ah yes… kung hindi rin lang sya company-covered, I doubt na makapunta kami dun without months of long planning, malamang puro anticipation lang hehe…

Hindi na masyadong marami ang tao sa island… since papatapos na ang summer season June 01 na eh, well wala akong point of comparison para dun, sabi lang din sa akin… at it’s peak, namumutiktik daw sa tao ang resorts as described by our officemate and semi-local Theis, “rubbing elbows” daw kahit sa beach…

This is the first time na nakasakay din ako ng airplane. Nothing biggie actually, hehe saya nung taking-off saka ng landing-down para kang nakasakay sa space shuttle weee… and you will get the new appreciation of the world below na karaniwan na makikita mo lang sa Google Earth





The flight only took 35minutes of our vacation… mabilis lang sya para ka lang bumisita sa kapit-bahay mo. First we landed at the Caticlan airport, there’s this even funny signage… hehe imagine kung meron kang bitbit na almost 5-8 kilo luggage and your short with cash… Surely not a happy thought…



After Caticlan we then took some 15-25 minutes boat ride from Caticlan to Boracay Island. Pagbaba ng Boracay we took a mini-jeepney ride from the port to Patio Pacific. The rooms in Patio Pacific are cool! Air-conditioned, Cable TV, King Size Beds, Clean Restrooms. Kumpleto rin ang resort sa mga amenities tulad ng Gym, Bar (na puro Jack-Daniels ang laman), Restaurant that serve tasty yummy meals at siemps ang Pool. Yey!

Ah yes… Patio Pacific has this place para makapagpa-cute…



Hindi ko nakuhanan ng pictures ang mga amenities and stuff, hindi ko naman na appreciate yung mga yun, not later that day, go agad tayo sa beach!



Not as surprising as have imagined though… papasok na nga kasi ang tag-ulan at dahil dun sabi ni semi-local/tour guide/guardian Theis eh nagiging malumot ang dagat at this time of year… Sabi rin nya na ito rin ang nagpapdalisay at pumupulbos sa white sands. Hindi ko alam kung bakit at pano at ano ang explanation pero yung nga raw yun…



That day we enjoyed our walk on the beach. Ang pagpapakapagod sa paglangoy sa beach then sa pool, we weren’t able to see the sunset nung first day… maghapon kasi kaming naglunoy sa pool.

Hulaan mo kung saan kami nagdinner… wala nun sa Manila… Nagdinner kami sa Andok’s Dine-in! Wwwwouuuu! Sobrang excited ako nun… kasi yun ang pinakamurang kainan sa Boracay… 5 minute – walk from Andok’s you can find a convenience store, which makes a decade long theory that whenever there’s a Litson Manok stall a Convenience store must be nearby more feasible… <*nods head>



Merong Night Life sa Bora… sa Club Paraw for example… merong din namang mga bar na ang cine-cater eh RNB, meron ding Hip-Hop at kung ano ano pa…Hindi ako masyadong mahilig sa Night Life, sa akin kasi ano ang binesa ng Club Paraw sa mga bar sa Malate bukod sa nakaupo ka sa mabuhangin na banig at over seeing ang dagat… kaya nung nagbrown-out sandali mas na-appreciate ko ang Boracay. Tahimik, alon lang ng tubig ang maririnig mo… mga barkadang nagkakantyawan, at ang mga taong nagrereklamong nawalan ng kuryente at lasing na mamang hindi makagulapay sa buhangin. Sayang di ko nakuhanan ng picture…

Umaga ng sumunod na araw… tuloy ang bakasyon... another fine thing that we are able to do the was snorkeling! Hehe… hindi ko na nadala ang camera ko nun, gitna ng dagat eh… its not the proper gear… We also visited the Puca Beach, sa kabilang parte ng island… walang lumot sa parte na yung pero hindi kasing pino ng buhangin sa lugar na may lumot ang buhangi… hmn…

After returning to the beach and taking a shower and eating a hefty lunch… tuloy ulit ang pagliliwaliw sa isla. We walked further along the shore…I can’t help but notice that commercialization of the Island… I guess that part can’t really be helped, business is business pa rin of course… so its quite a sight din na makita na meron din silang “mall“ sa Boracay, wittingly named as D*Mall! <*gasp> Niweys, ako nanaman ang official photographer… sheessh.



Meron din silang mga souvenir shops! Siemps mawawala ba naman yun… funny thing is souvenirs at the souvenir shops are the same souvenirs you would find if you are in a mall in Manila. May sindikato ata sa likod ng mga souvenirs na ito dahil makikita mo rin naman sila everywhere! bracelet, earrings, Lamp shades kahit ang sikat na “Barrel Man” eh meron din dun…



The same reason kung bakit ang paborito ko pa ring souvenir eh ang mga buko pie ng Laguna, Batangas at Cavite… dahil dun mo lang sila mabibili, I mean yung mga especial talaga ha… pero hindi rin meron na rin nun sa mga SM Malls eh…

Niweys…
We walked D*Mall, D*Palengke, and D*Talipapa almost all afternoon.
Later on we realized that the sun is almost setting, we rushed to the beach line… and we get to see another beautiful sunset… Sa trabaho kasi napakabihira na makakita ka ng sunset… especially sa Manila. Kaya to seldom behold a sunset can be quite a sight!



Parang ang lalim na symbol kasi sa akin ang sunset eh… kunyari serious person ako…

We get to rest earlier that night. Medyo napagod sa snorkeling at paghahanap ng sulit na souvenirs. After dinner… Natulog na lang din kami agad, dun ko naapreciate ang room amenities ng Patio, at sabay buntong hininga na uuwi na pala kami kinabukasan. Hayyy…


For the last event we kinabukasan… we tried tadahh! Banana Boat Ride! Wag nang iexpect na kinuhan ko ang mga pangyayari dun dahil sa gitna ito ulit ng dagat. Hehe, mas exciting sana ang Banana Boat ride kung mas game sa tauban ang mga kasama mo… total naka-life vest naman kayo eh, at wag kakalimutang kawayan ang mga nasasalubong na bangka at iba pang bangka! Para mas masaya! Hehe…

Few hours later matapos magbanlaw at last hour shopping we prepared our selves for the departure going home… kahit nakakapagod and all, it’s the best way to relieve stress and keep you’re mind off work revived na ulit pagbalik sa trabaho diba! Ayos!

So we better get our asses back to work mode. Tapos na ang bakasyon mga kids, something to look forward next year… yan eh kung magiging ok ulit ang performance this year. So better do our part! Wow how patriotic!

Saturday, June 09, 2007

Unang Hirit

Minsan hindi ako naniniwala na ang kabastusan eh nasa isip lang daw ng audience at ang mga nagbibitaw ng green jokes are actually innocent and are not pertaining to anything...

Lahat daw eh puedeng maging bastos, sa isip ng audience... Issues on censorship can truly be eluding and can be an endless debate of wit, standards and morality...

Wala naman akong ibig sabihin dun, I just happen to see Eagle of Unang Hirit with a shirt he sure fits so well... saka wala naman syang ibig sabihin dun... hindi yun bastos... wehehe!

Madilim eh... Matatanda na tayo, you'll get the point =)

Vacation Yey! 2

Bukod sa swimming kasama ang aking mga kababata, nakuha ko pang makasama pa sa dalawang outings… One in Pondaquit, Zambales and the other one is in Boracay, (hindi ko pala alam kung sang probinsya ang Boracay!)

Niweys, what I enjoy most about trips are the site seeing part… pwera pa yung pagbababyahe…
I can live without the alcoholic drinks, the babe watch, and even the swimming it self. Basta ba guaranteed ang serene environment where you can search for inner peace and deeper appreciation of nature’s beauty (naks! Bigat….) Wag lang naming ipagkakait ang baong pagkain at inuming tubig, mahirap mag appreciate kung may iniinda ka sa tyan…

Unahin muna natin ang Pondaquit, Zambales

The first thing I was able to appreciate with our Zambales trip were the accommodating benches of Victory Liner in Monumento, Caloocan… how they keep you cozy because you have to wait for 4 hours for the 3 o’clock in the morning bus cause the 11 o’clock evening bus left you. Ang sarap humiga at makipagkwentuhan ng kung ano-anong kalokohan kasama na ang plano mo sa buhay at career. Wag mo nang masyadong indahin ang mga surot hehe kahit pagtulog eh possible.



Meron din silang 24 / 7 na mga canteen that can serve you tapsilog and short orders in a flash! Medyo overpriced lang ng konti pero kung di ka pa naghahapunan would you even care?



Hindi na ako nakakuha ng mga pictures and whatnots sa byahe… Inubos ata ng mga surot ang wisyo ko at ulirat… so nahimasmasan na lang ako at tadaaaah! Nasa beach na kami… hehe… at nakahanda na ang pagkain!



Unlike ng swimming sa Santiago Resort, merong baong digital camera ang friends natin… so hindi ko na pinicturan ang pagpapakita namin ng aming mga drop dead gorgeous body… I took the pictures that I actually came for…

The majestic Sunset… malayo pa talaga sya sa horizon kaya hindi pa talaga sya sunset… so ano tawag natin dito? Majestic Late Afternoon Sun? Hindi catchy…. Pero ang ganda diba?



The serene trees swaying at the beach front…



The Seemingly Boundless Sea and the Three Dots That I’m Not Sure What that are Threading It…



At isa pang sample ng pa-photodramatic effect ng Isang Punong Nag-iisa sa Bangin… woooooh! Pa-deep!



Gusto ko ng mga pictures na to, para alam mo yun… may subjects ka pag-gagawa ka ng postcards, or pag gusto mong mag quote nga mga inspiring messages… tulad nito…



So ayun na nga… ang ilan sa mga photos na naipon ko nung Zambales Trip… hmn… next naman yung sa Boracay… mas Soulful yun… yeba!

Wednesday, June 06, 2007

Vacation Yey!

Siguro sa part eng buhay ko kung saan ang aking Summer (April – May) eh nanatili pa ring busy eh first ko yun ngayong taon, uto ang first time. I can still imagine years back, ang mga summers ko eh… walang pinaggagawa kundi ang mag-stay sa bahay dahil sa mainit. May mga outings din naman, kasama ang barkada. Sa Jeds, Calumpit Bulacan, o kahit sa simpleng resort lang na me swimming pool malapit sa amin, tulad ng sa Villa Angelina. Or katulad ng last outing namin sa resort nila Oths, ah yes!Dry Swimming

Anyways, kahit may trabaho… at di ko naramdaman ang “walang ginagawa” na Summer, (at least nakakuha ako ng isang lingggong bakasyon) eh nakaattend ako ng tatlong outings! OO! Tatlo!

Una sa Santiago Resort., labing-limang minuto ang layo ng resort na to sa amin wow! Mga kababata ko ang kasama ko dito sa outing na to, it lasted for only what? 12 hours lang ata… hehe… nakasabay pa namin yung outing nung isang prayer group… kaya may tugtugan at kung ano-ano pa…


Aliw din sya eh… kahit maliit lang yung pool! At umulan at pinaahon kami dahil sa kumukulog, safety precautions sabi ng mga lifeguards..



Meron ding videoke!
Kung meron ka talagang party at hindi ka sigurado kung pano mo papasayahin ang mga bisita mo… Go for videokes, you can’t go wrong J

Hindi nga lang ako kumanta…



Hindi nga lang ako kumanta kasi nahiya ako sa magandang boses ng pamangkin ni Cathy, si Elize… Ngkameron pa sya ng Fans Club sa hanay ng maiingay na lalaki na kasama ng prayer group… Kung sakaling sumikat sya, at least ako ang naunang nakapagpost ng picture nya yey!



Puede nyo rin akong hanapin sa picture, yun lang ako kasi ang kumukuha eh… so katulad ng inaasahan… ako official photographer...



So yun! ang Santiago Resort... hmn... sa totoo lang kahit Dry Swimming lang ok na eh...

Board Exams Part 2

So there…

I have actually prepared for the Board Exams of April 2004, that means I started with the reviews around November 2003. Maririnig mo ang sinasabi ng ilang reviewees about their life while the said preparation, its uber boring! Parang kailangan walang mangyaring malaki sayo for the next six months… review center, bahay, punta sa bahay ng reviewmate – palitan ng materials, manood ng tv or video sandali para di naman masaturate ang utak (in my case panonood ng Yu Gi Oh sa TV), at siempre ang aking “bread and butter” ang mag-tutor.

So t’wing may review session ganun ang takbo ng buhay ko, gigising ako around 5:30am, aalis ng bandang 6:30 darating sa review class ng 8:00, hanggang 12:00 nn tapos uuwi, darating sa bahay ng 2:00pm kung nakaidlip ako sa jeep, kakain lang at review na ulit, 4:30 mag hahanda naman para sa tutorial job, 5:00pm nandun na ako sa bahay nila Ate Janet, by 8:00, 9:00 or 10:00 uuwi na ako nun, depende kung may project ban a kailangan ko ding i-guide ng konti… I even wrote a science project once about candles with coconut oil, pero salamat sa Bato Balani… hindi ko na kinailangang i-compose… hehe… Tuloy pa rin ang review hanggang 12:00am or hanggang antukin, ganun ng ganun…

Pag weekends naman nandun ako sa bahay ng kaibigan kong si Oths, nagpapalitan ng manuals nagbabatuhan ng questions at encouragements, a companion with the same perspective about the board is sure is helpful… para na-bo-boost yung eagerness sa pagre-review. Ang stress reliever naming nun ni Oths eh paglalaro ng Yu Gi Oh cards, yung pirated lang ha! Yung tig-pipiso, kasama ang kanyang highschool at gradeschool na kapatid. Natawa pa nga sa amin yung tatay nya nun eh, nasa isang kwarto lang kasi kami… dudungaw sya makikita nya kaming tutok sa pagrereview, and then maya-maya nagsisigawan na kami dahil sa Yu Gi Oh, tapos serious ulit, tapos sigawan… Almost every night nagtatawagan din kami ni Oths, para ma-gauge kung nasan at kumusta na ang review ng bawat isa. No room for pretensions kung di ka nagreview dapat sabihin mo kung bakit para at least magagawa ka pa ring kunsensyahin ng ka-buddy mo…

We tried our best to follow the deadlines we have set among ourselves as well… Meron kaming mga calendars, nakapost doon kung anon a dapat ang re-reviewhin at dapat eh na review na… In a way effective din sya kasi gumugulong yung momentum at little successes na nami-meet mo yung deadlines.

Generally yun ang itinerary namin…

Nagparegister din pala kami ni Oths two or three months ata before the exam itself… Para maaga pa lang alam na namin sa mga sarili namin na wala na tong atrasan, alam namin na darating ang gabi before the exam at ang umaga ng exam mismo… malinaw sa akin yung umaga ng Board… Bumangon kami ni Oths mga 4:00am Nagbihis at nag-uniform, nakacomplete uniform ako nun, parang college boy… In a way, I want it to feel it for the last time… Si Mommy (Mother ni Oths) pa ang nagprepare ng sandwiches namin nun. Then there was that moment… Oths and I stood silent. We realized we are actually praying and we are praying for the same thing, I gave Oths two of my handmade pencils and he gave me two of his aswell, it was kinda solemn for the both of us…

Sa totoo lang, lumipas ang Board exams at yun lang ang masasabi ko dun, maliban sa part nung 2nd day… kung saan napagusapan namin na manood ng sine eh nauwi sa paguwi at pagtulog ng maaga…

Torture yun one week na paghihintay ng resulta ng board exams, the morning na I’m sure oras na ng paghuhukom… hindi ako makatulog, nakatingin lang ako sa kawalan. Nakatulog lang ako ng dalawang oras yata… ng nagising at nahimasmasan ako, karipas agad ako sa tindahan ng diaryo,

Eto na! Eto na talaga…

Pagkabayad ko, ang bilis kong ikinalat yung mga pahina ng diaryo, hinanap ang listahan! Napasuntok sa sahig! Yes! Nakasulat ang pangalan ko… Bago ako umalis humahangos din akong hinanap ang pangalan ni Oths, nakita ko middle name nya… “Igama” si Oths lang may ganung middle name, sabi ko sa sarili, tinanong pa ako ng tindera kung pasado ba, pero di ko na sya nasagot dahil lumilipad na ang paa ko pauwi… para ibalita ang news of the year! Hehe…

Bago ako umabot sa bahay, tinawagan ko pa si Mommy, walang kasing sarap ibalita na ang pinakamamahal nyang anak eh pasado na sa board… ang sarap magdeliver ng good news grabe!

Pagdating ko sa bahay after 5-10 minutes ko na in-anouce yung balita… black-out na agad ako… tulog na agad, I almost dreamt of my mother’s selfless joy over her son’s victory… ang sarap…

So yun ang drama ng Board Exams ko… It is as if naman yayaman ako upon having that license, but what is important, is that I know… pinagbusuhan ko sya ng panahon… at di ito nasayang…
My license is about to expire this year… halos palamuti lang sya sa wallet ko, pampatigas… pero whenever I take a good look, it reminds me that when you want something, you go for it… and do whatever it takes… no questions asked…


Tuesday, June 05, 2007

Board Exams (Part 1)


If you'll ask an engineering graduate a story that would constitute their idea of exciting, exhausting, depressing, inspiring, victory and defeat... Top of the mind they will tell you, its the board exams...

Ah yes the board exams...

Madami-dami ding courses ang dumadaan sa pagsasala ng board exams... Engineering, Accounting, Medicine, Education, Criminology, etc etc... Kada anim na buwan ang ECE board, April and November... Karaniwan ata talaga dalawang beses sa isang taon ang board exams ng kahit anong course...

Percentage-wise sa mga board exams wala akong alam na board na umabot na 50% ang passing rate, laging mas mababa sa kahalati... But you never get to appreciate the drama of all those who pass and fail sa exams... You only hear of new licensed professionals, or most promising top notchers who would rather choose to work abroad than here or maybe the humble bastards who on the otherhand pay their tribute to their school, teacher or even country... Right you are kanya-kanyang drama, but for me, i have deep respect to those gifted individuals who chose to help build the nation here, siemps kahit na dun sa mga normal peeps fueled by principles...

Nyaks! Nalayo ako sa topic...
When i was still an undergrad, i have no plans or intention taking the board exams... Not until one of our "senior" took it, and actually made it...daming speculations na nabuo with
regards s pagpasa nya... Swerte lang daw madali yung exam, sakto na ung nareview nya ang mga lumabas, Deliberated lang daw sya - pasang awa, pero ang paborito kong rason nya eh dahil nagsikap talaga sya, nagpursige along the process...

From there, i realized... Its not a matter of intelligence, board exam is a matter of pride and perseverance, if you really want it and you have the discipline to actually strive for it...

Pagkagraduate ko ng college, may mga friends-batchmates ako na nagprepare agad para sa exams, graduate ng march, be licensed by november... The sooner the better. Wala akong means para magreview nun, wala na kasi akong resource... I gave self review a try, but somehow the method is not suited for me... Hindi naman ako prodigy, in a matter of 2-3 weeks im chapter, books even left behind...

From there i realized, i do need to enter a review school. Sabi ko, i'll have that means of paying for a review school kung magtatrabaho na agad ako.. Better than being a bum and better cards will possibly emerge...

Nandun ako sa bahay nun, around 9am, anime goodies sa tv, ng dumating ang kaibigan kong si joe anthony... He told me that his gradeschool and highschool nieces are in need of a tutor. I'm a bum and what the heck, free snacks wont hurt... Its later that day that i was told im going to get paid for the tutorial job! Php 2,000 a month, 2kids 6:00-8:30, monday to thursday! Compute-compute... I now have the resource to take the board by April! (2004)

Eto na! Destiny awaits!


yep! destiny awaits :)
ganda ng sunset sa Boracay... i hope you'll be visiting me to read about it as well... yey!

Friday, May 11, 2007

Don't Get Yourself Pregnant

May 08, 07

Stucked in traffic, listening to Magic 89.9 and i thought all i have is the pain braving through the EDSA traffic because of the campaign convoy of Batas Partylist. I thought im going to sleep... Then this girl, Abby, 17 yrs old called and she told her story on National radio... Goodtimes...

Ok Abby, apparently her story revolves around her, having sex with three of her friends... One of the guy friend started telling her that he is falling in love

Mo Twister, told her the same too... He told Abby that the guy most likely is telling her that so that he can go exclusive with her and get more than the other guys. Abby felt the same, and said that she doesn't want to hear those, she just wants it casual...

Ok, eto na... Abby asked if she can have an advise, but by the tone of her voice. It felt like shes just bragging...

Of course what she is doing is so wrong, everyone told her that... And even her was aware of it...

A liberal advice was given by Mo...

"Please... Don't get yourself pregnant"

While his colleagues Mojojo and Maui, adviced Abby to just stop... Mo's advice sounded realistic. Lesser evil but evil nonetheless...

Which in turn got me thinking... Even I gone through related issues, I am aware of the impending consequences.. But i thread through it nonetheless...

Because the feelings are there, the emotions blot person's reasons... The spur of the moment betrays one's self...

If explained plainly.. Its just but human nature, we can talk morals. But how would you instill it to a young mind whose environment just sugarcoats consequences so sweet? In the end it is still the person involved to decide how to go through such phase... And a wishful thinking that they would heed the wisdom we learned from the same past...

Or at least they choose the lesser evil... Weird kasi eh... How would you deliver something like...

"The best is to be righteous, keep it for the one you'll marry, you'll be glad that you do and your partner will be glad as well... But if ever... Just don't get yourself pregnant..."

?!?


darn... I gues i should read more Bo Sanchez instead...

Thursday, May 03, 2007

Valenzuela! May Disiplina!



Yup... may disiplina naman talaga eh...
See? Sa tabi ng mga nakabalandrang mga posters ng aming mga politicians meron nga!

Sa lugar namin, tatlo lang ang pangalang maaalala mo kahit sa panaginip and that is WES, REX and WIN... I have no grudges over our politicians pero wow naman... muka na lang nila talaga ang makikita mo araw-araw... naaaahhh, thats campaign period for yuhhuuu... di bale sila din naman ang maglilinis nyan eh...

Momo & Chan

Ako talaga personally, ayoko talaga ang pag-aalaga ng mga pets... Natraumatize na yata ako nung bata pa ako ng nagalaga ako ng mga itik, yung mapapanalunan mo pagnahulaan mo kung anong sign ang lalabas sa mga binasàng papel... Kinatay kasi silang lahat ng dumating ang piyesta, nampucha! Pinangalanan ko pa silang lahat nun... Tapos kakainin lang?

Kaya nung ampunin ng kapatid ko sina momo at chan (collectively known as momochan, at di ko alam kung san galing yun) eh reluctant talaga ako... I didn't even bothered taking care of them...

Pero siguro, love birds talaga have this charm... Typical love birds lang sina momo chan, they can be classified as the cheapest of their kind... Pero I personally feel this sweet mushy feeling whenever momo would scratch chan's head... Kahit tayo-tayo na ang balahibo ni chan na parang nagulong hair-do ok lang sa kanya, as if he really enjoyed it... Siguro ganun sila most of the day.. Nagtutukaan na parang nagkikiss, kumakain ng sabay, grooming each others feathers... Nkakatuwa rin kung pano tawagin chan si momo tuwing umaga, para lumabas sa maliit na bahay nila para makapagpaaraw sila ng sabay...

Like lovely birds that they are... Day by day, ganun ang trabaho nila... They dont seem to get tired of it..

Then come one morning, you know it would come, but still would come all so sudden... Momo passed away..

Nakahandusay lang si Momo sa base ng hawla, si Chan kala mo reluctant na nkasakay lang dun sa plastic stick... Kala ko wala lang kay Chan, pero nung sumikat na ang araw... Chan sang his song to wake Momo up, like he always do.. Momo stayed lying there unmoved... Chan stopped and flew besides Momo, he groomed her feathers, then he sang once more... He sang louder, as if in desperation...

I almost cried...

It was like that when i thought Chan looked at me... It might be paranoid but it is as if hes asking me..

"Why...? "

I can't bear it... I walked away... I didn't looked back... I don't want to think about the question...
Innocent love that ends...How to live life happily with all the bitterness and can there be really a joyful way to face death...

I just can't set an answer... I just dont know...

Saturday, February 10, 2007

Mediocre to Worst Instructors

Ok i'll confess... How will you know a mediocre teacher? Most of us have these questions but they seem too indifferent to be asked...

Actually ako mismo, hindi ko ito itinanong sa sarili ko, medyo naive kasi ako sa mga ganitong bagay nung estudyante pa lang ako, i have always looked high on my instructors, hindi ko masyadong inisip yung weaknesses nila cause of the respect that they are knowlegeable than me.. Pero when i get to be one of them, dun ko napatunayan ang totoo, merong mga scapegoats to somehow sugarcoat and hide their incompetence...

Ok... Soft muna...

1.) pumapasok sya para mag sermon buong session, pinalalaki ang maliit na issue, para magkameron ng dahilan ng ikakagalit nya kuno... >> eto medyo guilty ako dito pero instead na magbigay ng sermon, i try to give some encouraging thoughts instead, kung pano pumasa ng board exam for example or kung ano ang itsura ng mundo pagnaghahanap ka ng trabaho (hmmn... Di pala sya ganon ka encouraging)

2.) nag-aabsent ng walang dahilan. policy talaga kasi ng mga school na may magsubstitute sa isang absent instructor, kung walang nakapagsub sa kanya, its either walang available instructor or walang nakakaalam na mag-aabsent sya... >> naging guilty din in a way, pano ako makakapagapply at makaka-attend ng interviews kung di ako aabsent? Bwehe!

3.) sobrang panay sya magpa-surprise quiz, may buting dulot ang surprise quiz, eto ang ma-gauge kung sino ang nagaaral off-school hours, at para pang fill sa oras na walang prepared lecture ang instructor. >> napakatempting gawin nito tempting kung baga, yung iba ginagawa muna yung number 1 sabay bato ng number three, pero its quite excusable naman ang seatwork and review before a major quiz =) both party, teacher and student wins.

4.) hindi nagbabalik ng mga corrected papers. Napakadelikado ng mga ganitong instructors kasi hindi mo matancha kung san na pupunta ang quizzes nyo o may pinupuntahan ba talaga ang mga ito. A student should at least ask ano ba ang sagot sa exams, especially kung may computations >> kung hindi man maibaling ng instructor ung papel on time, at least by the time na ipakita nya ang mga preliminary grades nyo may proof sya na nacheck nga ung paper nyo, on the same perspective dapat alam nyo as in papaano nacompute yung mga grades nyo.

5.) nagbibigay ng mga project na di mo mahuli ang connection o ang lesson na ituturo nito para sa subject. Natural lang na magpaproject ng circuit diagrams at electronic devices sa electronic subject, natural lang din na may compilation ng worksheets at case accounts ang accounting, natural na magkameron ng portfolio ng drawings at designs ang fine arts, pero may connection ba na manghingi ng dance video ng kung sinong herodes ang isang PE Instructor? Magpakopya ng manuscript HANDWRITTEN ang isang History Teacher ng parehong-pareho sa libro? May sense din ba ang mga field demos bukod sa pangungumisyon ng mga instructors sa mga costumes? Syet!

6.) may bayad ang pagpapa-photocopy ng kanyang mga bwakanang lectures. May bayad ang napakaraming bagay >> ok lang sana yung bayad eh, pero sana man lang eh alam mong di ito gaguhan... May isa akong prof dati, he makes us these lecture notes para tutok na lang kami sa pagtuturo nya, he takes the trouble of photocopying those notes every single time, pero ang binabayaran lang namin eh ang nagastos nya sa pagpapaphotocopy nun.. Astig talaga sya! Ganun ang huwarang teacher =)

7.) may barkadang estudyante ang instructor at sila ay may indefinite control over some of the instructor's grade computation, walang project, bagsakan ang quiz, mapaghimalang flat-one?! Wow!!!

8.) ang tono nang pagtuturo ng instructor kung papapansinin mo nang mabuti e parang halaw lang sa guni-guni... Tapos may sundot pa ng "matatanda na kayo - alam nyo na dapat yan"

9.) nang-haharass ng mga estudyante, hardcore na to...Yung tipong may kakaibang banat na "kayang-kaya ka nyang ibagsak kung..." Mayroon talagang mga mapagsamantalang instructors yung tlagang ginagamit ang authority nya para pigain ang mga estudyante nya for perks and favors, parang mga tiwaling government officials... Mababalitaan mo rin silang nakikipaginuman sa mga estudyante, at estudyante din ang nagpapainom siempre, nagpaplan ng swimming ambagan daw - yung mga estudyante... Nandito rin yung mga instructor na pag nakaaway mo yung barkada nyang instructor kahit wala sila pare-pareho sa lugar ikaw pa rin ang talo.. Sarap isumbong sa imbestigador! Wow!

10.) at ang mga nagcocompute ng grade sa wala.. Pasado ka na and all, perfect ang recitation mo and stuff pero either ang baba pa rin ng nakuha mo! Dahil kahit ikaw eh di makapaniwala sa bwakanang grade computations nya!

Truly, being a teacher is a noble vocation... Nasa kanya kung gusto nyang humirap o dumali ang kanyang trabaho, mayroon syang definite responsibility at authority over his/her students...

May mga teacher, school, college even! Na ginagawang gatasan ang edukasyon at mga estudyante...

Bwakanang na lang nila... Walang taong magiging mangmang kung hindi nila hahayaang tratuhin silang isang mangmang. Marami pa rin namang mabuting instructors, na handa pa ring gumabay at tumulong sa totoong kahulugan nito...

Hindi naman nauubos ang pag-asa...

Sunday, February 04, 2007

Academe

Ok... Bilang isang dakilang ECE, may tatlong mapagpalang industriya na pinakamahusay mong mapasukan, Electronics, Telecommunications, at Broadcasting, sa tatlong ito mapalad ako dahil ang unang naging career ko bilang isang ECE eh... Charan!

Ang Academe...

Ahh the Academe... The free eats ng mga HRM students at ang College Basketball..

Napasok ako ng St. John Technological College of the Philippines, isang maliit na kolehiyo sa masukal na gubat ng Novaliches QC... masarap maging instructor sa totoo lang, depende kung gusto mong maging mabuting guro, puedeng humirap o dumali ang trabaho mo, minsan mahirap, minsan madali ang trabaho ko, so nasa gitna ako ng dalawa...

Sa Academe, naranasan kong makisalamuha sa ibat ibang uri ng tao at estudyante..gago, gaga, matalino, ksp, pasaway, palaban, masungit, malandi, masikap, maepal, mabait, girl, boy, bakla, tomboy.. Marami tlaga, marami...

Nahanap ko ang instructor position from Manila Bulletin, hindi ko sure kung anong klaseng trip meron ako nun... Basta gusto kong maging instructor gusto kong magturo.. Average lang akong estudyante back in college, low profile at walang honors. Kaya kahit ako e naweweirduhan sa sarili ko kung bakit gusto kong magturo.May ilang kolehiyo din akong inaplayan nun! Yung mga kolehiyo sa lugar namin.. Tulad ng Valenzuela Polytechnic, Navotas Polytechnic, Kalookan Polytechnic, pati AMA! Inaplayan ko yan lahat..! Pero hindi ko sinubukan ang pinanggalingan kong University...

Siemps inferior kasi naman agad nun sa mga former instructor mo diba? Kung tutuusin, inaplayan ko yung mga kolehiyo na alam ko na medyo "under dog". Besides sino bang kolehiyo ang magkakainteres na mag hire ng instructor na fresh from graduation? It was a blessing SJTCP gave me a chance...

Nung screening pa lang, marami kaming mga nagaapply para sa position, ang dame! Dalawa! Ung kasabay kong nagaapply eh ECE instructor sa school na pinanggalingan ko, si Engr. De Vera, with masters! Bukod pa sa mismong teaching experiences nya... Kumpara sa akin, ay talaga naman! Pulling away siya! Hindi ko sya inabutang nagtuturo sa kolehiyo ko, nagturo sya dun school year na graduate na ako, kung nagkataon...

Baka sa screening pa lang hinimatay na ako, bwehe!Ok naman ung, screening, nadeliver ko naman yung napili kong topic, pero hindi ko na inasahan na matatanggap ako.. Kinabukasan pa lang naghahanap na ulit ako ng trabaho. Pero after some two weeks tumawag sa akin si sir de vera, at inoffer sa akin yung job, ang pinagkakaabalahan ko lang ng wga sandaling un eh mga early morning hanggang late afternoon anime, no wonder ang dali nya akong nakumbinse...

Dala ang isang black folder, laman ang mga credentials ko nagpunta ako sa school. Sabi ni sir, kailangan daw 1:00pm nandun na ako, umalis ako sa amin ng alas onse at yun nga ala una pa lang nandun na ako...

"bakit ka late?" bungad sa akin ni ma'am valenzona, sya ang tumatayong marketing director/hr ng school...

"...weird... bakit ganun?" hmn...
"ma'am ako po yung kapalit ni sir de vera"her face lighten up a little bit...
"ah ganun ba... o sya lumakad ka na... kanina pa ang klase mo..."

Binigay sa akin ang listahan ng mga subjects, pambihira! Mayroon akong 14 na magkakaibang subjects, kulang-kulang 50 units yun! Principles of Communications, Electromagnetics, Electronics 3, Industrial Electronics, Control Systems, at Instrumentation just to name a few...

"Napasubo ata ako ah?!"Kung estudyante ka at meron kang 25 units of subjects masasabing overloaded ka, just imagine an instructor na merong 40+ unit! Laro lang sana yun kung ang tinuturo mo eh 40+ units ng gym class, pero engineering eh, bago mo ipasolve ang isang problem dapat ikaw mismo nasolve mo n rin un...

Di ko akalain na nun pa ako gumising ng maaga para lang mag-aral ng mga ituturo ko, Dyahe mang aminin pero i was overrated sa mga bagay na alam ko, dahil ang iba doon eh hindi din ganun kataas ang pagkaka-intindi ko...

Nakaka-guilty na nasa harap ka nang klase na hindi ka sigurado kung ano nga ba ang ituturo mo susunod. Totoo nga, nasa teacher kung gusto nyang maging madali ang trabaho nya o humirap ito.. At nakakatakot ang mga teacher na ginagawang gatasan lang ang pagtuturo...

Hilingin ko mang mamamatay na sana sila, di naman yun mangyayari..Maliit lang ang eskuwelahan namin, pero ang sakit ng institusyon na yun ay sakit din ng mismong sistema ng edukasyon natin.Pambihira, nauwi sa sentiments ang sulat ko ah? Di kasi talaga sya nakakatawa.. hehe mahabang kwentuhan to...

Sunday, December 17, 2006

Now what?!



It is seldom now when i get to walk long and open roads like these...


Ewan ko ha... May nostalgic effect kasi sa akin ang mga ganitong klaseng kalsada...Not so long time ago, dito nakalatag ang riles ng PNR. Trains really fascinates me, the power they have para mapitpit nila ng mabuti ang mga pako, tansan at yung mga nakalat na mga bibe at pato sa amin...

Iniisip ko pa noon, kung gano kalayo ng riles ang kaya kong lakarin... Pakiramdam ko ang kaya kong lakarin sa loob ng dalawang minuto eh nilalakad ko noong ng labing lima, siempre bumabaybay ka sa mga trabeza eh, tapos may ibang bata pa na naglalaro...






Inisip ko pa na maglakad pa, gano na kaya kalayo ang mararating ko?
Malayo-layo na nga rin ang narating ko mula pa non...

Ibang klase rin ang takbo ng science & technology, dito rin daw kasi
itatayo ang mas makabagong north metro rail project...

Natapos din agad akong magmuni-muni, na download ko na rin kasi ang mga
email-attachments ko, umuwi sa bahay na walang signal ng 3G =)


Monday, December 04, 2006

First Job Experience!

Hayay! Sa wakas! Its official! Hehe... Naregularize din! For an experienceless ECE, medj late ang pumasok ng cadetship or ng entry position, pag na reach mo na ang age na 24-25, hindi ka na kasi marerecognize as fresh grad by that time, maliban na lang kung talagang fresh grad ka... And besides im not very used to lying and euphemisms, so most probably i will screw up kung tanungin ako with why i was not regularize back then...

Gano nga ba kahirap maghanap ng trabaho? Yung iba kasi akala mo eh ubod ng hirap ang makahanap ung tipong maluluslos ka sa hirap, hindi naman siguro ganun... Konti lang hehe... Marami namang trabaho kung tutuusin ang konti eh yung trabahong gusto and on the same time good paying. Mafifilter pa yang lalo kung i-co-consider pa yung masarap at madaling mga katrabaho, ample & adequate working environment, at kung gusto ka rin ng trabaho mo! (sabagay kung di ka gusto ng trabaho mo, you might not have it for long anyway...) siemps kailangan din na maayos ang compensation package...

Hmn... Hindi naman sobrang vital ng mga naging trabaho ko, katulad ng sa iba na talagang hindi nila puedeng sabihin dito sila nagtatrabaho o dito nagtrabaho, kesyo conflict of interest daw at kung ano ano pa...First day Last day...Akala ko joke lang pero nangyayari pala yun? Katapos ko pa lang magka-license nun, adik akong makahanap agad ng trabaho... Ang unang trabaho sa marami-rami ko ring inaplayan eh, Ubix...Nice...!

Ubix, technical support! "Ok to!" sabi ko, medyo malayo nga lang considering tiga-valenzuela ako at sa parañaque pa ako papasok, 8am-5pm... Katatapos lang din kagabi ng celebration namin dahil sa pagpasa sa exams! In the mood talaga ako for my first day! Nandun pa yung magic eh!Pagdating ko dun, i met several first dayiers! Tanungan ng background! Sinabi ko na ECE ako...

"graduate?"

"? Ha? Oo..."

"bat dito ka nagtrabaho?"

ok... Sign ba yun? Hindi ko na sinabi na pasado ako ng board nun sa mga ka-first day ko, parang na-OP ako na di ko mawari...Tumuloy ang araw, lecture na sa theoretical at practical concept ng photocopier! Kung todo take note ang mga kasama ko, ako naman e inantok dahil na rin sa puyat ako kagabi... Bago matapos ang araw, kinausap ako ng bisor, eto na! Walang basic pay, pakyawan ang trabaho, ang working area e parang bodega at walang sapat na bentilasyon, pino ang toner ng mga powder photocopiers at puede itong liparin papunta ng baga mo..

Kung magiging mahusay kang technician, mapopromote ka, ikaw ay magiging salesman..!

Paksyet!Kinabukasan hindi na ako makabangon, kanila na kopya ng TOR at requirements ko, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho...

Naweirduhan lang ako sa Ubix, dahil nahanap ko ito at nag-apply sa job fair ng DOST sa UP sa Bahay ng mga Alumni... Kaya ganun na lang ang pagkadismaya ko kung bakit nagkaroon ng ganung klaseng company sa isang job fair na ang mga aplikante eh mga estudyanteng ginastusan ng gobyerno sa loob ng limang taon...

Natatandaan ko ang sabi ng bisor dun sa Ubix... Sanay na sanay na daw sya sa mga ECE, hindi raw sila nagtatagal kesyo maselan at mapride daw kami.. Sa palagay ko dun sya nagkamali, hindi basta ang trabaho doon, ipagpapatayan mo ang kumita, kung sakaling magkasakit ka dahil sa pakyawan ang trabaho nyo, ano yun? Di ka na kakain?Hindi usapin dun kung ano ang kursong natapos, hindi patas ang trabaho ganun lang yun kasimple...

Nong naghahanap ako ng trabaho, ang bestfriend kong broadsheet e ang Manila Bulletin, may jobmarket edition ang Daily Inquirer, pero talagang mas marami lang ang trabaho sa Bulletin... Mas ok nga ngayon eh meron ng Jobstreet, JobsDB at kung ano-ano pang puedeng applyan online, di pa kasali yung mga kumpanya na puede mong pagpasahan ng resumé ang website... Mas mura din kung ang mga pictures mo eh hindi nkaprint sa resumé mo, para puede mo rin itong ilipat sa tuwing mag-u-update ka...

Hindi sapat na basta may trabaho ka lang... Dapat may konsiderasyon din kung hindi ka ba nag aaksaya ng oras mo sa pananatili mo dito, may growth factor kumbaga...

Maraming trabaho! Tama nga naman... Kung di lang, wag kakapit agad sa patalim maging matyaga muna sa paghahanap... Ika nga ni Bab ng Pugad Baboy... "madaling makahanap ng trabaho, ang mahirap ay manatiling meron nito"...

Thursday, November 09, 2006

forbidden questions

One of the few reason i listen to magic 89.9 is because of "the forbidden questions" hosted by mo, mojojo and andy manzano...

Most guys compare this show to howard stern's. I personally dont know stern nor his show though. Amongst the show here in the philippines the closest to the "forbidden questions" angst and tactfulness that i can think about is amy perez's "deretsahan" where common folks and freaking gays diss and swear on each other.

In a way, its commendable that mo have enough balls to really pull out such show. Can be compared to sun cellular's groundbreaking almost suicidal stunt with the unlimited text and call. Remember how the underdog shook the telecom industry?

Much of the "forbidden questions" success (the fact that it still runs after 2 months every wednesday morning) and spontaneity can be credited to mo twister, the same reason why most of the tabloid writers diss him...

Imagine a show that ask a celebrity, actor/actress who has BO, the most "plastik", gay, worst in acting, potato queen... imaginable questions that pose unimaginable answer and might place the interviewee in a very sticky and messy situation... Yeah! Its fun, exciting and a relief from
the sensationalized "good" or amplified "evil" of a celebrity, you get the real score, of what is really happening amongst their circle. Plus the possible blood shed! Yun lang... For mo's size its a good thing no one ever waited for him outside their studio or his crib to beat the crap out of him. Its good news as well that no one ever trashed talk andy or laugh at her ala mojo jojo and made her cry, or mojo jojo be raped by a guy standing 6'4"/5"... Nah he might enjoy it instead...

Its not far fetch that the trio made enemies or strong critics like cristy fermin and lolit solis, so its was really exciting to hear that lolit solis said yes to do the game!

Like wow! Like many placed their bets that lolit would have her ass swooped and spinning with mo's line of questioning... But no, she made it through the 40 question as if shes eating peanuts, in her stature eventhough she made or confirmed new enemies, yeah nothings new, and besides
she doesnt give an f...

In a way, i found new respect on lolit's frankness and openess, the way she answered the questions, and the way she played the game... She even followed the show's english format and lolit's english is good, yes... Im not sure who won against who, if its a game both side played well.
They even sounded as if their friends, or was that a new level of freaking professionalism...

Lolit's presence and her answering all the question is a spat on mo's face, if he thought that he can really grill/torture lolit, but if its to be taken on the trio's original perspective that "forbidden questions" is just another dangerous game with difficult questions, lolit making
the 1st ever completed 40 is a milestone...


Hay bat ba kc nagbakasyon cna chico&delamar...

Notable questions answered by lolit...
1. Actor/actress that thinks he/she is larger life --> kris aquino
2. Actor/actress that she made a with completely false writeup --> alma
moreno
3. Celebrity with b.O. --> chito roño
4. Worst actor/actress --> onemig&via veloso
5. abscbn actor who should not have transfered to gma --> roderick
paulate

Saturday, October 28, 2006

Happy SIMs

Happy?! Some country have some peculiar sense of humor... Tulad ng DTAC SIMs ng Thailand... They have this smiling slice of loaf for happy? Wala lang... I must be weird aswell para pagabalahan na ilagay pa ito dito... Hehe...

Wala lang natuwa lang ako...
















Wala pang ulo ang tinapay bread ng DTAC SIM dito, but with the help of three more SIMS
















Yan!!! Na-kumpleto na sya!!! parang our friends that complete us... ang baduy ng analogy whew...

(Geez... this is a new low, what was i thinking...)

Commercials Commercials

"Lunch? Who got time for lunch?" hmn... The guy from the Rice Burger Mcdo commercial don't seem to be a guy who is always busy and on the go... Palagay ko the campaign is a little bit off, puede k naman talagang kumain kahit nagbya-byahe ka, at kontra sa presyo, i'll always go for
shawarma...He he..

They say that its people's choice what to watch and not watch, but when it comes to these commercials, we don't have much of a choice but to endure them. Watch them and put a little thinking, are they logical, exaggerating or just plain mindless...Mindless, would include Mekeni Picnic Hotdogs commercial where some community stupidly dance to an equally stupid chant...

"Mekeni picnic hotdog ko... Mekeni picnic hotdog ko... Mekeni picnic hotdog ko..."

WTF?!

Kaya nga bilib ako dun sa Coke beat commercial ("ito ang beat sabay sabay..."), marami akong kakilala na kumabisado nun, matanda at bata, pero Mekeni Beef? I dont think so...

Under mindless, do i have to tell you the "Patubig ni Gloria" commercials? If it takes someone like the head of the government to mobilize these well... "small projects" no wonder why we have ill education, lowly clinics & hospitals, and police/military who are in just in the wait to withdraw support... I mean, these type of projects? Can't we just leave it to the municipalities and cities?

Exaggerating, marami siguro ang magfa-fall under this category, yung mga commercials ng Axe, ng Tide, Surf, Mr Clean, Whitening lotions, and even Sanitary Napkins, but they can't be more dangerous than the STI and AMA commercials, STI series of commercials shown one guy developing an elaborate network game, network administrator students that eradicate a network virus as if they are operating ala ER, and group of nursing students ganging to perform some life resucitacion pero mas malupit ang sa AMA! some child 12-14 years old, was shown to assemble an android that can do household task and who can forget the girl robot? Yung nawalan ng baterya at binuksan ang dibdib? Exaggaration is sure is an effective attention grabber, pero delikado i-exaggerate as if its a joke things like education... I was not amused by these craps, naisip ko e kung may ilan kayang estudyante ang nadisappoint after getting the real deal... Good thing these stuffs are no longer aired...

Logical, marami din namang ganyang commercials, yun tipong nagpro-promote ng values at may feel good jingle pa! Katulad ng commercial ng Alaxan, with The Dawn singing at the background...

"kahit anong pangarap, madadaan sa sipag, sipag at alaxan, para mas
magaan..."

how about the Sunsilk Girl Power campaign? Family Bonding ng Smart at Globe...

I'm kinda glad we still have these commercials, yung tipong nakakaentertain pa rin panoorin... At least they should be, kahit pa sabihing sila ang dahilan kung bakit may free tv...

Saturday, October 14, 2006

Talangka sa Ulo

Eto na ang isa sa mga araw na walang ginagawa! Grabe namang talaga! Tatalangkain ka sa ulo!

Mahirap sa trabaho ang gumawa ng wala... Pero napagtanto ko na mas ok na pagtuunan ang "self development" paglabanan ang talangka ng katamaran and somehow make good use of your time... O sya back to work na, este basa mode pala =)

Sunday, October 01, 2006

Roy's Lovesick Moments

Ang dami tlagang puedeng gawin sa mms =) hehe, i-promote daw b... Pero
isa sa mga paborito ko e, pag nagiging creative ang mga kasama ko, at
gumagawa ng tulad nito... Courtesy of Nice! Grabe Roy, immortalized na
ang iyong tyope character!!!


taken off as requested by roy :)

Saturday, September 23, 2006

Mean Girls

Besides "life turning" failures, ang isa pa sa listahan ng mga kinatatakutan ko eh ang mga babae na merong strong personality...

Hindi nga... Strong personality...

Those girls that seem lack control on what they should talk and comment about, those girls that lash on you just for the fun of it, those who will tactlessly say what they think you are up to and what is on their mind, and they even notice the slightest detail that you can't even imagine how well they were able to read you! They are dominant, perceptive, they are difficult to please, most of the time umn... beautiful too; At bumubuga ng apoy!

I guess i'm the torpe "boy next door" type of guy... If its not love, i rather not bother and would be contented in just ogling... For me its just tiresome and not worth the time and resources... I stay away from these girls for unknown reasons or for reasons i just dont want to put up...

That mirror how confident i am with girls huh?
How i prayed that i would not encounter anyone like her during my teaching days, for i swear... Kung nakaencounter lang ako ng tulad nya, hindi ko alam ang gagawin ko... But sometimes, Heaven is just in the mood to be entertained, and send circumstances that will test you and have your ass spinning...

I guess my first mean girl experience was back in highschool, they are these "hot" guys gfs, yung mga bullies sa school... So i really stay away from them, i don't return their jokes, and i especially refrain from playing "pass the message" with them, yun ata ang naimbentong laro para maka-holding hands mo kahit sinong gusto mo... But the day just simply came that one of these girls flirted with me, i was soo o o confused, but not to soon i realized that she is somehow using me to make her ex-bf jealous and at times insulted..!!

Imaginin mo yung hinahabol ka para sa makatotohanang mga arm wrestlings, mawalan ng notebook(s) pag exam period na at malapit na itong checkan, tuksuhin twing hapon bago mag-uwian, at pagtawanan ng 'di mo alam...
'Twas hell...

But i guess life can't be that easy for them aswell, two years after highschool graduation most of them are already parents...

I survived through college without having to really interact with them, or even if i have to, i do business with them indirectly, bahala na ung mga kaibigan kong malulupit ang apog =) hehe...

Yun lang! I encountered them mean girls ng JSE days ko, sa persona ng aking team leader, although hindi naman talaga sya vulgar bitchy, her strong personality is evident... And so Salmon Day happened...

May nameet akong mean girl nung nagturo ako ulit... And i get to realize, mean girls are mean depende sa kung sino ang kaharap nila... They can be soft as well, like any other person... I was really scared of her tantrums once, but when i heard about her story, her family probs and her ill fated lovelife from her, i felt like crying with her... She's still a bitch towards other people though =)

Akala ko naiintindihan ko na... But no, each of themare just different. From the outside they are hardcore life survivors, perfect achievers, and in the inside you really can't tell, they seem really secure and you can't assume that they are soft inside. Ewan ko ba, why am i so affected by how these mean girls...

I guess in a way in their presence i get to gauge my best points and where i still need to understand with interacting with other people... I'm confident facing my students especially on topics i've prepared, i'm confident in life when i'm prepared... Pero de-numero ang galaw ko pag nasa bagong environment, especially on unwelcoming one, i tend to act the same when i'm in presence of these girls...

Minsan sobrang babaw talaga ng tingin ko sa buhay... Life's a bitch; at times she's friendly and you'll love her for it, times she just throw hell at you and you can't help but love her more when she's friendly again... And for that perspective i'll only mean life =)

Wednesday, September 13, 2006

Early Morning Slacks

0830H-1700H, day shift... Palagay mo ba may something peculiar sa mga
oras na to?

Ang weird kasi eh... Gumigising ako around 0530H, morning rituals and
all... Aalis ng mga 0630H, makikipagbuno sa fresh morning traffic, sa
kalsada ng mc arthur na parang kada dalawang taon eh ipinapagawa, sa
ilang mga walang utak at konsiderasyon na naninigarilyo sa jeep, sa
mala-american football na bunuan para makasakay ng lrt, bukod pa dyan ang
hirap para makahawak sa railings dahil marami ang masyadong attached at
nakayapos pa sa mga ito...

Kung medyo maluwag pa at maigagalaw ko pa ang mga braso ko,
makakapakinig ako ng "morning rush" sa rx fm with chico & delamar (ilang taon na
nga ba sila sa timeslot na yun?)...

Good morning diba? =)

At matapos ng lahat ng morning activity, mas expected sana na alive na
ako pagdating ng office, but no! Parang inaantok pa rin ako at nakakaexperience ng few second black-outs, yun tipong muntik nang humampas ang ulo mo kung saan dahil sa nakatulog ka sandali... Hanggat di humampas ang ulo ko o walang makapansin na nagkakaganon ako,
parang hindi ma-be-break ang spell, at hindi ako magiging totally awake...

You think coffee ang solusyon? Somehow i believe na mas nagpapagising
sa akin eh yung paglalakad papunta sa pantry, dahil parang inaantok na
ako ulit, the moment i have stopped moving...

Nawawala naman yang sleepy spell na yan mga 0930H, but unfortunately
bumabalik ang spell na yun by 1300H! Nagwalk-test kami just recently,
medyo inaantok pa rin ako kahit nasa sasakyan at tinuturuan kami ng mentor
namin, ang nagpagising lang sa akin eh eto...

Photobucket - Video and Image Hosting

Hwow! Obscene daw yung guard hehe! =)

Comedy, that sure is one good thing to wake you up... Saka mas pipiliin
ko naman na ng magising na dahil sa natawa ako kesa sa pinagtatawanan
ako ng superiors ko habang trinethreathen na hindi ako mareregular, or
making an awful mistake that would give me another day of rework...

I can only imagine kung gano kahirap ang manatiling gising sa mga
graveyard shifts... Tumutungga kaya sila ng galon-galong kape? Meron kayang
biglang nagpapatawa sa kanila? Nakatayo kaya sila magtrabaho para di
antukin? Paghumampas kaya ang ulo sa mesa nagigising sila o nakakatulog
ng tuluyan? Ano nga kaya?

Gising na ako... Balik na ulit sa trabaho!

Friday, September 01, 2006

New Lunch Soup

Nasubukan mo na bang hindi kumain ng hapunan, tapos agahan, malapit mo
nang ma-miss ang tanghalian, tapos saka ka palang kakain? Nakikita mo
pa rin ba ang sarili mo habang kumakain ka ng ganun ang stomach status
mo? Nalalasahan mo pa rin ba ang kinakain mo?

Walang kupas! Isa mga paborito kong activity sa buhay ang kumain...
Siempre mas masarap kung ang kasama mo sa pagkain eh yung ka sync din ng
bilis mo...

Nito lang ng makasama ko sa pagkain itong sina jums at ronald, at
napatunayan ko ang miraculous effect ng mga chilis! Ang nilantakan namin eh
yung salo-salo meals ng Chowking, Pambihirah! Naka-apat ata akong kanin
nun! Sobrang sulit! Batikan kasi tong si jums pagdating sa pagkain
(pero di sya tumataba!) record nya ang limang lugaw cups dun sa lugaw all
you can ng PUP... Apprentice nya si ronald, hehe...

Mula nun, eh natutuwa ako sa pagkain ng merong chilis, mapa jufran
sweet chili pa yan o simpleng siling labuyo sa toyo na pinigaan ng
calamansi, ayoko ng sili at suka, pangchicharon lang yun...

Ganun at sitwasyon ko kaninang tanghali, hindi ako nakapaghapunan dahil
gabi na ako nakauwi, nakakalaki raw ng tyan ang kumain ng ganung oras
at baka raw bangungutin pa ako, hindi rin ako nakapag-agahan dahil late
naman na ako nagising, hindi ko tuloy nainom ang masarap na kape,
timpla ni mama at ang tinolang manok na luto naman nya kagabi... Sana lang
may maabutan pa ako mamya...

Eto na! Sa wakas tanghalian na! Ang dami ng rice serving parang bundok!
Breaded porkchop ang kalaban... Hindi ko malaman kung san ko isasaw-saw
ang aking beloved breaded porkchop and the unimaginable happened (well
actually imaginable sya...)


Photobucket - Video and Image Hosting


vinegar ketchup soup! Woh! Sarap! May asim at tamis! Bangis! Sa kanyang
anghang natalo ko ang napakaraming kanin (may siling labuyo kasi yung suka, kasama sa supot)...

Nothing like a good chili... Damn it! i wont try it ever again...

Wednesday, August 30, 2006

AM Radio Jam

"kawikaan dos bersikulo tres hanggan beinte otso"

Bihira talaga ako makinig ng AM radio, nakikinig lang ako dati ng AM radio nung college, pag naghihintay ng announcement ng suspension ng klase at yun suspension ng klase...

Kaiba nitong isang araw, papunta ako ng Pasig nasakay ako ng fx taxi, hindi ko masigurado kung yung driver eh talagang nakikinig ng station na yun (radyo dasmariñas, radyo caviteño!) parang hindi rin eh, lumabas kasi sya at naghihintay ng pasahero...

Ang programa eh, ang sagutan ng dalawang announcer ng bersikulo galing sa bible, hindi talaga sagutan, parang duet sya... Babasahin nung mamà yung bersikulo tapos uulitin nung ale...

Yung boses nung mamà, ang boses nya ay parang kay eddie garcia, hindi ko naman siguro kung style nya yung parang galit na galit! Parang gusto nyang umulan ng nagbabagang asupre at malipol ang mga tao ng metro manila! Yung sa ale naman ay parang kay ate dely magpayo, malumanay na parang umaawat sa away =) hindi ko napagkinggan ng buo yung duet nila dahil nakatulog ako... Nagising na lang ako ng tumugtog na ang pop version ng "Our Father"... Lupit!

Hwow... Matapos ng icebreaker, sumunod na ang next program... Talkshow sya tungkol sa kalusugan..

"something interesting neh?" sabi ko sa sarili ko...

Nang sa aking pagkamangha, ang pinagusapan nila eh kung bakit mahalaga ang kalusugan! According to the bible! Hindi pa nagkasya sa yakidee yakideeyak kumanta pa sila! Hwoou!

(in tune of viva hot babes "bulaklak")
ang kalusugan, ang kalusugan, ang kalusuga'y mahalaga... ang kalusugan, ang kalusugan, ang kalusuga'y mahalaga... ang kalusugan ay mahalaga... higit pa sa ginto!

Wala akong masabi! Pagpasok nung fx driver, nilipat nya ang estasyon... Siguro syang wala syang naoffend na nakikinig dahil lahat ng pasahero eh tulog na... (hmn... Hindi kaya isa itong modus? Hindi kaya kung tulog din ako eh dinukutan na kaming lahat?)

Walang mali sa mga sinasabi ng mga ale sa talkshow ng kalusugan,
although i beg to differ ng sabihin nyang nakakapagpasigla yung kalusugan jingle con bulaklak ng viva hotbabes, lalo namang walang mali dun sa kawikaan duet before the said talkshow... I guess hindi lang naging effective yung approach, dapat yung mas mellow, dapat parang heavenly... Nah, nonetheless i could have just read the bible on my pace, on my most mellow time... But come to think of it? Kailan ba ako huling nagbasa ng bible?

Minsan kasi, mas gusto pa nating magbasa o manood ng kung ano-ano, mas gusto nating gawin yung mga bawal... Tulad nito...



Ganda ng la mesa dam no? Pero kinuhanan ko sya dahil dun sa signboard...Proud pa ko sa kalokohan ko... =) magkapagsimba nga sa linggo...