Showing posts with label Current Affairs. Show all posts
Showing posts with label Current Affairs. Show all posts

Wednesday, November 28, 2012

Bakit Kailangang Ayusin ang Kalsadang Wala Namang Sira

Inaayos na Kalye sa Mc Arthur Highway - Nov2712

On going reblocking

Walang sira ang kalsada sa Mc Arthur. Tapat ng South Supermarket.
Ano sa palagay mo ang magandang rason para ito ay ayusin.

A. Dahil may pondo para dito na kailangang i-liquidate
B. Kailangan perfect ang condition ng mga kalye - hindi papasa kung may kahit kaunting sira
C. As per life cycle ng kalsada kailangan na itong ayusin kahit hindi pa visible "wear and tear"
D. Eleksyon 2013

Monday, May 31, 2010

PNR


PNR -- the masses

Last week, nasubukan ko na ring makasakay ng PNR, Philippine National Railways. Ito rin yung Train System na sana eh na Rehabilitate ng North Railways Project.

Bumabagtas mula Caloocan hanggang Alabang, pinakamurang transportation sa napakalayong distansya, noong 80s umaabot pa ito ng Bicol.

Isang beses pa lang akong nasakay ng PNR, mula España hanggang Sucat Parañaque. Kung gusto mong makita ang "unflattering" side ng lungsod, ito ang subukan mong sakyan, marami sigurong aktibista ang na- "inspire" ng tanawin sa PNR.

Hindi katulad ng LRT, LRT2 at MRT, ang PNR ay walang perimeter fences sa maraming area, talagang tumatawid ng highways at minsan sa mga make-shift residences. Meron ding palengke, estero at mga tulay.

Entertainment factor din ang mga pasahero, may umuupo sa gitna - maaring matisod ang iba kung di sila mapapansin. Matindi din dito yung "Pinto - Syndrome" eto yung pagsakay ng pasahero, kahit malayo pa sya pupuwesto sya sa harap ng pinto, ewan ko ba, ang tingin ko kasi dito eh pagiging walang pakialam sa iba, "basta ako nakasakay..." pag natulak ng mga taong sasakay, maninisi pa...

"T*ng *na! Ayaw kasing pumasok sa loob eh!",

"Kung ayaw mong matulak, mag-taxi ka!",

"Sapakin mo!"

Ganyan yung mga comments na maririnig mo pag dating ng FTI, Siksikan na no'n, Amoy mo na din kung ano ang pinagdaanan ng mga tao sa araw na yon.

"Woou! Roller Coaster!"

Maririnig mo naman sa mga mag-kakatropang sabay na umuuwi, habang yumuyugyog ang tren.

Ewan ko ba, bumigat ang damdamin ko pagbaba ng PNR, Mula sa perspective nito -- malayo o lumayo ang Pilipinas sa inaasahang pagbabago o paglago, malayong - malayo. Pero air-con na ang PNR, sabi ng tatay ko dati walang harang ang bintana at pinto nito dati, may ibang pasaherong tumatalon papasok at papalabas at kung swertehin ka eh mababato ka ng basura at dumi (ng tao) at least ngayon safe ka sa ganun elements.

Improvements?

Ano na nga ba ang nangyari sa North Railway Project? Malapit nang mabuo ang MRT - LRT-1 Extension, pero yung mga lugar na dine-molish, gubat na ng damo at puno ng Aratiles, Medyo mahirap maging optimistic pag ang nakikita mo lang ay ang Lungsod mula sa PNR. Moral Revolution, Change, Progress. Marami pa tayong dapat gawin, kung pag-unlad at pag-unlad din lang ng Pilipinas, kasing labo pa ito ng pagpapatuloy ng North Railway Project or ng kasabayan nitong ZTE Broadband, Fertilizer Scam, at kung ano-ano pa…


waiting for the train -- waiting for a change

Friday, August 07, 2009

Tita Cory

How will you remember Cory?

With everything said and done, paano nga ba natin maaalala si Tita Cory...

The plain housewife turned widower, that fought and stood against a tyrant, and brought back democracy.

Wow...

Looking at it now, it sounded so simple. But for me Tita Cory, is an example of a person who genuinely thought of her people, of what is good, and the difference she could make.

Lots of "ifs" where thrown and debated, like we could have been better of with Marcos, or even as trivial as if she didn't became the president, then Kris would not have been an actress.

What she have started, i guess haven't gone far enough. Malaki ang nagawa nya oo... Kaso mo, mas malaking negative ang ginagawa natin ngayon... Mas malaki ang withdrawals kaysa sa deposit, kahit pa malaki ang nagawa ni Tita Cory, isang tao lang sya... She have inspired a lot of people, and those people she inspired must live the inspiration and continue inspire.

Moral Revolution, have always been an illusive thought, and will always be not until the Filipinos realize that the small things can go a long way.

Dahil kung tinuloy natin sa ating maliliit na paraan ang mga malalaking bagay na sinimulan nila mas malayo malamang ang ating narating.

with sanitized thoughts...
Wow.. ako mismo =)


Saturday, March 14, 2009

FrancisM


editted image courtesy of 112506 of symbianize.com

Francis Magalona's contribution to the local music scene is undeniable, and he left relatively young.

What i admire the most about Francis is the hope and strentgh he have shown as he battled against a very dreadful illness, his multiply blog is a picture of faith and optimism that is pure faith.

There is so much to reflect on this part of his life, to reflect what he have realized, that life is transient, cancer or no cancer. We are but passengers...

His songs and passion is admirable, a reminder that in this life, we make mistakes -- we don't stop there, we learn, we cry , we laugh and move on.

That to live fully is to live without regrets... For life in a nutshell is a Happy Battle.

Monday, March 09, 2009

Right to Reply *bow



image from
presscouncil.blogspot.com

At first glance -- there seem not any sense on the "Right to Reply", right to reply? Ibig ba sabihin nun pag meron akong tinanong, dapat meron akong sagot? E di dapat "Right to be Replied" yun. What is the fuzz over the said bill?


Senator Nene Pimentel authored the said bill -- in a nut shell ang gusto nitong mangyari eh, kung ang isang form ng media ay may binatikos or tinukoy, binastos or may pinagusapan, ang tao o mga tao na nabanggit ay maaaring sumagot sa parehas na media ng libre.


Libre?! Kung ibinalita na ang isang contractor, kung sino mang private person ay kasali sa anumang anomalya, or scandal -- makakatulong ang "right to reply" sa kanya. Automatically may fighting chance sya kasi magiging karapatan nya na sumagot sa mga alegasyon sa kanya. Hehe ang kulit lang isipin pero diba un mismo ang trabaho ng media? Yung malaman ang kwento ng magkabilang panig?


Imagine the conundrum kung isang politiko ang ibalita... Wow all the drama for free... Sagutang walang hanggan, sa media sila magtitirahan, when supposedly their forum must be a court of law or something more official. Where the findings can be used to them or serve them innocent.


For all its worth, may pro and cons ang right to reply, yun lang ung pro na part eh nakalatag na sana sa free at unbiased media. On the otherhand cons side would self serve figures that would spam our media with their self-cleansing thoughts.


On the first place, those we would like them to hear from are keeping their silence, like the fertilizer scam, the euro generals, the ZTE scam, yung north rail project. Etc etc -- the media i'm sure is more than willing to hear from them as well. But they are i guess they rather use their right against self-incrimination =)


Geez...

Tuesday, September 02, 2008

Tullahan Goldmine


Tullahan Goldmine -- Metaphor

Besides being included in World Record's dirtiest river, the Tullahan River have another thing on it that makes it more popular, dyaraaan! The Tullahan Goldmine!

With the Tullahan Bridge construction already completed October/November 2007 it didn't took long that another rehabilitation project took place. The rehabilitation is for the roads at both ends of the bridge easily cracked by wear and tear.

So the road reblocking is in place. If the bridge was concrete and steel reinforced why didn't they just used concrete on the roads instead of asphalt? Makes you think, makes you wonder. Is it a road their maintaining there or another goldmine, kasi kung goldmine pala yun, i-expect na ang susunod na repair sa di malayong panahon.

ah yes... pathetic as ever -- all i can write as of the moment are my whinings about roads... geez...
oh wel.. :)

Sunday, August 17, 2008

Island Widening

Yeah, yeah... Its either the work doesn't want you or you have lots of it, with the brain drain exodus phenomena at hand the restless nights and the all the restless everything coming to our department is inevitable. But I’ll not be whining about that because I for some reason believe that there’s good at it, besides building character. There must be.

Unlike the total genius being built along NAIA Road, with all the congestions and stuff, the solution is always road widening right? The roads are congested because vehicles can't get enough of these roads. But its different in NAIA Road (near PAGCOR) their genius f#@%ed up solution is to widen up the center islands!


Island Widening -- makes hardly any sense...

It escapes me whoever planned those things were thinking. Is that to manage the the traffic flow? Or was that another makeshift project to generate kickback opportunity? It has more crap that MMDA's (Un)reflectorized Concrete barrier s#!t! Like c'mon...

Did I mentioned one time I was commuting, our FX taxi ran over one of those islands? Those are dangerous garbage! If they are really serious building those crap, complete them already, so it would not be too obvious na binuo lang yun para sa income opportunity . Or if they were all satisfied juicing the s#it project, they can just abort the project. Nakuha na nila ang gusto nila -- ibalik na nila ulit yung malawak na kalye.
PI n lang sa kanila.

Wednesday, March 12, 2008

Binibining Pilipinas 2008 -- Janina San Miguel

I must say, all is doing well until it gets so entertaining!
Of course with the question and answer part.

The talk of the town Binibining Pilipinas World -- Janina San Miguel.


Hindi ko gets... how come Ms. Janina still won a crown? Or i guess in other categories she won landslide and eventhough she failed to impress with her thoughts her aesthetic value is just damn high.

I wonder if we can have maybe a representative who can't speak English and just make use of an interpreter for her to speak. Hindi ba puede yun? Yung laman naman ang pinaguusapan diba? Its just hard to imagine a beauty queen who would also pass for an English-Carabao Comedian. Ms. Melanie Marquez may have her share of English Breakdowns but her composure doesn't startle, and her confidence still intact.

Pero di bale, Ms. Janina still have time to prepare... and hopefully she grows with all the criticisms, for one -- I'm sure she already realized the improvements and points she should strive on, moreover have realized that representing the country on a grander scale is no laughing matter and you will not be taken seriously just by saying "Eto na..."


Tuesday, March 11, 2008

IECEP x License Renew x Nightmare Revisited

Ok... E di tapos ka nang magboard exams no? Tapos Nakuha mo na yung license mo, ano yung susunod na episode? Yes! Renewal...

For us ECEs, PRC has implemented the new ECE Mandate; the RA 9292 replacing RA 5734, the same mandate that changed the ECE Board Exams.

At isa sa mga requirement para magpa-renew ng license eh ang membership with IECEP.

IECEP...
Institute of Electronics Engineers of the Philippines
(formerly known as Institute of Electronics and Communication Engineers of the Philippines)

Haven't heard our organization name for quite a while.
Ngayon kung magpapa-renew for example ako, since ka-e-expired na yung license ko last year,
Renewal plus membership with IECEP would cost Php 1350.00.

I do believe, na mabuti na merong IECEP, ok din sana kung merong mga news or whatever coming from the organization, but visiting the website all i can find are under construction pages, new board exam passers and few seminars for Electronics...

Whatever happened to Communications? Kasama naman sa stipulated law, pero kung ano ang talagang mangyayari -- Who can be sure?

Ewan ko ba -- the whole time, i never received anything substantial from IECEP, its just some requirement i had to pay so that i'll be able to get my license. I'm not sure kung ano ba talaga ang ginagawa ng mga IECEP people, but one is for sure... I can't look forward going back to academe without having to go through the PRC License Application again, PRC and their obnoxious employees, the only government agency i known so far who has the guts to do ego-tripping with Professional License holders. May angas talaga ang PRC -- Tanungin nyo kahit sinong kumuha ng professional license I'm sure meron silang kwento about that.

But for now... i guess i have no plans renewing my license yet, pag sinipag na ako at hindi ko na masyadong panghihinayangan ang pang-renew ko. I just hope by the time na magre-renew na ako eh hindi naman umabot ng ++Php10,000.00 ang fee... Nah ~~ Can't be sure of that as well.

Monday, February 25, 2008

One Peso Peke

Pansin nyo ba yung mga makikikintab na mga Piso ngayon?!?
I have heard once, na pinepeke ang mga Php 10.00 Coins malalaman mo ito kung masyadong makintab ang mga barya, and get this! dumidikit sa magnet. Alam naman natin na Copper and Nickel ang coins, so hindi dapat sila dumidikit sa magnet.


Steel Coins -- Magnetic

Kapansin-pansin din na ang mga pekeng barya ay sobrang kintab.
Badtrip lang na hindi ko na ito binibigyang pansin dahil sa sobrang dami nila in circulation -- aakalain mong mga legit coins na sila.


Counterfeits -- Outshining the real ones


Shiny Coins -- and i thought they looked nice

Hmn...
From Wikipedia, Malaki ang epekto ng counterfeit money including inflation among others.
Weird lang na parang hindi yata ito na bibigyang pansin. Kaw nga? Check mo kung meron kang counterfeit piso...

O baka naman naisipan lang ng mga tiga Bangko Sentral na palitan ng components yung mga bagong barya para hindi na sila ipunin at ibenta ng magagaling na tao dyan at gawing tokens!

Tuesday, February 19, 2008

Abalos' Burjer

More than Mr. Jun Lozada's expose and wondering how the Arroyo Administration will ever going to get away with the ZTE Scandal (amazing feat na nga na hindi tumuloy ang maraming scandals eh). One thing I find amusing about this whole ordeal is the Comic Time. Tama naman talaga si Chairman Abalos -- kung may takot ka sa isang tao o lugar hindi ka na pupunta o magpapakita sa lugar na yon (geez...) Of course the argument is quited flawed, thinking... No dignitary would have you killed in broad daylight, may kasama si Mr. Lozada ang tigas naman ng muka mo kung ipapatay mo sya or ipadukot habang nag-gogolf kayo.

Mr Lozada: Wohooo! nice shot! Birdie to birdie!
Assassin: Ser sumama muna kayo sa amin...

Mr Lozada: Ha?!? san nyo ko dadalhin?!?

Assassin: Kakain lang po tayo ng Benj Burjer sandali, tanga ka ba?!? ililigpit ka na namin!


Nah -- i don't think so...
Comedy nga lang na lumalabas ang mga ganitong klaseng expose -- pagnagkalamangan na ang mga supposedly magkakakampi sa pagngungulimbat. But at least... geez, kahit anong paikot thats just plain sad...



So the great Benj Burjer Comic Time! (thanks for 1piso for the clip)
for more Comic Time please visit the Professional Heckler's

Religion Thread

Two topics one should never open on a date, or generally on conversions with someone you only casually know: religion and politics.

Nung college meron akong dalawang barkada na galing ng ibang sekta. Isang INC at isang Baptist or I guess Born Again. Isa sa mga dahilan kung bakit kami close ng mga barkada ko eh kung pano namin pagusapan ang mga sensitibong bagay tulad ng religion. Effective ang technique namin at napakasimple, ang sikreto? Hndi namin ini-oopen ang topic, it’s not up for discussion...

"Ger? Alis ka na? Counter pa tayo!" "Sorry mga pre -- ash wednesday, misa bro..." (end of discussion)

"Oths, ano? Sine tayo mamya!" "Kayo na lang muna tol, pasalamat namin ngayon" (end of discussion)

Napakabihira ng paguusap namin sa religion, para sa akin kasi kung hindi rin lang kailangan parang paghahanap ng away ang pagdidiscuss ng religion.


Religion Thread -- Feisty

Marami na akong nasalihan na forum, rebelde, grabe at nexgear, symbianize; isa lang ang pansin ko. More than love, ang aura ng mga threads about religion e debaté. Ang gara pa dito several topics are opened but never actually ended.

Nag-bi-breed lang ng hostility, in the same perspective wala ding magpapakumbaba sa discussion dahil kasama na rin ang pride sa usapan.

"Hindi ako ang nagsabi nyan! Ikaw ang nagsabi nyan!"

Open-ended at nakakaasar, pag may sumagot na ng ganyan ay sos! Talagang pukpukan na ang debaté, nagkakapersonalan pa kung minsan.

Hindi pa ako nakakita ng religion thread na friendly ang mga poster sa isa't isa. And thats really ironic considering we are suppose to "love our enemy" guess easier said than done.

I still study religion, spirituality is still important. I still go to church, well sometimes, lam mo na... Pag may sakit ka pupunta ka ng ospital, simbahan para sa kaluluwa. Its just I don't understand, God sure wants the best for us sigurado yun. Is it God's intention to make all of these complicated? With His infinite love and wisdom, I find that hard to believe so. But somehow – we have that way to complicate things. What do you think?

Monday, February 04, 2008

Here, Dare and Everywhere -- Nuts Entertainment Crap

Was watching Nuts Entertainment last Saturday (Feb 02). Puro games ang pakulo ng Nuts, some are entertaining, others are challenging, some you can even adapt on your own little party and most have subtle sensual orientation -- and yes, its all in your head.

Ewan ko lang kung ako lang to... but their segment "Here, Dare and Everywhere" caught my attention. They made nasty dares to several people in exchange of Php 1000.00!

The first dare was -- "Mag-papa-Mo Hawk ka ba for Php 1000.00"

Wow... give your head that Mr. T look? for Php 1000.00? well, at least hair can go back.

Kumusta naman yung sumunod na dare. Papaahit mo yung kilay mo, and then ta-tattooan ka nila ng dots sa dulo ng kilay.

Tattoo...

permanente, kahit sabihin pang tuldok lang sila tig-isa, tattoo pa rin yun.

Hindi ko gets, kung nagpapatawa or nag-popower trip ang writers ng Nuts eh, at para patulan din ng artista nila na ipagawa sa iba? Syet! And hindi kasi goodtime or pagiging "sports" or game ang nasusukat dun sa mga nag-call ng dare eh... Desperation kasi ang nakikita ko, na for Php1000.00 willing silang dumaan sa ganung klaseng trip.

Natatawa ako when they do their creative crazy games on theirselves, but on that part of the show i wasn't laughing -- it was not funny. To grab the opportunity to overpower someone its not nice. Or are they really running out of creative juices to squeeze? Kaya ok na sa kanila na ganitong klaseng katarantaduhan ang ihain nila?


Magmukang Gago for Php 1000.00 -- Game ka?


Tattoo that i never imagined I would ever have -- For Php 1000.00

"Hindi porke kaya nating gawin ang isang bagay. Hindi ibig sabihin na dapat natin itong gawin"
Edward Elrich -- Full Metal Alchemist

Saturday, January 26, 2008

Paano ba ang Tamang Patulong

Hindi na bago kahit kaninong sumasakay sa jeep yung mga batang biglang sasampa ng tumatakbong sasakyan pupunasan ang mga paa at sapatos ng pasahero sabay manghihingi ng limos. Maraming beses na rin akong nag-abot sa mga batang yun, isipin mo na lang kung paano nila habulin yung mga humahagibis na sasakyan para sa konting barya diba?

Minsan, bababa sila sa sasakyan na masaya sa naipong pera… depende sa tumitingin, masaya sila at meron silang pambili ng necessities nila sa araw na yon, o dahil sa nakaisa sila.

Naramdaman ko na rin yung parang naisahan ako ng nanglilimos – hindi lang ng mga batang umaangkas sa jeep, kahit yung mga nagbabahay – bahay na naglilibot para manghingi ng abuloy sa patay, pero pag tiningnan mong mabuti halatang ipinatong lang sa photocopy yung pangalan ng supposedly eh namatay. Bad trip pati patay pinagsi-sidetripan.

Paano ba ang tamang pagtulong sa kanila?

May isang pangyayari sa college dati, sa isang subject, nabigyan ako ng instructor ko ng privilege na i-transfer ang labis kong added points sa kahit sinong kakilala ko, unwittingly isinagot ko eh sa nakakuha na lang ng pinakamababang grade and so it was given…. After few seconds I thought that I should have given it to a person who will be able to augment his/her few point grade short – yun bang one two points papasa na?. that would have been more helpful.

And a realization of what most of us already know. The only help you can give is the resources that you already have. Walang problema sa atin ang magpahiram ng pera sa kakilala nating nangangailangan tama? Especially kung meron kadin namang maibibigay.

With what we give, sa baryang naiaabot ko, hindi ko maiwasan kung sindikato ba ito at lalo lang nababaon sila sa hirap, o ano bang positibong bagay sa panlilimos?

I’m glad there are multimarket and millionaires who actually give very large sum for out lesser brother, kahit wala tayong magagawa – at least payapa ng konti ang konsensya natin at hindi nagdamot sa mga batang ito, kahit barya pa rin ang kaya kong ibigay.

Pero paano nga ba ang tamang pagbibigay?

Yun bang declared lagi ang tax mo at naibibigay mo ang due para sa government?
Yun bang pag-aabot ng barya? Di bale nang may sindikato sa likod nito?
O mas ok nga ba ang ibigay mo ang tulong mo sa malalaking NGOs para maibigay ito sa mas nangangailangan?

Siguro ang importante mayroon tayong puso para tumulong… yun yun eh… kung may maitutulong bakit hindi? Kung hindi makakatulong – wag nang mamerwisyo. Simple


Halimbawa… pagbibigay ng comments – tulong yon! :D nyaha!

Monday, December 17, 2007

Gov. Among Ed Panlilio


This December 11,
the Province of Pampanga
celebrated its 436th Anniversary.

The strange thing was,
not a single one among
the Provincial Board members,
the 21 City/Municipal Mayors,
the Basketball Coach/Vice Governor,
attended the official celebrations.

Among Ed was snubbed by all
of Pampanga's Low-Quality Local Officials,
who seem hellbent on driving out the
duly-elected Governor-Priest out of the
Provincial Capitol by the end of 2007,


Ang pagkakilala ko lang kay Gov. Ed Among Panlilio is that he was a priest, who chosed to run for the sake of the better good of his beloved Pampanga. Furthermore he is also the first politician who opened to the media PHP500,000 cold cash he allegedly received from Malacañang.

Whatever happened to that stash of money given to the representatives, we can never can tell. Namatay na lang yung issue, the same way na namatay ang issue about Hello Garci Scandal, NAIA Terminal 3, Overpricing of Macapagal Avenue, and even the recent ZTE Broadband Deal. Hindi pa rin kasama dyan yung North Rail Overpricing Project.

geez... politics...
gaano ba kabobo ang tingin ng ilang politicians natin sa mga Pilipino?

Gov. Among Ed is one of the reason i believe Filipinos do still have hope, nakakalungkot lang na sa Pampanga, ang mga tao lang mismo ang sumusuporta sa kanya, how about the rest of the politicians? Bakit mait na mait silang mapatanggal na lang sya instead? Is corruption so deeply etched on our culture that most of us would rather choose to stay away from the issue? Magwalang bahala and all?

For all its worth, Gov. Among Ed is a breathe of fresh air in our stenchful politics. Nakakatawa kasi na kung susumahin ang gustong palabasin ng mga politiko natin -- lahat sila malinis, lahat sila walang bahid, walang may kasalanan. Masakit sa ulo. Kay Gov. Ed ko rin nakikita ang isang underdog na magwawagi rin sa huli, yung tipo ng bidang nagpapabugbog muna sa huli pero babangon at magbibigay ng pag-asa sa huli.

I just hope Gov. Ed survives it all, the false accusations, the character assassinations, death threats and all other bad things being throw at him figuratively and literally...

Friday, December 14, 2007

Malalaking Kalokohan sa College -- Part 2

Continuation ng listahan! well eto na sila

6. Ladderized Tuition Fee Increase --
pero kung tutuusin, genious ang scheme na to eh. Ini-exploit kasi nito yung in a way pagiging apathetic ng senior students over their younger colleagues. And thus less ang resistance sa deregularized tuition fee increase. Minsan kahit wala nang paliwanagan.. Kahit hindi na-u-upgrade yung mga equipment, kahit hindi tumataas ang sahod ng mga teachers at personnels basta itaas ang tuition, konti lang ang nagreklamo eh.. Tuloy ang ligaya!

7. Controlling / Abolishing Student Council --
hindi maipatupad ang ladderized tuition increase dahil sa mga 'tibak' at resistant student council? E'di sibakin mo ang student council kung hindi naman hintayin na lang silang grumaduate. Karaniwan naman kasi mga senior na ang matatapang na council kaya hindi na mahirap hintayin ang pag-graduate nila lalo na kung ang gustong isulong ng admin eh yung mga kaisipang sila mismo eh alam nilang di sila mananalo -- tulad ng panatilihin ang instructor na nangurakot o nangmolestya ng mga estudyante ("breadwinner kasi sya e, kawawa naman ang pagtinanggal sa trabaho -- syet")

8. Deadly Fraternity Hazing --
May mas sayang pa ba sa isang promising student na namatay sa violence? Sukatan ba talaga ng loyalty ang hazing? Alam naman natin na time ang sukatan loyalty eh... Pero baka may lakad yung mga frat na kung makahazing dinadamay na rin ang pagcha-channel ng kanilang stress at hinanakit sa buhay. Sure, kung hindi serious ang isang neophyte hindi nya pag-aaksayan ng panahon ang hazing pero ang stand ko ang friendship ay nasusukat lang ng defined situation at higit sa lahat ng oras na ilalaan mo dito at hindi sa basag ulo.

9. Bivouac --
This is actually part of the last requirements for ROTC, its so big of a joke, it has a distinction of its own. The only thing you would learn from it is the fact that life is actually unfair. Well i appreciated it in the sense that there were friends to share the joke and pain of the whole experience, and whole new respect for military cadets since they experience it over and over. Imagine 3days and 2nights, walang banyo.. Ang pagkain nyo parang nababoy, you're wearing your jacket the whole time. Bilad sa araw, nahahamugan sa gabi.. Di ako nakadumi nun 3 straight days.. Ng makauwi ako nakatulog ako ng 6pm para magising ng 8am. Walang detalye akong maalala pagkatapos, parang isang malaking bangungot. Hanggang ngayon nagtataka ako bakit di ko makumpleto detalye ng 3days at 2nights namin dun... Hanep talaga!


10. ROTC --
ah yes, classic joke at its finest. Reserve Officers Training Corps. Sa totoong aspeto ng ROTC napaka-noble na cause nito, to train the nation's citizens so that in time of turmoil, invasion or if her liberty and constitution is compromised the government can call to the reserved officers to protect her. It can't be less noble than that... Pero sa kasawiang palad hindi ito ang nangyari, my first lesson on massive corruption i witnessed from the ROTC, Ah yes... Kung pano kumikita ang mga officers ng walang puhunan sa overpriced softdrinks, siopao, hopia. Ang kickbacks para sa mga cadets na ayaw mabilad sa araw di bale nang 2.5 lang ang grade na ibigay sa kanila. Ang kung pano ubusin ang oras namin habang nasa ilalim kami ng araw ng walang rason at ang mga officers ay busy sa pagpo-power trip sa iba pang cadets. I don't know if there is anything that can redeem ROTC on having the rotten stench on its name. Especially the event that led to it to be abolished. Well, di talaga sya totally na-abolished pero at least di na sya mandatory. Keywords? ROTC, Cadet, UST, Death.


And yun ang nag-top sa akin list... :D tuloy pa rin kaya ang kalokohan sa college hanggang ngaun? somehow i think oo ganun na nga. Anything else you might like to add?

Thursday, November 29, 2007

Trillanes X Manila Peninsula X Anarchy

Ibang klase talaga ang channel ng hinaing ni Trillanes. Hindi na sapat sa kanya na may pwesto sya sa Senado -- he haven't fully utilized the venue, eto nanaman sya. His group now took over Manila Peninsula.

Funny and weird -- habang naglalakad papuntang Manila Pen, sumisigaw pa sila ng "Sumama na kayo sa men!" na parang gago l.ang.
Ganon na ba ang pagkuha ng crowd ngayon? Pauso

Sigurado namang may grupo sa likod nila, pero naman! sino ba sa kanila ang nakaisip na maggaganon sila?! Futile lang ang kalokohan nila -- totoong kailangan ng pagbabago and all, pero hindi ganitong klase ng aksyon ang gagawa ng pagbabagong hinahangad natin.

Pinatulan tuloy sila ng gobyerno, pati mga media may posas ng tier-ups... Masakit pa naman matali ng ganon. Tapos may curfew - curfew pang nalalaman na ngayon! Isa pang pauso!

Palagay ko kasalanan to ni Ate Vi eh -- Humingi kasi sya ng pagbabago, dapat imbestigahan rin ang Ariel with Oxybleach.

Four years ago ginawa na ito nila Trillanes. Ibang klase ang pagmamahal nila sa bayan at malasakit dito, pero sa means na ginamit nya at ng kanyang mga kasamahan they looked like another bunch Schizophrenia cases.

Kailangan naman talaga ng pagbabago totoo yun... pero ang tulad ng maraming beses na nating narinig ang bungang hinog sa pilit eh mapait. Pero kailan nga ba ang tamang panahon at oras? Its actually a question of sincerity, do we want change? And those poses to lead the so called change are they sincere? At this point ang pagbabago eh hindi sa kalye nagsisimula -- sa sarili muna.


"Fast is slow... and slow is fast"

-Stephen Covey (7 Habits of Highly Effective People)

Friday, November 16, 2007

Ingat! Modus Operandi sa Bus

Pambihira ang mahal na nga ng pamasahe! tapos magaganito ka pa sa bus... sobrang hirap ng panahon, at bukod sa bawal magkasakit isa pang bagong batas lalo na sa kalye eh bawal ang maging tanga...

Malupit ang kalsada... kumakain ng mga tanga...

I'm posting one of this true story(daw)circulating thru mails -- Modus Operandi ng mga bus... makabagong Zesto boys to! at least sa mga Zesto Boys meron kang Otsenta pesos na drinks pero dito wounded ego lang... it won't do harm if we be a little cautious...

read on


WARNING TO ALL COMMUTERS!

Subject: Fw: Modus Operandi sa Bus]

(True story)


hindi ko na sana ikukwento kasi akala ko aksidente lang.....

AKALA KO AKO LANG!...UNG PALA MERON PANG IBA NA MABIBIKTIMA NG GANITONG
SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG
PUPUNTAHAN MO. ..kawawa ka naman....maglalakad ka....

(based on my own experience sa isang aircon bus....)

last september 6, 2007, 4pm ako ay nagpunta sa cubao at bumili ng ticket
(going to baguio ) sa victory liner cubao. sumakay ako ng aircon bus from
victory liner (cubao) to robinsons galleria (going back sa office in
ortigas)

....ang pamasahe po ay P10 from cubao to robinsons galleria... at ako po ay
nagbigay ng P100 sa kundoktor... binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung 100pesos na binayad ko, sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P Tuazon (near araneta center)...pinaalala ko uli ung sukli ko sa konduktor... tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"...... ."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor

so, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor... (luminga- linga lang) parang deadma ba?....

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight). ..tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko... eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot ko...

sabi ng kundoktor... "Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo maginit ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...

dun na kami nagkasagutan. ...at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..

tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya....

eto ang sabi nung driver.... ' ABA ..PARE.. .HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong ung...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,, ung driver at yung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...

Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO UNG PINTO...BABABA NA AKO..LAMLAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa pagkakataong ung, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station)ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...

So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....

Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)...

May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli.

Sya daw ay galing sa may Timog ...sya ay baba sa may Boni....

Naalala ko ung nagyari sa'kin ...nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...

"MISS...MISS. ..SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR... KITANG KITANG KO"....

Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....

Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong- pareho ng ginawa dun sa babae...

Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningna n ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor...

Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...

Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...

pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un hindi sinuklian?.. . "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR... .UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK.. .SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...

so samakatuwid. ..hindi lang pala holdaper at snatcher ang titinang mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????

Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....

Salamat po.

Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti

Wednesday, October 31, 2007

Kagawad at SK Elections


20 days before the elections ito lang ang nakapaskil sa gate ng eskuwelahan kung san mangyayari ang botohan, akala ko trip-trip lang kung bakit may poster don pero ayun pala eh eleksyon na naman!?!

Hindi ako makapaniwala na mas prestihiyoso na ang Baranggay elections ngayon! Sa lugar namin, kumpleto na ang eleksyon with tarpaulin posters at mga leaflets / flyers na pumupuno sa kanal ng eskuwelahan, pahirapan na naman ito sa paglilinis...

Ang galeng nga eh... nawe-weirduhan lang ako, bakit naging seryoso ng ganito kalupit ang baranggay elections?!? May power and authority naman talaga ang mga baranggay officials, para silang miniature form of government. siguro dahil na rin sa hindi ako madalas sa lugar namin kaya hindi ko na halos din kilala ang mga tumakbo. Hindi ko rin kabisado ang mga plataporma ng mga opisyal at kung meron silang nagagawang malupit, pero ang alam ko maluwag ang palengke namin, hindi na masyadong bahain, at may humahakot ng basura...

Tanong ko din sa sarili ko kung para san ang SK. oo naman definition-wise para magkaboses ang kabataan yada yada... pero bukod sa mga paliga at paconcert hindi ko na rin sila masayadong naririnig, nakakapaglagay kaya sila ng mga bagong libro sa municipal library? o mga tulong sa estudyante para sa kanilang pag-aaral? hindi ko talaga sigurado, saka hindi naman ako sobrang nakatono sa pulso ng politika sa lugar namin. Fault ko yun na parang wala akong pakialam, pero sino naman ang makakasisi diba?


nakapout!?? non-conventional sya sa talaga sa mga karaniwang smileys and all... hmn... bat ganun?!?

O sige kunyari tibak ako... YAARRRRGHHHH! ang dami dami nang eleksyon! Pagbabago naman!! wouuu!!

Tuesday, October 30, 2007

Do You Believe in Ghost


picture to sa labas Manila City Hall >> kung papansinin nyo yung sa bandang upper right, yung may purple noise na... wala kayong makikita dun... :D

Hmn... ang totoo talaga hindi pa ako nagkakameron ng first hand experience with Ghostly creatures. Wala pa din akong nae-encounter about na talagang sobrang creepy. Maliban sa mga miraculous na paglipat lipat ng remote control nung isang beses na puyat na puyat ako habang nanonood ng TV.

Pero kung ang tanong eh naniniwala ba ako sa multo. I would say "Oo!" Naniniwala ako sa multo... bukod pa sa sinabi sa Bible ang katotohanan na meron nito. Multo ang ituturo kong dahilan kung bakit napakalamig sa Chapel sa lugar namin pag gabi kahit maailinsangan sa labas, multo rin ang ituturo ko pag pakiramdam ko eh may sumusunod sa akin pagnaglalakad sa madilim na parte ng street namin, multo rin ang dahilan kung bakit biglang nagkakameron ng nuclear attack sa base ko ng wala akong kamalay-malay (wow! old school star craft!), Multo rin ang nasa dako paroon!

Hindi nga seriously naniniwala talaga ako sa multo, but with my belief and all... hehe, ok na yung paniwalaan ko na sila kesa magkameron pa ako ng first hand experience.